Prologue

4332 Words
PROLOGUE Pinasadahan ni Lady Marifer ng tingin ang mga nakahilerang damit sa kanyang harap habang nakapinta sa kanyang manipis na mga labi ang isang matipid at sopistikadang ngisi. She must say she's quite impressed. The five gowns created by five famous designers are made out of expensive gems, fabrics, and other high-end materials that only fit with someone important to this society and only suit for someone like her. Itsurang pangmayaman. Amoy pangmayaman. Perfect for a woman like me. She thought while giving each gown a good look. Marifer Thompson, or as how she prefers to be called, Lady M always thought that life is nothing but a hierarchy. Kapag ikaw ang may kaya, may kapangyarihan, may pangalang halos sambahin ng mundo, hawak mo ang lahat sa palad mo. One snap and people with lower state in life will follow whatever you say. That's how things work in real life in her perspective. Money. Power. Name. Beauty. The things that make everything unfair in this world. The things that made Lady M the b***h you can never slap with a hand that never had the chance to touch Gods. In short, nobody has the right to show her how much day hate her...no matter how much they do. Para sa tagapagmana ng mga Thompson, masyado siyang makapangyarihan para lang masaktan ng mga taong kapresyo lang ng pinakamurang pagkaing nakain niya. She was raised this way. A woman who knows her worth. A modern-day royal blooded lady who projects class and sophistication in her every move. Kahit pa sabihing nag-e-exist na lamang ang kanilang palasyo at apelyido dahil sa malaking ambag nito sa distrito ng Wales, pinalaki siyang ang tingin sa sarili ay napakataas. Too high already that sometimes she thinks stepping down would hurt her ego so much. Inayos niya ang tali ng kanyang kulay abong roba saka siya naglakad patungo sa pulang gown. She actually liked all of it but the one in the middle caught much of her attention due to its unique design. Mahaba ang slit nito sa kanang bahagi ngunit ang sinadyang punit na iyon ay napaligiran ng pulang mga bato na bumagay sa disenyo. Hugis puso ang dibdib at sinadyang magpormang V ang bahagi ng damit mula sa kili-kili pababa sa kanyang likod na balakang. Her smirk widen. A teaser. A bloody and exquisite teaser... She murmured to herself. Hinaplos niya ang mga batong disenyo sa bandang dibdib pababa sa tiyan saka niya tinignan ang designer na nakatayo sa tabi ng magarbong damit. "Ruby?" She asked. "Yes, Lady Marifer. Five million golds worth of Rubies," the mid-fourty's designer proudly said. Marifer noticed instantly the fine lines on the woman's face that she tried to conceal with her makeup. Tahimik siyang nagpasalamat na bata pa siya at maganda pa ang balat niya. The thought of growing old and having those wrinkles in her pretty face make her sick. Tumaas ang kilay niya saka makahulugang binalik sa damit ang tingin. Sandaling nabalot ng katahimikan ang silid nang maningkit ang mga mata niya pagtapos ay muling pinukol ng tingin ang sikat na designer. "Five million lang? You want me to wear something that cheap?" Mataray niyang tanong. Kaagad na namutla ang mukha ng designer. Hinawakan niya ang balikat ng mannequin saka pilit na nagpaliwanag. "But Lady Marifer, all the other materials used for this gown's a total of ten million worth of gold. Everything in this gown's the most expensive. Not to mention that this is the first gown designed with real Rubies." Tila pumalakpak ang kanyang tainga sa narinig. "Really?" Ngumisi siya at itinupi ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. "You better make sure about it. I don't want anyone to ruin my party. Hindi ako makakapayag na may dadalong nakasuot ng mas mahal pa kaysa sa suot ko." Hindi na niya hinintay pa ang magiging sagot ng designer. She doesn't care about her or who she is anyway. For her, she's actually the one doing those artists a favor. Isa nga raw pribilehiyo ang madamitan mo ang isang Lady Marifer Thompson. Tuluyan niya itong tinalikuran at tinungo ang pinto. In just a snap of her fingers, the giant mahogany double door swung open as if she's a God and everything around her follows her every command. Imwinestra niya ang kanyang kamay at agad na lumapit ang dalawang serbidorang nakauniporme ng pula at tinernuhan ng itim na apron. "Take that red gown to my room. Call Ferimeo. Tell him to get me his most expensive set of bloody diamonds." Utos niya bago tuluyang sinara ng butler ang pinto sa kanilang likod. Isang palakpak lamang at nagsisunuran sa kanya ang mga katulong na nakahilera sa labas ng pinanggalingan niyang silid. Nakabuntot silang lahat na animo'y isa siyang santang dapat sambahin. Sino nga namang hindi gugustuhing gawin iyon kung ang pinagsisilbihan mo ay ang susunod sa trono ng Wales? Nasa modernong panahon man na ang sibilisasyon, mataas pa rin ang tingin ng mga tao sa royal family. They are the symbol of the great history of Wales. Ang Thompsons pa rin ang unang maiisip sa tuwing babanggitin ang pangalan ng kanilang lugar. Habang paakyat sa kanyang silid ay naabutan niya ang pagdating ni Irene. Pinasadahan niya ng tingin ang suot nitong trench coat na nagtago sa kung anumang klaseng mini dress ang suot ng dalaga. Huminto siya sa pagpanhik at tinapunan ito ng isang matalim na tingin. "Get that bloody cheap coat out of here. There's no way you'll take that tonight on the party." Mataray nitong sabi. Lumandas ang ngisi sa mga labi ni Irene kasabay ng pagtaas niya ng kilay kay Marifer. "b***h, please. I just bought this coat and it's way more expensive than you thought it was. Get a hold of yourself. I'm not stupid to wear a trench coat in a formal party." Tugon niya saka siya nagsimulang maglakad patungo sa itaas ng hagdan. Lumandas ang ngisi sa mga labi ni Marifer dahil sa salitang ginamit sa kanya ni Irene. The only person permitted to call her that way is this petite and snow white-like friend of hers. Sila lang naman daw kasi ang halos magkalebel...sa ganda lamang hindi sa yaman at kapangyarihan. Nang tuluyan siyang narating ni Irene ay kaagad siyang bumeso rito na animo'y hindi niya ito ininsulto kanina pa lang. "Let's go. Kailangan mo nang mag-ayos. Balita ko ay paparating na ang mga bisita mo," Ani Irene saka siya naunang pumanhik patungo sa kwarto ng kaibigan. She watched her friend walk like a normal person she'll never become and she knew, just like her last birthday celebrations, she's going to be the most beautiful person in the party...but also the loneliest girl of the night. She tried to shrug the thought away. Malalim na lamang siyang huminga saka inayos ang kanyang roba bago sumunod kay Irene. By the look on Irene's face, she can tell that they're sharing the same thoughts again. They knew, this is going to be a long night for her again... "So what's your plan? You're twenty one and I heard from my dad that Lord Matthew wants you to pick your fiancee' tonight. Tingin mo saang pamilya manggagaling ang matitipuhan mo?" Ani Irene habang inaayos ng make up artist ang kulot ng buhok ng kaibigan. Tamad na ibinaba ni Marifer ang magazine sa ibabaw ng dresser saka niya tinignan mula sa reflection ng salamin si Irene. "I don't know. I mean, this ain't the first time I'm gonna meet the sons of Lords, Dukes, politicians, and even business tycoons. Sa ilang taon na iniimbitahan sila ni Dad, wala akong natitipuhan sa kanila. They are all looking at me like a mad man. Ayaw ko ng gano'n. Parang asong kinulang sa bakuna at naulol. That's creepy. I am born for a god, Irene. A god." Nakangising tugon nito. Umismid si Irene at hindi napigilan ang mahinang paghalakhak. Tumayo siya at inayos ang kanyang damit na siya mismo ang nagdisenyo. Another pixie dress. Kulay asul pa talaga. She's not stupid to wear a trench coat but she lacked enough senses to realize that her dress is too short for a party like this. Minsan ay gusto ring batukan ni Marifer ang kaibigan kaya lang ay sigurado siyang ilalaban lamang na naman nito ang linyang, "every designer has her own way of making an impression", kahit pa hindi pa ito ganap na designer. "Ewan ko sayo. Masyado talagang mataas ang tingin mo sa sarili mo. Anyway, sabi ni Dad, maraming bagong bisita si Lord Matthew tonight. He said some of them came from far places. Malay mo isa na roon ang makabihag sayo. You know? Like in the fairytales." She giggled softly. Gusto niyang matawa nang malakas dahil sa sinabi ng kaibigan. Every year, she hear the same thing from Irene. Hindi tuloy niya napigilan ang mapailing. "You're a hopeless case, Irene. Just because I'm the daughter of Lord Matthew Thompson, doesn't mean I'm expecting a fairytale-like story. That's cheap by the way. Only little girls buy that shit." Ngumisi ang dalaga sa kanya. "Well," Itinupi niya ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib, "goodluck with that. Let's see, Marifer. Let's see." Hindi alam ni Marifer kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kakaiba dahil sa sinabing iyon ni Irene. There is something about her words that made her feel uncertain all of a sudden. Para bang gusto niyang pagdudahan bigla ang sarili niyang mga salita. Sa huling pagkakataon ay pinasadahan ni Marifer ng tingin ang kanyang itsura. Her porcelain skin complements with the bloody and extremely expensive sexy gown. Her cheeks are well-defined and the smokey eye shadow made her hooded green eyes fiercer than ever. She loved how the dark red lipstick made her look a bit older like a beautiful lady she always thought she was. Madalas kasi siyang tawaging baby face ng mga nakakakita sa kanya kahit pa tumuntong na siya ng tamang edad. Isang bagay na ayaw niya kahit isa naman iyong papuri. For her, a lady must look like a grown woman not a helpless little bratt. Everything about her must always demand respect and power. Narinig niya ang katok sa pinto ng kwarto kasunod ng pagtawag ng butler sa kanyang pangalan. "Lady Marifer, it's time." Kasama ng dalawang alalay ay tuluyan siyang lumakad palabas ng kwarto patungo sa great hall ng palasyo. She stayed at the top of the grand staircase for a couple of minutes, gazing at the marvelous work the organizers did for her party. The theme was masquerade, and just like those mysterious people hiding behind their masks, the party itself will already give the exciting feeling. May mga ginto, pula, at itim na telang naka-hang sa kisame patungo sa higanteng chandelier sa pinaka-sentro habang ang bawat sulok ay puno ng scented candles. Marifer flashed a satisfied smirk when the smell of Jasmine lingered in her nose. She shut her eyes and enjoyed the comfort it gave in her system until her Dad finally introduced her to the guests. Sandaling tumutok sa kanya ang spotlight at ang kaninang bahagyang maingay na mga bisita ay nabaling sa kanyang direksyon. Nang makuha na niya ang atensyon ng lahat, ibinaba niya ang maskara niya saka siya nagsimulang humakbang pababa ng hagdan. A classic song and the guests' applauses were on the background as she graced down the staircase while her Dad is waiting for her at the end. Ngumiti siya sa kanyang amang si Lord Matthew nang kunin nito ang kanyang kamay. Yumapos ito sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. "Happy birthday, princess." "Thank you, Dad," She replyed, trying her best not to shed even a single tear. She always tell herself that she's not that pathetic to cry. Normal na dapat ang mga ganitong bagay. Hindi iyakin si Lady M. Nang kumalas ang Dad niya sa pagkakayakap ay iginiya siya nito patungo sa harap ng mga taong halatang mula sa mga pinakamakakapangyarihang pamilya. Lahat sila'y alam niyang ginastusan ang mga suot. Mula sa kanilang mga maskara hanggang sa kanilang mga sapin sa paa, alam niyang lahat ay mamahalin. Perfect. Cheaps are not allowed in my party. She told herself. "Ladies and gentlemen, my daughter, the heiress of the throne, Princess of Wales, Lady Marifer Thompson." Masayang anunsyo ng kanyang ama. Muling umalingawngaw ang palakpakan ng mga bisita. Pinasadahan naman niya ng tingin ang mga ito. They are all wearing their masks which made them look mysterious. Karamihan ay hindi niya talaga magawang makilala. Mayamaya pa ay napako ang paningin niya sa isang lalakeng nakatayo ilang metro mula sa kanyang pwesto. Sa kamay nito ay ang baso ng halos paubos nang champagne. His white tux suits him more than anyone here does. Marifer had never seen anyone wear a tux that well. Para bang nilikha ang kasootang iyon para lang sa lalakeng nakapukaw ng atensyon niya. Hindi niya mawari kung bakit hindi niya ito magawang laiitin gayong hindi masyadong maayos ang pagkakasuot nito. Nakabukas ang dalawang butones sa pinakataas at wala rin siyang suot na bow tie. Very informal...yet too hot to be ignored. Natatakpan ang kalahati ng mukha niya ng itim na maskara pero sapat na ang nakalitaw niyang ibabang mukha upang makita ni Marifer ang makahulugang ngiting nakaguhit sa mapupulang labi ng lalake. She didn't know that a guy with beard would attract her one day. Wala siyang tiwala sa mga may balbas o bigote ngunit ang isang ito...ang lakas ng epekto nito sa kanya. Parang gusto tuloy niyang humakbang palapit sa misteryosong lalake para alisin ang maskarang tumatakip sa kalahati ng mukha nito. She wants to see his face. His whole face. Umangat ang tingin niya sa mga mata ng lalake nang tuluyan itong umayos ng tindig. Doon siya natigilan. His eyes... It's burning golden-yellow and it's gazing at her with so much amusement, desire, and so much more she can no longer put into words. She was never stared at that way...and it made her cheeks turn red. "Marifer, are you alright?" Naagaw ng kanyang ama ang kanyang pansin. Napalingon siya rito at nasalubong niya ang nagtatakang tinging ipinupukol nito sa kanya. Ngumiti na lamang siya bilang tugon. Mayamaya ay inanunsyo na ang tungkol sa first dance. Her first dance for tonight is her Dad. Noong una ay sila pa lamang dalawa ang sumasayaw sa dance floor ngunit mayamaya ay nagsimula na ang pagpunta ng mga pares upang sumayaw. "I want you to dance with the sons of the kings and lords. Get to know them then pick the guy you want to marry," paalala ng kanyang ama habang nasa kalagitnaan kami sila ng pagsasayaw. Napairap siya sa kawalan. Nagsisimula pa lang ang party pero parang nasira na ang gabi niya. Can't we just talk about this s**t later? For goodness' sake, I am just twenty one. She murmured to herself. Ayaw muna niyang magpakasal hangga't maaari. Nakakatanda ang pag-aasawa para sa kanya. She can't imagine herself looking older than her friends and how she's really supposed to look like. She doesn't want to be ugly and look stressed! Isang buntong hininga ang pinakawalan niya dahil sa mga naisip. Pilit na lamang siyang ngumiti.Hindi niya maaaring ipahalata sa ama na hindi niya nagustuhan ang ideya nito. "S-Sure Dad. As you wish," she lied. Huminto siya sa pagsasayaw. "I'm sorry but I think I need to get myself a drink." Walang gana niyang paalam. Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng kanyang ama. Hawak ang hem ng kanyang gown, nagsimula siyang maglakad paalis sa dance floor ngunit bago pa man niya ito tuluyang magawa, isang pares na ng kamay ang siyang humablot sa kanya. Napakabilis nailagay ng taong gumawa no'n ang mga kamay niya sa matipuno nitong mga balikat habang nakakulong ang kanyang baywang sa mga palad nito. She inhaled deeply when she realized it's the same man she's staring at earlier. His manly scent mixed with alcohol lingered in her nose, consuming her rational thoughts to get out of the dance floor. She lifted her gaze and the familiar smirk greeted her but the burning golden-yellow eyes were gone. Behind his mask is a pair of dark blue eyes that's looking at her intensely like she's a piece of art that calls for his full attention. Marifer gulped when he started dancing. Noong una ay hindi siya nakagalaw ngunit tila hindi hahayaan ng lalakeng manatili lang siyang nakatayo. Humigpit ang hawak nito sa kanyang baywang. Ibinaba nito nang bahagya ang kanyang ulo saka siya bumulong sa tainga ni Marifer. "This is a beautiful song. We shouldn't miss it," He said softly. Muling sinimulan ng lalake ang pagsasayaw sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang natangay. He danced her with so much grace, like they're owning the dance floor and the song was playing just for the two of them. The song shifted into something more romantic and the lights went dim. Nang sandaling tamaan ng ilaw ang mga mata ng lalake, nakita ni Marifer ang isang bagay na ni minsan ay hindi pa niya nakita sa iba. Immeasurable desire... This stranger. She never thought she'd be this comfortable with someone she doesn't even know...sa misteryosong lalakeng ito lang. Lumunok siya at sinubukang alisin ang maskarang nagkukubli sa mukha ng lalake pero kaagad nitong pinigilan ang kanyang kamay. His jaw clenched and his gaze became a bit intense. Muli niyang ibinalik ang kamay ni Marifer sa kanyang balikat at nagpatuloy siya sa pagsayaw sa dalaga. "Patience...Let's just enjoy this moment, shall we?" He murmured while staring at her. Mahina na lamang siyang tumango. For the first time in her life, someone made her agree to what he wants to happen. Dati-rati ay madali niyang nakukuha ang gusto niya ngunit ibang klase ang isang ito. Halos patapos na ang kanta nang bumaba ang tingin ng lalake sa kanyang mga labi. Ilang sandali iyong namirmi roon na para bang gusto niya itong haplusin. She saw him gulp. Bigla na lamang siyang nakaramdam ng kuryente nang makitang binasa ng lalake ang kanyang ibabang labi saka niya ito bahagyang kinagat. "Will it be wrong to say how bad I want you close?" He asked in a husky tone. Napalunok siya dahil sa narinig. She'd already heard this line from several men but hearing him say it seems to be a bit different. Sandali siyang nag-iwas ng tingin. "H-how close?" Bumilis ang t***k ng kanyang puso nang hawakan ng lalake ang kanyang baba upang iangat ang kanyang mukha. Nang magtama ulit ang kanilang mga mata, pakiramdam niya ay bigla siyang ginapangan ng kuryente sa katawan. Umigting ang panga ng lalake. She saw how his eyes sparkled because of what Marifer just said. Dumausdos ang kamay ng lalake sa kanyang baywang patungo sa kanyang likod. Napasinghap tuloy siya nang kabigin nito ang likod niya hanggang sa tuluyang magdikit ang kanilang mga katawan. The tip of his nose brushed against the side of her cheek and his minty with a hint of alcohol breath kissed her skin. Sumandal ang gilid ng ulo ng lalake sa gilid ng kanyang ulo. "This close..." He whispered. His warm breath sent chills down her spine. The way he said it put her whole system in chaos the way nobody had ever done before. "W-Who are you?" Nauutal niyang tanong saka pilit na inilayo ang kanyang mukha. Muli niyang nasalubong ang makahulugang titig ng lalake. Lumandas ang isang ngisi sa mga labi nito. The kind of smirk that can melt any woman's self control...and she can't believe it's working with her right now. "The king of beasts..." He whispered. Kumunot ang kanyang noo dahil sa huling salitang narinig. "Beasts?" Nagtataka niya itong pinagmasdan. Hinihintay niya ang tugon nito ngunit wala siyang natanggap. Imbes na sagutin siya ay binitiwan siya nito at naglakad ito paalis sa dance floor. Naiwan siya roong pinagmamasdan lamang na humalo sa mga tao ang natatanging taong nagawang iparamdam ang lahat ng naramdaman niya kanina. Natapos ang sayawan at nagsibalik sa kani-kanilang mga upuan ang mga tao. Inescortan si Marifer ng mga tauhan ng kanyang ama patungo sa mesang nakalaan para sa pamilya Thompson. Sa buong gabi ay hindi nawala sa isip niya ang lalakeng iyon. She'd never been this interested with someone before. May kakaiba sa lalakeng dahilan para kwestyunin niya ang lahat ng pilit niyang pinaniwalaan sa buong buhay niya. Halos patapos na ang pagbibigay ng regalo nang mapansin ni Marifer ang tila pagkatuliro ni Lord Matthew. May isang parte ng lugar itong tinitignan ngunit hindi siya sigurado kung kanino sa mga bisitang naroroon ang atensyon ng ama. Hinawakan niya ang braso nito saka iyon mahinang piniga. "Dad, what's wrong?" Nagtataka niyang tanong. Tila bigla naman itong nagbalik sa sarili. Tumingin ito sa kanya ngunit bakas sa mga mata nitong may bumabagabag rito. "W-wala, anak. I was jus--" Naputol ang sinasabi ni Lord Matthew nang bigla na lamang umalingawngaw ang mga palahaw. Nabalot ng usok ang buong paligid at ilang ilaw ang bigla na lamang namatay. Kaagad hinawakan ni Lord Matthew ang balikat ng anak saka niya ito pinagtago sa ilalim ng mesa. Para nan mabibingi si Marifer sa bilis ng t***k ng puso niya. Everyone's running in every direction, trying to escape from the chaos. Hindi niya alam kung ano na bang nangyayari pero alam niyang may posibilidad na hindi na sila makalabas ng buhay ngayong gabi base sa ekspresyong nakapinta sa mukha ng kanyang ama. "Dito ka lang, Marifer! Kahit na anong mangyari, h'wag kang lalabas!" Sigaw ng Daddy niya bago ito umalis. "Dad!" Takot na takot niyang tawag sa ama pero hindi na siya nito binalikan. Mahapdi sa mata ang usok. Nangangati na ang lalamunan niya at nagsisimula na siyang umubo. Pakiramdam niya'y nanghihina na rin ang kanyang kalamnan ngunit nanatili siya sa pwestong pinag-iwanan sa kanya ng kanyang ama. She heard loud screams near her. Mayamaya pa ay bigla na lamang may kumalabog sa itaas ng mesang pinagtataguan niya at kasunod nito ay ang pagtagos ng matalas na espada at pagtulo ng sariwang dugo. Natutop niya ang kanyang bibig upang pigilan ang pagsigaw. Tuluyang pumatak ang mga luha niya dahil sa matinding takot ngunit wala siyang ibang magawa kung hindi ang manatili roon. For the first time, she felt helpless. She felt vulnerable. The very thing she hates to feel. "Conrad!" Umalingawngaw ang sigaw ng kanyang ama. Kasunod nito ay ang tila paghinto ng kaguluhang nangyayari. Bigla siyang binalot ng takot para sa ama. Lumabas siya mula sa mesa at sinilip ang nangyayari. Masamang nakatitig si Lord Matthew sa isang lalakeng kaedaran niya at may kahabaan ang buhok. May pilat ang kanang pisngi nitong dahilan para lalong matakot si Marifer sa ngising nakaguhit sa mga labi nito. "This is your end, Thompson. You took my family by blade, I will end yours by blade," Makahulugan nitong sabi habang nakatitig kay Lord Matthew. Lalong ginapangan ng takot si Marifer nang iangat ng lalake ang espada sa ere saka itinutok sa kanyang ama. Tila ba isa iyong senyales para sa mga kasama nito para palibutan si Lord Matthew habang nakatutok sa kanya ang kanilang matutulis na mga espada. Para bang anumang oras ay tuluyan nilang mapapatay ang ama ni Marifer. Ngunit bago pa man mangyari iyon, isang sipol na tila may sinusundang awit ang umalingangaw sa paligid. Tumahimik ang lahat, tila nakikiramdam kung saan nanggagaling ang sipol. Mayamaya pa'y mula sa mausok na parte ng lugar, lumabas at naglakad patungo sa gitna nina Lord Matthew at ng lalakeng tinawag niyang Conrad, ang isang pamilyar na tao. Ang espadang bitbit nito ay nakapatong sa kanyang kanang balikat habang ang isa niyang kamay ay nakabaon sa bulsa ng kanyang putting pantalon. Namantyahan na ng dugo ang kanyang puting tuxedo ngunit mas lumakas lamang lalo ang kanyang dating dahil doon. The smirk on his face is different from what Marifer saw earlier. Ngayon ay tila dapat na siyang matakot sa lalakeng kanina lamang ay halos pagpantasyahan na niya. Sa itsura kasi nito ngayon, para bang kaya nitong gumawa ng hindi maganda. Mayamaya ay tumigil ang lalake sa pagsipol at dahan-dahang inalis ang kanyang maskara. Umawang ang mga labi ni Marifer nang makita ng buo ang mukha ng misteryosong lalake. There's no words to describe this God-like creature in front of them. Every detail of his gorgeous face is perfection. Mula sa kanyang makapal at tila hinulmang mabuting mga kilay, ang matangos niyang ilong, ang mapupungay niyang mga mata, ang mapupula niyang mga labi, hanggang sa kanyang pangang nadepinang mabuti, malalaglag ang panga ng sinomang makakakita sa kanya. "A sword fight? Ah yes. Really classic. That's more like it. Very king-conquering-shits like, aye?" He said, trying his best not to chuckle. Marifer's brows furrowed when he started unbuttoning his tux while staring at her. His lips curved when he saw how she gulped. Para bang naaaliw ito sa nakikitang reaksyon ng dalaga. "You gotta know one thing, bastards," he mumbled before pointing the sword to the intruders' leader. "Blades are my thing..." Mayabang niyang sabi. Nagtinginan lamang ang mga kalabang animo'y takang-taka sa biglang pagsulpot ng lalakeng iyon. "I believe we haven't formally met," muling ani ng lalake. Humarap siya kay Lord Matthew ng may ngisi sa kanyang labi. "I am Bjourne Benedict Coulson and I came to bargain with you..." Kumunot ang noo ng ama ni Marifer. "Bargain?" Lalong lumawak ang ngisi ni Bjourne hanggang sa tuluyang lumabas ang mapuputi at perpekto niyang mga ngipin. "I can help you survive but it will come with a price." Lalong nabalot ng pagtataka si Lord Matthew. "And how are you going to--" Naputol ang sinasabi niya nang sa isang iglap ay dalawang kalaban na ang nakahandusay sa sahig. Napasinghap si Marifer at biglang napaatras nang masaksihan ang nangyari. Walang normal na makakayang gawin iyon. Ang taong 'to, hindi siya pangkaraniwan... Aniya sa sarili habang hindi inaalis ang tingin sa lalakeng nagpakilalang Bjourne. Pinagpag ng lalake ang kanyang duguang kamay sa kanyang puting tuxedo saka siya nakangising tumingin kay Lord Matthew. "I know you already know what I am...You met my men before, haven't you, my Lord?" Nabaling sandali ang tingin ni Lord Matthew sa anak. Kitang-kita naman ni Marifer kung paanong namutla ang kanyang ama. Nang gumuhit ang pagtataka sa mga mata ng dalaga ay muling binalik ni Lord Matthew ang tingin sa lalake. "W-What do you w-want?" Mahinang tanong nito kay Bjourne. Lumawak ang ngisi ni Bjourne at hindi iyon nagugustuhan ni Marifer lalo na nang mabaling sa direksyon niya ang mga mata nito. Makahulugan siya nitong pinasadahan ng tingin na animo'y alam nitong makukuha niya ang nais niya at nang tuluyan siyang magsalita, tila tumigil ang mundo ni Marifer sa pag-ikot. "Simple. Your daughter is mine..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD