bc

Tough Hunks Series 8 : Jazzper The Peacekeeper

book_age16+
1.3K
FOLLOW
4.9K
READ
spy/agent
fated
kickass heroine
brave
comedy
sweet
bxg
humorous
mystery
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Sa patuloy na pagtugis ni Jazz sa notoryos na kriminal, sadyang nagpalipat talaga siya sa sangay na ahensiya ng Interpol sa Washington dahil sa naroon ang kanyang lead. At doon nga niya nakilala si Althea Steel ang nakakabighani at nakakaaliw na sexytarya este- sekretarya nila sa naturang ahensiya. But Jazz realized that Thea wasn't your everyday average secretary. She was more than that.

Tunghayan natin ang action-packed adventure ng ating tigasing hunk at kikay na dalaga habang unti-unti rin nilang binubuo ang kanilang bucket list.

*****

chap-preview
Free preview
Chapter 1
The Interpol Agency office was decidedly free of gadgets. Alam na ni Althea yan sa tatlong taon na niyang paninilbihan bilang sekretarya sa naturang ahensiya. Besides, no covert operatives displayed their gadgets in plain sight. Alam na kasi nila ang patakaran ng ahensiya na ang lahat ng gadgets na meron sila ay doon lamang nakalagay sa sekretong basement. Still, nagustohan pa rin niya ang trabaho kung ano man siya ngayon. Pero ngayong gabi, sa tingin niya kailangan talaga niyang gumamit ng gadget. Ang problema kasi ay mukhang nasira ang zipper sa pinakabago at pinakamahal na damit na binili niya. Suot pa naman niya ito ngayon. Kanina pa talaga siya naroon sa loob ng office restroom, nakatalikod sa salamin at pilit na inaangat ang zipper ng kanyang damit pataas dahil bigla itong umurong sa gitna. Letsugas na matigas. Ba't ngayon pa nangyari sakin to oh. Then it hit her that she was acting more like a dog chasing its tail than a single girl ready to mingle with her friends this Valentines Day. At dahil sa nawawalan na talaga siya ng pasensya kaya bumigay na lamang siya. As in give up na talaga siya kaya't lumabas na siya sa restroom at pasalampak na umupo sa kanyang swivel chair. Kinuha niya ang kanyang make up kit at iritadong naglalagay ng lipstick sa kanyang labi. Kung hindi lang talaga dahil sa pangungulit ng bff niyang si Kirsten hayan hindi talaga siya pupunta sa event ngayong gabi. Here it was nearly nine o'clock on Valentines Eve at wala ng oras pa para magpalit pa siya ng damit. Nag overtime pa kasi siya kaya masyado rin siyang natagalan. Actually, ang totoong rason kung bakit halos gabi-gabi nalang siyang mag overtime ay dahil gusto niyang matulongan ang sakop nilang mga agents na mahuli ang pinakanotoryos na criminal mastermind sa buong mundo. Nagkataon rin kasi na isa ito sa nakasulat sa kanyang bucket list. At higit sa lahat nagkataon din na ito ang misyong nakatoka sa pinakabago at pinakagwapong agent nila sa naturang branch ng ahensiya. Ang tinutukoy niya ay walang iba kundi ang kababayan niyang Filipino na si Jazzper Dimatinag, na kung mailalarawan niya ay nagsisimula ito sa tatlong titik na D. As in Drop-dead gorgeous, Delicioso and Droolworthy. Nagsimula ang major crush niya dito nang first time itong mag report sa opisina nila. Kininditan kasi siya nito at ginawaran ng isang matamis na ngiti na ikinahulog ng puso niya. Lumipat si Agent Dimatinag dito sa branch nila sa Washington mga five months ago mula sa ibang branch nila sa Central America. Ngunit yon lang pala ang una at huling pagngiti ng agent sa kanya dahil sa mga sumunod na araw, ni hindi na nga siya nito tinapunan ng kahit konting pansin. Eh nagpapapansin rin nga ang dalawa pa niyang kasamahan na babae sa opisina kay Agent Dimatinag, ngunit keber lamang ang huli. Isa rin sa dahilan kung bakit naging madalas ang kanyang pag overtime dahil gabi na rin kasi pumapasok sa opisina si Agent Dimatinag. At least man lang masilayan niya ito. Napabalik ulit sa pokus niya ang nakaka stressed niyang zipper. She paid six hundred bucks and the dress wasn't even wrinkle resistant. Shiti naman oh, katumbas pa naman ng isang buwang sweldo ko ang halaga ng damit na ito. Nang makita kasi niya itong naka display sa botique nong isang araw, hindi na siya nakatulog pa dahil iyon talaga ang perpektong damit para isuot niya sa Valentines party nilang magkakaibigan. May inorganisa kasi ang mga ito na party para daw sa kanilang magkakaibigan sa mismong araw ng mga puso. Tiyempo naman at kahihiwalay lang nila nong isang buwan ni Zian. Eh di malaya ulit siyang makapagliwaliw sa gabi. Kaya pupunta talaga siya sa party at hindi maaring maging hadlang ang kanyang zipper upang hindi siya makadalo. Hindi siya si Althea Steel kung hindi siya resourceful. Kaya utak naman niya ang kanyang paaandarin. In two minutes flat, nagawan talaga niya ng solusyon ang kanyang problema. Linagyan kasi niya ng paper clip ang kanyang nasirang zipper. Eh di nagmukhang bongga tuloy ang kanyang damit. Once she secured the end paper clip to the zipper, naiangat na rin niya unti-unti ang kanyang zipper after 48 years. The zipper began to close. "Ha! Perfect." Ngunit hindi paman niya tuluyang nasarado ang kanyang damit ay biglang tumunog ang kanyang telepono. Halos mapatalon naman siya sa gulat dahil unusual sa ganoong oras ang tawag na yon sa kanyang local number. Mabilis naman niyang tiningnan ang caller ID sa kung sinuman ang tumawag. Strange. Wala ng tumatawag sakin sa ganitong oras ah. Lalo na ang mga agents kung nasa misyon o surveillance ang mga ito. They had partners and superior's contacts and all sorts of important people to contact with - but not her. Pero dahil nakukuryos siya sa tawag na yon kaya niya ito sinagot. "Interpol Agency office. This is Althea Steel, good evening ." Hesitant niyang pagbati sa kabilang linya. "You're there. Good." My God! Ayie!!! Tili niya sa kanyang utak. Si Jazz lang kasi ang tanging nagmamay-ari sa baritonong boses na naririnig niya. "Agent Dimatinag, is everything okay?" Napatikhim ito. "That's debatable. Listen, I need you to get on my computer and email me a document labeled AM1305. Would you do that for me?" AM1305 was a classified piece of evidence from the Mayute case. Bakit kaya kailangan niya ito ngayong gabi? "Our computers are password coded and we're not allowed to--" "I know it's against agency policy, but I can change my password tomorrow. This is too urgent." Sabi ng kabilang utak niya hindi dapat kahit gaano pa niya ka crush si Agent Dimatinag. Kung susundin kasi niya ang inuutos nito, makalalabag na siya sa polisiya ng ahensiya. Pero ang taksil niyang utak ay nagsasabing 'sige go' para naman maka puntos siya kay Agent Dimatinag. Ito na nga ang tsansa na hinihintay mo, Althea. Magtiwala ka lang sa kanya. Napatingin naman siya sa malaking Agency emblen na nakadikit sa dingding sa harap niya. Nakalagay doon sa gilid ng malaking bilog ang Interpol Washington. "Yes, of course I will." sagot niya at mabilis niyang isinulat ang password na ibinigay sa kanya ng lalaki. At dahil nakukuryos siya sa biglaang pagtawag nito kaya di niya napigilang magtanong. "Nasa surveillance ka ba ngayon?" Biglang tumahimik ang kabilang linya na para bang may mali sa tanong niya. "Yes. Filipino ka rin pala." Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi at lihim na napahagikhik. Gusto pa sana niya itong makilala ng lubusan pero mukhang wala sila sa tamang oras para magkwentuhan. Hay Sayang! Pinaikot niya ang mga mata at doon pa lamang niya naalala ang natanggap na sulat kaninang hapon. "Oh! One more thing. I forgot. May nagpadala pala sayo ng sulat dito sa opisina. It's international and it's urgent. Yon kasi ang nakatatak na stamp sa white envelope. Galing ang sulat mo kay Mr. Peter Hawkins." "Sandali, mahina ang kalaban. ano nga ulit yong sinabi mo?" "May sulat ka na galing sa Bahamas. At mukhang urgent ang sulat na to." Nagsalita ulit ang lalaki ngunit agad niya itong pinutol dahil kung puro trabaho nalang ang pag-uusapan nila ay wala na talaga siyang tsansa pa na makausap ulit ito. "Paano kung..." Huminga muna siya ng malalim. Come on, Althea. Kaya mo yan! "Gusto mo bang sabay na tayong magkape bukas para ng sa ganon personal ko na maiabot sayo ang sulat?" Narinig niyang napabuntong-hininga ito sa kabilang linya. Uh-oh, mukhang tatanggi ang peg. Ngunit tahimik lang siyang naghihintay sa sagot nito. At dahil sa tagal ng pananahimik ng kabilang linya ay magsasalita na sana siya nang..."Yes. Okay. Ako ang post-Valentino mo bukas." "Talaga?" kinilig siya na hindi niya mawari. "I have to go. Basta wag na wong mong kakalimutang e-email sakin ang file. At isa pa, wag mong sabihin sa iba na nag-uusap tayo ngayon. Kuha mo?" "Oh." Hmm...I smell something fishy. "Thea, gagawin mo ba yan para sakin?" Kung sa ibang pagkakataon pa siguro iyon, doble-doble sana ang kilig niya sa pagbanggit nito sa palayaw niya. Ngunit nakakailang pala pag ito mismo ang bumanggit. "Ano bang nangyari? May dapat ba akong tawagan? Katulad ni Agent Miggle o ni Agent--" "Wala." agad na sabi nito. "Pakiusap, wag mo itong sasabihin sa iba, lalo na kay Agent Miggle. Kung gusto mo akong tulungan, e-email mo na sakin ang file, tas umuwi ka na at dalhin mo yong sulat ko." Teka lang, tama kaya na pagkatiwalaan niya si Agent Dimatinag? Eh sa lahat ng agents dito, ito lang kasi ang pinakabago. Pero mukhang mabuting tao naman ito at tapat sa kanyang tungkulin, kaya kung anuman ang inilihim nito siguro may mabigat ito na rason. At siguro parte na rin sa National security. Bihira kasi na kalaban si Amal Mayute lalo na't napag-alaman niya na ito talaga ang pinakatuso sa magkapatid at ang utak sa lahat. Tinaguriang most wanted ito sa buong mundo dahil sa patong-patong na kaso nito tulad ng human trafficking, arms and drug dealer din ito, smuggler, at sangkot din ito sa pamomomba at iba't ibang klase ng krimen. Napatingin ulit siya sa malaking agency emblem at naisip niya na baka ipinanganak talaga siya na para rito kahit pa mahigpit ang pagtutol sa kanya ng mga magulang na maging sundalo siya o pulis. Nang maalala naman niya ang dadaluhang party bigla tuloy siyang na tense dahil late na talaga siya. My Goodness. Papatayin talaga ako ni Kirsten nito. Pero duty first bago ang lahat. "Noted yan, Agent Dimatinag." "Thank you, Thea. Pero tawagin mo nalang akong Jazz para isang bigkas nalang ang pagtawag mo sakin." Oh. Sasagutin pa sana niya ito nang...tot.tot.tot..binabaan na siya ng linya..haist... Pumunta na lamang siya sa desk ni Agent Dimatinag at agad niyang binuksan ang monitor nito. While waiting for the computer to boot up, nag-iisip naman siya ng mga linya kung paano niya uunahan sa pagsasalita ang lalaking agent. "Aherm! Jazz. Good morning. Have a nice day, Jazz. Gusto mo bang ihatid mo muna ako sa bahay?" Aish! Felt weird on her lips. Baka mukha lang siyang ewan. Pero kailangang masanay nga siya na tawagin ito sa unang pangalan niya para hindi na humaba ang pagtawag niya rito. Tas ibinalik niya ulit ang atensyon sa computer ng lalaki. "Uh-oh." The monitor went black. "No, no, no. Not now." sambit niya at tinipa-tipa niya ang kahit anong letra sa keyboard. Sinubukan niya ulit, this time mga function keys ang pinindot niya ng sunod-sunod. Pero waley pa rin. Eh wala pa naman siyang alam pag magkaroon ng troubleshooting ang computer. She was as clueless as a monkey. Punyemas. At dahil desperado na talaga siya dahil sa hindi paggana ng computer kaya naisipan niya ang pinakahuli niyang opsyon. Which is, Control, Alt, Delete. Pinindot na niya ang tatlong keys at nanalangin siya na gumana sana iyon, ngunit tumunog lang iyon na mukhang error ang pinindot niya. Talaga namang nabubwisit na siya. Kaya pinindot na lamang niya ang power button at nagsimula ulit sa pag reboot ang computer. Kung pwede nga lang niya na mailipat ang mga file ni Jazz sa computer niya pero hindi niya alam kung papano at alam niyang restricted din iyon. Haist! Sana hard copy nalang ang hinihingi nito para madali lang e-scan at e-email. At dahil hindi pa tuluyang nakasara ang zipper niya kaya nahihirapan siya sa paggalaw dahil baka masira pa ang nilagay niyang paper clip bilang improvise niya sa zipper. Hirap naman ng buhay oh. Hinay-hinay lang siyang lumakad habang nakahawak ang isa niyang kamay sa likod. Kailangang mahanap kasi niya roon sa steel cabinet ang file na naglalaman sa Mayute case. Madali lang naman niyang nahanap iyon ngunit wala na sa file ang tungkol kay Amal Mayute. Nagugulohan na siya kung bakit wala ito roon, kaya hinanap niyang muli ito. Pero waley talaga. Kaya minabuti niyang balikan ulit ang computer ni Jazz baka sakaling ayos na ito. Subalit ganon pa rin. All black ang screen ng monitor nito. Hinampas-hampas na lamang niya ang monitor at malutong siyang napapamura. Isa pa itong nagpapadagdag sa kanyang stress. Naisipan naman niyang pumasok sa opisina ng direktor nila baka naroon lang sa desk nito ang hard copy. Pero waley pa rin. Napatingin siya sa mga drawer at cabinet nito. Subalit puro naka locked. Desk ni Agent Miggle naman ang sunod niyang pinuntahan, isa rin kasi ito sa nag imbestiga sa Mayute case. But then, naka locked rin ang mga drawer nito. Malutong ulit siyang napapamura at pinuntahan ulit ang desk ni Agent Dimatinag. Tama, ba't hindi niya naisip na baka nasa desk lang nito ang hard copy, eh sa halip na sa computer screen siya nito nakapokus. Sana lang hindi naka locked ang drawer nito. Umusal muna siya ng ilang panalangin bago pa niya hinawakan ang handle ng drawer para buksan. At Dininig nga ang panalangin niya dahil nakabukas nga ang mga drawer nito. Di na siya nagsayang pa ng oras at hinanap agad niya ang file. Pero wala pa rin ito roon. Sa tingin niya kaya nakabukas lang ang mga drawer nito dahil wala itong confidential o personal na mga file na inalagay sa drawer nito. Wala man lang kasi siyang clue tungkol sa katauhan ng kanyang crush. Hanggang sa tumunog ang kanyang cellphone at nakita niyang si Kirsten ang tumatawag. "Hey, Kirst." "Nasaan ka na, bruha? We've been standing here for thirty minutes. My Gosh!" Eh kung makapag react ba naman ito wagas, na para bang dalawang oras na ang paghihintay nila. Napasalampak siyang umupo sa pinakamalapit na office chair doon. "Sorry, hindi ako nakatawag na made-delay ako ng konti. May inaayos pa kasi ako dito sa opisina eh." "Aww, bff, nasa office ka pa pala hanggang ngayon? Eh gabing-gabi na overtime pa rin? My God, Thea. Get a life." Sermon ng kaibigan. Althea was about to protest that she had a great life, and was in fact, malapit na nga niyang ma unlock ang isa sa kanyang bucket list. Pero ayaw na niyang suwayin pa ang kaibigan dahil mas mabunganga pa naman ito kumpara sa kanya. "Yes. Nasa trabaho pa nga ako. National security never sleeps, ya know." "Naku Thea, excuse mo lang yan para hindi mo kami masamahan sa salu-salo ngayong gabi. At parang alam ko na kung bakit." "Alam mo? Aber, sabihin mo nga?" demanda pa niya. "Nabanggit mo kasi nong isang araw kung gaano ka awkward kung ikaw lang ang walang ka date na pupunta sa Valentines party. You don't still feel that way, do you? Baka naman ang totoong rason mo kung bakit nagdadalawang isip ka pang pumunta rito sa party ay dahil wala ka talagang nabingwit na partner?" Tama. Isa rin yan sa rason. Pares-pares kasing pumunta sa party ang mga kaibigan niya, samantalang siya kulelat. Eh ano naman ang posibleng role niya pag pumunta siya ron, scorer? Pero ang walang date sa V-day ay hindi excuse. Bakit kung single ba ang babae hindi na makapag enjoy sa party party? We'll, pupunta talaga siya para patunayan niya sa mga kaibigan na nag e-enjoy pa rin siya bilang single lady. Just this once, though, hahayaan nalang muna niya si Kirsten na mag-isip sa ganoong klaseng ideya. "Tama ka, it's so awkward, bff. Eh kung maghahalikan lahat kayo, sino naman ang hahalikan ko? Si Chuckie yong aso mong bulldog?" Kirsten groaned. "Oh, come on. Until 12 midnight pa naman ang party kaya marami pa tayong oras na makapaghanap ng isang super duper hot na fafa para maging Valentino mo. Tiwala lang, bff." Ipinasok na ni Thea ang sulat ni Jazz sa kanyang purse at ipinasok na rin niya sa tote bag ang kanyang pinagpalitan na damit. "All right, ikaw na ang panalo. Basta hintayin niyo lang ako diyan dahil may tatapusin muna ako rito sa opisina. Kung may makita kayong hot fafa na tipo ko, gawin niyo ang lahat na walang ibang babaeng makalapit sa kanya bago ako dumating diyan." "Sana nga makakita kami ng mga tipo mo sa bar na to. Eh alam namin na yong mga magpapari ang gusto mo. Di ba si Zian iniwan ka dahil magpapari na yon?" Zian was the son of her parents' best friends, naging mag nobyo lang sila dahil sa kagustohan ng parents niya dahil sa lahat ng manliligaw niya ito lang ang approved sa kanila. Biruin mo, ang mga manliligaw sa kanya ay dapat maka secure ng police clearance para siguradong walang criminal record ang mga ito at dapat may good moral standing, kaloka. Si Zian kasi seminarista at anak sa matalik na kaibigan ng mga magulang niya kaya aprobado talaga sa kanila. Napalingon naman siya sa desk ni Agent Dimatinag. "Siguro magmula ngayon, ang tipo kong lalaki ay yong tigasing hunk at yong may maraming muscles sa katawan." napahagikhik nalang siya sa naiisip. "Bongga! I like the way you think, but every girl goes for the strong, silent type. Kung may makita nga ako dito sa bago mong tipo, I'll try to save him just for you. Kaya magmadali ka na please, kasi hindi kumpleto ang party pag wala ka." "I'll do my best." sagot niya. Matapos ibaba ang tawag ni Kirsten, sinulyapan niya sa huling beses ang buong opisina. Wala na siyang magagawa pa dahil hindi na talaga gumagana ang computer nito. Kailangang matawagan niya ang lalaki para ipaalam dito na hindi niya nagawa ang ipinag-uutos nito. Ngunit sa kanyang pagtawag sa number nito, tanging voice mail lang ang sumagot kaya itinext na lamang niya ito. Ngayon ano ng gagawin niya? Hindi pa naman niya alam kung gaano ka importanti yong pinag-uutos sa kanya ni Jazz, baka kailangan na kailangan ito ng lalaki sa kanyang surveillance doon sa hotel. Pero pakialam ba niya, hindi na niya trabaho yon noh. Makokonsensiya nga lang siya kung hindi niya matutulongan si crush. May huling opsyon pa naman siya, but it wasn't a particularly great one. May photographic memory kasi siya. Naalala pa kasi niya ang contents sa AM1305 file at pwede niya itong ma transcript sa lalaki word for word, dahil last week kasi na intriga siya sa kaso ng Mayute brothers kaya binasa niya isa isa yong file ng magkapatid. Hindi naman siguro masama kung pupuntahan niya ang lalaking agent don sa hotel na minamatyagan nito. Malapit lang naman ito sa opisina nila kung hindi traffic. Valentines pa naman. Hindi rin naman siya magpapahalata don, sa katunayan nga babagay ang suot niyang red dress doon sa okasyon sa araw na yon. Isinuot na niya ang kanyang deadly weapon - ang kanyang killer heels na stilleto na five inches. Nilagyan muna niya ng lip gloss ang mapupula niyang labi and she was ready to go. She set the security office alarm, turned off the lights and locked the door, tote bag and purse in hand. Pinuntahan muna niya ang kanyang kotse sa parking lot at ipinasok sa trunk ang dalang tote bag. Minabuti kasi niyang maglakad nalang para iwas traffic. Halfway na siya sa paglalakad nang maalala niya na sira pala ang kanyang zipper sa likod at tanging paper clip lang ang naka hold sa sirang zipper. Napahinto naman siya sa paglalakad at dali-dali niyang inilugay ang buhok para matakpan ang likuran niya. Saka patuloy na siyang naglalakad. Bahala na, gumana man o hindi ang computer ng lalaki, ang importanti na maipasa niya kay Jazz ang buong detalye ng file ngayong gabi. Special delivery pa dahil personal talaga siyang pupunta. *****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.3K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.0K
bc

EASY MONEY

read
173.8K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.6K
bc

Dangerous Spy

read
297.0K
bc

YOU'RE MINE

read
892.9K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook