Chapter 1: Meet Ria Agustin

1675 Words
Ria "SUSMIYONG bata ka! Kailan ka ba madadala? Araw-araw, linggo-linggo, nandito ka sa office ko! Wala ka na bang gustong gawing matino sa buhay mo, ha?!" Nakayuko lang ako habang nakapameywang ang principal sa harap ko. Hindi dahil sa guilty ako, kundi dahil nararamdaman ko na ang pagbaba ng talukap ng mga mata ko sa tagal niyang magsalita. Daig pa ang pari kung manermon eh. “Nakikinig ka ba?” Umangat ang tingin ko at nakitang nakataas na ang isang kilay nito. "Tapos na po ba kayo?" walang gana kong tanong. "Aba bastos ka ah!" Luh. Nagtanong lang eh. "Anong oras niyo ba ako balak palabasin dito? Aware naman po sana kayo na may klase pa ‘ko, diba? Baka pati ito ikasanhi pa nang kapalpakan ko." Napailing ako. "Aba't—hayy tumataas ang blood pressure ko sa’yo!" Napatampal nalang siya ng noo. Ano bang mali sa sinabi ko? "Hindi ko alam kung anong klaseng pagpapalaki ang ginawa sa’yo ni Lenette at naging ganyan katigas ang ulo mo!" Kapatid ng Mama ko ang principal dito na si Olivia. Heto nga siya at hindi pa tapos manermon sa’kin. "Bakit niyo ba tinatanong? Papaturo kayo?" pang-aasar ko pa. Inirapan niya ako. "No thanks. Tandaan mo, kung hindi lang kita pamangkin matagal ka nang tinanggal sa school na 'to dahil sa mga katarantaduhang kinasasangkutan mo. Ang dami nang nagrereklamo sa’yo." Napapailing na sabi niya. Napanguso naman ako. "Sorry na po Tita. Alam kong mahal niyo ako tulad ng pagmamahal ko sa inyo. Kaya kung pwede wag niyo na ‘to ipaalam kay Mom. Pleasee?" Nag-puppy eyes pa ako sa harap niya at nagbaka sakaling umepekto. Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi pwede! Edi ako naman ang nanagot sa kanya!” bulyaw niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano naman? Natatakot ka kay Mama? Akala ko ba ikaw ang panganay sa inyong dalawa?" Mapang-asar akong ngumisi. Saglit siyang natahimik. "Ang akin lang naman, responsibiladad ko ‘yon bilang Principal at— at.. at bakit ba ako nagpapaliwanag sa’yo?! Basta kailangan itong malaman ng nanay mo at wala ka nang magagawa!” Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Bakit? Babagsak ba agad ang school kapag hindi mo sinabi? Hindi naman ‘di ba?” katuwiran ko. “Sige na kasi, tita! Kahit ngayon lang pagbigyan niyo na ‘ko." Hinawakan ko pa ang kamay niya para kahit papano ay makatulong. "Siguradong kapag nalaman niya, grounded na naman ako. Mawawalan ako ng pera pambili ng pagkain tapos magugutom ako. ‘Di bale sana kung pakakainin niyo ‘ko, ayos lang." Inirapan niya ‘ko. “Asa ka.” Napanguso ako. Kasalanan 'to ng lalaking ‘yun eh! Sukat ba naman kasing ipahiya ako pagkatapos siyang ma-reject. Natapakan yata ang ego ng gago. Kaya ayun, sa sobrang inis ko nasapak ko. Kaso mali talaga eh, bakit parang kasalanan ko pa? "Oh siya, sige na! But in one condition," Tss. ‘Yun na ‘yun eh. Magsasaya na sana ako kaso may idinagdag pa. Paasa. Napakamot ako sa buhok. "Ano na naman?" iritado kong tanong. "Kahit ngayong buwan lang. Kahit ngayon lang, pwede ba, wag ka na munang babalik sa office ko? Bawas-bawasan mo ang pakikipag-away. Understood?" Naging seryoso ang mukha niya. Bumagsak ang balikat ko. "Parang ang hirap naman." Umamba siya ng batok sa’kin kaya mabilis kong iniharang ang mga kamay ko sa mukha. “Child a***e ‘yan!” Turo ko sa kamay niyang natigil sa ere. “Ikaw ang umaabuso!” Bumalik siya ng upo sa table. "At anong mahirap don, aber?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Ayaw mo bang mamuhay ng tahimik bilang estudyante?" Umakto akong napaisip. "Parang ang boring, gusto ko kasi ‘yung may thrill." She glared at me. "Isa pa, maipupukpok ko na sa’yo ‘tong upuan,” pagbabanta niya. “Ay, grabe siya,” Napahawak ako sa dibdib. “Kung gusto mong mawalan ng trabaho, pwede naman,” pagbibiro ko. "GET OUT!" nagulat ako sa biglang pagsigaw niya. Itinaas ko ang magkabila kong kamay bilang pag-surrender habang natatawa. "Okay, okay. Masyado kayong high blood eh. Easy lang, baka mapabilis buhay niyo." Inabot niya ng mabilis ang isang libro kaya nag-ala flash rin akong nawala at tumakbo palabas ng office. Grabe talaga ‘yun! Inayos ko ang ilang hibla ng buhok na humarang sa mukha ko at naglakad palayo ng Principal’s office na parang walang nangyari. Bigla akong napailing nang maalala ang sinabi ni Tita. Masama bang sulitin ang buhay ko habang bata pa ako? Ito lang naman ang nagpapasaya sa’kin. Habang naglalakad ay bigla akong napatigil nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone sa bulsa ng short ko. Mabilis akong tumakbo papuntang cr para magtago at nagkulong sa isang cubicle. Mabuti nalang walang ibang tao dito. Itinaas ko ang skirt ng uniform ko na above the knee at dinukot sa bulsa ng short ang phone. Bawal kasi dito ang magdala ng gadgets kaya kailangan talaga mag-ingat. Hindi mabubuo ang araw ko nang hindi kasama ang phone noh. Nakita kong may missed call galing kay Mom kaya tumawag ako pabalik sa kanya. "Hey! Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag?" bungad niya sa kabilang linya. "Duh, nasa school ako. Bakit ba?" "Ano ka ba, I just missed you," kunwaring paglalambing niya. At base palang sa tono ng pananalita niya, mukhang may ideya na ako sa kung anong tumatakbo sa isip niya. Napairap ako. Alam ko na kasunod nito. “By the way, naalala mo ‘yung kaibigan ko na ipinakilala ko sa’yo noon? May anak siya—“ “Ayoko.” Inunahan ko na siya. “—na ka-edad mo, gwapo pa!” Napabuga nalang ako ng hangin. Sabi ko na budol na naman ‘to eh. "Bye Ma," paalam ko. Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya at pinatay na agad ang tawag. Heto na naman siya. Palagi nalang akong inirereto sa mga lalaking natitipuhan niya. Porque gwapo handa na siyang ipamigay ako. Tss. Akala niyo nakakatuwa ‘yung ganon? Para sa’kin, hinde! *** 1 MINUTE. Ang bagal. Abala sa pagsasayang ng boses ang teacher sa harap ng klase habang ako ay nakatitig sa wristwatch ko. "10.." bulong ko. "9.." "Bakit nagbibilang ka?" Hindi ko pinansin ang chismosa kong katabi. "6.." "Ang weird nito." "3.." Napangiti ako. Bigla akong tumayo sa pagkaka-upo kaya automatic na napatingin sa’kin ang teacher. "Ms. Agustin, what—“ Napangiti agad ako nang marinig ang ring ng bell. "Goodbye Sir Garcia,” paalam ko sabay kuha ng mga gamit ko. Dire-diretso akong naglakad palabas habang ang mga kaklase ko ay nakasunod lang ang tingin sa’kin. Feeling ko tuloy ang ganda ko. Char! Maganda naman na talaga ako. Saktong paglabas ko ng room ay nag-vibrate na naman ang phone ko. Nagtago ako sa isang gilid at saka sinagot ang tawag. "What?" inis kong tanong. "Madam. Pinapasundo po kayo sa amin ng Mama niyo." Napabuga nalang ako ng hangin. "Hintayin niyo na lang ako sa gate." "Yes, Madam." Madam amp. Imbes na dumiretso sa gate ng school, naglakad ako papunta ako sa likod ng gym. May puno roon na pwede kong akyatin. Nang marating ko ang punong tinutukoy ko ay mabilis kong ibinato sa kabilang bakod ang bag ko at pinagpagan ang mga kamay. Humawak ako sa dalawang sanga ng puno at tumapak sa katawan ng puno hanggang sa unti-unti akong makaakyat sa taas. Props lang naman ‘yung bag na ‘yun kaya ayos lang kung ibalibag. Isang notebook lang yata ang laman. "To infinity, and beyond!" Nang makatalon sa kabilang bakod, pinagpagan ko ang kamay at katawan ko. Wooh! Nakakasawa na rin paminsan-minsan ang ginagawa ko. Sa tuwing ipapasundo kasi ako ni Mom sa mga tauhan niya at hindi sa sarili kong driver, alam kong iseset-up na naman niya ako sa date. Sino ba namang matinong ina ang gagawin ‘yun? Siya lang. Kaya ayan, lagi ko silang tinatakasan. Tss. Pinara ko ang jeep na dumaan. *** "KNOCK KNOCK!" sigaw ko at ilang beses na kumatok sa pinto. Kasalukuyan akong nasa harap ng bahay ng nag-iisa kong kaibigan. Her name is Rina. Pagbukas niya ng pinto ay agad ko siyang dinamba ng yakap. "Namiss kita!" Natawa siya at pabirong hinampas ako sa likod. "Sira. Ginagawa mo dito? May kailangan ka na naman?" "Duh? May kailangan agad?" “Tinakasan mo na naman guards mo, noh?” Pinaningkitan niya ako ng mata. Hindi ko siya sinagot at naglakad papasok ng bahay nila. “Pakain.” “Wow, ano kami sponsor mo sa tuwing tumatakas ka?” Hindi ko sinagot ang tanong niya at lumapit sa ref para maghanap ng makakain. “Mag-grocery nga kayo,” utos ko habang naghahalungkat ng makakain. Wala na kasi akong mahanap na masarap. “Bigyan mo kaming pambili. Reklamador ka nakikikain ka na lang,” sarcastic na sagot niya at umirap. Kumuha nalang ako ng chips at umupo sa tabi niya. "Anong oras ka ba uuwi?" Napalingon agad ako sa kanya sa naging tanong niya. "Kadarating ko lang ah!” reklamo ko. Ngumiwi siya sa akin. "Baka pati ako makurot ni Tita kapag nalaman niyang dito ka na naman nagtago." “Edi ayos, hindi ako nag-iisa,” I smirked kaya sinamaan niya ako ng tingin. Kadalasan kasi sa tuwing tumatakas ako, sa kanila ako dumidiretso o di kaya ay gagala kami. Pampalipas lang ng oras. At least nag-enjoy muna ako bago sermunan sa bahay. *** Copyright © 2018 by itsiahty DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. NOTE: No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or any means without permission from the author.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD