Prologue

1285 Words
He was so very special to me since the day we’ve met. He was the guy who showed and feel me the real essence of love. Jonathan has been thoughtful and kind to me. Since I had those feelings, I don’t think if I can imagine my new world without him.   I used to love him even if we only be friends. I can’t tell him my feelings I have for him. Tinago ko ang aking nararamdaman sa kaniyang ng matagal. Ngunit, kung kailan naman na handa na akong magmahal muli, tsaka naman may mga taong nagbabalik sa buhay ko.   Avin was a good friend of Jonathan. Siya ang best of friend ni Jonathan simula pagkabata nila. Bumalik siya para muling ipagpatuloy ang pagmamahal nila ni Joanthan. Pero, hindi ko alam kung ano ang nangyari. Bigla na lamang siyang nag-iba at ibinilin na mahalin ko si Jonathan at huwag ko raw itong saktan.   Sa kabilang banda naman, Pau was still asking me if we could be still together once again after all we’ve been through from our past. Hindi na siya ang mahal ko. Bakit hindi ko iyon masabi sa kaniya? Hindi ko masabi sa kaniya na mahal ko na si Jonathan at hindi na siya.   “Nandito ka lang pala,” That familiar voice came out from nowhere.   Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Ang boses na sabik na sabik ko nang marining. Tila para itong musika sa aking pandinig. Nang magtama ang aming mga paningin. I sensed something. ‘Yung tingin niya. ‘Yung tingin niyang walang emosyon. Tanging mukha niya lamang at wala akong nararamdamang kahit na anong pananabik sa mga mata niya.   It’s been a days since we saw each other. Ilang araw kong hindi siya nakita. Ilang araw siyang hinanap ng aking mga tingin. Sobra akong nananabik na makita siyang muli. Hindi ko akalain na tototohanin niya ang paglayo sa akin. I’ve never thought that he would give me some space na kailangan ko para makapag-isip.   I tried as hard as I can to not let my tears down to my face. Pero huli na para gawin ko ang bagay na iyon. The tears I kept for so long are about to spill out. Tuluyan nang nakawala ang mga luha sa aking mga mata. I wiped my tears and fix myself as fast as I could. Tinignan ko ito sa kaniyang mga mata at tsaka ako nagsalita.   “What brought you here?” Kahit hirap ako sa sitwasyon namin. Kahit nahihirapan akong gumawa nang mga salita. Pinilit ko pa rin ang aking sarili.   Unti-unting lumakad sa akin si Jonathan, palapit sa aking kinatatayuan. Nang magkaharap na kami. Bigla ko na lamang naramdaman ang yakap niya na biglang pumulupot sa aking katawan.   Ang init ng yakap niya. Ito ‘yung gusto kong maramdaman ulit. Ang tagal kong hindi naramdaman ang yakap ni Jonathan sa akin. Ang tagal kong inasam na muling maramdaman ito mula sa kaniya.   “Sabihin mo na ang talagang sadya mo.” Kumalas ako sa kaniyang pagkakayakap at muli kong itinuon ang aking tingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon.   “Ikaw talaga ang sadya ko rito sa lugar na ito. Ilang araw kong tiniis na hindi ka makita. Ilang araw kong tiniis na hindi ka kausapin just to give you some spaces na gusto mo. Siguro, sapat na ang mga araw na ‘yon para muli kitang makita at makausap.” Huminto ito sa kaniyang pagsasalita at naupo sa upuan na malapit sa aming kinatatayuan.   “Naging mahirap para sa akin ang naging sitwasyon nating dalawa. I tried to convinced myself na ito ‘yung challenges mo para sa akin. I tried to refused all the calls and messages na dapat na gagawin ko. Ginawa ko ang lahat kahit mahirap para sa akin na hindi ka maka-usap at makita. I don’t know but I think, I’m crazy in love with you, James.” Dagdad nito.   “Even if you chose to refused what you were supposed to do, hindi mo pa rin maloloko ang sarili mo, lalong-lalo na ang nararamdaman mo.” Saad ko rito.   Muli itong tumayo mula sa kaniyang pagkakatayo. Narinig kong nagbuntong hininga siya at tsaka niya muli akong tinignan. Ngunit sa mga tingin niyang iyon sa aking ngayon, kumpara sa kanina, mga tinging punong-puno ng emosyon.   “Hindi ko alam. Wala akong ideya na naging kayo pala ni Pau. Kung hindi ko pa nalaman, hindi ko rin malalaman ang tungkol sa bagay na iyon. Bakit, James? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin ang mga iyon? Bakit mo ko gina-gainito? Bakit pinahihirapan mo ako ng sobra!?” Sunod-sunod na pagtatanong nito sa akin.   “Hindi kita maunawaan, Jonath—” Agad na pinutol ni Jonathan ang aking pagsasalita na siyang naging dahilan para mapayuko ako sa kaniyang harapan.   “Talagang hindi mo ako maiintindihan, James. Hindi mo ba nahahalata sa mga kilos ko ‘yung nararamdaman ko para sa ‘yo? Ganun ka ba kamanhid, James? Isa pa, talagang hindi mo ako mauunawaan hanggat’t patuloy mong ikinukulong ang sarili mo sa nakaraan.” Bakit ngayon ko lamang nakita ang mga bagay na ginagawa sa akin ni Jonathan? Masyado ba akong naging manhid tulad ng sinasabi niya sa akin? Nang wala siyang narinig sa akin na sagot. Kinuha niya ang pagkakataong iyon upang muling makapagsalita.   “Mahal na mahal kita, James. Mahal na mahal. Ikaw lang naman ang hinihintay ko na magsabi sa akin tungkol diyan sa nararamdaman mo para sa akin.” Pagtatapos nito.   Tama ba ang mga narinig ko? Tama ba na mahal ako ni Jonathan? Eto ba ‘yung nais na iparating sa akin ni Avin na si Jonathan raw ang dapat na mismo ang magsabi sa akin?   “Ang buong akala ko ay—ipagpapatuloy ninyo ni Avin ang relasyong nabuo noong mga bata pa kayo. Pero bakit ngayon sinasabi mo sa akin ang lahat nang ito. Kaya nga ako lumayo dahil akala ko—" Napahinto ako sa aking pagsasalita nang biglang nagsalita si Jonathan.   “Hindi. Nagparaya siya sa nararamdaman niya para sa akin. Pero, James? Sa ginawa mong iyon. Oo, binigyan kita ng ilang araw para makapag-isip. Pero, ni isang beses hindi ko man lang naramdaman na hinahanap mo ako. James, sa ginawa mong pag-iwas sa akin, lalo akong nasaktan. Sa ginawa kong pagtatago sa ‘yo, masakit rin na gawin ko ang bagay na iyon. Nasasaktan ako, James. Nasasaktan ako.”   Hindi ko lubos na maisip na ganito na pala ang nararamdaman ni Jonathan saakin. Akala ko ay mas makakabuti ang paglayo ko mula sa kanila ni Avin. Pero nagkamali ako. Mas nasaktan ko pala siya sa mga ginawa ko. Nasaktan ko ang taong akala ko ay iba na ang gusto.   “Hindi ko binigyan ng pangalawang pagkakataon si Pau, Jonathan.” Biglang pagsasalita ko rito.   “Pero, ano ‘yung nakita ko? ‘Yung inakap ka niya? Pero saakin, lagi mo kong iniiwasan kapag dumating ako.”   “Dahil kasama mo si Avin nun. Nasasaktan rin ako sa tuwing nakikita ko kayong magkasama. ‘Yung dating madalas nating magkasama, simula nung dumating siya, nawala ‘yung ganun, Jonathan. Nawala.” Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili.   Hindi ko na nakontrol pa ang sarili ko na sabihin rin sa kaniya kung gaano ako nasasaktan sa tuwing magkasama silang dalawa ni Avin. Kung gaano ako nagse-selos sa tuwing magkasama silang dalawa    “Hindi nawala ‘yon, James. Ikaw ang nawala. Walang kami ni Avin. Maluwag na tinanggap ni Avin na ikaw na ang mahal ko.”   Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig mula kay Jonathan. Kaya pala ganun na lamang ang mga sinabi sa akin ni Avin nung araw na nagkasalubong kaming dalawa. Bakit hindi ko man lang nahalata iyon sa kaniya.   “P-paano—”   Hindi na ako nagawang masagot pa ni Jonathan. Bigla ko na lamang naramdaman ang muling pagyakap niya sa akin. Hindi ako nakagalawa sa ginawang iyon ni Jonathan. Napaluha na lamang ako ng muli kong maramdman ang yakap niya sa akin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD