Two beings

1218 Words
Mahimbing ng natutulog si Hanson sa kanyang kwarto, subalit unti-unti siya naalimpungatan nang maramdaman niyang tila may dumaloy sa kanyang katawan. Napakalamig. Hanggang three lang naman ang electric fan pero bakit pakiramdam niya'y parang naka-aircon siya? Marahan siyang dumilat. Una niyang napansin ang isang butil ng liwanag na padaan-daan malapit sa kanyang mukha. Agad nagdikit ang kilay niya sa pagtataka. "Alitaptap?" Asul ang kulay nito, kakaiba kumpara sa ibang alitaptap. Gayunman, walang halaga kay Hanson ang kakatwang ganda ng kulay ng alitaptap. Istorbo lang ito sa pagtulog niya. Walang gana siyang tumindig mula sa pagkakahiga. Sinundan ang alitaptap. Iniangat ang kanyang kaliwang kamay upang bugawin ito palabas ng kwarto. Ngunit agad siya napatigil ng tila may napansin siyang kakaiba. Kaagad namilog ang kanyang mga mata. "Teka,” Sabi niya. Paikot-ikot na iginala ni Hanson ang kanyang paningin, “nasaan ako? Pa'no ako napadpad sa lugar na to'?” patuloy niya. Balot ng kadiliman ang lugar. Patag at madamo na abot hanggang bewang. Malakas ang ihip ng hangin, dala-dala ang nakapanlalamig na simoy. Napayakap si Hanson sa kanyang sarili habang pabaling-baling, sinusuri ang paligid. Tumanaw siya sa malayo at mula doon ay may naaninagan siyang isang pigura ng bundok. Sa palagay niya, maaaring ito ang Bundok Nima. Ito lang naman ang nag-iisang mataas na bundok sa Sitio Pinagpala. Gayunman, hindi lang Sitio Pinagpala ang may bundok. ‘Where am I?’ Tila may isang imahe naman ang biglang sumulpot mula sa sulok ng kanyang isipan. Sa imaheng iyon ay makikita ang isang malawak at madamong lupain, tulad ng kinalulugaran niya ngayon. Hindi niya maintindihan kung bakit pero tila pamilyar ang lugar na ito. Pakiramdam niya'y parang nanggaling na siya dito. Saglit pa'y nakadinig si Hanson ng kulog. Siya napatingala at nakitang nagkikislapan ang itim na kalangitan. Tila mga pailaw sa kanyang paningin ang pangingislap ng mga kidlat. Nakakatakot ngunit kay gandang. Sa pagkakataong iyon may kakaiba siyang narinig. Sunod-sunod na mga ingay na animo tunog ng martilyong ipinupukol sa bakal. Kaagad niyang ibinalik ang atensyon sa harapan. May dalawang tao ang biglang sumulpot. Naglalaban gamit ang kanilang espada. Siya'y napaatras ng bahagya. Agad napayukod si Hanson, natanagkubli sa likod ng damuhan. Nangungunot ang kanyang noo kung sino ang dalawang iyon at ano ang dahilan ng kanilang bunuan. Mahirap naman kung lalapit pa siya doon at tatanungin. Baka madamay pa siya sa gulo. Maya-maya pa'y tumigil ang dalawa. Sa isip-isip ni Hanson marahil ay tapos na silang mag-ayaw. Bahagyang iniangat ni Hanson ang kanyang ulo upang tingnan kung ano na ang nangyayari. Nakita niyang nakatayo ang dalawa. Tila napako sila sa kanilang kinatatayuan. Tahimik. Mistulangnanginginig ang katawan ng mga ito. Baka sa lamig siguro? Malakas kase ang ihip ng hangin, subalit dumaan ang ilang sandali ay humina ito. Maging ang kidlat at ang hangin ay tila nanhina tumila. Tila nagbago ang atmospera. Nabingi ang paligid sa katahimikan. Hindi alintana ni Hanson ang mga pagbabago sa kanyang paligid. Sa halip na kabahan ay napangngingibawan siya ng kuryusidad. Ni ang tanungin ang sarili kung ligtas ba siya ay hindi niya inalala. Tila nawala sa kanyang isipan na siya'y nasa ibang lugar. Isang kidlat naman ang biglang bumasag sa katahimikan. Walang pasubali itong tumama malapit sa kinatatayuan ni Hanson. Dagling siyang napahiyaw at napaupo sa damuhan. Kasabay ng pag-ulos ng kidlat na iyon ay siya namang biglang hiyaw ng dalawa, "AAAHHHHHH!" Dali-daling ipinukaw si Hanson ang kanyang paningin sa dalawa na sa pagkakataong iyon ay tumatakbo ng mabilis patungo sa isa't isa. Napanganga lamang na siya't pigil ang hininga habang nasasakasihan ang pag-sugod ng dalawa na walang pakundangang iwawasiwas ang hawak-hawak na kumpilan sa isa't isa. Animo'y walang takot na haharapin ang sariling kamatayan. Nang magdikit ang espada ng dalawa ay nakalikha ito ng nakapan-nginginig na tunog. Agad tinakpan ni Hanson ang kanyang mga tenga. "Aaagghhh!" Siya'y agad napayuko't lumuhod. Namaluktot ang katawan dahil sa nakabibinging tunog na parang kutsilyong tumutusok sa kanyang taenga. Maging ang kanyang ulo'y tila binibiyak nito . Nagsisimulang manlabo ang paningin ni Hanson, ngunit sa kabila nito'y tanaw niya pa rin kung paano magpamalas ng lakas ang dalawa. Samantala, patuloy pa rin ang pagkulog sa mga sandaling iyon, maging ang nangangalit na kidlat ay walang tigil na tumatama sa kalupaan. Tila sumasabay sa labanan. Mahigpit ang pagkakahawak sa kanilang mga espada. Pina-igting ng isa ang kanyang lakas at dahan-dahang tumutungo ang talim sa kalaban, "Aaaaahh...!" Singhal nito. Hinigitan naman ito ng isa kaya naman lumalapit ang talim sa kabila. "Aaahhh!" Walang humapay ang tagisan ng kanilang mga lakas. Tila walang sinuman sa kanila ang sumusuko! Mula naman sa talim ng kanilang mga espada ay may namumuong maliit na liwanag. Sa una ay mumunti lamang iyon ngunit sa bawat sandaling lumilipas ay tila mas lumalaki pa ito. Kapansin-pansin din ang paglakas ng hangin na patutungo sa dalawa. Pumapaikot ito sa kanila na animo isang ipo-ipo. Parang nag-iipon ng pwersa. Maya-maya pa'y walang pasubaling sumambulat ang liwanag na parang bombang pinasabog. Bigla-biglang nag-anyong itim na usok ang hangin at sumabay ito sa sumambulat na liwanag. Mabilis itong naglakbay patungo kay Hanson. "AAAAAHHHH!" sigaw niya. Napapikit na lamang siya habang tumatama sa kanya ang itim na usok na parang malakas na alon na humahambalos sa kanyang katawan. Nahinto rin ito makalipas ang ilang sandali. Mariin pa ring nakapikit si Hanson habang natatakpan ng kanyang kamay ang magkabilang taenga. Ayaw pa niyang buksan ang kanyang mga mata dahil sa pangamba na baka kung ano na naman ang bumungad. Subalit sa kabila nito ay naglakas loob siyang mamulat. Tila naka-aninag siya ng liwanag. 'Di lumaon ay luminaw ang kanyang paningin at siya'y nagulantang nang bumulaga sa kanyang harapan ang isang kakatawang pigura. "Hi-higanteng puno?" Mautal-utal sambit sa sarili. Kapwa naghugis ‘O’ ang kanyang bibig at mga mata nang pagmasdan ang higanteng puno. Kapansin-pansin ang mga alitaptap na lumilipad-lipad sa palibot nito. Sa tansya ni Hanson baka umabot ito ng milyon dahil sa sobrang laki ng puno. Sa dami ng mga alitaptap halos nagmistulanang nagliliwanag ang higanteng puno. Sa paghanga niya dito ay tila naparam sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Saglit pa'y isang tawag ang kanyang narinig mula sa likuran, "Hanson..." Agad nanindig ang mga balahibo ni Hanson sa boses nito na tila malamig at walang emosyon. Napalagok siya ng laway. Sa totoo lang, ayaw niyang makita kung sino ang tao sa likod niya. Ayaw niyang malaman o kung ano pa man. Subalit, sa hindi malamang dahilan ay nagkusang-loob na kumilos ang kanyang katawan. Marahang siyang humarap sa likuran habang nakatuon sa ibaba ang paningin. Una niyang nakita ang mga paa na ang suot na sapatos, kulay abo na mapusyaw at parang nangingintab. Gawa sa ba ito sa bakal? Dagling bumilis ang bugso sa kanyang dibdib. Napawisan siya ng malamig at nanaloy ito sa kanyang gulugod. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang paningin. Napansin niya ang kakaibang pagkakayari ng kasuotan nito na pang-makalumang panahon. Mapusyaw na puting damit, napapa-imbabawan ng malakulay pilak na baluting pandigma. "Hans..." tawag nito sa kanya. Hindi siya makagalaw at makapagsalita ng maayos, nanginginig ang buong katawan habang t]tig na titig sa mukha nitong may suot na maskarang bungo. "Oras na..." Iyong lamang ang binanggit nito at sa isang iglap ay naging blangko na ang lahat. Wala na siyang makita. Maging ang kanyang natatapakang lupa ay tila naglaho. Waring nakalutang na lamang siya sa kawalan. Nagsara ang kanyang mga mata, marahan at payak, na parang matutulog pa lamang. At isang tunog ang kanyang naririg. Isa boses. Maliit at kulob. Umaalingawngaw Mukhang malayo ang pinagmumulan dahil sa hina nito. Hindi niya alam kung babae ba ito o lalake. Sa simula ay hindi niya maintindihan ang sinasabi nito, hanggang sa bigla itong lumakas at luminaw. “Hanson wake up!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD