bc

Fall

book_age18+
1.6K
FOLLOW
11.7K
READ
age gap
fated
second chance
dominant
self-improved
drama
comedy
bxg
humorous
rejected
like
intro-logo
Blurb

Panakip butas nga lang ba? O isa na namang butas kung saan pwedeng mahulog kang muli? May mga bagay na akala mo hanggang doon na lang, iyon pala, mag kasunod pa.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1:
CHAPTER 1: PULUBI. "Teka lang Dodong! Hintayin mo ako!" Mabilis na tumakbo si Duday. Malalaki ang mga hakbang n'ya kaya nahihirapan akong habulin siya. "Narinig ko yun, Ayame! Duday ang pangalan ko." Tumakbo pa ako ng mas mabilis, ang bilis n'yang tumakbo! nakakainis naman kasi ang hirap niyang habulin. Hinihingal na ako sa kakatakbo dahil sobrang bilis niya. "Dalian mo, Ayame! Mahuhuli tayo nito eh. Ayoko ng magtiis. Ang baho baho ko na!" Habang tumatakbo ay napadaan kami sa isang restaurant. Naamoy ko ang mabangong amoy ng pagkain sa loob. Kumalam bigla ang sikmura ko. Hindi pa nga pala ako kumakain. Gutom na gutom na ako, pero kailangan tiisin ko muna at unahin ang pagligo dahil isang beses sa tatlong araw lang ako kung makaligo. Sa sobrang pagmamadali at pagkaaliw sa amoy ng pagkain sa loob ng restaurant ay nabitiwan ko ang pinakamahalagang bagay sa akin. "Teka lang Dodong! Yung notebook ko!" Napahinto sya at nagkamot ng ulo. "Kasi naman Ayame, hindi naman tayo yayaman dyan! Sige kunin mo na hihintayin kita." Tumango ako at tumakbo pabalik sa pinanggalingan. Palinga linga ako at nagbabakasakaling nandoon ang notebook ko. Hanggang sa makarating ako sa tapat ng restaurant na kanina na nadaanan namin. Tumingin tingin ako sa sahig pero wala akong nakita. Ang nakita ko lang ay isang lalaking matangkad na may hawak na notebook-- teka! Akin yun ah! Kinalabit ko siya at saka ako nagsalita. "Ahm, kuya?" Kumunot ang noo nya at luminga linga, mukhang hinahanap yata ako. Tss, ganito na ba ako kaliit para hindi makita?! "Hoy mamang malaki!" Bumaba ang tingin n'ya sa akin at tinakpan ang kanyang ilong. Ang arte ha, edi ako na ang mabaho! Palibhasa mayaman. "Lumayo ka nga sa akin! Ang baho mo!" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ano? Diretsahan? Oo na tanggap ko namang mabaho ako, at wala akong pake sa pakialam niya. "Wow ha? Ikaw na ang mayaman! Pero teka lang ha? Akin kasi yan!" Hinablot ko mula sa kanya ang pinakamamahal kong notebook. "Hoy! Huwag ka ngang nang aangkin! Ibabalik ko yan sa totoong may ari dahil may kinabukasan siya sa fashion designing!" Hahablutin niya ulit sana sa akin ang notebook ko pero agad ko iyong tinago. "Akin nga ito! Nakita mo ba ang pangalan na nakasulat dito?! Ayame! Ako si Ayame!" Natawa sya bigla sa sinabi ko. Anong nakakatawa? Bakit siya tumatawa? "Marunong kang magsulat? Aba! Sinungaling! Akin na yan, dahil kailangan ko ang may ari niyan." Nagsisimula ng uminit ang ulo ko sa isang ito. Baka patikimin ko siya ng ninja moves ko kapag di pa sya tumigil sa kakakuha ng notebook ko! "Ako nga ang may ari nito!" Kinuha ko mula sa gutay gutay kong shorts ang lapis na ginagamit ko sa pagguhit. "Eto!" Ipinakita ko iyon sa kanya at binuklat ko ang huling pahina ng notebook at saka ko isinulat ang pangalan ko doon. Kita ko ang gulat at pagkamangha sa kanyang mukha kaya nagpakitang gilas pa ako. Gumuhit ako ng isang mukha sa papel at nakita ko ang mas lalong pagkamangha niya. O, ha! Oh, edi naniwala sya ngayon. "Halika!" Hinigit niya ang kamay ko ngunit ang isang kamay niya ay nakatakip sa kanyang ilong. Impernes ha, malambot ang kamay niya. Hindi katulad ng kamay ko na puro kalyo. "Sama ka sa'kin! Hindi ka na magiging pulubi. Tutulungan kita!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano? Paano naman niya magagawa yun? "Paano mo ako tutulungan? Hindi ako nakapag aral! Wala akong bahay at pulubi pa ako!" "Dahil dyan sa mga iginuhit mo, yayaman ka." Nakangiting sabi nya sa akin at tila siguradong sigurado. May kinuha sya sa kanyang bulsa at ipinakita sa akin ang isang maliit na papel. "Heto. Tawagan mo ako kapag nakapagdesisyon ka na." Inabot nya iyon sa akin ngunit hindi ko tinanggap. Nang iinsulto pa yata, pulubi nga ako paano ako makakatawag! Bwisit na tao ito. "Hindi ako marunong tumawag!" Sabi ko sa kanya at nahihiya hiya. Nakakainis kasi di ba nya naisip na hindi ako marunong sa ganun? Syempre pulubi ako. May pulubi bang may cellphone? "Sige sumama ka na lang sa akin." Bumuntong hininga sya at tumingin tingin sa paligid. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang buhok nya ay hanggang balikat ang haba. Hindi naman sya mukhang bakla kasi lalaking lalaki ang tindig nya. May dimples sya sa magkabilang pisngi na malalim kahit nagsasalita lang sya ay kitang kita parin. Sobrang tangkad nya at hindi pa ako lalagpas sa balikat niya. Napaisip ako bigla, naku baka masamang tao ito. "Paano ako makakasiguradong hindi ka rapist?" Tanong ko sa kanya na ikinatawa niya hindi pa sya nakuntento at humagalpak pa sya ng tawa. "Sa gwapo kong ito? Papatulan kita? Aba, mahiya ka nga." Namula ang pisngi ko at tumango tango. Malay ko ba kung wala syang pinipili? "Sige sama na ako." Tumango ako at hinintay sya. Sana nga ito na ang katuparan ng mga pangarap ko. Sana totoo ang sinasabi nyang hindi na ako magiging pulubi. "Oh, sige sandali." Lumapit sya sa guard na nadoon sa restaurant. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at hinihintay syang isama ako kung saan man. "Sir, pwede po bang dyan muna ang kotse ko?" Umiling ang guard. "Saan ang parking lot ninyo?" "Doon sa likod sir." "Oh, sige pakibantay ng pulubi na yan ipapark ko lang saglit ang kotse ko." "Bakit sir? May atraso sa inyo?" "Wala basta pakibantayan." Nag abot sya ng pera sa guard at nakita ko kung gaano kalaki ang pera na yun na sa tanang buhay ko ay hindi ko pa nahahawakan. Naupo muna ako sa gutter at hinintay sya, narinig ko namang ipinarada nya lang ang sasakyan niya. Maya maya pa ay bumalik sya at tinapik ako sa balikat. "Halika na." Tiningala ko sya at agad na tumayo. "S-sige." ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Night With My Professor

read
495.3K
bc

NINONG III

read
362.5K
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
452.0K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.5K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
441.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

The Sex Web

read
130.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook