Story By Ritmo Y Syggrafeas
author-avatar

Ritmo Y Syggrafeas

ABOUTquote
I am an author who chooses to express my feelings into writing.???? Thank you in advance I hope that through my writing I can touch the lives of many.
bc
MIGUELITO By: Ritmo Y Syggrafeas
Updated at May 10, 2024, 06:14
Taong 1666 sa Bansang Slovania ipinanganak Ang batang si MIGUELITO Del Fuego. Nagkataon mismo na kinain ng Dilim Ang araw ng iluwal Ang sanggol o mas kilala natin sa katawagang Total Eclipse. Ayon sa paniniwala na may dalang kamalasan ang sino man na ipinanganak sa ganitong phenomena. Nagkataon pa ito sa taong 1666 , Ika anim na buwan ng taon o Hunyo, Ika anim na araw at sa puntong alas sais ng hapon. Agad namatay Ang Ina ng sanggol pagkaluwal dito. Inatake naman sa puso Ang kanyang ama ng malaman Ang naging kapalaran ng kabiyak sa panganganak. *** Dahil sa pangyayari napagpasyahan ng kanyang natitirang pamilya na sunugin Ang sanggol pagka't sa paniniwala na isinumpa ito at maghahatid lamang ng panganib sa kanila. Hindi naman ma sikmura ng kumadrona na nag sieste para mailuwal Ang sanggol sa kapalarang nais ipataw ng kapamilya nito. Agad niyang itinakas Ang sanggol tinalon niya Ang bintana ng Bahay at may pagmamadali itong tumakas tangay Ang musmus na sanggol na inabandona na ng kapamilya ng ama't Ina. Naawa Ang kumadrona pagka't na ulila na ito sa magulang, itinakwil ng kapamilya at balak pang ipapatay dahil sa paniniwala na Hindi pa sigurado kung totoo. Agad tumakas Ang kumadrona at Hindi alam Ang patutunguhan. Hindi niya alam Kung saan niya itatago Ang sanggol para maligtas ito sa kamatayan. *** Habang papatakbo sa madilim na daan siya ay dinala ng kanyang paa sa Isang Simbahan. Noong panahon na iyon Isa sa pinakama impluwensiya na sangay sa komunidad Ang Simbahan. Agad siyang kumatok ng kumatok sa Dis Oras ng Gabi. *** Habang mahimbing na natutulog si Padre Gabriel ay ginising siya ng sunod sunod na katok na may pagmamadali. Agad niyang kinuha Ang Gasera at hinanap Kung saang bulwagan ito galing. Doon niya napagtanto na ito mismo galing sa bulwagan ng Simbahan na pinagdarausan ng Misa. Kahit nag alinlangan ay kanyang binuksan Ang tarangkahan at doon niya nakita na Isang Babae na may bitbit na sanggol na halatang kapapanganak pa lamang dahil may bahid pa ng dugo Ang ipinangbalot dito. Agad niyang binigay Ang bata sa Pari at nagbilin na kahit ano mangyari huwag na huwag ibigay Ang sanggol pagka't ninais ng Pamilya nito na ipasunog Ang bata sa paniniwalang malas ito dahil ipinanganak sa Oras na nabalutan ng kadiliman Ang araw. Agad ito umalis pagkatapos nagpasalamat. *** Walang nagawa si Padre Gabriel kundi ipasok ang bata, linisan at pansamantalang balutin ng kanyang lumang sotana na gamit sa Misa. May pag alinlangan man si Padre Gabriel sa pagdating ng bata Wala siyang magagawa Lalo na ayon sa babaeng nag Iwan dito ay nasa kapahamakan Ang kanyang Buhay. Buo ang paniniwala ng Pari na Ang lahat ng sanggol ay biyaya, mayroong dahilan bakit binigay ng Diyos Ang sanggol sa kanyang pangangalaga. *** Dahil walang kaalaman ang Pari sa pangangalaga ng sanggol humingi siya ng tulong sa mga Madre sa kabilang kumbento. Nag agawan naman Ang mga ito na mag-alaga sa bata. Nakaka akit Ang mukha ng bata halos lahat ng Madre nanggigigil Lalo na pag umiiyak ito. Bininyagan ang sanggol sa kanilang pangangalaga at binigyan ito ng pangalang "MIGUELITO". *** Nang matuklasan ng Pamilya ang pagkawala ng sanggol, agad silang kumilos para hanapin Ang kumadrona pero ayon sa kanyang kapitbahay Hindi na ito naka uwi pa magmula ng umalis ito para magpa anak. Makalipas Ang Labing limang taon..... Abala ang mga seminarista sa kanilang aralin. Pitong taon pa Ang kanilang pupunuin para matapos ang adbokosiya na kanilang pinili. Pagkatapos dalawang taon na panilay nilay Kung talagang buo ang kanilang loob para maging lingkod ng Diyos. *** Simula ng magkaisip si MIGUELITO De Fuego ay kasa-kasama na siya ng kanyang kinagisnan na Ama si Father Gabriel. Sa murang edad na Limang Taon naging sakristan na siya o Altar Server. Pinangarap niya na maging katulad ng kanyang Ama pero Hindi lingid sa kanyang kaalaman na inaruga lang siya nito ng Iwan siya sa Simbahan. Ang De Fuego na apelyedo ay apelyedo ni Father Gabriel. Hindi naman strikto ang opisyal ng tagatala ng mga batang ipinanganak kaya Hindi naging issue Kung bakit siya naging De Fuego at si Father Gabriel Ang kanyang ama na Isang Pari at Wala siyang Ina. Ito Ang panahon ng katanyagan ng Relihiyong Romano Katoliko. May mahalagang papel Ang Simbahan sa pamumuno kahit sa pananakop sa ibang bansa Kasama Ang mga Pari. *** Nang magsimula maging seminarista si MIGUELITO madami Ang kababaihan na kanyang ka edad Ang sumisimba. Gwapo ito, may matatalas na mata. Wala sa Sistema ni MIGUELITO na bigyan pansin Ang bulgar na pangaakit sa kanya ng mga kababaihan. Buo ang kanyang pasya na siya ay magiging Pari pagdating ng araw. Suportado naman siya ng kinikilalang ama. Lumaki man siya sa piling ng Pari, kahit kailan Hindi niya nadama na may kulang sa kanyang pagkatao. Napamahal na siya Kay Father Gabriel at sa pamilya ng Pari. Arugang aruga siya ng kanyang nakagisnang Lolo at Lola. Abangan???
like
bc
Magdalena: Tukso ng Makasalanan By: Ritmo Y Syggrafeas
Updated at May 8, 2024, 19:43
Sa karimlan ng gabi sumulpot ang babaeng kasagutan sa pantasya ng kalalakihan na hayok sa laman. Ang kanyang pakay ay mga kalalakihan na uhaw sa makamundong kaligayahan. Matapos niyang paligayahin ang kanyang natipuhan ng gabing iyon ay biglang binasag ng isang nakakakilabot na palahaw ang nakakabinging katahimikan ng gabi. Nakatirik ang mata at hubo't hubad ng matagpuan ng otoridad ang walang buhay na katawan ng lalaki. Laganap ang patayan at lahat ng biktima ay pawang suki ng bahay aliwan. Mga lalaking sakit sa ulo ng kanilang Asawa. Mga iresponsableng ama ng tahanan. Sumilay ang ngiti sa labi ni Magdalena dahil mababawasan na naman ang mga makasalanang haligi ng tahanan. Mayroon naman siyang mapapalaya na maybahay na katulad niya na minsang inabuso at niyurakan ang pagkatao. Isinumpa niya sa kanyang sarili na bago siya mamatay uubusin niya lahat ng kalalakihan na patuloy tumatangkilik sa imoral na gawain. Katulad ng ginawa niya sa kanyang Mister matapos siyang mahawaan ng sakit na unti-unting gumagapi sa kanyang pagkatao. Abangan si MAGDALENA " Tukso ng Makasalanan ".
like