Prologue

316 Words
Tanging ang hampas ng mga alon sa dalampasigan at ang maliliit na tinig ng aking katabi ang aking naririnig. Ang kanyang tinig na nakikibagay sa hampas ng alon ay isang musika sa aking pandinig. Ang musikang ito ang nagsilbing pampatulog ko. Malamig na sariwang hangin ang dumaan at hinipa ang maninipis kong buhok. Naramdaman ko ang malambot na palad na siyang nag-ayos sa mga dumapong buhok sa aking mukha. Ang papalubog na araw ang bumungad sa aking mga mata ng imulat ko ito. Yapos ako ng isang kamay ni Aaron habang nakasandal ako sa kanyang balikat.  Ramdam na ramdam ko ang higpit at init nito. Sa yapos nito alam kong ligtas ako. Nakaupo kami sa pangdalawahang upuan habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.  Ito na siguro ang pinakamagandang bagay na nakita ko sa tanan ng aking buhay. The sunset—ang langit na kulay asul na unti-unting kumukupas at nagiging kulay lila, na nakikisama sa malaapoy na kahel na sinag ng araw, at lahat ng ito ay dahan-dahang bumababa sa gilid ng dagat.  Tumingin ako kay Aaron na nahuli kong kanina pa pala sa nakatitig sa akin.  “Thank you. I've waited for this in my whole life. Being in love with you has made me see how wonderful life can be. I love you, my valentine. I hope I can make you as happy as you make me."  Aaron stares down at me and smiles.  "No, thank you for making my valentine's day special. Thank you for coming to my life, love. I love you my valentine." Pumatak ang isang butil ng luha ni Aaron sa aking mukha ngunit hindi ko ito pinansin. “Can’t we stay here forever?” I ask at muling ipinikit ang aking mga mata. “Forever? That’s pretty long.” Aaron replies. Hindi ako sumagot. “Well, let me ask you this. Are you having fun right now?” Aaron ask. Isang tango lamang ang ibinigay ko bilang kasagutan. “Then that's all that matters.” Aaron kiss me on the forehead then whispers. "I love you, my love, Collby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD