bc

The Broker Series #2: ASSET (COMPLETED)

book_age16+
2.6K
FOLLOW
18.3K
READ
revenge
boss
gangster
tragedy
comedy
twisted
brilliant
male lead
crime
like
intro-logo
Blurb

Hindi pa pinapanganak ang tatalo sa kagwapuhan ko, pero ang papatay sayo siguradong gwapo. Wag magtitiwala kahit kanino lalo na sa taong kaharap.

chap-preview
Free preview
ASSET : CHAPTER 01
Rifle "Let's party!" Bawat tugtog sa maingay na lugar na kinalalagyan ko ay sinasabayan ko habang mayroong hawak na bote ng alak, tumitingin ng magandang babae na babagay sa kagwapuhan ko. Ang mga kaibigan ko ay mga walang kwenta dahil sa hindi nila pagsama sa akin sa bar. Palibhasa walang gwapong taglay sa katawan at madidismaya lang sila dahil walang mauuwing babae. Bawat babae na nakikita ko na sobrang sexy at ganda ay nilalapitan ko para makasayaw. "Hi, cutie!" bulong ng babae sa akin habang sumasayaw kami sa gitna ng dance floor. "What is your name?" Tinignan ko ang babae na naka-red dress. Hinawakan ko ang bewang n'ya para sabihin sa lahat na I got mine. "Rifle Winchester, Babe," mapang-akit kong tugon sa babae. Pinalupot n'ya ang kamay n'ya sa leeg ko at alam kong sinabi n'ya ang pangalan sa akin, pero dahil sa lakas ng music sa bar ay hindi ko narinig at wala na akong balak na tanungin pa ulit. "Wanna go to the quiet place?" she whispered. I gave her a smirked as I wasn't prepared that fast. "Heaven?" I whispered back. Magkadikit na ang katawan namin habang patuloy sa pagsasayaw. "I'll give you heaven." Lalo akong napangiti dahil sa narinig ko. "Let's go to heaven!" sigaw ko. Patuloy ang pagsayaw habang naglalakad na kami papunta sa second floor nitong bar dahil mayroong mga room doon na pwede kaming magsaya. "s**t!" Nasa gitna pa lang kami ng hagdan ay bigla s'yang tumigil sa paglalakad kaya taka kong tinignan nag babae. "Why?" kunot-noo kong tanong. "My boyfriend," she answered. Lalong kumunot ang noo ko sa sinagot n'ya. Tinignan ko ang direksyon ng tingin n'ya at napabitaw ako sa pagkakahawak sa kan'ya ng makita ko ang tatlong lalaki na nagmamadaling pumunta sa kinatatayuan ko. "Let go of me!" Wala akong idea na tumingin sa babaeng kasama ko. Hindi ko na s'ya hawak, pero umaarte pa s'ya. "Baby!" Para akong masisiraan ng bait ng tumakbo ang babae sa boyfriend n'ya sabay yakap at akala mo ay inapi ko s'ya. "Pinipilit n'ya akong sumama sa kan'ya, Baby!" pagpapanggap ng babae. Natawa naman ako dahil sa kalokohan n'ya sabay palakpak dahil napapahanga na ako sa acting n'ya. "Grabe! Baka Manalo ka ng award, b***h!" seryoso kong saad. "Anong sabi mo?!" galit na tanong ng boyfriend n'ya. Sinigawan n'ya ba ako? Hinawi ko ang buhok ko na tumatakip sa noo ko dahil mukhang hindi n'ya yata nila kilala kung sino ang kaharap nila, inayos ko ang sleeves ng damit ko dahil matagal na rin akong hindi nakakasapak sa mukha eh. Walang takot akong naglakad papunta sa harapan nila at matalim kong tinignan ang babae. "Malandi 'yang girlfriend—" Isang malakas na suntok ang tumama sa gwapo kong mukha. Napapikit ako inis dahil sa lahat ng ayoko ay magasgasan ang mukha ko. "f**k!" sigaw ko na nakakuha ng attention ng maraming tao. Agad akong sumugod para bumawi ng suntok dahil hindi matatapos ang gabi na ito na walang masisira ang mukha. Nagpalitan kami ng suntok kasama ang dalawang kasama ng boyfriend ng babae; hanggang sa awatin na kami ng mga tauhan ng bar. "Rifle, remember my name!" sigaw ko sa kanila. Hinid pa rin ako tumitigil hanggang sa nilabas na nila ako sa bar at balak ko ulit pumasok dahil hindi pa ako tapos sirain ang mukha nila, pero ayaw na akong papasukin. "Kaibigan ko ang may-ari ng bar na ito! Papasukin n'yo ako kung gusto n'yong manatili sa trabaho!" galit kong sigaw. Para lang akong nagsalita sa hangin dahil wala akong natanggap na sagot. Kinapa ko ang bulsa ko para tawagan si Snipe at ipapatanggal ko itong walang kwenta n'yang tauhan. Napasabunot na lang ako sa sarili ko ng maalala ko nasa loob ang phone ko. Sinubukan ko pa rin pumasok, pero ayaw talaga. "I'm Rifle Winchester, kaibigan ako ni Snipe, ang may-ari ng lugar na iyan!" inis kong explain. Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa inis. Paanong hindi nila ako nakilala? Pumunta ako sa kotse ko, pero napasipa ako sa gulong ng maalala ko na naiwan ko rin sa loob ang gamit ko. "Snipe, pasalamat ka at bar mo iyan kung hindi sinunog ko na!" inis kong sigaw. Tinignan ko ang paligid at saktong mayroon akong nakitang babae na naglalakad habang mayroong phone na ginagamit. Naglakad ako palapit sa kan'ya at hinarang s'ya. Napakunot ang noo n'ya ng makita ako. "Masyado akong gwapo at alam ko iyon, kaya pahiram ako ng phone," saad ko. Hindi pa s'ya pumapayag, pero inagaw ko na ang phone n'ya para tawagan si Snipe. "Ibalik mo sa akin iyan!" sigaw ng babae sa akin. "Magkano ba ito? Bibilhin ko!" Balak n'yang kuhanin sa akin, pero tinaas ko ang kamay ko para hindi n'ya makuha. "Name your price." "Kailangan ko ng umuwi kaya ibalik mo na ang phone ko!" Tinulak ko ang babae palayo sa akin dahil ayoko ng abala ngayon. "Umuwi ka, hindi kita pinipigilan." Dinail ko ang number ni Snipe para tawagan, pero mayroong tumama sa ulo ko ng kung ano dahilan para lingonin ang babae. Tinignan ko ang Seryoso n'yang mukha at ang walang sapatos n'yang isang paa. "B-binato mo ako?" hindi makapaniwalang tanong sa babae. Naglakad s'ya palapit sa akin at mabilis na kinuha ang phone n'ya sa kamay ko. "Dapat lang sa'yo dahil isa kang bastos na lasing!" sagot n'ya sa akin. "B-bastos?!" hindi makapaniwalang tanong. Balak n'yang umalis sa harapan ko, pero hinawakan ko ang kamay n'ya para hindi makaalis. "Alam mo bang kaya kitang bilhin?!" Napaunot ang noo ko ng tinignan lang n'ya ako na parang wala lang ang sinabi ko sa kan'ya. Nalipat ang tingin ko sa suot n'yang I.D kaya tinignan ko ang pangalan n'ya. "Xyra Cy?!" basa ko sa pangalan n'ya. "Wala akong presyo! Kaya bitawan mo na ako dahil kailangan ko ng umuwi," seryoso n'yang saad. Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kan'ya dahil nasira na ang gabi ko at walang babaeng pwedeng bumastos sa akin. "Kilala ko ang may-ari ng mall na pinagtratrabahuhan mo," banta ko sa kan'ya. "Anong gagawin mo?" Natawa ako dahil nakita ko na ang pag-aalala sa mata n'ya. "Wag ka ng pumasok bukas dahil ngayon pa lang ay wala ka ng trabaho." "Rifle Winchester, the hotsome!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.3K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.6K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.0K
bc

Dangerous Spy

read
297.0K
bc

EASY MONEY

read
173.8K
bc

YOU'RE MINE

read
892.9K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook