Prologue

819 Words
NAGISING si Feliza, na masakit ang katawan lalong-lalo na ang leeg niya na halos hindi niya maigalaw. Nasa isang hindi pamilyar na kwarto na siya ngayon at maayos na kwarto ito, hindi katulad kanina na nasa isang madilim na lugar siya na tanging kulay dilaw na bombilya lang ang ilaw kaya halos hindi ganoong kaliwanag. Doon nanlaki ang mga mata niya sa ala-alang nangyari sa kanya kanina lang at kung bakit sumakit ang buong katawan niya. Sinubukan niyang bumangon pero talagang masakit ang buong katawan niya, kaya nagdahan-dahan siya ng bangon at nanlaki na naman ang mga mata niya nang may sumalubong sa paningin niya na tao at nakaupo sa single na sofa na hindi kalayuan sa kama. Matiim na nakatitig ang itim na itim na mga mata nito sa kanya at hindi mo makikitaan ng pagkailang sa pakikipagtitigan sa kanya. "Ang gwapo talaga nito hindi mo aakalain na ganoon siya kasama sa nasaksihan ko lang kanina," sabi niya sa sarili. Tumayo ito at naglakad palapit sa kanya na ikinakabog ng dibdib niya at gusto na sana niyang magtatakbo palayo sa lalaki pero hindi niya nagawa dahil nakadama siya lalo ng takot sa matiim na titig pa lang nito, kaya hindi na siya nakagalaw pa. Huminto ito mismo sa harapan niya. "You're awake," baritonong sabi nito na nagpataas ng balahibo niya, napakalamig ng boses nito na may kakaibang dating din sa kanya. "N-nasaan ako?" hintatakutan na tanong niya at doon naisipang pagmasdan ang kabuuan ng kwarto. Dirty white ang kulay ng pintura ng kwarto, malaki, at magara, halatang hindi basta basta ang taong nagmamay-ari ng kwarto dahil sa magaganda din ang mga kagamitan na naandoon, glass door pa ang pinto na iniisip niya ay ang banyo ng kwarto. "You're in my house," nagulat pa si Feliza, sa malamig na boses na iyon ng lalaking nasa harapan niya. Napakapit siya sa kumot na nasa katawan niya at lalo siyang nakadama ng takot." Bakit mo ako dinala sa bahay mo? Dito mo ba ako papatayin?" puno ng takot na tanong niya at nanginginig na siya sa takot. "I'm not gonna kill you," tugon nito na kahit paano ay ikinahinga niya nang maluwang," if you are that person I'm searching, " dagdag nito na ikinatingin niya muli sa lalaki. "Taong iyon? S-sino?" naguguluhan niyang tanong. "Basta, pag tama ang hinala ko. Hindi kita papatayin, kundi pakakasalan kita," tugon nito. "Hindi naman niya pala ako papatayin pag ako talaga 'yong taong iyon. Pakakasalan- "Ano? P-pakakasalan mo ako?" gulat na gulat na bulalas niya. Tumango lang ito at inilapit ang gwapong mukha sa kanya, malapit na malapit na ikinasinghap niya. "Yes, I will marry you and we will make a family," malamig pa ring tugon ng lalaki. "P-pero hindi naman tayo magkakilala eh," katwiran niya. "We have time to get to know each other. You don't need to worry about that. Isa pa, pag nasigurado ko pa, na ikaw nga iyon. Kaya ipagdasal mo na ikaw nga iyon dahil kung hindi," sadyang pinutol nito ang pagsasalita, "You're gonna die." Nangilabot na naman siya sa sinabi nito. Paano nga kung hindi siya ang taong tinutukoy nito? Ibig sabihin mamamatay talaga siya? Gusto niya pang mabuhay pero sa oras naman na siya nga iyong taong hinahanap ng lalaking ito, ikakasal naman sila. Parang hindi rin naman maganda iyon. Hindi niya kilala ang lalaking ito tapos magiging asawa niya? Umpisa pa lang nakaharap niya ang lalaking ito may pinatay na ito at ang mas masama pa ang matalik niyang kaibigang ang pinatay nito. Tapos kanina walang pagdadalawang isip na binaril sa harap niya ang isa sa tauhan nito. Masama ito at nakakatakot na tao, tapos ikakasal siya dito. Parang wala ring pinagkaiba iyon sa kamatayan at parang pagtatraydor iyon sa kaibigan niya na walang habas nitong kinitilan ng buhay, tingin niya mas mahirap ang kahihinatnan niya na pagpapakasal sa lalaki kesa sa kamatayan niya. "Ayoko," hindi niya napigilang bulalas. Nakita niya ang pagsalubong ng mga kilay ng lalaki na ikinaatras niya."Pakakasal ka o mamatay ang lahat ng konektado sa buhay mo," hindi tanong iyon kundi pagbabanta. Pagbabanta hindi lang sa buhay niya, pati sa mga taong konektado sa kanya na lalong ikinatakot niya. Main Character: Park Jimin as Jim Damien Parker My Friend Angelica as Feliza Angelie Bernardo. A/N Please be open-minded too. Kung may mga typos at grammatical Error ako, spare me. Hindi ako professional writer at hindi rin ako ganoong kagaling sa English. May mga BS (Bed Scene) rin sa story ko at kung hindi ka nagbabasa ng may BS, okay lang kung hindi mo babasahin ito. Pinapaalalahan ko lang din na ano man ang pagkakapareho ng name, place o eksena sa story na ito sa story ng iba, iyon ay nagkataon lang at hindi ko iyon kinopya. And avoid plagiarism repz, kasi may kanya-kanya tayong talento sa pagsusulat kaya imbes na mag-plagiarize kayo, gamitin niyo ang imahinasyon niyo upang magawa niyo ang talento niyo sa pagsusulat. ♡♡♡♡♡♡♡♡ Follow me  here in Dreame at kung may w*****d ka, follow mo na rin ako @KamijoMican. At isa pa! Last na ito!  Enjoy Reading Repa :)  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD