Chapter 1

1553 Words
Chapter  1 “Yes, huling araw na nang Klase..” pangiti kong sabi kasama ang bestfriend kong si maggie. “Oo nga friend. Excited na rin akong magbakasyon..” gigil na sabi ni maggie. “ikaw be saan mo ba balak magbakasyon?..” tanong ni maggie habang nakaupo kami sa classroom. “Baka sa lola ko sa Cebu..matagal na rin kasi kami hindi nakabalik doon tsaka maganda doon sa lugar nila lola..tahimik pero masaya..” pagyayabang ko naman. “Eh ikaw Mags?..” nilingon naman niya ako..”Sa Tita ko sa England..Birthday kasi ni lola sa susunod na linggo..so, kailangan andoon kami baka kasi magtampo si lola kay mommy..” kwento naman nito habang nagpapaganda. Mahilig sa mga kolorete si maggie kahit maganda na ito at maputi ay naglalagay pa rin siya ng mga kung ano-ano sa mukha niya. sa england na nakatira ang tita bianca ni maggie.. dalawa lang silang magkapatid ng mommy nito. Sa ngayon ay tanging ang pamilya na lang nila maggie ang andito sa pilipinas. Ang iba nilang kamag-anak ay nasa england na. Ang pamilya ni maggie ang may-ari ng Oropesa financing corp. Kung tutuusin ay mayaman talaga ang pamilya nila. Pagsapit ng hapon ay uwian na at si maggie ay sinundo na ng kanilang driver at ako naman ay sinundo na ni mommy.  Kinabukasan at dahil na rin bakasyon na sa eskwela ay napagdesisyonan nila mommy at daddy na magbakasyon muna kami ni ate kila lola. Hinatid kami ni daddy at mommy kila lola elsie, tita ni daddy. “tiyang, dito na po muna sina bea at jade, total e bakasyon naman po para may makasama kayo dito habang wala sila kuya delfin dito” sabi ni daddy habang hawak ang buhok ko. “Naku, mabuti naman Roger at na-miss ko rin itong dalawang magandang apo ko” sabay yakap sa amin ni ate. “hindi rin po kami magtatagal ni alona tiyang. May dadaluhan pa kaming business meeting sa Talisay mamaya  hinatid lang namin ang mga bata dito” pagpapaalam ni daddy. “Ganun ba? hindi na ba kayo maghahapunan dito?..” tanong ni lola elsie habang lumalapit kay daddy. “hindi na tiyang baka abutan kami ng traffic sa biyahe. paano tiyang aalis na po kami, kayo na po muna ang bahala sa aming mga anghel” sambit ni daddy habang nakatingin sa wrist watch nito.”sige po tiyang, mauna na po kami” paalam ni mommy..sabay manong kay lola. “Mga anak.. behave kayo dito ha. Wag magpasaway sa lola niyo” habang hinahawakan ang kamay namin ni ate. Umalis na rin sila daddy..isang linggo na ang nakalipas simula ng dumating kami dito kila lola. Masaya naman ang naging bakasyon namin dito kila lola, marami akong nakakalarong mga batang babae na mga kapitbahay nila lola. At nakilala ko si jessica, anak siya ng kapitbahay nila lola kasing edad ko lang din siya. Naging matalik kaming magkaibigan madalas ay dito siya natutulog sa bahay nila lola at pinapayagan din naman siya ni tita ellen ang mama niya. Minsan ay naglaro kami sa may gubat at sa tabi ilog kasama namin ang iba pa naming kalaro. Nagtago-taguan kami at ako ang taya. Bumilang ako ng sampo bago ako humarap para hanapin sila. Nagpalakad-lakad ako para hanapin sila hanggang sa tuluyan na akong napalayo papasok sa gubat. Lumipas ang ilang minuto ng paglalakad ko. Habang naglalakad ako ay may natanaw akong ilog. ”Jessica..asan na kayo?..” palinga-linga ako na halos naiiyak.. may nakita akong isang laruang bangka sa ilog na nakasabit sa isang bato. Nilapitan ko ito at tinangkang kunin at lumuhod ako sa malaking bato pero hindi ko maabot. Pinilit kong abutin ang laruan at nadulas ako sa bato at nahulog sa tubig. Malalim ang tubig at hindi ako marunong lumangoy kung kaya’t lumulubog ako at lumilitaw sa tubig habang hinahampas ko ang mga kamay ko. sobrang takot ang naramdaman ko akala ko ay mamamatay na ako nang biglang may tumalon at humawak sa braso ko. Isang bata lalake. Maputi ito at guapo, ang ganda rin nang mga mata at matangos ang ilong. Inihaon niya ako sa tubig at pareho kaming naupo sa gilid ng ilog. “bata Ok ka lang ba?..” tanong niya habang sinisilip ang mukha ko. “Ok lang ako..” habang pinupunas ko tubig sa mukha ko. Akala ko ay katapusan ko na. Nilingon ko siya ulit at parang nagulat siya ng humarap ako sa kanya. Tinitigan niya lang ako. “Salamat at tinulungan mo ako..” sambit ko habang nakatitig pa rin siya sa akin. “Ano ba ginagawa mo dito sa ilog? Bakit mag isa ka lang?..” tanong niya habang tinititigan pa rin ako. “Naglalaro kasi kami ng mga kaibigan ko ng tagu-taguan pero hindi ko na alam ko nasa’n na ako sa paghahanap ko sa kanila..” sagot ko habang nakayuko ako. Tiningnan ko siya ulit pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa akin. “Ano bang ginagawa mo at nahulog ka sa tubig?..” huminga muna ako ng malalim bago ko siya sinagot. “e kasi may nakita akong laruang bangka na nakasabit sa may bato. Aabutin ko sana para kunin pero nadulas ako kaya nahulog ako sa tubig..” sagot ko habang nakanguso. Bigla naman siyang ngumisi. “Gusto mo ba ang laruang yun?..” tanong nang batang lalake habang nakatingin sa ilog. Tinitigan ko siya..”Sa akin ang laruang bangka na yon, pinatianod namin ng pinsan ko..” bahagya naman niya akong nilingon at tinignan ko siya. Nakangiti siya..at pareho kaming tumingin sa tubig na dinadala ng agos ng tubig ang laruang bangka papalayo. “Saan ka ba nakatira?..” tanong niya sa akin habang itinatayo ako. “D’yan lang sa malapit..sa bahay ng lola ko..” tumayo na rin ako at nagpunas ng kamay ko dahil sa may dumi ito. “Anong pangalan mo?..” tanong niya sa akin. “Bea..” sagot ko habang nakanguso. tumango-tango naman siya at nakangiti lang sa akin. “Madalas ka ba dito sa ilog?..” habang nag-aalis pa rin ako ng dumi sa kamay ko. “Oo. Pag nagbabakasyon kami dito sa bahay ng lolo ko. ikaw?..” pangiting sabi sa akin ng batang lalake. “ Ngayon lang ako napadpad dito. Nagbakasyon lang din kami sa bahay ng lola ko.” Lumapit naman bigla sa akin ang batang lalake at may kinuha sa buhok ko. “May nakasabit lang na lupot sa buhok mo” sabay naman kaming nagtawanan. “Bukas ay babalik na kami sa manila, baka di na tayo magkita ulit..” sabi ng batang lalake. “Ganun ba? kung ganun ay hindi na pala tayo magkikita ulit..” nahihiya kong sabi. Bigla namang tinanggal ng batang lalake ang suot niyang necklace at inabot sa akin. ”Oh ito..Sayo na lang para kahit di tayo agad nagkita di mo ako makakalimutan..” inabot ko naman ang necklace. “Sigurado ka ba?..” nahihiya kong tanong. “Oo naman..“ nakangiti siya habang nakatitig sa akin. Bigla ko namang naalala ang suot kong bracelet. Hinubad ko yon at inabot naman sa kanya. “Kunin mo na rin itong bracelet ko para hindi mo rin ako makalimutan sakaling hindi tayo magkita ulit..” nakangiti kong sabi at inabot naman niya yon na nakangiti at isinuot sa kamay niya. pareho kaming nakangiti at nakatingin sa isa’t-isa. Bigla naman dumating ang lola ko at ang ate ko. “Naku’ng bata ka, anong nangyari sayo? bakit basang basa ka?..” si lola na nag-aalalang hinawakan ako sa mukha kasama si ate, jessica at tita ellen. “Nahulog po kasi sa tubig lola..” habang nakayuko ako. “OH MY GOD! Are you Ok bea?..” Si ate na halatang natakot. Tumango-tango naman ako. Nilingon naman ni ate ang batang lalakeng nagligtas sa akin. “ikaw ba ang nagligtas sa kapatid ko?..” tanong ni ate sa batang lalake. “Opo..” sagot naman niya kay ate. “Maraming salamat..kung hindi dahil sayo baka kung ano na ang nangyari dito sa kapatid ko. Hindi pa naman ito marunong lumangoy..” Ngumiti naman ang batang lalake at parang nahihiya. “Ano nga palang pangalan mo?..” tanong ni ate at bigla naman akong nag-angat ng ulo para tignan siya. “La. ..” di na niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang may dumating na matandang babaeng halos tumatakbo papalapit sa amin. “ikaw talagang bata ka, andito ka na naman pala kanina ka pa hinahanap ng daddy mo..” sabi ng matandang babae na halos hinihingal. Tumingin naman siya sa amin at niyaya na rin nya ang batang lalakeng umuwi. Nakatingin lang din kami sa kanila habang naglalakad papalayo pero nakikita kong palingon-lingon pa rin ang batang lalake sa amin. tinititigan ko lang ang necklace nang biglang nagsalita si lola. “Tara na.. umuwi na tayo para makapagpalit ka nang damit at baka sipunin ka..” at umalis na rin kami. Kinuwento ko kay jess ang tungkol sa batang lalake na nagligtas sa akin. Dumaan ang dalawang buwan at hindi na nga kami ulit nagkita ng batang lalake. sinundo na rin kami nila daddy at bumalik na rin sa maynila dahil malapit na rin ang pasukan. Pagdating namin sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko at nahiga sa kama ko.na-miss ko ang kama ko. Habang nakahiga ay naalala ko ang necklace na binigay sa akin ng batang lalake kinuha ko ito sa bag ko at naghanap ako ng box na pwede kong paglagyan. Sakto namang may nahanap ako at nilagay ko ang necklace. Sana magkita pa tayo ulit sa isip ko habang nakatitig lang ako sa necklace. Lumipas ang apat na taon at nasa 1st yr.college na ako at si ate naman ay tumutulong na rin sa aming resort dahil may malaking kinakaharap na problema ang resort. Ang kaibigan ko namang si Maggie ay sa England na rin nag-aral.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD