Chapter 1:

1695 Words
       "Wooohhhh! Yeahhhh!"           Malakas na sigaw ng kaibigang si Gian habang masayang nakikipagsiksikan sila sa dance floor ng bar na iyon sa Makati.        "Mabuti naman at nagkaroon na tayo ng time to hangout." Malakas na turan ng kaibigan nang makabalik sa kanilang mesa.       "I got so busy lately! Alam mo naman." Ngiti rito.      "I know? Ikaw ba naman ang maging CEO ng kompaniya di ba?" Tawa pa ng kaibigan.        "Wooohhh. Turn left, with the red dress." Maya-maya ay turan nito.          Agad na sinunod ang sinabi nito at nakita ang isang seksi at matangkad na babae. Napasulyap siya sa puwetan ng babae at mukhang may ibubuga naman.       "Seksi dude!" Buyo nito sa kaniya.        Napatawa siya saka nagbukas ng beer. Muling bumaling ang ulo at may nasipat na babae sa di kalayuan. Mukhang bumabaha ang magagandang babae ngayon aa kinaroroonan nilang bar.       "How about the one in you right side with the white top." Wika naman rito na napansing agad ding umikot ang ulo.      Nakita nito ang babaeng sinasabi.       "Oh s**t! Wala ka pa ring palya dude! May ibubuga." Gilalas nito sabay tungga.        Malakas ang tugtog. Maraming naggagandahang babae at masarap na inumin. Ano pa bang hahanapin nila sa lugar na kinaroroonan. Maging siya ay hindi rin mapigilan ang sayang naramdaman sa sandaling iyon. Hanggang sa mapansin na napatigil ang kaibigan at nakatingin sa partikular na direksyon. Nang lingunin ang tinitignan nito ay isang maganda at seksing babae ng nakita.         "Kilala mo ba?" Untag rito at agad namang lumingon sa kaniya.          Maganda ang babae, tila hinulma ng magaling ka manlililok ang kurba ng katawan nito.        "She's pretty!" Di mapigilang komento sa kaibigan.         "Are you sure? Hindi mo siya kilala?"         "Ah! Akala ko kilala ko pero iba pala,"  anito na ngayon ay nakaharap na rin ang babae sa direksyon nila.          Napalunok si Terrence ng makita ang kabuuang mukha ng babae. Mas lalong napako ang pansin ng makita ang mukhang tila pininta ng magaling na pintor. Perpekto ang maninipis nitong labi na tila kay sarap halikan. Ang mga mapupungay nitong mga mata na tila nangungusap.        Hawak ang bote at muling tumungga habang pinagmamasdan ang babaeng nakaagaw ng pansin niya.        "Are you sure hindi siya isa sa mga ex mo?" Maang pa sa kaibigan dahil bigla itong tumahimik.        "Nope!" Tipid na sagot nito.        Muling tinapunan ng tingin ang babae. Kakaiba ang pakiramdam kahit hindi ito nakaharap sa kinaroroonan niya ay tila hinahatak nito ang kaniyang mga mata upang tignan nita ito.        "How about the one on your back?" Narinig na turan ng kaibigan pero hindi siya sumunod. Mula nang makita ang babae ay iba na ang pakiramdam. Tila may magnetong humahatak sa kaniya upang lapitan ito at kilalanin.         "Ohhhhh! You can't believe this dude. Look that lady!" Bundol ng kaibigan ngunit tuon na ang pansin sa babaeng nakita nito.       Sa isip ay nabubuo ang planong lapitan ang babae. Well, papalampasin pa ba niya ang pagkakataong may umagaw sa pansin ng isang Terence Borromeo.         Kaya agad na humakbang papalapit sa babae.       "Hoy! Renz saan ka pupunta!" Tawag pa ng kaibigan ngunit hindi na siya nagpapigil pa.           "Hi!" Bungad sa babaeng kanina pa tinitignan.           May pagtataka sa mukha nito ngunit agad din itong napalis saka ngumiti ng ubod tamis.          "I'm Terrence," pakilala pa. "And you are?"           "Ligaya," pilyang ngiti ng babae sabay lahad ng palad nito.           Alam niyang hindi ito nagsasabi ng totoong pangalan nito kaya umiling siya na agad namang napansin ng babaeng kausap. Tumawa ito saka muling binukas ang mapupulang labi nito.          "Hindi ka naniniwalang Ligaya ang pangalan ko di ba?" Anito na siyang totoo naman.         "If I know," aniya na kinatawa pa nito.         "Terrence, I'm Joy kaya in tagalog Ligaya. Actually, Mary Joy ang pangalan ko. Kaya lang masyadong banal ang Mary kaya Ligaya na lamang," malambing na wika ng babae sa kaniya na saktong inabot na ng bartender ang order nitong drink.          "Are you alone?" Agad na tanong rito.         "Yeah, masyadong toxic ang life kaya gusto kong magsaya ngayon," anito saka ngumiti ulit na tila ba inaakit siya.        "Dude!" Tawag ni Gian sa kaniya na palapit na.        "Pare naman, bigla-bigla kang nang-iiwan," angal pa nito ng nasa harap na nila.        "Gian, she's Joy." Pakilala niya sa kaibigan.           Hindi niya malaman kung bakit tila kakaiba ang kinikilos ng kaibigan sa sandaling iyon. Panay ang sulyap kay Joy dahilan para mainis na siya. Ngunit nagpigil lamang siya nang magsalita si Joy.        "May dumi ba ako sa mukha?" Dinig na tanong nito kay Gian.          Hindi lang pala siya ang nakahalata sa palagiang pagsulyap ng kaibigan sa babae.       "Ah! Wala! Wala." Nahihiyang saad ng kaibigan.        Na mas lalo pang kinainis ni Terence. Batid niyang gusto rin ng kaibigan ang babaeng nasa harapan kaya ganoon na lamang niya itong titigan.       "Are you single," ang hindi mapigilang itanong ni Terrence kay Joy upang mawala ang pansin ng kaibigan sa babae. Halos matunaw na kasi sa klase ng titig nito.             Nakitang ngumiti si Joy saka tumahimik na tila nag-isip kung sasagutin ba siya o hindi. He was expecting na sasabihin nitong yes, I am single. Kasi kung iisipin mo ay kung may asawa ito at may kasintahan ay dapat kasama nito ang mga ito.          Ngunit nadismaya siya ng tahasang sinagot ng babae ang tanong.         "No, in fact I'm married," anito sabay taas ang daliri at kuminang roon ang isang diyamante. Isang singsing na tanda na totoong pag-aari na ito ng iba.         Tila napalingon pa si Gian kay Joy at tinitigan ito dahilan upang muling magduda sa kaibigan. Tila may gusto nga talaga ito sa babae sa tipo ng pagtingin nito.        "Nice meeting you guys."         Ang paalam ni Joy sa kanila at nang mawala ang babae ay doon lang niya binalingan ang kaibigan.       "Umamin ka nga? Do you like her?" Tahasang tanong na kinabuka ng bibig ng kaibigan.       Nang makabawi ay agad na nagsalita.       "Are you?" Balik tanong nito sa kaniya.      "I'm asking you? Para kasing hinuhubaran mo siya sa klase ng tingin mo kanina."       Umiling ito na may ngisi sa labi.       "What?" Muling gagad rito.      "Nope! Para kasing nakita ko na siya?" Turan nito na tila nag-iisip pa.       "How about you? Do you like her?" Balik tanong pa nito.      We'll he admire her. Maganda siya at seksi. Walang lalaking hindi mahuhumaling kay Joy. Maging siya man ay tila para may parte sa isipan na tila nakilala na ito o nakita o nakaharap noon. Hindi lang maalala kung saan at kailan. Hindi na lamang sinabi iyon sa kaibigan at sinarili na lamang.        Kinabukasan ay hindi na mawala sa isipan ang magandang mukha ni Joy. Kakaiba talaga ito sa lahat ng babaeng nakilala niya. Nainis lamang siya ng isiping pamilyado na ito. Nang matapos ang meeting niya sa kliyente niya ay nagpasya siyang dumaan sa isang sikat na coffee shop at napangiti siya ng makilala ang babae nasa counter ng coffee shop.        "Joy," hindi mapigilang wika na agad na ikinalingon ng babae.        "Terrence," ngiting ganti nito.           Hanggang sa nagkausap na sila. Sa isang bakanteng mesa sila naupo. Habang magkatapat sila ni Joy ay napakaganda ng babae. Ngunit mababakas sa mukha nito ang lungkot kahit nakangiti pa ang labi nito.          Agad na hinawakan ang palad nitong nasa ibabaw ng mesa. Nagtaka ito sa kaniyang ginawa, puno ng pagtataka ang mga mata nito.         "May problema ka ba?" Hindi mapigilang tanong kay Joy.           Doon ay pinilit pang ngumiti saka umiling ngunit ilang sandali pa ay tuluyang lumaglag ang luha sa mata nito. Hindi niya napigilang maawa kay Joy. Hanggang sa ikuwento nito ang buhay niya.           "Ambisyosa ako Terrence," bungad nito.            Naguluhan siya sa sinabing iyon ng babae. Paanong naging ambisyosa ito kung napakasimple naman nito.           "Taga Pangasinan ako at parehong magsasaka ang mga magulang ko. May katandaan na sila, may kapatid ako si Grace. Naroroon sila sa probensiya habang ako nandito. Maayos ang buhay dahil sa asawa ko. Madamot si Felix," tukoy sa asawa nito.          Nakita ang lungkot sa mga mata nito. Lungkot na gusto niyang pawiin.          "Para sa kaniya, siya na lamang ang pamilya ko at huwag ko nang isipin ang magulang at kapatid ko. Ayaw niyang tulungan ko sila," kuwento nito.          Sa totoo ay naawa siya sa kalagayan ni Joy. Yumugyog ang balikat nito tanda na naiyak ito.        "May sakit ang inang ko at nasa ospital siya. Ilang beses kong sinubukang tawagan si Felix dahil may out of the country siya. After so many tries ay finally sumagot siya ngunit nadismaya ako dahil imbes na tulungan ang pamilya ko ay sinabihan pa akong pabayaan ko na sila. Siya na raw ang pamilya ko at sarili ko na lang daw ang problemahin ko," mahabang kuwento pa ni Joy sa kaniya.          Nahabag talaga siya kaya dinukot ang wallet niya at nakitang may dies mil roon. Kinuha iyon at binigay rito.        "I know kulang pa ito, halika at magwithdraw pa ako," alok niya rito.        Agad na umiling si Joy nang ibinibigay nito ang pera. Ngunit agad na hinuli ang palad at binigay iyon.         Binigay na rin dito ang kaniyang calling card upang magkausap sila kung kailangan nito ng tulong. Wala na siyang pakialam pa kung may asawa na ito o pamilyado na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD