bc

Substitute Groom (Tagalog | Completed)

book_age4+
9.9K
FOLLOW
73.4K
READ
billionaire
family
second chance
pregnant
CEO
drama
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Naranasan mo na bang magpakasal sa taong hindi mo naman dapat na groom?

Na dahil sa kaba mo at sa takot na hindi ka niya siputin, di mo na namalayang ibang tao na pala ang pakakasalan mo.

Pero, paano kung dumating yung araw na malalaman mo yung totoo, pero may nararamdaman ka na sa kanya?

At sa panahon na yun, makikita mo ulit ang real groom mo na inaakala mong first love mo.

Aalisin mo ba sa buhay mo ang substitute groom mo at ipapalit mo ang real groom mo?

O gagawin mo na permanent husband si substitute groom?

chap-preview
Free preview
Prologue
“Hoy! Kayong mga batang mga walang magawa sa buhay! Tigilan niyo nga yang batang yan." Sabi ng isang batang lalaki sa isang grupo ng mga kabataan na may binu-bully na isang batang babae. "Sino ka naman? Gusto mo bang ikaw ang masaktan?" tugon ng leader ng mga bata. "Baka naman kayo ang gustong masaktan. Kapag hindi pa kayo tumigil, matatamaan talaga kayo sakin." Maangas niyang sabi sa kanila. "Umalis ka na dito. Wag kang makialam." Sabay suntok ng leader ng mga bata doon sa lalaki. Hindi niya inaasahan ang suntok na iyon kaya natumba siya. Agad naman siyang nakabawi. Tumayo siya at pinagsusuntok isa-isa ang limang mga bata na kasing edad niya. Natakot naman sa kanya ang mga bata kaya tumakbo ito papalayo sa kanilang dalawa ng batang babae na kanina pa umiiyak. "Hoy uhugin! Tumigil ka nga sa kakaiyak mo. " Hindi pa rin tumigil sa kakaiyak ang batang babae. "Sige ka. Pag hindi ka tumigil diyan pababalikin ko dito yung mga nambully-" Hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa ng batang babae. Niyakap siya nito. Dahil sa pagkabigla, natumba sila pareho. Siya ang nasa ilalim samantalang ang batang babae ay nakapatong sa kanya. "Salamat. Maraming salamat. Kung hindi ka dumating, baka may nangyari ng masama sakin. Ikaw ang savior ko. Ikaw si superman ko." Pasasalamat ng batang babae sa kanya. Medyo naiilang siya sa kanilang pwesto kaya itinayo niya ito. Naupo sila sa isang bench pero hindi siya magkatabi. Siya nasa isang dulo habang ang babae naman nasa kabilang dulo. Hindi niya napansin na nasa tabi na pala niya ang batang babae. Hinawakan nito ang kamay niya ang ipinwesto na parang nanunumpa. "Dahil ikaw na si superman ko, ipangako mo sakin na ikaw ang magtatanggol sakin mula sa masasamang tao at hindi mo ako iiwan kahit kailan." Nakangiting sabi ng batang babae sa kanya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanya. Pero natagpuan na lamang niya ang sarili na nakangiting nakatingin sa batang babae at sinabing "Pangako ko sayo uhuging bata. Simula sa araw na ito, ako na ang magiging tagapatanggol mo sa mga masasamang tao at hindi kita iiwan kahit kailan. Kahit buhay ko pa ang kapalit." Niyakap siya nito. Pagkatapos ay hinampas sa balikat. "Hindi naman ako uhugin eh." Nakangusong pagmamaktol ng batang babae. Tinawanan lang niya ito. Siya na ang superman ng uhuging babaeng ito. Siya na ang magtatanggol dito. At hindi niya ito iiwan kahit kailan. "Pangako, tayong dalawa ang magkasama habangbuhay." Natutuwa siya sa kanyang naiisip.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
888.8K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.4K
bc

Broken Angel

read
3.7K
bc

A Night With My Professor

read
493.3K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
387.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook