Prologue

1095 Words
"Kung ako po ay inyong ihahalal, paghuhusayan ko po ang aking tungkulin bilang kagawad..." Tumigil sa pagsasalita ang babae nang marinig ang malakas na tawanan. "Akala ko ba chairman ang tinatakbuhan niyan?" bulong ng isa. "Akala siguro kagawad ang tagalog ng chairman." Nagtawanan ang dalawang babaeng nag-uusap. "Kung bakit ba kasi ang lakas ng loob tumakbo sa SK election. Ano bang alam niyan kung hindi maging anak ni Congressman Posadas?" "Naku, baka nga manalo pa rin dahil sa impluwensya ng ama." Tahimik lang na nakikinig si Devon habang inihahanda ang sarili sa gagawing speech. Kahit pa kalaban niya ang babaeng nagsasalita sa harapan, hindi niya maiwasang maawa dito. Mukha kasi itong walang alam sa sinasabi at napilitan lang. Lalong nagtawanan ang mga tao nang bigla na lang itong mag English. Mukhang naubusan na ng tagalog at kahit bisaya ay hindi rin ito marunong. "Boo! Magbisaya ka!" narinig niyang sigaw ng isang lalaki. "Wala naman tayo sa Amerika." Hindi alam ni Devon kung saan kumukuha ng lakas ng loob ang babae at tinapos pa rin nito ang speech. Ibinaling niya na lang ang atensyon sa ginawang talumpati. "Hoy." Napatingin siya sa lalaking tumabi sa kanya. Si Marco iyon, ang bestfriend niya na myembro ng banda. May intermission ang banda ng lalaki sa ginanap na SK campaign kung saan bawat tatakbong kandidato ay magtatalumpati. "Mukhang malaki ang pag-asa mong manalo," tumatawang sabi ni Marco habang nakikinig sa speech ng babae. "Wala akong maintindihan sa plataporma ng kalaban mo 'e." "Hindi ka lang kasi nakikinig," sabi ni Devon. "Wala, talo na 'yan. Sana si Monique na lang ang tumakbo." Napatingin siya sa kaibigan. Si Monique ay ang girlfriend nitong anak ni Congressman Posadas. Nagkakilala ang dalawa nang minsang mapadaan ang dalagita sa bar kung saan nag-perform ang banda. Simula noon, palihim nang nagkikita ang dalawa. Mabait naman si Monique at kahit mayaman ito ay hindi mapangmata. "Ate 'yan ni Monique," kwento ni Marco. "Galing Amerika. Napilitan lang yan dahil kay congressman." "Tsismoso ka talaga 'no?" napapailing na tudyo ni Devon. Natawa lang si Marco. Maya-maya ay bumaba na ang babae. "Ikaw na, pre," tinapik siya ni Marco sa balikat. "Goodluck, kung matalo ka. Isa lang ibig sabihin noon. May kinalaman si Congressman Posadas." Isang malakas na sigawan ang narinig mula sa mga kabataang naroon. "Devon! Devon!" Nakasalubong niya ang babaeng kandidata nang pababa na ito sa stage at saglit na nagtama ang mga mata nila. Hindi niya alam kung galit ito o naiinis sa kanya. Binawi niya ang tingin at umakyat na sa entablado. Hapon na nang matapos ang program kaya naman nagpaalam na si Devon sa mga kasama na nag-kwekwentuhan pa. Naglalakad siya palabas ng school kung saan ginanap ang program nang madaanan ang isang puting van. Dahil abala sa pag-uusap ang mga tao roon ay hindi siya napansin. "Pa, I'm sorry. I told you, si Monique na lang dapat." "Julianne, Monique has done her part. I'm very proud of her achievements. Consistent honor student ang kapatid mo at laging nasasali sa quiz bee. Ikaw? Pinahiya mo na nga ako nang ibinagsak mo ang isang subject mo nung nasa US ka kaya kita pinauwi dito." "Dad, I don't want to be a politician." Napabuntong-hininga ang matandang lalaki, "You will. Whether you like it or not at ito ang magiging stepping stone mo. So you better win this election or else, hihinto ka sa pag-aaral ng college at hindi mo alam kung ano pang pwede kong gawin." "Dad..." "Get in the car!" sumigaw ang matanda at hinampas ang ulo ng dalaga. Tumigil lang ito nang makitang nanonood si Devon. Kahit ang babae ay napatigil rin sa pag-iyak. Kunwari ay kararating lang ni Devon at kaswal lang na dumaan sa gilid ng mag-ama at ng apat na bodyguard. Hindi na rin siya pinansin ng Congressman at pumasok na ito sa loob ng kotse. Bago tuluyang makalayo si Devon ay nilingon niya ang mag-ama. Nakita niyang tumingin muna sa kanya ang dalaga bago pumasok sa loob ng van. "Umatras ka sa eleksyon?" gulat na gulat na tanong ni Rosalie. "Naisip ko lang na dag-dag responsibility lang 'yun. Isa pa, college na rin ako. 'Di naman malaking puntos iyon kung sakaling mag-apply ako para sa master's degree." "Sayang naman. Mukhang malaki pa naman ang pag-asa mong manalo," halatang nanghihinayang si Rosalie. "Ikaw nga sana ang iboboto ko." Napangiti si Devon. Tila naman tumalon ang puso ng dalagita. Seryoso kasi ang nobyo at madalang na ngumiti. "Ayaw ko ring mawalan ng oras sa'yo, Rose," pagtatapat ni Devon. "Palihim na nga lang tayo kung magkita e." Lalo namang kinilig si Rosalie. Kulang na lang ay himatayin na siya nang hawakan nito ang kamay niya. "Rose, sabihin na kaya natin sa papa mo na tayo na." Kahit natuwa ay nakaramdam ng tampo ang dalagita. Hindi niya alam kung bakit takot na takot ang lalaki sa daddy nito. "Bakit sa papa ko lang? 'Di ako lang napagalitan." "K-kasi kilala mo naman si papa..." "No! Kung seryoso ka talaga, sasabihin mo rin sa mga magulang mo." Napabuntong-hininga si Devon, "sige na." "Ano?" "Pagkagraduate ko, sasabihin ko kila papa." "Talaga?" Nakangiting tumango si Devon, "Huwag ka nang magtampo." Nagulat na lang si Rosalie nang isandal siya ng lalaki sa malaking puno at angkinin ang mga labi niya. Masayang umuwi ang magkasintahan pagkatapos pagsaluhan ang isang matamis na halik. Pero hindi nila alam ang kaguluhang naghihintay pagbalik sa kani-kanilang bahay. "Devon, bilisan niyo, sinusugod ang bayan natin ng mga armadong grupo," umiiyak na sabi ng isang ale na nakasalubong nila. Nagkatinginan ang dalawa at mabilis na tumakbo pauwi. "May the souls of the departed lie in your arms, Oh Lord. In the name of the father and of the son and of the Holy spirit..." "Amen," sabay-sabay na sagot ng mga taong nakasuot ng itim na damit. Pagkatapos basbasan ng pari ang libingan ng mga binawian ng buhay pagkatapos ng isang madugong enkwentro, isa-isa nang umalis ang mga nakipaglibing. "Devon, hindi kita lubos na kilala but I will never forget what you did. Ikaw sana ang SK chairman kung hindi ka umatras. I don't know what made you changed your mind but thank you. Kung hindi dahil sa ginawa mo, hindi na ako makakapagpatuloy ng college at siguradong isusumpa ako ni daddy. Hindi man lang kita napasalamatan. Kung nasaan ka man, may you rest in peace," tahimik na bulong ni Julianne sa sarili bago nag-iwan ng isang pirasong bulaklak sa puntod ng lalaki. Maya-maya ay tinawag na siya ng driver kaya nilisan na ng dalaga ang sementeryo. Wala ng tao sa lumang sementeryo nang dumating ang isang nakaitim na lalaking may benda sa ulo. Pinulot nito ang bulaklak na nakapatong sa nitso ni Devon at nilaro iyon habang binabasa ang nakasulat sa lapida. DEVON EARL MACARAIG June 14,1987-May 15,2009 "Hindi ko mapapatawad ang ginawa niyo sa pamilya ko," galit na sabi ng lalaki bago gigil na niluray ang bulaklak gamit ang kamay. "Hintayin niyo ang pagbabalik ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD