bc

My Orphan Wife

book_age18+
170
FOLLOW
2.0K
READ
contract marriage
HE
opposites attract
badboy
drama
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Sa isang bahay ampunan nag-umpisa ang lahat, kung saan nagkamalay at lumaki ang isang batang babae. Lara Jeanne Forteza 19 years old, hindi alam kung saan siya nanggaling at kung sino ang kanyang mga magulang. Sanggol palang noong siya ay iniwan sa pangangalaga ng mga Madre. Nasa third year college na siya, ginawa niya ang lahat para siya ay makapag-aral ngunit dumating ang isang pagsubok sa kanilang buhay, sila ay pinapaalis ng may-ari ng lupang kinatatayuan ng bahay ampunan. Sa halagang dalawampung milyong piso, siya ay mapipilitang magpakasal sa apo ni Don Julio Cervantes na si Dylan Dale Cervantes 28 year's old gwapo at nag-iisang apo. Handa niyang gawin ang lahat maisalba lang ang tahanang kumupkop sa kanya sa loob ng maraming taon. Ngunit isang sikreto ang mabubunyag, biglang gumuho ang kanilang mundo dahil sa kanilang mga nalaman, paano niya ipagpapatuloy na mahalin ang lalakeng sa umpisa pa lang ay hindi niya dapat mahalin dahil isa itong malaking kasalanan? Paano ang magiging buhay nila ng kanyang anak?

chap-preview
Free preview
EPISODE-1 ( The Proposal )
WARNING: There are some scenes that are not suitable for very young reader's, the story may contains of drugs, s*x and violence. "This story is purely fictional and if there is any resemblance to real life, it is not intentional and just a coincidence!" LARA POV : "LARA, wala na tayong magagawa! Kailangan na nating umalis dito, ayon kay Mother Rufina kailangan na nating makahanap ng bagong lugar na lilipatan. Anak kahit masakit kailangan na nating iwan ang lugar na ito." malungkot na wika ni sister Cecilia sa akin. "Hindi po sister, wala pong aalis dito! Ilalaban po natin ang bahay ampunan na ito, gagawa po ako ng paraan!" Walang pwedeng magpaalis sa amin dito, hindi maaari! Maraming bata ang magdurusa. Mga batang katulad ko na ulila nang lubos. Hindi ko alam kung anong gagawin pero napapaisip akong humingi ng tulong sa mga Cervantes. Isa sila sa mga mayayamang pamilya na tumutulong sa aming institution. Dito ako lumaki, dito na ako nagkamalay. Hindi ko nakagisnan ang aking tunay na mga magulang. Ilang buwan pa lang daw ako noong iwan ako dito ng isang babaeng nagngangalang Esmeralda. Ayon kay Mother Rufina hindi daw ito ang tunay kong ina. Dahil napulot lang din daw niya ako malapit sa isang dumpsite. Walang kahit anong documents na magpapatunay kung sino talaga ako, at kung saan ako nanggaling. Tanging ang suot kong kwintas na may initial na E ang aking pinanghahawakan. Ako si Lara Jeanne Forteza, 19 years old, third year college at nag-aaral sa isang skwelahan na pagmamay-ari ng pamilya Cervantes. I'm taking up Bachelor of Science in Elementary Education. Gusto kong maging isang teacher, gusto kong magturo sa mga batang musmos na hindi kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang. Ito na ang chance ko na makatulong sa aking pinagmulan ang Sister's of Mary foundation. Lahat ng pwedeng pagkakitaan pinapasok ko, minsan isang crew sa isang sikat na fastfood chain, ume-extra rin akong janitress, at minsan ay saleslady sa isang mall dito sa Sta. Mesa. Malaking tulong din ang aking scholarship na bigay ng mga Cervantes sa akin. Kaya naman lahat ginagawa ko, para mapaganda pa ang aking mga grades. Lahat kinakaya ko para makapagtapos ako. Naging inspirasyon ko sina Sister Cecilia at Mother Rufina at lalong lalo na ang aking mga kapatid sa bahay ampunan. Isang umaga, araw ng Sabado, ito ang araw na aking pinakahihintay, tuwing Sabado ay nagsasagawa ang mga Cervantes ng feeding program sa aming institution. Kakausapin ko sila, hihingi ako ng tulong sa kanila. Nakapalagayan ko na ng loob ang matandang Cervantes na si Don Julio Cervantes. Sana lang si Don Julio ang pupunta at hindi ang masungit nitong apo na si Dylan Cervantes. Twenty eight years of age, Dylan Dale Cervantes nag-iisang anak, nag-iisang apo at nag-iisang tagapagmana ng pamilya Cervantes. Pero ubod ito ng sungit. Sa tuwing nagpupunta dito ang Dylan na iyon, ay palaging nakasinghal sa akin. Palaging galit, palaging mainit ang ulo. Parang sinalo na ata niya ang lahat ng sama ng loob. Halos kasing lamig ng yelo ang seryosong pagmumukha nito. Walang kabuhay-buhay ang kanyang mga mata. Gwapo, matipuno, matangkad at artistahin ang dating. Katulad ng mga bidang lalake na napapanood ko sa mga Netflix movie's. May kakapalan ang bibig, mabalbon, may makapal na kilay at higit sa lahat may morenong kulay na talagang bumagay sa kanyang kagwapuhan. Kilala ang mga Cervantes larangan ng negosyo, isa sila sa mga kilala at mayamang tao sa bansa. Dahil sa pagkakaroon nila ng maraming mga negosyo, isa na dito pagkakaroon nila ng mga shopping center's, mga school's at ang kanilang Real Estate Company. Nasa gate palang ay excited na akong lumapit sa mga Cervantes, bumati ako at nagbigay galang kay Don Julio. "Magandang umaga po Don Julio, mabuti naman po at nakadalaw po ulit kayo!" masayang bungad ko sa mga Cervantes. Isang nakabusangot na Dylan ang bumaba mula sa sasakyan. Ang aga-aga salubong agad ang kilay. "Sayang ka ang gwapo mo pa naman kaso ang sungit! Hay! Kailan kaya kita makikitang ngumiti?" Pabulong kong sabi sa sarili ko. Nang bigla itong nagsalita. Napalakas yata ang pagkakasabi ko! "Are you referring to me?" Asik nito sa akin, ngumisi ako na parang ngisi ng aso. "Lara iha! Napakamasayahin mo talaga. Pati ako gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita kita. Sige iha paki assist na lang ang aming mga staff kung saan pwedeng dalhin ang mga pagkain!" "Sige po Don Julio, maraming salamat po!" masayang masaya na naman ang aking mga kapatid, pagkatapos kumain ay nagbigay pa ang Cervantes ng mga laruan at mga damit. Nakita kong masayang nakatunghay sa amin si Don Julio. Nilapitan ko ito, para kausapin. "Lara iha, halika! Kumusta ang pag-aaral mo iha?" "Ayos naman po Don Julio, matataas po ang grades ko. Saka third year college na po ako, isang taon na lang magiging isang ganap na po akong guro! Salamat po pala sa scholarship na binigay niyo sa akin, ang laking tulong po." "Good to hear that iha. Basta pagbutihin mo pa ang pag-aaral mo ok?" "Opo maraming salamat po Don Julio. Kaso may malaki po kaming problema ngayon." malungkot kong wika, bahala na basta susubukan kong humingi ng tulong kay Don Julio. Malamlam ang mga matang tumitig ito sa akin. "Ano iyon iha? Baka makatulong ako." "Ah-eh, Don Julio kasi pinapaalis na po kami dito nung may-ari ng lupa. Kailangan na daw naming maghanap ng ibang lugar na malilipatan. Patatayuan na daw nila ito ng commercial building. Don Julio please po, tulungan niyo po kami, kawawa po ang mga batang katulad ko na wala nang mapuntahang iba. Lahat po gagawin ko Don Julio basta matulungan niyo po sana kami!" Hindi nakaimik ang Don habang nakatitig sa akin. "Let's make a deal Lara! You'll help me, and I'll do the same too, I'll help you iha!" seryosong wika ng Don sa akin. "Po? Ano pong tulong ang gusto niyo?" muling tanong ko dito. "Accept my offer iha. Marry my grandson Dylan at sinisiguro ko sayo hindi kayo paaalisin dito. Think about it iha!" Nakailang beses na niyang sinasabi sa akin na pakasalan ko ang apo niya. Palagi akong tumatanggi, dahil ayaw ko namang magpakasal ng walang nararamdaman pagmamahal. Inaamin ko, noon ko pa crush si Dylan. Ewan ko ba kahit ubod ng sungit ay sobrang gwapo pa rin nito. "Pero bakit po ako? Di ba po may girlfriend po yan? Hindi po ako nababagay para sa apo niyo po!" "Iha, ikaw ang gusto ko! Magaan ang loob ko sayo. Atleast ikaw kaya mong bigyan ng anak si Dylan. Hindi ang babaeng iyon na puro ganda lang alam! Wala siyang magagawa kapag ako ang nagdesisyon. Pag-isipan mong mabuti Lara!" Naiwan akong nakatulala at nakatingin sa kawalan. Mukhang ngayon seryoso na si Don Julio, akala ko dati ay biro lang ang lahat. "Lord help me! Ano pong gagawin ko. Nakasalalay sa akin ang orphanage na ito. Tulong po!" Kanina pa nakaalis ang mga Cervantes, pero hindi maalis alis sa isipan ko ang offer sa akin ni Don Julio. "Anak may problema ka ba?" tanong sa akin ni sister Cecilia. "Iniisip ko po itong bahay ampunan sister, kung paano po ako makakatulong sa inyo!" "Huwag kang masyadong mag-isip anak may awa ang Diyos! Wala pa naman yung notice, siguro kakausapin natin ulit yung magmay-ari ng lupang ito." wika naman nito sa akin. Dumating ang gabi, hindi parin ako makatulog. Kahit anong pilit kong ipikit ang aking mga mata ay hindi parin ako dalawin ng antok. Nakailang beses pa akong pabaling baling sa aking higaan. Gulong gulo na ako. KINAUMAGAHAN, maaga pa lang ay bumangon na ako, halos wala akong tulog sa magdamag dahil sa kaiisip ko sa offer sa akin ni Don Julio. "Marry my grandson!" Paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan. Lalabas na ako para magdilig ng mga halaman. Nang may narinig akong tila nagkakagulo sa labas. May nagsisigawan sa labas ng gate. Tumakbo ako para makita ang nangyayaring komusyon. Naabutan ko sina Mother Rufina at sister Cecilia kasama ang ibang mga Madre at ibang mga bata. "Mother ano pong nangyayari?" "Anak kasi pinapaalis na tayo dito, hindi na sila madala sa usapan anak." umiiyak na sabi ni Mother Rufina. Kaagad akong lumapit sa mga nagkakagulong mga tao. "Maawa po kayo! Please, gagawan ko ng paraan. Ngayong araw mismo, gagawa ako ng paraan!" matapang kong sabi at tinawanan lang ako ng isa sa mga tauhan ng may-ari. "Ikaw, gagawa ng paraan? Nagpapatawa ka ba ineng? At saan mo kukunin ang dalawampung milyong piso aber?" sabay sabay pa silang nagtawanan lahat. "Basta, gagawan ko ng paraan ngayon din mismo!" matapang kong sabi. Kaagad akong bumalik kina Mother para magpaalam. "Mother, aalis lang po ako saglit. May kakausapin lang po. Promise po, hindi nila tayo mapapaalis dito!" "Anak mag-iingat ka! Alam kong alam mo kung anong ginagawa mo anak. Isa kang mabuting bata Lara. Sige humayo ka na!" sabi sa akin ni Mother Rufina. Bumalik ako sa loob para magbihis, naka white t-shirt at jeans lang ako at saka white shoes ang aking suot. Kinuha ko ang aking sling bag, at inilagay ang aking cellphone. Mabuti na lang at nasa akin pa ang calling card ni Don Julio. Kinuha ko rin ang isang papel kung saan nakasulat ang address ng mga Cervantes. Bahala na kung anong mangyari sa akin, tatanggapin ko na ang offer sa akin ni Don Julio. Kaysa naman pulutin kami sa kung saan. Kawawa ang mga kapatid ko sa ampunan. Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Whoahh! It's now or never! Kaya mo yan Lara! Sayo nakasalalay ang lahat!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook