Episode 1

669 Words
Rea Miller "Aaah!" Mariin akong napapikit nang itulak ni Keith ang aking katawan sa isang matigas na pader sa loob ng classroom kung saan kami naroroon. Kalat na ang dilim sa paligid at dahil tapos na ang klase, tanging ilaw mula sa buwan na lang ang nagsisilbing liwanag sa loob ng classroom na aming kinaroroonan. Tumatama ang liwanag ng buwan sa bintana, dahilan upang maaninag ko nang kaunti ang mukha ni Keith – ang lalaking kaharap ko ngayon. "K-Keith, anong nangyayari sa 'yo?" nag-aalala kong wika nang makita ko ang nakatuko niyang ulo at tila wala sa sariling naglalakap palapit sa akin. Nabalot ng kaba ang aking puso dahil sa kaniyang inaakto. Tuluyang kong hindi maigalaw ang aking katawan dahil sa takot na aking nararamdaman. "K-Keith," nauutal kong wika nang tuluyan siyang makalapit sa aking harapan. Hindi ko maihakbang ang aking paa at hindi ko magawang tumakbo. Nais kong sumigaw ngunit tila walang lumalabas na tinig mula sa akin. Hanggang sa maya-maya lang, marahas at mahigpit niyang hinawakan ang aking palapulsuhan at pinako ito sa ibabaw ng aking ulo, dahilan upang hindi ako makagalawa. "Ano ba, Keith! Nasasaktan ako!" "Sa akin ka lang, Rea. Ako lang ang maaaring tumikim sa 'yo," malamig niyang wika sabay sa paglapit ng kanyang mukha sa akin. Pakiramdam ko ay ibang tao ang lalaking nasa aking harapan. Hindi siya ang lalaking tahimik at suplado na una kong nakilala. B-Bakit? A-Anong nangyari sa kanya. Unti-unting nilapit ni Keith ang kanyang labi sa akin. Mabilis kong iniwas ang aking mukha dahilan upang sa leeg ko tumama ang kanyang mga labi. Animoy yelo ang lamig ng hangin na nanggagaling sa kanyang labi at ramdam ko ang sunod-sunod niyang paghingal. Hanggang sa maya-maya lang, halos tumalon ang aking balikat nang maramdaman ang kanyang dila sa aking leeg. Marahan niyang pinaglakbay ang malamig niyang dila mula sa aking balikat hanggang sa ilalim ng aking tainga, dahilan upang mariin akong mapapikit at tumakas ang butil ng luha sa aking mga mata. "'Wag! Pakiusap, Keith. 'Wag!" pagmamakaawa ko ngunit tila wala siyang naririnig. Pilit ko pang igalaw ang aking kamay, mas lalo lang humihigpit ang hawak niya sa aking palapulsuhan. Hindi ko alam kung bakit ngunit binukas niya nang malaki ang kanyang bibig habang nakatutok ito sa aking leeg. May kung anong bagay na animoy karayom ang naramdaman kong unti-unting humihiwa sa aking balat. "Keith! Tama na 'yan." Isang tinig mula sa bintana ang pumutol sa mga bagay na nangyayari sa amin. Agad akong napadilat ng mata at tumambad ang lalaking nakatayo ngayon sa bintana. S-Siya 'yong? wika ko sa sarili. Masiyadong mabilis ang mga pangyayari dahil namalayan ko na lang na nasa harapan ko na ang lalaki at mabilis niyang hinablot ang braso ni Keith, dahilan upang ako ay tuluyang makalaya sa pagkakagapos niya sa aking kamay. Dahil sa panghihina ng akong tuhod, agad akong napaupo sa sahig at walang ibang nagawa kung hindi ang tanawin ang dalawa habang ito ay palayo sa akin. "S-Sandali, si Keith, sa tingin ko ay may problema siya," nag-aalala ko pang wika at walang ka-ide-ideya sa mga nangyayari sa paligid. Tumigil sa paglalakad ang dalawa, saka marahang lumingon sa akin. "Masyado ka nang maraming nalalaman," saad niya na nagpagulo sa aking isip. Sa isang pagpikit ng aking mga mata, nagulat na lang ako nang makita ang lalaking iyon na nasa na nakaluhod sa aking harapan at nakahawak sa aking noo. "Kailangan mo na munang manahimik ngayon, binibini." Sa pagsambit niya ng katagang iyon, unti-unti kong naramdaman ang panghihina ng aking katawan. Nagsimulang bumigat ang talukap ng aking mga mata na animoy binalot ng antok ang isip. Bago ako tuluyang mawalan ng malay, isang huling sulyap pa ang ginawa ko sa kanila. Noon ko lang napansin ang pula nilang mata na animoy dugo at ang pagsilay ng matatalas na pangil mula sa kaniyang labi. "I-Imposible. Hindi ito totoo, hindi ba? Ang dalawang ito ay?..." Tuluyang dumilim ang aking paningin at ang lahat ng mga bagay na nangyari noong gabing iyon ay nawala sa aking alaala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD