bc

Finding You Again (Completed)

book_age12+
2.7K
FOLLOW
20.4K
READ
family
fated
second chance
friends to lovers
pregnant
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Loui is a simple girl with her family in her top priority. Wala sa bokabularyo ang ma-inlove, lalo na dahil breadwinner siya ng kanyang pamilya. Meanwhile, Benjie is a guy that is an aspiring seminarian, at pangarap niya ang maging isang pari sa hinaharap. Kapareho ni Loui, breadwinner din siya ng kanyang pamilya, ngunit balak niyang ipagpatuloy ang kanyang pangarap sa sandaling makapagtapos ang kanyang mga kapatid sa pag-aaral.

Ngunit hindi nila alam na may plano ang tadhana para sa kanila - dahil ang simpleng pagkakakaibigan na iyon ay nauwi sa pag-ibig. Mahal man nila ang isa't-isa ay dumating ang panahong kailangan nilang pakawalan iyon dahil sa mga pangarap at obligasyon nila. Benjie entered the seminary - and Loui goes to Canada.

Seven years later, Loui comes back to the Philippines. Will Benjie find his way back to Loui kahit pa ikakasal na ito sa iba?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
      “Kailangan ko nang makahanap ng work uli, Cars,” ani Loui sa kaibigan niyang si Carlene. Kausap niya ito ngayon sa Skype at ito ang paraan ng komunikasyon niya ng kaibigan kapag hindi nila magawang magkita.       Kare-resign niya lang mula sa huli niyang trabaho dahil sa sumobra ang stress na naranasan niya. Kaya naman umalis siya roon at nagpasyang magpahinga muna kahit dalawa o tatlong linggo lang, dahil alam niyang kapag tumagal pa siya ay baka masiraan siya ng bait. Iyon nga lang, hindi iyon puwedeng magtagal sa pagbabakasyon dahil sa breadwinner siya ng kanyang pamilya.      “Ano? Umalis ka na naman doon?” gulat na tanong ni Carlene, halatang nabigla sa sinabi niya. Hindi naman kasi nababanggit ni Loui kay Carlene na ganoon na lamang ang stress niya sa trabahong napasukan niya. “Parang ilang buwan ka pa lang sa call center na iyon, ah? Saan mo balak lumipat niyan ngayon?”       “Six months. And I can’t stay longer, pakiramdam ko ay mamamatay ako ng maaga sa stress. Wala akong balak mamatay ng maaga dahil gusto ko munang mabigyan ang pamilya ko ng magandang buhay.”       “Ever the responsible daughter,” anito sa kanya at ngumiti. “Hindi ka ba nagsisisi na umalis tayo doon sa dati?”       Umiling siya. “Why should I be? Ayoko na rin namang magtagal doon.” Hindi niya rin alam kung bakit parang nararamdaman niyang iba na naman ang magiging takbo ng usapan nila ng kaibigan.       “I have a suggestion,” anito at nakita niyang isang nakakalokong ngiti ang lumabas sa mga labi nito.       Naku, ha. Eto na naman siya. Ipupusta ko lahat ng butiki dito sa bahay, siguradong mag-uumpisa na namang mang-asar itong babaeng ‘to!       “Why won’t you go back to Cybergate instead? Ayaw mo bang makita siya uli?”       Sabi na nga ba, eh. Hindi nga siya nagkamali sa panghuhula sa patutunguhan ng pag-uusap nila ni Carlene. Ang “siya” na tinutukoy nito ay ang dati nilang Manager na si Jonathan Ocampo, or “TL Nate,” as what she called him before. He was once their team lead even before he was promoted as an Assistant Manager.       She also once had her feelings for him - and even thought that there was something going on between them - only to have her heart broken in the end, because it was only a one-sided affair. And now, here she was, trying to forget him. Umiling siya nang maramdaman ang pamilyar na kirot na iyon.       “Hindi na. Maghahanap na lang ako sa iba.”       “Well, sabi mo, eh.” Nasa boses pa rin nito ang pang-aasar. “Move-on na kasi. Malay mo, may mas better ka pang makikita diyan sa next job mo.”     “Ewan ko, pass muna ako sa ganyan. Mas maiging trabaho na lang muna ang pagtuunan ko ng pansin. Sakit lang sa ulo at puso ang mapapala ko kapag pinatulan ko na naman ang letseng pag-ibig na ‘yan.”       “Ang bitter mo doon, bru.” Tumawa pa ito pagkatapos, at nang nakitang tumaas ang kilay niya ay iniba ang usapan. “Anyway, kung sa MOA ka rin lang naman mag-aapply, bakit hindi mo kaya subukan sa Triads? Parang may nakita ako sa website nila. Ise-send ko sa’yo ang link sa messenger.”       “Thanks, bru. Check ko mamaya pagkatapos nating mag-usap.”       “Alrighty. Bye muna at may klase na ako. Talk to you later, bru.” Kumaway muna ito sa kanya bago nawala sa linya. Ilang sandali pa at tumunog ang notification niya sa messenger. She slid her finger on her phone screen para mabuksan ang messagr at nakita ang link na pinadala ni Carlene para sa Triads.       Agad niyang sinagutan ang application form na naroon, at ipinasa. Umasa din siya na sana ay tumawag kaagad ang recruitment personnel ng kumpanya para sa isang interview.               NAKATANGGAP si Loui ng tawag mula sa kompanya kahapon, kaya ngayon ay papunta na siya sa opisina ng call center na iyon. Dahil din ilang buwan na matapos ang huli niyang interview ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba, kaya naman kinuha niya ang cellphone niya mula sa bag. She knew that she needed a distraction, and that meant talking to Carlene.       Ako :     Bru, you busy?       She hit “send.” Almost immediately, her phone beeped. Bilis magreply.       Carlene :     Bru, wala na me load. Viber tayo mag-usap.       She opened her Viber messaging app, and began to type a message for her and hit “send.”       Ako:     Papunta na akong Triads ngayon. I received a call from them yesterday for a job interview. Medyo nine-nerbyos ako.       Carlene :     Talaga? That’s great! Ano ka ba, para namang bago ka pa sa ganyan. Kaya mo ‘yan!       Ako :     Tange. Hindi naman porque sanay na sa interview e, okay na agad. Ang tagal na kasi ng last interview ko, 6 months ago pa.       Carlene :     Sus. Maniwala ka sa’kin, bru. You can ace this one. Sige na, I’ve got to go, may class na ako after this.       Ako :     Thanks for the ego booster, bru. Talk to you later.           “MISS, naghahanap ka ba ng work?” tanong ng lalaki kay Loui habang naglalakad siya papunta sa opisina ng call center company na aapply-an niya. Napatingin siya sa lalaki at nakitang may mga hawak itong leaflets mula sa isa ring call center company, kaya naman hindi na niya kailangan pang hulaan na isa itong recruiting officer.       Tumango siya. "Oo, may interview ako sa Triads ngayon eh."       "Naku, doon ka mag aapply? Di sa naninira ako, pero mababa lang sila magpa-sweldo doon."       Huwag na lang, ngunit hindi niya alam kung bakit hindi niya nagawang isatinig iyon at natagpuan na lang niya ang sariling nakarating na sila sa opisinang tinutukoy nito para sa isang call center sa Makati.       Mukhang okay naman dito, aniya sa sarili habang iginagala ang kanyang paningin sa loob ng opisinang iyon. Marami-rami nang tao ang nasa lobby, at katulas niya ring mga aplikanteng naghahanap ng trabaho.       "Hay, nako, Louisse Althea, nagoyo ka na naman," pabulong na sermon niya sa sarili kung bakit sa di-malamang dahilan ay napapayag siya ng recruiting officer na iyon bagama't malapit na ang building kung saan siya dapat pupunta. Sige na nga, susubukan ko kung hanggang saan ang kaya ko. Pwede naman siguro akong bumalik sa kabila kung sakaling hindi ako pumasa sa exam at interview nila, kasabay ng isang buntong-hiningang pinakawalan niya.       Pumasok sila sa isang room at may isang lalaking pumasok roon para bigyan sila ng instruction at napangiti pa si Loui nang makita ang instructions sa computer. Okay, grammar exam. Chicken feed. Nang natapos niya iyon ay kaagad na isinunod ng nag-assist sa kanila ang pangalawang parte ng exam. Ngayon, pasimple siyang napakamot sa ulo dahil hindi niya halos maintindihan ang technical terms na nakasulat sa papel na iyon,  ngunit magkaganoon man ay pinilit na niya ang sarili na sagutan ang exam.       Seems like I had to go back to MOA after all, aniya sa sarili. Nang matapos ay lumabas na siya mula sa silid na iyon at naupo sa couch. Matapos ang halos tatlumpong minutong paghihintay ay isa-isa nang tinawag ang mga nakasabayan niya, ngunit siya ay hindi pa. Nagsayang ka lang ng oras, sermon niya sa sarili at tumayo na para umalis nang bigla namang may tumawag sa pangalan niya.       "I'm looking for Louisse Althea Arevalo,” ani ng lalaking unang nakausap niya kanina.  Nakangiti ito sa kanya nang makalapit na tila ba may magandang ibabalita. “Congratulations, you are qualified for a technical support post."       Huh? Seryoso siya? Hindi ko nga halos alam kung nasagutan ko ng maayos yung exam na 'yon, tapos pumasa pa ako? Hindi pa siya nakakasagot muli nang nagsalita muli ang lalaki. "Your final interview is tonight at 8pm. You can choose to wait here or to go downstairs, since may time ka pa naman."       Akalain mo yun, nakatsamba pa ako? Ang swerte ko naman sa araw na 'to. "Dito na lang po ako," sagot niya sa kausap.       "Well then, puwede ka naman doon sa waiting area. I'll meet you later here para sa final interview mo, ha?"       "Sure. Thank you."       "See you later," at hinarap na nito ang ibang aplikante gaya niya. Gaya ng sinabi niya roon sa recruiting personnel ay hindi na siya umalis sa waiting area hanggang sa mag alas-otso. Mabuti rin at hindi rin gaanong nagtagal ang interview kaya naman mabilis siyang natapos - ngunit hindi rin siya sigurado na pumasa siya. Naisip niya na lang na mayroon pa siyang pending na application sa iba pang kumpanya - kaya hindi rin ito magiging problema sakaling bumagsak man siya. But enough of this now - gusto ko nang umuwi.       “Congratulations, you passed the interview,” ani muli ng lalaking nakausap niya kanina at inabot sa kanya ang papel para sa medical niya kinabukasan. “Magpa-medical ka na bukas, dear, and go back here on Friday for your pre-employment orientation.”       Parang ayaw niya pang maniwala na pumasa nga siya kaya naman kinuha pa nito ang kamay niya at iniabot ang kapirasong papel na iyon. “I know you can’t still believe it but you have to." Nakangiti pa si Jeff nang sinabi iyon na parang natutuwa pa sa kalituhang nakikita sa reaksyon niya. “Training starts next week - give me five minutes to print your contract.”        Isang tango ang isinagot niya rito - habang hawak pa rin ang medical slip. Fine. Let’s give this one a chance.           LUNES ng gabi. Sinilip ni Loui ang relong pambisig na suot at nakita niya ang oras. Maaga pa. Inagahan niya ang pag-alis sa bahay nila sa Cavite para naman hindi siya ma-late dahil alam niyang trapik sa EDSA at malayo pa ang panggagalingan niya.       "Kuya, saan po yung Training Room 1?"       "Pumasok ka sa pintong iyan,” ani ng guard na kausap niya at itinuro ang glass door na nasa tapat nila. Iniabot sa kanya nito ang isang ID tag matapos niyang ibigay ang valid ID niya. “Diretsuhin mo ang hallway at nasa tapat ng pantry ang training room.”       “Salamat po.” Binuksan niya ang glass door at diniretso ang hallway na itinuro sa kanya ng guard. Sarado pa ang pinto ng Training Room kaya naman nagtungo muna siya ng pantry para doon tumambay. May mangilan-ngilan ng tao, na sa tingin nya ay mga papasok na sa kani kanilang mga shift at sadya lang na dumaan muna roon para kumain.       "Wala pa akong nakikitang mga pamilyar na mukha," bulong ni Loui sa sarili habang inililibot ang mata sa loob ng maliit na pantry na iyon. Mukha talagang nag-iisa pa lamang siya dahil hindi niya pa nakikita ang mga nakasama niya noong nakaraang linggo sa orientation.  Lumipad ang kanyang mga mata sa sulok ng pantry, at napangiti na nakitang bakante iyon kaya naman umupo na siya roon.       Great,  bukas pa ang TV kaya makakapanood pa ako. Matapos ang ilang sandali ay napalingon siyang muli sa pintuan nang naagaw ang pansin niya ng isang babaeng papasok sa pantry. Kung tutuusin ay simpleng puting t-shirt, jeans at rubber shoes lang ang suot ng babae ay hindi man lang nabawasan ang pagiging intimidating nito.       "Hi, is that seat taken?” tanong nito sa kanya kaya nang umiling siya bilang sagot ay umupo ito sa harap niya. Siya naman ay nanatiling walang kibo nang nagsalita itong muli. “Technical department trainee ka rin ba? Kung oo, pareho tayo. Trainee din ako.”       “Oo. Batch 26 ng Technical Department,” sagot niya. Balak niya pa sanang manood muli ng TV ngunit hindi na niya nagawa iyon dahil sa babaeng kaharap niya. It would’ve been rude to ignore the woman that was just trying to strike a conversation with her. Besides, she might be one of her batchmates.       "Annamarie Iris Lozada, pero Iris na lang for short." Inilahad pa ni Iris ang palad para makipagkamay kaya tinanggap niya iyon at isang tipid na ngiti ang isinagot niya rito.       "Louisse Arevalo, nice meeting you, Iris.”       “Tayo pa lang?" ani Iris habang iniliibot ang mata sa paligid, marahil para tingnan kung may kakilala itong makikita saka muling bumaling sa kanya.       "Oo nga, e. Wala pa akong nakikitang pamilyar na mukha. Kahit yung mga kasabay ko sa orientation last Friday, wala pa. Siguro dahil maaga pa."       "Sabagay." Bagama’t intimidating sa unang tingin ay madali naman niyang nakagaanan ng loob si Iris, kaya naman sa palagay niya ay isa ito sa mga makakasundo niya sa bagong trabahong ito. Habang nagkukwentuhan sila ay napadako ang tingin niya sa pinto, at nakita niyang pumasok ang isa sa mga nakasabayan niyang mag orientation noong nakaraang linggo - si Daddy Roberto.       "Daddy Robert!" Kumaway siya rito kaya naman agad itong lumapit sa kanila ni Iris. "Dito po."       "Uy, Louisse, andito ka na pala. Kanina ka pa?"       "Medyo po. Inagahan ko na ng alis sa amin, matraffic kasi. Ay, oo nga pala, Dad. Co-trainee natin, si Iris."       "Iris Lozada po." Inilahad naman ni Iris ang kamay at agad namang tinanggap ni Daddy Robert iyon. Isang ngiti rin ang sumilay sa labi ni Iris, kaya naman ngumiti rin ito ng pabalik. "Nice meeting you po."       "Roberto Robles, pero Daddy Robert na lang. Iyon din kasi ang madalas na tawag sa akin ng mga ka team mates ko." Bago pa matapos magsalita si Daddy Robert ay nilapitan silla ni Sheryl na isa sa magiging teammate nila.       "Nandito na pala kayo, guys. Kanina pa kayo?"       "Medyo," sagot niya. "Uy, ka team pala natin, si Iris." pagpapakilala niya kay Iris kay Sheryl.       "Hello, Iris. Sheryl Garcis nga pala."       "Hi, Sheryl. Nice meeting you." Unti-unti nang dumami ang tao sa paligid at sinilip niya ang relo sa kanyang palapulsuhan. Ilang minuto na lang bago mag-alas diez, at nag-aya na rin si Iris na pumasok na sa loob ng training room.       Bagong company, bagong pakikisama. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng training room. Saan ka na naman ba dinala ng mga paa mo, Louisse? Nilayasan mo yung billing at sales, napunta ka naman sa Technical ngayon, e mas mahirap to. Kung bakit naman kasi hindi ka pa nakuntento, ganoon din pala ang babagsakan mo. Pero wala ka nang magagawa, nandyan ka na. Might as well deal with it hanggang makahanap ka ng iba.       "Miss, your turn," ani ng lalaking nasa harap niya, dahilan para maputol ang pagmumuni-muni niya. Tumayo na siya mula sa kinauupuan para magtungo sa harap para magpakilala sa mga bagong makakasama niya. With the skills and confidence she gained from working in the industry, she began to introduce herself.       "Hi, I am Louisse Althea Arevalo, and I have been working in this industry for four years now. I have handled sales and telecommunications, banking and financial, and the last six months for billing and cable. This is my first time for a Technical account, so I hope we could work together." Matapos ang maikling pagpapakilala sa sarili ay naupo siyang muli sa kanyang upuan.       "You're good," ani ng lalaking nasa kaliwa niya, si Russel. Chinky-eyed at mestiso, hindi maitanggi na mahal ang ngiti ng lalaki. Ang suot nitong light yellow na long-sleeved polo shirt at soft brown slacks ay nakadagdag sa pagiging intimidating nito at lalong nagsusumigaw ang pagiging pormal sa kilos at pananalita.       "Hindi naman, nadaan lang sa practice 'yan.” Isang ngiti ang isinukli niya rito. "But thanks, though."           “ALRIGHT, you can take your lunch, be back after an hour,” ani ng Trainer nilang si Alex. Sa sinabing iyon ni Alex ay tumayo na ang mga kasama ni Loui sa kani-kanilang mga upuan para lumabas na ng training room. Bitbit ang kanyang bag at tumbler, tumayo na siya sa kinauupuan at palabas na ng room nang tinawag siya ni Daddy Robert.       "Saan ka maglunch, Loui? Lalabas ka ba?" Tanong sa kanya nito.       "Sa pantry na lang po, doon na rin ako tatambay, wala rin namang mapupuntahang iba dahil dis-oras ng gabi," paliwanag niya rito.       "Tamang-tama, doon naman kami tatambay," tukoy nito sa iba pang kasama nila.       "Sige po," tango niya at sumunod na rito patungo sa pantry. Mabuti at kakaunti lang ang tao sa loob niyon, kaya naman maraming bakanteng upuan. Pumwesto siya sa pinakagilid ng six-seater sofa na iyon dahil gusto niyang manahimik - at para rin maipahinga ang ulo niyang kanina pa masakit - marahil sa pagpapalit ng kanyang body clock.       "Ayos ka lang, Louisse?" untag sa kanya ni Daddy Robert nang mapansin ang pananahimik niya sa sulok na kanyang kinauupuan.        "Ayos lang po, Daddy. Wag nyo po akong intindihin,” aniya at isang matipid na ngiti. “Medyo masakit lang ang ulo ko kaya medyo tahimik ako.”       “Ah, ganoon ba?” anito at tumango-tango pa. “Humingi ka kaya ng gamot sa clinic?”       “Oo nga 'no. Medyo tanga ka sa part na ‘yon, Louisse. Kung nanghihingi ka ng gamot diyan sa Clinic eh hindi mo sana dinadamdam kanina pa ang sakit ng ulo mo,” bulong niya sa sarili. She stood up from her seat because ignoring it would make the pain worse - and it could be the start of her vertigo attack.       And she doesn't want that.       Pero may sa malas yata o sadya lang siyang natiyempuhan ng masungit na medical personnel doon - dahil ayaw siyang bigyan ng gamot kaya naman iritable siyang lumabas ng Clinic. Bumungad sa kanya ang mga matang puno ng kuryosidad ng isa sa mga lalaking kasama nila. Ang mga itim na itim na mga mata nito ay nakatitig sa kanya na tila ba isinasaulo nito ang bawat parte ng kanyang mukha. Saglit niya ring nakita ang kuryosidad sa mga iyon at para bang gusto siyang makilala ngunit tila rin may alinlangan sa kilos nito na lapitan siya. Tumitig siya pabalik sa lalaki, at kasbay sa pagtatama ng kanilang mga mata ay ang tila rigodon sa bilis ng pagtibok ng puso niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerously In Love

read
44.3K
bc

Want You Back (Filipino)

read
228.0K
bc

The ex-girlfriend

read
145.1K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.6K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook