bc

Everytime We Touch (Complete)

book_age18+
2.9K
FOLLOW
16.0K
READ
BDSM
sex
teacherxstudent
dare to love and hate
no-couple
secrets
intersex
Writing Academy
love at the first sight
affair
like
intro-logo
Blurb

WELCOME

This story contains the bulk of stories written by myself. If you are under 18, you are not allowed here.

My stories are basically erotic plots and contain graphic scenes such as s*x between consenting adults, b**m, orgy, m**********n, erotic romance, and incest.

If you are a visitor, you may place your comment/s provided that it has to be with regards to the story you have read.

Comments such as delayed continuations or when a continuation of a story shall be posted will be automatically deleted. I am a writer, but this is not my job. I write when I want to write, depending on my mood and environment. For that, you have to wait patiently for my works to be posted.

Enjoy!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
꧁Chapter 1꧂ UNANG NAKITA ni Lander ang babae noong pangalawang araw ng pasukan. Second year college na ang binata ngayon sa Bulacan State of University. Dahil mahiyain, bihira itong maglakwatsa kaya iilan lang ang kakilala niya dito sa tinitirhang bahay ng kamag-anak sa Bulacan. Wala ng ibang tricycle papalabas ng subdibisyon, kaya pilit na nakisabay ang isang dalaga na tila nagmamadali rin. Walang imik ang dalawa sa masikip na upuan. Mainit ang pakiramdam ng magkadikit na braso ng dalawa. Iiwas sana ang dalaga, ngunit mahirap sa sikip ng kinauupuan ng bawat isa. Maganda ang babaeng ito, lalo na sa sout nitong school uniform. Maputi, balingkinitan ang katawan. Maamo at makinis ang maliit na mukha nito. Nangungusap ang mga mata dahil sa natural at mahabang eye lashes, maliit ngunit mapula rin ang labi nito. Si Lander ay may malaking pangangatawan. Sa edad na 19, 5'10 ang tangkad nito. Basketball ang nagdala sa kanya dito sa Bulacan, matapos kunin bilang varsity player sa pinapasukan niya ngayong university. Pagbaba nila sa labasan, hindi nakatiis ang dalawa na sulyapan ang bawat isa. Pawang nakaramdam ng kilig ang mga ito, ng magtama ang mga mata. Ngunit pareho sinukluban ng hiya. Wala man lang ni isang nagsalita kahit isang kataga, o ngiti na binitawan ng maghiwalay sila nang araw na iyon. Si Lander sa Jeep, ang babae sa taxi. Mula noon, hindi na maalis sa isip ng binata ang mukha ng babae. Gabi-gabi sa pagtulog, ito ang laman ng kanyang isipan. Nung mga sumunod na araw, kung hindi man magkasunod sa labasan, tahimik silang nagaabang ng masasakyan. Gaya ng dati, binabalot ng hiya ang dalawa - kung sino ang mauunang magpapakilala o magsasalita. Kahit sana ngiti man lang, kahit kunting gesture, upang makilala nila ang isat-isa, Wala. At dahil parang walang nangyayari tuwing umaga, tila naglalaho ang pag-asa na makilala nila ang bawat isa. Naging pangkaraniwan na lamang ang bawat umaga nilang animoy walang nakikita, tuwing magtatagpo. Hanggang sa mas pinipili pa nila na iwasan na lang na magkasabay, magkatabi o kaya magkalapit. Naging madalang na ang kanilang pagkakasabay ng mga sumunod pang linggo. Makalipas ang dalawang buwan, hapon, sa Robinsons Place Malolos, nakasalubong sina Lander at babaeng taga subdibisyon nila. Ngunit may nakaakbay ditong binata. Hindi magawang lumihis ng daan ni Lander dahil alam niyang nakita na siya nito. Binalot ng nerbyos at selos ang binata, lalo na ng makita nito na mas hinigpitan ng babae ang pagkakayakap sa kasama, na sandaling umirap pa sa kanya, ngunit kaagad ibinaling. May ngiti ang labi ng babae na para bang sinasabi sa kanyang mukha na...'TORPE' Lungkot at hiya ang tumagos kay Lander. Malakas kasi ang mensahe ng tagpong iyon. Tila wala na silang pag-asa. Sa kabila nito, ang babae pa rin ang laging laman ng kayang isip lalo na sa kanyang mga panaginip. * * * Alternate lang sa ngayon si Lander para sa team nila. Ngunit marami-rami na ang nakakatawag pansin sa talento nito sa court. Mabilis na parang kabayo kung tamakbo ito, at mataas ang accuracy ng shooting power nito, kaya nakakitaan siya ng potensiyal ng coach. Sinasanay na lamang ito upang mas maging matatag sa bawat game. Bukod sa kanyang coach at sa ibang team, tawag pansin na rin si Lander sa mga girls. Ilang buwan pa lang siyang nakikita sa mga practice - tila may ilang fans nang nagmamantiyag sa kanya, isinasigaw na rin ang pangalan nito tuwing may ensayo. Nakakadagdag ito ng confidence sa binata, kaya pinag iigihan niya ang bawat laro. Kabilang sa mga nagmamasid sa kanya ay si Joyce, PE teacher at moderator ng cheering squad. *** Dalawampu't lima na ngayon si Joyce, may isang anak na babae. Apat na taon na ang nakararaan ng iwan siya ng kanyang boyfriend, at walang paalam na pumunta sa Florida. Nataranta ang lalake ng malaman na nagdadalang tao si Joyce, kaya sa isang iglap, agad itong nagdesisyon na sumunod sa mga magulang sa United State imbes na harapin at panagutan ang kasintahan. Magkahalong galit at hinagpis ang naramdaman ng babae sa sinapit nito, ngunit pilit na itinayo ang sarili upang ipagpatuloy ang pagbubuntis. Isinumpa nito na kahit ano pa man ang mangyari, kakayanin niyang labanan ang tadhanang sadyang iginuhit para sa kanya. Mula ng mangyari ito, pansamantalang isinarado ni Joyce ang sarili sa ibang manliligaw. Kahit naman kasi may anak na ito, marami pa rin ang nagkakainteres dahil sa ganda niya. Medyo payat ngunit maganda ang hubog ng katawan ni Joyce. Maputi, balbon, at ang kutis nito ay parang porselana, dahil may lahing amerikana. Nakuha niya ito sa ina, na anak ng isang American-Filpino. Nung araw na iyon, alas kuwatro na ng hapon, may ensayo ang team. Naki-jam si Joyce sa ibang girls ng cheer squad na nanood ng ensayo. Magkakaibigan na ang turingan nila ng mga girls, at parang nakatatandang kapatid na rin ang pagtingin nila sa kanya. Sa mga larong kasama siyang nanonood, ikatlong pagkakataon na niyang napanood si Lander na naglalaro. Isa sa kasama sa grupo ni Joyce ay si Devine, na kanina pa sigaw ng sigaw ng pangalan ni Lander. Kaya nung hindi na nakatiis ang guro. "Devine.. relax ka lang.." Naka ngiti si Joyce, habang hinahablot niya ang braso nito paupo sa bleacher. "GO LANDER, GO!!" Sigawan muli ng mga girls na nanunood. "Ang cute niya ma'am, pansin niyo ba?" "Oo na, pero try to relax, hindi pa naman main event at tsaka, baka mamaos ka sa kasisigaw diyan..." "Kill joy naman ni Ma'am, ya'an niyo later papakilala ka namin kay Lander, makikita mo, super cute niya." Ngumiti ito, at sumundot pa ng... "Tingin ko, bagay kayo.." Natawa na lang si Joyce. Pagkatapos ng ensayo, mag aalas sais na, tatlo sa kasama ni Joyce sa bleacher ang tumayo at lumapit kay Lander, habang nag aayos ito ng mga gamit sa bag. Malayo ngunit tanaw niya itong naguusap. Kasunod nito, nagpaalaman ang mga babae sa binata, saka bumalik sa kinalalagyan ng natitirang grupo nina Joyce. "Let's go Ma'am Joyce, punta tayo sa canteen, susunod daw si Lander after shower.." NASA kalagitnaan ng miryenda ang mga girls, kasama si Joyce ng dumating si Lander. Preskong presko itong tingnan dahil sa bagung paligo ito. “Hi, come.. join us..’ Sabi ni Fhae. Isa sa tropa. Kumaway muna si Lander ngunit bakas sa mukha nito ang hiya, habang lumalapit sa kanila. Pinagmamasdan ang buong tropa na nakaupo sa pinagdikit na dalawang tables, lahat naka tingin din sa kanya. Napansin niya ang medyo nakakatandang babae na kasama ng mga ito, kilala niya ito. Ang seksing PE teacher. Ito ang unang pagkakataon na makita niya ng malapitan si Joyce. Kakaiba ang hatak ng pagkatao nito sa kanya. Bumilis ang pintig ng kanyang puso. “Dito ka na lang..” turo ni Devine sa isang bakanteng upuan, katabi ni Joyce.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
127.3K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
274.1K
bc

Love Donor

read
85.8K
bc

OSCAR

read
224.9K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
440.7K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
956.5K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
450.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook