MY STRICT DOCTOR 1

1011 Words
Ryana's POV Nakakasawa naman ang Ospital nato! Tatlong araw na ako dito hindi parin ako maka labas labas! Boring " gising ka na pala.." agad na tinignan ko ang nag mamayari ng boses. "Ma!..." masigla kong tawag sa kanya. "Kamusta na ang prinsesa namin?" agad naman akong napatingin sa kapapasok lang na tao. "KUYA!" agad na sigaw ko ng makita ko siya. God! Hindi ko alam na nakauwi na siya. "Princess, na miss mo ba ang gwapo mong kuya ha?" ang yabang talaga! Agad na niyakap niya naman ako. "Yabang parin ha? Walang pinagbago!" sabi ko pa and hug him back. My older brother works in States, he is 25 years old two years older than I am. Matagal ko na siyang hindi nakikita mga isang taon na rin, busy kasi palagi sa kompanya niya. "Oh. Kumain ka na ba?" tanong niya naman at humiwalay na sa yakap. "Tapos na e! Dinalhan ako ng pagkain ni Doc." sagot ko naman. Kinuha ni kuya ang upuan malapit sa side table ng kama ko at umupo siya don. "Princess How do you feel?" tanong niya. Kita ko naman ang pag aalala sa mga mata niya. Instead na malungkot ako pinakitaan ko nalang siya ng sobrang malaking ngiti. "Kuya naman, Okey lang ako no kita mo ang sigla ko diba.." pagpapatunay ko pa sa kanya. Ang pag aalala niya kanina napalitan ng masayang ngiti. "yun oh! Palaban talaga tong prinsesa namin." sabay gulo ng buhok ko. Ano ako ASO? "Wag na nga yang princess-princess na yan ang tanda-tanda ko na." sabi ko pa. Totoo naman talaga! Inismiran lang ako ng baliw! Sobrang na miss ko talaga si kuya! Aside sa magkapatid kami para narin kaming mag bestfriend niyan. Noon nong high school ako siya yung laging taga sundo ko. Lahat ng umaaway sakin noon sinusumbong ko. Ayun inaaway niya rin. Ang saya talaga pag may kuya, may right hand ka e! "Ma kailan ako lalabas dito ?" tanong ko naman habang naglalaro ako sa cellphone ko si mama naman nag babalat ng mansanas. "pwede na siguro bukas anak, pagkatapos ng check up mo mamaya, magpapalipas muna tayo ng gabi dito then kinabukasan uwi na tayo.." Yes! Salamat naman. Nakakabagot kasi dito. "Salamat naman." sabi ko pa. "Si papa nga pala ma?" tanong ko habang naglalaro parin. "Ayun trabaho parin ang inaatupag." malakas na buntong hininga naman ang pinakawalan ni mama. Tsk! Poro nalang Trabaho! Hindi niya ba naisip na kailangan namin siya! Para san ba yang yaman niya kong hindi rin lang naman namin siya makasama! "Hindi kana nasanay wala naman yung pakialam kong hindi palaguin ng palaguin ang negosyo niya, akala mo naman madadala nya yan sa hukay..!" inis kong sabi. Nakakainis naman din kasi. Kung tutuosin ayaw ko na ngang mabuhay sa mundo e! Sawa na ako sa mga nangyayari sa paligid ko! "Hoy malungkot ka dyan?" agad na tanong ni kuya ng makapasok na siya. "Wala naman, nga pala sino yung tumawag?" tanong ko at nilapag ang cellphone ko sa side table. "ahh, Ate Cass mo, nangungumusta sayo, pagaling ka daw dahil mag ba-bonding pa daw kayo ng matagal." sabi pa ni kuya at umupo ulit sa inuupuan niya kanina. Si ate Cass asawa niya. "kahit naman hindi na ako gumaling makakapag bonding naman kami ah," ngiti kong sabi. At ngiti ni kuya kanina napalitan ulit ng lungkot. "Princess... Pumayag kana please,"Tsk! Ayan na naman tayo! "Ma, pahingi nga ng mansanas ginutom ako e!" sabi ko kay mama. Para makaiwas narin sa usapan na binubuksan na naman ni kuya. "oh ito," sabay abot naman ni mama sakin at kinuha ko naman. "gusto mo ya.." sabay lahad ko ng plato ng mansanas na hiniwa na ni mama. "hindi Okey lang," sabi niya lang. Nag kibit balikat nalang ako at kumain na. Narinig ko naman si kuyang nag buntong hininga. Hay Hindi ba nila maintindihan na ayaw ko. Wala din namang patutunguhan. UMALIS muna si kuya pupuntahan daw niya si papa. Sana mapatino na niya yon! Matigas pa sa bato ang katigasan ng ulo! *Knock knock knock* Agad naman akong napatingin sa pintuan at niluwa nito si Doc. "Doc. Goodevening.." bati ni mama kay doc. "Goodevening too Mrs. Finch," ngiti niyang bati. Bat ang bait niya kay mama, pagdating sakin ang demonyo-demonyo. Kainis. "How you feelin' Ms. Finch?" cold niyang tanong sakin. Inirapan ko naman siya. Kainis talaga! "ito humihinga parin," sarkastiko kong sagot at kinuha ang cellphone ko para makapaglaro ng mawala din ang atensyon ko sa pangit niyang mukha. "I'm serious here." walang buhay niyang sabi. Paki ko ba! "Okey lang naman po, masaya kana?" taas kilay kong sagot sa kanya. "hindi ka ba nahirapan sa paghinga..?" tanong niya. "hindi na naman, sa boring ba naman ng Ospital nyo wala akong magawa.." sabi ko at sinulyapan siya saglit at binalik ang tingin sa cellphone ko. Napipikon na yan! "ahm, sorry Doctor Jones pweding ako nalang tanungin nyo, wala kasi sa mood ang anak ko..." sabi pa ni mama. Napapansin siguro ni mama na ayaw ko ang presensya nitong taong nasa harap ko. Palagi naman akong wala sa mood pag nakikita siya! "Okey." nagbuntong hininga pa siya saka naglakad palabas at sumunod naman si mama. Binaba ko na ang cellphone ko at pinanuod lang siya hanggang mawala sa paningin ko. Dr. Bryan Jones? simula palang ayaw ko na sa kanya. Nakakainis kasi siyang kausap! Inshort walang sense kausap. Lalo na ang trato niya sakin ang Cold sobra. Mas Cold pa sa yelo! Nakakainis! Tapos pag sa ibang tao ang bait-bait! Ano to Favoritism? Abay ewan ko sa taong iyan at bakit hindi ako gusto, diba pag doctor smiley ka lalo na pag kaharap mo ang pasyente mo. Kabaliktaran ang pinapakita ng bakulaw na yon sakin e! Simula nong palagi akong inaatake ng sakit ko, pag nahihirapan akong huminga siya palagi ang dumadating sa bahay at inaasikaso ako pero gaya nga ng sabi ko, mas Cold pa siya sa yelo pag ako ang kausap niya. He is one of the best doctor in the country, sobrang popular yan, palangiti pag kaharap ang media, kasi Doctor/Model yan! Kaya maraming nakakakilala sa kanya kulang na nga lang mag artista siya. Edi siya na! Bat ba kasi siya pa naging doktor ko e! Parang ayaw naman akong maging pasyente. Kahit siya pa! Hindi niya mababago ang desisyon ko! Walang Operation ang mangyayari! Kahit sandamakmak pa yang donor dyan! Hindi! Wala na din namang sense ang buhay nato!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD