CHAPTER 1

1990 Words
MARY'S POV "Mar! I'm glad you came!" Rinig kong sigaw ng papalapit na si She na umagaw ng atensiyon ko. Her name is Sheena Claire Alcantara, She for short. She's the most hyper, bubbly and childish girl I've ever known. Kaagad akong sinalubong ng yakap ni She nang tuluyan na akong makapasok ng mall. "I just came here because you kept on bothering mom just to send me here," I said to her while rolling my eyes in so much irritation. She used mom to blackmail me. So obviously, it's two against one and there's no way I could win in our argument, which obviously the reason why I'm here. "Hindi kaya. Sadyang love lang talaga ako ni tita kaya hindi niya ako matanggihan," she answered confidently to defend herself. "Whatever," irita kong sagot sa kaniya at nauna na akong maglakad. I'm a nerd and a silent type of person. Pero pagdating sa kaibigan at pamilya ko ay nagiging ibang tao ako. Just like now. I have various sides of me and it takes a lot of time to see all of those. But only rare people could see it. I am not the showy kind of person, especially when I'm not comfortable with someone. Tinahak ko ang daan patungong "School Supplies Section" habang nakasunod naman sa likuran ko si She na siyang salarin kung bakit nasa mall kami ngayon at mamimili ng school supplies sa darating na pasukan. Pinakiusapan niya sina mommy at daddy na huwag na raw mag-abala pang bumili dahil kami na raw ang bahala. For Pete's sake, iniiwasan ko ngang pumunta ng mall dahil ayoko sa masyadong mataong lugar. Hindi kasi maiiwasan na may mga matang mapapako sa 'yo at titingnan ka sa paraan na parang sinusuri ka nila at ikinukumpara nila ang sarili nila sa 'yo. Mabuti na lang ay pag-aari namin ang mall na kinaroroonan namin at kilala na ako ng halos lahat ng mga nasa paligid kaya hanggang tingin na lang sila kung ayaw nilang mapalayas. I'm a nerd but not the typical one. I'm not poor. I belong to one of the most renowned family in the business world. Hindi rin ako manang manamit katulad ng ibang nerd. I am just comfortable with clothes that aren't daring. I prefer oversized shirts, simple shirts, pants and the like. Iyong buhok ko naman ay kulot at dry dahil napapabayaan ko na at hindi rin naman ako nagpupunta ng salon kahit anong pilit ni mommy. And my eyes? It has a blurred vision that's why I am wearing an eyeglasses. I don't prefer contact lens; it is uncomfortable to wear. This is how I dressed up. Lumaki kasi ako sa lola ko na masyadong istrikto lalo na pagdating sa pananamit, ayos at kilos ko dahil masyado siyang tradisyonal, which explains everything why I became like this. I have a brother but he is busy with our business abroad. He is five years ahead of me. I am only eighteen while he's already twenty-three years old. Pagkabili namin ni She ng lahat ng kailangan namin ay kaagad namin itong pinabitbit sa kasama kong drayber papunta sa dala kong kotse. Dumaan muna kami ng ice cream parlor para bumili ng ice cream na siyang madalas naming bilhin kapag ganitong lumalabas kami nang biglaan. "Kuya, two vanilla ice cream po," magalang kong sabi sa lalaking empleyado na siyang kumukuha ng orders. "Is it your treat?" parang batang tanong ni She na pinapupungay pa ang mga mata sa harapan ko para magpa-cute. Just for the record, my family and hers were on the same level. Kilala rin sa larangan ng business ang pamilya Alcantara. Ewan ko na lang sa bruhang si She at ang hilig-hilig sa libre kahit kaya naman niyang magbayad. Palibhasa inuuna ang pagbili ng kung ano-anong kaartehan niya sa katawan. "Isn't it obvious?" tanong ko pabalik sa kaniya at pinagtaasan pa siya ng kilay. "Yey! Ang bait-bait talaga ng best friend ko! Kaya love na love kita e!" tuwang-tuwang tili niya habang nakahawak pa sa kanang braso ko ang dalawa niyang kamay. Ang ugali niyang ito ang dahilan kung bakit nagkakasundo kami sa kabila ng pagka-hyper niya masyado. She's childish, just like me. Ang kaibahan nga lang ay iyong sa kaniya ay sobra na. Nasobrahan ata ng buwan sa matris ni tita kaya nagkaganiyan. "Here's your vanilla ice cream, ma'am," sabi ng kaninang lalaki na kumuha ng order namin na siyang umagaw sa aming atensyon. Mabilis naman naming tinanggap ang ice cream na iniabot ng lalaki at agad ko na itong binayaran. "So, saan tayo ngayon?" masiglang tanong ni She na mukhang walang kapaguran sa paglalakwatsa. Nasapian ata ni Dora o baka ni Boots kaya ang hilig sa gala at ginawa ng hobby. "Uuwi na tayo. Mommy wants to see you," tanging sagot ko sa kaniya at nagsimula na akong maglakad papuntang parking lot kung saan naghihintay ang personal driver ko. "Talaga? Anong sabi ni tita? Na-miss niya raw ba ako?" sunod-sunod na tanong ni She. Habang nasa biyahe ay patuloy pa rin siya sa pagtatanong ng kung ano-ano. Nakakarindi na. Kung hindi ko lang nga siya kaibigan ay baka nasipa ko na siya palabas ng kotse. Daig ko pa nito ang may alagaing bata sa kakulitan niya. Nagpapasalamat nga ako na wala akong nakababatang kapatid pero ito naman at may alagain akong baby damulag na mas malala pa sa isang sanggol ang kakulitan at kalikutan. Panay lang ang daldal ni She hanggang sa makarating kami ng bahay. Mabuti na lang at may stereo ang kotse ko kaya kahit papaano ay natatabunan ng musika ang nakakarinding boses ni She na dinaig pa ang batang unang beses isinama ng mga magulang niya sa pamamasyal. Tumahimik lang si She nang makarating na kami ng bahay at maiparada na ng drayber ang kotse sa garahe. "Sheena, hija!" masayang salubong ni mommy kay She pagkapasok na pagkapasok namin ng bahay na katulad ni She ay hyper na hyper din. "Tita Sandra!" malakas ding sigaw ni She at sinalubong si mommy ng mahigpit na yakap. Daig pa nila ang isang taong hindi nagkita. E noong isang araw lang magkasama sila. Ewan ko nga ba at hindi maubos-ubos ang enerhiya nila sa katawan. Minsan tuloy naiisip ko na nagkabaliktad kami ng ina ni She dahil kung anong ikina-hyper nilang dalawa ay ang siyang ikinahinhin at ikinatahimik namin ni Tita Terry—Sheena's mother. "Halina kayong dalawa. Kumain na kayo. Naghanda na kami ng makakain ninyo," masayang anyaya sa amin ni mommy. Nauna na ako sa kanilang magtungo ng kusina. Naabutan ko si daddy na nakasuot pa ng apron habang may kung anong niluluto sa kusina. Maaasahan si daddy pagdating sa pagluluto. Iyon nga ang kadalasang bonding naming pamilya lalo na kapag umuuwi si kuya. "Hi, dad. What are you cooking?" malambing kong tanong kay daddy habang nakayakap ako mula sa kaniyang likuran. Daddy's girl ako pero close pa rin naman kami ni mommy. Iyon nga lang ay naiitsapwera ako kapag nandiyan si She. Sila kasi talaga ni mommy ang mas nagkakaintidihan. Nagagawa kasi nilang masakyan ang trip ng isa't isa nang walang kahirap-hirap. "Oh. My princess is here. Wanna help me cook some fish afritada?" malambing ding tugon ni daddy at ginawaran ako ng magaang halik sa ibabaw ng ulo ko. "Can I?" I asked with my eyes twinkling in delight and in excitement. Isang buwan na rin ang nakararaan noong huli kaming magluto nang magkasama ni daddy. Masyado kasi siyang naging abala sa trabaho nitong mga nakaraang linggo kaya madalang na lang siyang umuwi sa bahay. "Of course. How can I resist my only princess?" nakangiting pagpayag ni daddy kaya agad naman akong kumuha ng apron at tinulungan siya sa paghihiwa ng mga dapat hiwain habang naririnig ko mula sa kusina ang tawanan nina mommy at She. Nang matapos kami sa pagluluto ni daddy ay kaagad naming inihain sa mesa ang niluto namin. "Mukhang masarap 'yan a," natutuwang komento ni mommy habang nilalanghap ang amoy ng niluto namin. "Syempre naman, hon. Gawa yata namin 'yan ng nag-iisang prinsesa natin," masayang tugon ni daddy at ginawaran ako ng halik sa ibabaw ng ulo ko. "Hmp! Hindi man lang ninyo ako isinali," nagtatampong sabi ni mommy na ang tinutukoy ay ang pagluluto namin ni daddy nang wala siya. Bahagya naman akong natawa dahil sa itsura ni mommy na parang batang inagawan ng lollipop. "Paano naman po kasi namin kayo maaaya? E ayaw naman po ninyong paistorbo ni She sa pagkukuwentuhan," sarkastikong sagot ko kay mommy na siyang ikinatawa naming pareho. "Princess, pinagseselosan mo na naman ba itong si Sheena?" natatawang tanong ni mommy na ikinalaki ng mga mata ko. Mukha ba akong tatlong taong gulang na bata para magselos sa atensiyong ibinibigay niya kay She? Tss. "Of course not! I'm just telling the truth," depensa ko saka binalingan ng tingin si daddy. "Right, dad?" paglalambing ko kay daddy na may kasama pang pagyakap sa baywang niya para kampihan niya ako. Kapag ganito na ang takbo ng usapan ay wala na itong ibang patutunguhan kundi sa pagkakampihan. "Oo nga, hon. Nakalimutan mo yatang kami ang pamilya mo," pagdadrama pa ni daddy na mas lalong ikinatawa ng loka-lokang si She. Kapag kasi nagkadramahan na kaming pamilya ay tatawa na lang siya nang ubod ng lakas at iniiwan si mommy sa ere. "Bakit? Pamilya rin naman natin si Sheena a," depensa rin ni mommy saka bumaling ng tingin kay She. "Right, Sheena, hija?" malambing na tanong ni mommy kay She na wala pa ring tigil sa pagtawa. Mom is now asking She to take her side. "Tita, labas na ako riyan. Bahala kayong magdrama. Basta ako, kakain na lang ako," natatawang sagot ni She at nauna pa talagang kumain sa amin. Nagulat na lang ako sa sunod na ginawa ni mommy. Walang sabi-sabi niyang binatukan si She kaya muntikan pa itong mapasubsob sa plato. "Ouch! Tita, naman e. Kita na ngang kumakain 'yong tao," nagtatampong sabi ni She habang himas-himas ang parte ng ulo niya na binatukan ni mommy habang nasa kalagitnaan siya ng pagkain niya. Sa pagkakataong ito ay kami naman ni daddy ang humagalpak ng tawa dahil kung sino pa 'yong dapat magkakampi ay sila pa ang nagsasalpukan ngayon. "Hindi mo man lang ako tinulungang bata ka. Nilaglag mo pa ako," kunwaring nagtatampo ring sabi ni mommy. "E sa gutom na ako. Uunahin ko pa ba ang away ninyong tatlo kaysa sa nagwawala kong mga alaga dahil sa gutom?" mangiyak-ngiyak na sagot ni She na akala mo ay inaapi siya. Mabilis kong hinagip ang table napkin at ibinato ko ito kay She. "Drama mo! Kumain na nga lang tayo. Baka mawalan pa ako ng gana sa kabaliwan ninyo ni mommy," pagputol ko sa kabaliwan nila. Pasimple naman akong kinindatan ni daddy na kasalukuyang nagpipigil ng tawa dahil kami na naman ang nagwagi sa dulo. Natapos kaming kumain na puno ng kulitan at kabaliwan. Hindi ko lubos maisip kung paano namin nagawang makatapos kumain nang hindi man lang nasasamid katatawa. Kaagad na kaming umakyat ng kwarto ni She matapos naming kumain at magsipilyo para manood ng kdrama. Malalim na ang gabi nang matapos kami sa panonood kaya sa bahay na nagpalipas ng gabi si She at magkatabi kaming natulog sa kwarto ko. Hindi na naman tumawag o nagtanong pa si Tita Terry dahil ako naman ang kasama ni She at alam na rin nila na sa oras na magkasama kami sa bahay namin o sa bahay nila ay malabong makauwi pa ang isa sa amin kinagabihan. She and I were best friends ever since. Matalik na magkakaibigan ang mga magulang namin at madalas silang magkakasama kaya hindi nagtagal ay nagkalapit din kaming dalawa. She fulfills kuya's responsibility because despite of her childish acts, she is still an ate figure when it comes to me. She always care for me and she never leave my side.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD