Chapter 1

2775 Words
Lyon, France (Interpol Headquarters) Nang dahil sa tiyuhin nagbitiw sa pagiging NBI agent si Lander Veracruz at lumipat ito sa International Police Organization o Interpol. Masakit man na iwan ang mga kaibigan at kasamahan niya sa NBI ngunit gusto rin niyang subukang sumabak sa iba't ibang misyon sa buong mundo. Hindi lang naman siya ang nag resign sa NBI, pati na rin ang pinsan niyang si agent Jenan Bachman at Jazzper Dimatinag dahil kinuha niya ang dalawa para sa naturang organisasyon. Sila nalang din ni Jazz ang nanatiling single and available sa barkadahan nila. Napalinga-linga naman si Lander nang papasok siya sa headquarters ng Interpol. Bago talaga ang lahat ng ito sa kanya. At bagong paghahamon rin sa kanya. Ngunit bago siya makasakay sa elevator papunta sa briefing room, he slipped first his key card through the slot, and then verified his fingerprints on the scanner. At doon pa lamang bumukas ang pintuan ng elevator. Pagkapasok na pagkapasok niya sa elevator agad niyang hinubad ang suot na sunglasses at nilagay ito sa kanyang shirt pocket. This is it! Matagal na kasing pinangarap ni Lander na makapasok siya sa interpol at heto na nga. Kahit paman graduate siya noon ng medicine at sa pagiging piloto pero bigla nalang siyang nag career detour kaya napunta siya sa tanggapan ng NBI. Doon din siya nakakita ng mga tunay na kaibigan na lagi niyang masasandalan. Sinalubong naman siya nina Jenan at Jazz sa bukana ng elevator dahil mas nauna pang nakarating ang mga ito sa kanya sa headquarters. He nodded his greeting to Jenan and fist bumped with Jazz. "Kanina pa kami naghihintay sayo." sabi sa kanya ni Jenan. "Ibang misyon na naman, tol." dagdag pa ni Jazz. Sanggang-dikit na talaga sila ni Jazzper noon pa, klasmet kasi sila noon sa Aeronautics. Matapos nilang grumaduate, sabay din silang nag te-train sa pagiging Navy Seal sa Amerika, ngunit hindi nila natapos ang training dahil pareho silang nag give-up. "Pinag-aralan mo na ba ang unang misyon natin, Jazz. O baka kinalawang na yang utak mo." patuya ni Lander. "Mukha ka kasing si baby shark diyan." Jazz shrugged noncommittally. Mukhang pinigilan naman ni Jenan ang pagtawa nito. Si Jenan ay pinsan niyang buo sa ina. Kasamahan din niyang agent sa NBI. Laglag nga ang panga ng iba pang kasamahan nila sa Interpol nang ipakilala ng tiyo nila si Jenan bilang baguhang agent sa naturang organisasyon. Maganda kasi ang pinsan niya at may appeal talaga. Kaya hindi ito nagkakaroon ng boyfriend sa Pinas kasi madalas na naiintimidate ang mga lalaking pumorma sa pinsan niya dahil sa ka astigan nito. "Alam mo pala yang baby shark, Lander?" tanong ni Jenan. Si Jazz naman ang sumagot. "Nursery song nila yan noong Kindergarten." "Bakit klasmet ba tayo noong Kindergarten, baby shark?" tukoy ni Lander kay Jazz. Jazz lips twitched into a grin. "Wag na wag mo nga akong matawag-tawag na baby shark, baka mabatukan kita diyan, Namu." "Who is that fuckin monster?" untag ni Lander. Sabay namang napatawa sina Jenan at Jazz. Nginisihan nalang din niya ng hilaw ang mga ito. Ganito lang talaga sila magmahalan ni Jazz laging magkaasaran. Kantyaw-kantyawan pag may time. Sumenyas naman siya sa dalawa. "Tigilan na nga natin itong walang kwenta nating pag-uusap. Let's get this briefing over with." reklamo pa ni Lander and he swiped his key card to unlock the stairwell door towards the briefing room. Nang makarating na sila sa pintuan ng briefing room, nagsalita naman si Jazz mula sa likuran niya. "Welcome to the Sea World, Namu?" "Sino ba yang Namu, huh Jazz?" "Si Namu, yong kalahi mo na killer whale." Tinapunan niya ng masamang tingin ang kaibigan. "Hanggang dito ba ganyan pa rin ang pag-uusapan natin? o baka naman nagka culture shock ka pa rin hanggang ngayon, Jazz?" Napangiti lang si Jenan sa kanila, sanay na kasi ito sa asaran nilang dalawa. "Wag niyo ring kalimutang isali si Nemo." sabi nito na nakikisakay na rin. Nang tuluyan na silang makapasok sa briefing room, naghihintay naman sa kanila ang nauna pa sa kanila na dalawang pinoy agent na sina Jarred Winters at Royet Moore. Mga Fil-am sila at baguhan din sa Interpol. Sila ang makakasama nila sa isang team. Naroon na rin ang pinaka head na direktor ng Interpol. At ang sumunod sa ranggo nito ay ang tiyuhin niya na bago lang din naging deputy director sa naturang organisasyon, at naroon din ang isa sa pinakamagaling daw na agent ng Interpol na si agent Montenegro. Kasama rin sa mga ito ang isang crew na siyang taga operate sa Powerpoint presentation. Nakita naman niya ang bilugang mesa roon na may tig-iisang laptop sa bawat upuan. At sa gitna ng mesa ay merong malaking mapa sa buong daigdig. May malaking projector ding nakaharap sa kanila. Basta lahat ng pangangailangan nila sa isang federal briefing room ay naroroon. Napaangat naman sa kanya ng mukha ang Direktor mula sa pagtitipa nito sa laptop. "Good to see you again, agent Veracruz." "Sir." aniya na napasalute. "I appreciate your team being here. Grab some refreshments and let's get started." saad ng Direktor saka iminuwestra sila nito sa mesang may nakahandang pastries at kape. Ignoring the refreshment offer, Lander exchanged brief handshakes with the other man in the room. Napag-alaman kasi niya na sa huling misyon ni agent Montenegro ay matagumpay nilang nabuwag ng grupo nito ang isang drug operation sa gitnang Amerika. Despite Lander's cynicism over the success of their operation. Nagugulohan pa rin siya kung bakit sinabi ng direktor sa unang briefing nila na nakipagtulungan daw sa kanila ang Bansang Brazil at ang iba pang karatig na Bansa nito. Nagtataka lang talaga si Lander kung bakit ganito ka bigatin ang unang pagsabak nila sa operasyon. Pumalakpak naman ang direktor sa kanyang mga kamay. "Okay, let's get you briefed." Napahalukipkip lang si Lander sa tabi ng isang crew roon at ito rin yata ang naka assign sa powerpoint presentation. "Bro, please hand me one of those files." aniya sa crew. "I can't stand another freakin Powerpoint presentation. Where do you think we are, at the Pentagon?" Deadma naman kay Lander ang crew at nagpatuloy lang ito sa pagbukas sa Powerpoint presentation. Unang larawang nakikita nilang naka display sa screen ay mukha ng isang magandang dilag. "She is Samina Herrera, age twenty-five. A Filipina, and working as a bank teller in Rio de Janeiro, Brazil, for two years." pagbigay alam sa kanila ng direktor. "Yesterday, Interpol intelligence analyst intercepted an email from Herrera to her boss expressing concern over a possible pattern of criminal activity she discovered within the bank's system." "Well, that's a terrific news." hindi naman mapigilan ni Lander na hindi magkomento. Napatikhim ang kanilang direktor saka niluwagan nito ang kanyang necktie. Tumayo naman si agent Montenegro at ito ang nagpatuloy sa ginawang briefing. "It seems that Miss Herrera has created an algorithm to track the movement of bulk cash using small deposits and wire transfers. If her program works - and we think it does - it would revolutionize Interpol's counterterrorism efforts." Now they were getting somewhere. "What exactly did her email say?" tanong ni Lander. "Is it in the file?" "We didn't include it because it doesn't have any impact on the mission we're asking you to perform. To sum it up, she asked her boss for permission to initiate a more expansive test of the algorithm using customer account data. She thinks she can pinpoint the exact account that the bulk cash she detected is being funneled into." "What was her boss reaction?" tanong ulit ni Lander. "He reprimanded her," Montenegro said. "Told her to hand the program over to him because it was outside her job description." What the heck. "Did she give him the program?" "No. She put him off. She told him it wasn't user friendly yet and she'd need to clean it up before anyone else would be able to make use of it. He gave her a deadline on Friday morning." Bigla namang humirit si Jenan. "How can you be sure there's a bulk cash scam at all? I find it hard to believe Miss Herrera created an algorithm that no Interpol investigators or international banks have come up with. You know what, they say about things that are too good to be true." Napatango-tango si Lander sa sinabi ni Jenan. Magaling kasi ang punto ng kanyang pinsan. "Maybe this lady's math is wrong?" "Turn to page two in your file," saad sa kanila ng direktor. "Look at her status and then tell me if you think Samina Herrera's theory is wrong." Sabay-sabay naman silang bumuklat sa ikalawang pahina. What the...nakapagtapos pala ito ng BS-Mathematics sa UP-Diliman. At ang GPA nito ay 1.1 kaya naging Summa c*m Laude ito noong grumaduate sa kolehiyo. Pinasadahan niya ulit ang larawan ng babae. Long, straight brown hair, at maitim ang kulay ng mga mata nito. She really looked smart and sharp. Tiningnan niya ulit ang credentials nito. No doubt about it, Samina Herrera had a brilliant mathematical mind. Madali pa naman siyang ma a-attract sa matatalinong babae. Pero biglang nangunot ang noo ni Lander sa iritasyon. Napagtanto kasi niya na baka sa likod ng operasyong ito, they wanted something big from Herrera, at baka mas malaki pa nga ang habol ng mga ito kaysa programang ginawa ng babae. Pero bakit sila ng team niya ang naatasan sa misyong ito? Scowling, he snapped the folder closed. "Okay, so we assume Herrera's not wrong about her findings. What's your plan for her?" Sumilay naman ang ngiti sa mga labi ng direktor. Na para bang isang magandang regalo si Samina Herrera sa kanila. "We believe Samina Herrera is our key. The weak link in the banking industry we've been waiting for." Lander seriously doubted weak was an appropriate description of Herrera. Pero minabuti niyang manahimik nalang. Nagsalita ulit si agent Montenegro. "Our plan is to convince Herrera to work as an Interpol insider in the bank. Get her to run the algorithm test without her boss knowledge and lay out her findings for us. Do you heard about the Mayute brothers?" Paano ba niya malilimutan ang mga hunghang na iyon. Eh sila lang naman ang pinaka elite na criminal sa buong mundo. Sila yong Italian-American mobsters na responsible sa pagkalap ng mga ilegal na armas at nuclear devices. "Yeah, I heard about them." "We believe there's a connection between the bulk cash scam Herrera discovered and intel we received from an informant about a submarine sale the Mayute brothers are brokering next week. Interpol has been tracking these bastards for years. This is our best chance at shutting them down. Thanks to Miss Samina Herrera." Nagkatinginan naman sina Lander at Jazz. Tas sa wakas nagsalita na rin ang kaibigan. "It's a viable lead for sure." "So you want me to convince Miss Samina Herrera to work with Interpol?" tanong ni Lander sa direktor nila. "God, no." Nakangiting tugon ng direktor. "You'd have her running in the opposite direction." Aw, hindi pala ganon. Akala talaga niya na siya ang kumausap sa promil kid na iyon. Pero baka wala lang tiwala sa kanya ang kanilang direktor sa guts niyang kausapin ang isang matalinong babae na kagaya ni Miss Herrera. Ni hindi ka nga marunong manligaw ng babae, Lander eh, sabi ng kabilang utak niya. Shut up f*****g brain. To hide his frustration, he slipped into easy sarcasm. "Ouch, that hurts. And here I thought I had a way with the ladies." Kinindatan niya si Jenan para back-apan siya sa kanyang sinabi. Ngunit napapailing lang ang pinsan. "Sorry insan, tameme ka kasi pagdating sa babae." "Aba..." inilaglag ba naman siya ng sariling pinsan. Buti nalang at hindi makaintindi ng tagalog ang kanilang direktor at si Montenegro. Pinag-aralan nalang niya ulit ang larawan ni Samina Herrera sa projector screen. Sabi don sa file single pa ito, pero walang duda na may boyfriend na ito. Marami pa namang maghahabol na lalaki sa kagaya nito. "All right, I just keep my mouth shut. So sir, what do you need me and my team for?" "Your objective is to transport Miss Samina Herrera to the Interpol safe house in Brazil without anyone finding out. You need to be a cab driver as your disguise. Agent Montenegro and I will be waiting there to talk to her. After we've brought her around to our way of thinking, you'll return her to her apartment discreetly." Nagsalubong tuloy ang mga kilay ni Lander. What? Gusto nilang maging taxi driver ako? "Okay, let me get this straight. You want me to drive a woman across the town. And then take her home again. You don't want me to talk to her, gather intel off her home computer, post as her boyfriend or shake down her boss? I'll just acted as a taxi driver for the whole duration, right?" "That's affirmative, agent Veracruz." tugon naman ng direktor. Okay, madali lang naman pala ang misyon niya eh, para lang siyang maghahatid ng sulat sa isang bahay. Fantastic. Mahirap pa nga ang mga nasabakan niyang misyon sa NBI. Akala kasi niya na sa paglipat niya rito sa Interpol ay talagang nakakahamon para sa kanya ang gagawing misyon. Tulad nalang sa ipapadala siya roon sa desyerto para makipagbakbakan, o di kaya sa isang snake-infested na kagubatan, o di kaya sa mga bansang may banta ng terorismo. Mahal na mahal niya ang NBI dahil at home na at home talaga siya roon, ngunit naghahanap din kasi siya ng extreme challenge sa buhay. Siguro madali lang ang ibinigay sa kanyang misyon ngayon dahil baguhan pa lamang siya sa naturang organisasyon. Filipino-Brazilian siya at doon isinilang sa bansang Brazil, kaya baka at home rin siya roon. Ngunit di pa rin niya matanggap ang ganon kadaling klaseng misyon. "I don't mean to be rude guys, but are you freakin kidding me?" Agent Montenegro beamed at him like an idiot. "Of course you mean to be rude, agent Veracruz. It's who you are." Nakita niyang napahalukipkip ang direktor, at nanahimik rin pati ang tiyo Simon niya. Tiningnan naman siya ng direktor na may halong paghamon. "You think you're too good for this assignment?" "Hell yeah, I'm too good for this assignment." pagmamayabang na wika niya. "We all are." Itinuro niya pati ang mga ka team niya. "This is insulting." "Get over yourself, young man. This woman is very important to Interpol. And there are decent odds that she's already on Mayute's radar." Shit na Malagkit. Nagmartsa si Lander papunta sa projector screen at dinuro-duro ang larawan ni Samina. "What makes you so sure she'll agree to this? No woman in her right mind would volunteer for such a dangerous job when it means she'll have to live out the rest of her days in safe house once the Interpol is through with her." "Leave that part to me, agent Veracruz." saad naman ni agent Montenegro. Sa napag-alaman kasi ni Jenan, laging pabida raw itong si Montenegro sa mga mata ng direktor nila. At pati na rin siguro sa mga mata ni Miss Herrera. But all Lander saw when he looked at the agent's million-watt smile and perfectly blond hair was a man cannot be trusted with. Hindi sa pinagdududahan niya si agent Montenegro, hindi lang talaga maganda ang vibes niya rito. Whatever. This operation was very important to their director as well as his uncle. Magtiwala na lamang siya sa mga plano ng pabidang si Montenegro. At alam rin naman niya na kahit anong mangyari ay nasa likod lang niya sina Jenan at Jazz. "All right. So my team and I, keep our mouth shut and leave the sweet-talkin to Pretty Boy agent Montenegro. That's all?" "Affirmative. Have her to the safe house tomorrow at dusk." Tiningnan ni Lander ang kanyang relong pambisig. Putragis, bukas na pala iyon. With a salute, hinila naman niya si Jenan palabas ng briefing room. Napasunod na rin sa kanya ang iba pa. Nag abot-abot naman silang magkakagrupo sa ground floor. The expression on his teammates faces mirrored Lander's black mood. "All right, we can now start searching the classified ads for taxi driver, para ng sa ganon matapos kaagad ang misyong ito." sabi pa ni Lander. "Jazz, bro. Buti pang ikaw nalang ang maghahanap ng taxi na pwede nating arkilahin sa Brazil. Jenan, kayo naman ni agent Winters ang magbabantay doon sa apartment ni Miss Herrera. At ikaw agent Moore, samahan mo nalang si agent Dimatinag sa paghahanap." Mando niya sa mga kasamahan. "Bakit pa kasi ganon nalang ka espesyal ang genius na babaeng iyon. Buti nalang hindi tayo mga genius at walang naghahabol sa atin. Tayo pa ang maghahabol sa mga gonggong na iyon." huling hirit niya. "Take note, hindi lang siya matalino. Maganda rin siya." sambit ni Jarred Winters na talagang napapahanga siguro ito dahil ngayon pa lamang ito nagkomento. "Agent Winters and Moore. Kayong dalawa naman ang gagawin kong sniper lookout." "Whatever you say, boss." tugon sa kanya ni agent Royet Moore. Lander tucked the file folder of Samina Hererra under his armpit. "Kung pwede Jazz, bayaran niyo ng malaking halaga ang may-ari ng taxi upang mapapayag agad ito. Para ng sa ganon si Miss Herrera naman ang pagtutuonan natin." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD