Chapter 1

1338 Words
[Yami's pov] "Master wake up! Master Yuukito!" Malakas na sigaw ko sa lalaki na mahimbing na mahimbing pa rin na natutulog sa kanyang kama. Kanina pa ako nandito para gisingin siya pero tila wala itong naririnig at mahimbing pa rin ang pagkakatulog. Napailing ako ng ulo at napameywang habang nakatingin sa kanya. Naku! Naku! Baka ako ang mapagalitan ni Ma'am Sophia kapag hindi pa rin siya bumangon. "Master naman! Gising na!" Malakas kong sigaw muli at buong lakas na hinigit ang kumot na nakabalot sa kanya. "Arrgh! Give me 5 minutes" Inis na sagot ni master at tinakpan pa ang kanyang mukha ng unan. Umikot ako sa kanyang kama at nakipag-agawan ng unan sa kanya.  "Master kapag hindi ka bumangon! Naku makikita mo!" Gigil na banta ko sa kanya Biglang binitawan niya ang unan kaya nawalan ako ng balanse at tumilapon sa sahig. Napahawak ako sa aking pwetan na nasaktan sa nangyari. Pagsilip ko sa aking master ay tinalikuran lang ako ay nakahiga pa rin sa kanyang kama. *inhale* *exhale* Unti unti na ako nawalan ng pasensiya sa aking master. Sa huli ay isasagawa ko na ang huli kong alas para gisingin siya. Inangat ko sa aking siko ang manggas ng aking uniporme at bigla... "Kyaaaaah!" Sigaw ko sabay lundag sa kanya sa kama at inipit ang kanyang ulo sa aking mga braso. Pilit kumakawala ang aking master at  inaalis ang aking mga braso na naka-headlock sa kanya. Tinapik tapik niya ako na nabibigay ng senyales na sumusuko na siya. Napangiti ako at agad siyang binitawan. Umubo ubo pa si master na habang hawak ang kanyang nasaktang leeg. Mamula mula pa ang kanyang mukha at pilit hinahabol ang kanyang hininga. Nang mahimasmasan siya ay binigyan niya ako ng matalim na tingin. "What the hell Yami!" Galit na sigaw ni master. "Balak mo ba akong patayin?" Ngumiti lamang ako sa kanya ng painosente saka magalang na yumuko sa kanya. "Good morning Master Yuukito." Bati ko sa kanya. "Kanina  pa po nag-aantay si Ma'am Sophia para sabayan niyo siya sa agahan." Napahilamos ng kamay si Master Yuukito sa kanyang mukha. Halatang nagtitimpi ng galit sa aking ginawa sa kanya. "Fine! Bababa na!" Sukong sabi niya at halos umusok ang ilong sa sobrang galit.  "Arrgh! Kung hindi ka lang babae!" Nanggigil na dagdag niya at inakma kamao niya sa akin sa ere. Isang victory smile naman ang sinagot ko sa kanya na lalong ikinainis ng aking master. "Labas na!" Sabi ni master at pilit akong tinutulak palabas ng kanyang kwarto. "Hoy master bumaba ka na huh!" Bilin ko pa sa kanya bago niya pabagsak na isinara ang pinto ng kanyang kwarto sa akin. Ngiting ngiti ako na nagtungo ng hapagkainan sa loob ng mansyon ng mga Taguhara. Siguradong naiinip na sina Ma'am Sophia at Sir Fred, ang mga magulang ni Master Yuukito, sa tagal ni master na bumaba. Naabutan ko sila na inaabala ang kanilang sarili. Si Ma'am Sophia ay abala sa pakikipag-usap sa kanyang phone samantala naman si Sir Fred ay nagbabasa ng dyaryo para alamin ang palitan ng mga dolyar sa peso at iba pang balita tungkol sa ekonomiya ng bansa. Kahit may karangyaan sa buhay ang mag-asawa ay masasabi ko na mababait ang mga ito. Mula pagkabata ay naninilbihan na ako sa kanilang mansyon kaya tila sila na rin ang tumayo kong mga magulang. Hindi naman rin nila akong tinuring na iba sa kanila. Nang matapos ang tawag ni Ma'am Sophia ay bumaling siya sa akin. "Where is Yuukito?" Kunot noong tanong niya sa akin. "Pababa na po Ma'am." Magalang kong sagot kaya tumango tango na lang si Ma'am Sophia at saka ako nginitian ng napakalaki. Bumaling siya ng tingin sa kanyang asawa. "Buti na lang talaga si Yami ang naging lifetime servant ni Yuukito dahil kayang kaya niya ang ugali ng anak mo." Sabi ni Ma'am Sophia kay Sir Fred kaya ibinababa nito ang kanyang binabasang dyaryo. "Sophia, maka-'anak mo' ka naman baka nakakalimutan mong anak natin si Yuukito." Iiling iling na puna ni Sir Fred sa sinabi ni Ma'am Sophia. "Kasi naman habang tumatagal ay hindi ko na maitindihan ang ugali niya." Nakasimangot na komento pa ni Ma'am Sophia. "He is being a stubborn brat. Hindi ko matandaan na pinalaki ko siya ng ganoon." "It is normal lalo na sa edad niya ngayon. He is trying to be independent." Depensa naman ni Sir Fred. "Pati naman tayo dumaan doon." Hindi nagtagal ay malakas na bumukas ang pinto at dumating ang nakabusangot kong master. Mukhang hanggang ngayon ay naiinis pa rin ito sa ginawa kong paraan ng paggising sa kanya. Tumingin muna sa akin ang mag-asawa na sinagot ko ng isang inosenteng tingin tapos binaling muli ang tingin nila sa kanilang anak. Natatawa silang napailing at nagkibit balikat na lamang. Malaki ang aking ngiti nang lumapit muli kay Master Yuukito. "Master, take your seat." Sabi ko saka pinaghila siya ng upuan pero ginantihan lamang niya ako ng isang masamang tingin. Padabog siyang umupo at naghalukipkip pa ng kanyang mga braso. "Quit you're attitude Yuukito! Nasa harapan ka ng pagkain" Pagsermon sa kanya ni Ma'am Sophia. Isang nagmamakaawang tingin ang binigay niya sa kanyang magulang. "Please kahit isang araw lang ilayo niyo si Yami sa akin!" Pagmamaktol niya. "I want a day in peace. Maaga ako mamatay sa komsumisyon sa kanya sa araw araw." Iiling iling naman ang ulo ng mag-asawang Taguhara sa kanyang hinihiling. "We can't comply to that request besides Yami is very helpful to us para tumino kang bata ka." Nakangiting pagkontra ni Ma'am Sophia sa kanyang anak. "Saka she is already one of us." Kita ko na naman ang matalim na tingin ni master sa akin kaya napasipol na lang ako ng hindi oras. Medyo nakasanayan ko na rin ang araw araw niyang pagrereklamo sa ginagawa kong paraan ng pagsisilbi sa kanya. Napatingin kami ng biglang tumikhim si Sir Fred. Sumeryoso ang kanyang mukha habang tumingin sa amin ng kanyang anak. "Pinagising kita anak dahil sasabihin nga pala kami sa inyo." Panimula ni Sir Fred saka tumingin sa kanyang asawa na nakangiti sa amin. "Spill it out." Walang kain-kainteres na sabi ni Master Yuukito sa kanyang ama. Inakbayan ni Sir Fred ang kanyang asawa. "Your mom and I will leave for a month vacation." Nakangiting sabi ni Sir Fred kay master. Bagot na tinignan lang ni master ang kanyang magulang. "You leave for a month?" Ulit ni Master Yuukito "And so what?" Napabuga ng malalim na hininga si Ma'am Sophia. "Kayo lang ni Yami ang magkakasama sa mansyon kaya behave." Paliliwanag niya. Biglang napaangat ng tingin si Master na nanlalaki pa ang mga mata sa nalaman.  "Oh crap! You will leave me with this monster?" Nagpapanic na sabi ni master. "Paano kung pagsamantalahan niya ako habang wala kayo!" Dagdag niya at niyakap pa ang kanyang sarili. Napaikot naman ako ng mata sa sinabi ng aking master. Para namang pinag-iinteresan ko ang isang tulad niya. Sa tagal ko na siyang kilala ay halos isumpa ko na rin ang kanyang pagkatao. Kung hindi lang niya ako lifetime servant ay hindi ko pagtitiisan na makasama siya. "Alam namin na hindi magagawa ni Yami ang sinasabi mo. But you... doon kami hindi makapante." Natatawang sabi ni Ma'am Sophia na tila nang-aasar sa kanyang anak. Bumaling ng tingin si Ma'am Yani sa akin. "Yami, do what I told you." Makahulugang bilin pa niya. Nag-saludo naman ako kay Ma'am Sophia. Ang totoo niyan ay binigyan ako ni Ma'am Sophia ng isang stunned g*n. Gamitin ko raw iyon sakaling may gawing masama si master sa akin. Huwag na huwag raw ako mahiyang gamitin iyon sa kanilang anak sa oras na kailanganin ko. "I can't believe this." Hindi makapaniwalang bulong ni master. "May mas tiwala pa kayo sa kanya kaysa sa sarili niyong anak." Tumayo na ang mag-asawa at inilabas ang mga nakatago nilang maleta sa ilalim ng mesa. Hindi naman halata na handang handa sila sa kanilang pag-alis. "That's all!" Nakangiting sabi ni Ma'am Sophia at pumalakpak pa. "Let's go dad! I'm so excited!" "Wait Mom!" Pigil pa ni master sa kanyang ina. "Isama niyo na rin si Yami." Umiling lang sila saka tumingin sa orasan. Nagulat ako nang makarinig ng malakas na dagundong ng isang chopper sa labas ng mansyon. Dali dali naman lumabas ang mag-asawa hila ang kanilang mga maleta. Bumungad sa aming harapan ang chopper na susundo sa kanila. "Bye kids!" Hawak kamay na paalam ng mag-asawang Taguhara saka sumakay ng private chopper nila. Napamaang na lang kami ni master sa bilis ng nangyari. Pinanuod namin ang papalayong chopper nila. Hanggang sa hindi na namin matanaw pa ito. Nagkatinginan kami pagkatapos sa isa't isa. Wish ko hindi ako agad tumanda sa aking master. "Tss." Hindi nasisiyahang bulalas ni master. "A month with you is a living hell!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD