Prologo

857 Words
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Tiara bago marahang pinihit ang seradura nang unit ni Leo, ang kanyang boyfriend. Nag-text sa kanya ang kanyang kaibigan na nakita raw nito si Leo na pumasok sa unit nito na may kasamang babae, pagkatanggap sa text ay agad siyang nagtungo sa tinutuluyan ng kanyang boyfriend, mabuti na lamang at binigyan siya ni Leo ng susi sa unit nito kaya malaya siyang nakapasok sa loob. Hindi talaga siya magdadalawang isip na hiwalayan ang nobyo sa oras na mahuli niya ito sa akto, matagal na sila ni Leo at ilang malalapit na kaibigan na niya ang nagsabi sa kanyang kung kani-kaninong babae lang pumapatol ang kanyang boyfriend pero hindi niya ito pinaniwalaan dahil sa sweet naman ang boyfriend niya sa kanya tuwing magkasama sila, talagang hindi niya ito pinagdudahan. Dahan-dahan siyang naglakad sa loob nang unit, ang kaninang kabadong dibdib niya ay mas lalo pang naging kabado ng makita niya sa may sala ang mga nagkalat na damit, isa-isa niyang kinuha ang mga damit at napatakip na lang siya sa kanyang bibig habang pinipigilang huwag maiyak ng makita niyang may undergarments ng isang babae sa sahig, hindi kanya ang undergarments na iyon at never magkakaroon no'n sa unit ni Leo kaya sigurado siyang may iba itong babaeng kinahuhumalingan. Tang-ina, mura niya sa kanyang isip. Initsa niya ang mga damit sa may upuan at naglakad patungo sa kwarto ng nobyo, hindi pa man siya nakakalapit ay dinig niya ang mga impit na ungol ng dalawang taong nagtatalik sa loob ng kwartong iyon. Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pintuan ng kwarto. Hindi siya napansin ng dalawa dahil nasa milagrong ginagawa ang atensyon nila, tila binuhusan naman siya ng napakalamig na tubig ng makita ang dalawang taong nagtatalik sa ibabaw ng kama, naroon ang kanyang nobyo pero ang ikinagulat niya ay ang makita ang mukha ng babaeng katalik nito, walang iba kundi ang kanyang kaibigan na nagtext sa kanyang may kasamang ibang babae ang kanyang nobyo, tinutukoy pala nito ang kanyang sarili. "Mga hayop kayo!" Nabigla ang dalawa sa kanyang presensya at agad na nabitawan ni Leo ang babaeng katalik, habang si Selena, ang kanyang traydor na kaibigan ay agad nagtakip ng kumot sa katawan. Gusto niyang maiyak sa nasaksihan pero hindi iyon ang oras para magdrama. "T-tia-ra." Utal-utal na sambit sa kanya ng kanyang boyfriend na ngayon ay ex-boyfriend na niya. "Putangina, ang bababoy niyo." Sigaw niya sa dalawa at agad sinugod ang kanyang kaibigan, parang gusto niya itong bugbugin at balatan ng buhay at itapon sa ilog pasig ang bangkay, sa dinami-dami ng lalaking pwedi nitong patulan bakit boyfriend pa niya? "T-tama na, kasalanan ko bang mas masarap ako sa kama kaysa sa'yo?" Bulyaw sa kanya ni Selena habang denedepensahan ang sarili sa mga sapak niya, pilit naman siyang pinipigilan ni Leo. Mas lalo pang sumidhi ang galit niya sa kaibigan dahil sa tinuran nito, sarap patayin ng mga malalanding katulad nito. "Puta ka, edi kayo na, magpakasarap kayo." Sigaw niya at isang malutong na sampal ang iginawad niya sa kanyang kaibigan at sa kanyang dating nobyo. Huli na sila para pigilan ang paglanding ng kamay niya sa mga pisngi nila, at least kahit papaano ay nakaramdam siya ng saya, pareho na silang nasasaktan, ang kaibahan nga lang siya emotional habang sila pisikal. Pero, tang-ina, ang sarap sa pakiramdam na kahit papano ay nakaganti siya sa kababuyan nila. "Tiara, let me explain." Saad sa kanya ng kanyang boyfriend habang mabilis na isinuot nito ang kanyang boxer at sinundan siya palabas ng unit nito. "Explain? Mag-explain ka sa lolo ng lola mo." Bulyaw niya rito at muling tinalikuran ang lalaki, pilit naman itong sumusunod sa kanya at pinakikiusapan siyang mag-explain. "Tiara please." Sumamo nito sa kanya pero nagmatigas siya, nagawa siyang lokohin ng boyfriend niya at hindi imposibleng gawin nito ulit ang ginawa niya at hindi siya magpapakatanga sa kanya, neknek niya. Pinihit niya ang seradura at akmang aalis na ng magsalita na naman si Leo. "Tangina mo, sige lumayas ka at huwag na huwag ka nang bumalik sa akin, akala mo naman ikaw lang ang babae sa mundo, punyeta!" Sigaw ni Leo sa kanya, aaminin niyang nasaktan siya sa tinuran nito pero pinilit na lang niyang huwag magpaapekto rito at nilisan na ang unit ni Leo. Nagpupuyos sa galit ang kanyang puso, paano nito nagawang lokohin siya? Paano nagawa ng dalawang taong malalapit sa kanya na lokohin siya? Pinindot niya ang button ng elevator pabukas. Agad siyang pumasok sa loob at tinipa ang button papuntang basement ng building. Pagkarating niya sa basement ay agad siyang nagtungo sa kotse, pagkapasok sa loob ay doon na niya inilabas ang emosyong kanina niya pa pilit na pinipigilan. Ganoon na lang ba kadali para rito ang ipagpalit siya? Ginawa niya naman ang lahat para hindi masira ang kanilang relasyon, kapag gusto nitong makasama siya ay gumagawa siya ng paraan para magkita sila kahit pa gaano siya kabusy sa trabaho, pero ito lang pala ang kapalit ng lahat ng ginawa niya, sinayang lang nito ang ilang taong pinagsamahan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD