PROLOGUE

363 Words
DESERVE TO DIE by JheangLiit - PROLOGUE: “BAKIT MO SILA, PINATAY?” bungad na tanong ng police detective. Hindi kaagad siya sumagot. Pinaglaruan niya ang posas na nakakabit sa kaniyang mga pulso. Kanina niya pa ito pinaglalaruan mula pa noong dalhin siya ng mga pulis sa presinto. Ramdam niyang naiinis na ang detective pati na rin ang isa pang pulis na katabi nito pero wala siyang pakialam. “Sigurado akong hindi ka bingi, tinanong kita, dapat sumagot ka. Bakit mo sila pinatay?” Mas mariin na ngayon ang pagkakatanong at halatang anumang oras ay magmumura na ito. Nag-angat siya ng tingin, dahan-dahang ipinakita niya ang madilim niyang mga mata at ang nakapangingilabot niyang ngisi. “Because they deserve it.” Diretsong sagot niya pagkatapos ay tuluyang nag-angat ng tingin sa dalawang kaharap niya. Naibagsak ng pulis ang kamay niya sa lamesa. “At paanong naging deserve ng isang tao ang patayin siya?!” “Kumalma ka muna Lieutenant Tolledo,” pagpapakalma ng detective sa pulis na ngayon ay nagngangalit na sa galit. Pagkatapos ay ibinaling nito ang tingin sa kaniya. “Paano mo nasabing deserve nila ang mamatay? Bakit? May nagawa ba silang kasalanan? Sa iyo?” Bahagya lang siyang napatawa at saka umiling. “Wala akong balak na i-kwento pa sa'yo ang lahat. Dalawa lang sila sa mga taong napatay ko dahil karapat-dapat silang mamatay. Hindi ba okay 'to sa inyo? Nababawasan ang mga toxic na tao?” Nangunot ang noo ng detective, ngayon ay naguluhan ito sa sinabi niya. Wala naman siyang balak na itago ang tungkol doon. Sadyang wala lang nagtatanong. “Ibig mong sabihin, may napatay ka na bukod sa kanila?” Paglilinaw nito. Nagkibit-balikat siya na parang wala lang ang tanong na iyon. “Oo.” “Ilan? Sino-sino? Bakit mo ginawa iyon sa kanila?” Muli siyang nagkibit-balikat, yumuko at muling pinaglaruan ang posas sa kaniyang mga pulso. “Hindi ko na alam, e. Sampu? Dalawampu? Singkwenta? O baka isang-daan?” Nanlaki ang mga mata ng detective at biglang napatayo. Halatang natakot iyon sa kaniya dahil sa klase ng ekspresyon sa kaniyang mukha. “At bakit mo sila pinatay? Baliw ka ba?!” Halos wala sa sariling tanong ng pulis. Ngumiti siya at nag-angat muli ng tingin. “Because they deserve it.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD