bc

INVISIBLE (Book 2 of Epic Comeback) - (COMPLETED)

book_age16+
1.3K
FOLLOW
3.5K
READ
friends to lovers
drama
sweet
first love
like
intro-logo
Blurb

Si Hannah at Dice ay matagal ng matalik na magkaibigan. Pero tulad ng mga tipikal na nangyayari, ang isa sa kanila ay may lihim na pagtingin sapagkat matagal ng may lihim na pagtingin si Hannah sa kaibigan niya pero takot siyang umamin dahil natatakot siya na baka may magbago o mawala kung anong meron sila.

Pakiramdam ni Hannah ay may kapangyarihan siyang maging invisible dahil lahat ng pagmamahal, efforts at sakripisyo niya sa binata ay hindi niya nakikita kailanman.

Lumipas ang mga taon at may kanya-kanya na silang priority sa buhay. Muli silang nagkita. Ito na kaya ang tamang panahon upang makita na ng binata ang pagmamahal, efforts at sakripisyo ng dalaga?

chap-preview
Free preview
Episode 1
I am Hannah Lasco. 15 years old at nasa 3rd year highschool na. Meron akong boy bestfriend, si Dice Alejandro Alcantara nasa 3rd year highschool na din ito at magkaklase kami. Tinaguriang campus crush si Dice dahil hindi lamang gwapo at mayaman, matalino pa ito. Dagdag pa na varsity player ito sa pagbabasketball kaya hindi nakakapagtataka na maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya. Marami nga ang inggit na inggit sa akin dahil close kaming dalawa. Since elementary ay magkakilala na kaming dalawa kaya sobrang gaan na ang loob namin sa isa't isa. Marami lumalapit sa akin na babae para makipagkaibigan sa akin, as usual ginagawa lang naman nila iyon para ipakilala ko sila kay Dice. Minsan ay hinahayaan ko na lang at pinapakilala ko sila kay Dice pero heto namang si Dice ay nagagalit minsan sa akin kapag ginagawa ko iyon.  Lahat ng sikreto namin ay sinasabi namin sa isa't isa. Pero may isang sekreto na kailanman ay hindi ko aaminin sa kanya. I fall in love with my best friend. Since when? Since nung una kaming magkakilala. Ganun na katagal ko siyang lihim na minamahal. Pero sa tingin ko ay dadalhin ko na hanggang hukay ang nararamdamang kong iyon sa kanya. Dahil sa tingin ko ay hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin.  Ilang beses na din ako umiiyak ng palihim tuwing may ipapakilala siya sa akin ba babaeng nililigawan niya. Wala naman akong ibang choice kundi ang magpanggap na masaya sa harapan niya. Basta makita ko lang siya masaya, masaya na din ako. Chaka isa pa, nakailang gf na siya pero ni isa ata wala naman siya sineryoso dahil puru paganda at kaartihan lang ang mga naging gf niya. May mga nagtangka din nanligaw sa akin. Pero sobrang protective sa akin ni Dice. Naalala ko pa nung minsang sinabi niya. "Nanliligaw sa iyo yung mokong na Bryan na iyon?" mukhang inis na tanong niya sa akin. "Oo. Bakit?" kita ko parin ang inis sa mukha niya. Nakaramdam ako ng saya sa mga tagpong iyon. Pakiramdam ko nagseselos siya at ayaw niya na may ibang lalaki na lumalapit sa akin.  Sa totoo lang ay may mga lalaki din naman gustong pumorma sa akin pero madalas ay hindi lang natutuloy dahil pinagsasabihan sila ni Dice na bawal ako ligawan.  "So, gusto mo siya ganun?" tanong niya sa akin.  "Bakit hindi? Gwapo din naman siya." mas lalo siyang naiinis sa sinabi ko. "Tssk. Gwapo? Saan banda? E mukha ko nga lang siyang pwet e."  "Oy. Tumigil ka nga diyan. Wala naman masama kung ligawan niya ko diba?". "Eh chickboy naman iyang gusto mo e. Kung sino-sino ng naging babae nun. Iba nalang pwede?" "E sino? " Hindi siya kaagad nakapagsalita. Sa loob loob ko ay nasabi ko na sana ay siya na lamang. Ang totoo ay wala naman ako pagtingin kay Bryan. Nasabi ko lang iyon dahil gusto ko lang malaman kung ano ang magiging reaksyon niya.  "Basta, iba na lang." Nakakaramdam ako ng saya kapag ganyan si Dice sa akin pagdating sa mga manliligaw ko. Kaya nga madalas ay wala na talaga lumalapit sa akin. Ayus lang naman sa akin iyon dahil ang mahalaga sa akin ay siya ang kasama ko. Kaya itinutuon ko nalang ang sarili ko sa pag-aaral dahil nandiyan naman lagi ang inspirasyon ko.  Kasalukuyan akong nakaupo sa isang bench. As usual, iniisip ko nanaman si Dice. Hindi ko din alam kung ilang minuto na akong nasa ganoong ayos. Wala kasi si Dice, nasa kabilang section malamang dahil may bago na naman siyang nililigawan. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala si siya. Umupo ito sa tabi ko.  "Oy, mukhang umabot na sa amerika yang utak mo ah? Ang layo din kasi ng tingin mo. Naku, wag mo na siyang isipin, mahal ka nun." Sabi nito sabay tawa. Sana nga mahal mo din ako. Ang hirap pala yung di mo masabi sa taong mahal mo na mahal mo siya. Yung hanggang isip mo lang ang abot ng mga salitang gusto mong sabihin sa kanya. "Kumusta panliligaw mo?" tanong ko sa kanya "Syempre. Girlfriend ko na si Sarah." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Sa pagkakaalam ko ay kahapon niya palang niligawan yung babae tapos ngayon sinagot na niya kaagad. Ni hindi man lang niya pinahirapan si Dice. Malamang, baka mainip at manligaw nalang ng iba.  "Ang bilis naman." tugon ko sa kanya. "Of course. Ako pa ba? May date kami after school. Gusto mo sumama?" Madalas niya ako isama sa mga date nila ng nagiging gf niya. Naalala ko noon nung sumama ako. Sobrang out of place ko. Chaka pag nakikita ko silang magkaholding hands at magkaakbay ay nasasaktan ako, kaya di ko na inulit pa iyon. Minsan ay nagdadahilan na lamang ako na busy ako para hindi na ako makasama. Chaka bakit ba lagi niya akong sinasama? Gusto niya ba talaga akong laging nasasaktan? "Wag na no. Ayokong makaistorbo sa inyo. Chaka pang-ilang gf mo na ba iyan Mr. Alcantara? Seryosohin mo naman. Kawawa babae sa iyo." pagbibiro ko sa kanya. Bigla namang naging seryoso ang mukha ni Dice habang nakatingin sa akin.  "Naisip ko na din iyan, Hannah. Tama ka. Dapat maging seryoso na ako sa pag-ibig. Hayaan mo, tatandaan ko iyang sinabi mo." Biglang may kurot sa puso ko ang mga sagot ni Dice. Bakit parang nasaktan ako sa sinabi niya. Kung totoo nga na magseseryoso na siya sa isang babae, mukhang malabo na talaga na mapansin niya ako.  "Eh ikaw ba? Pumoporma pa rin ba sa iyo yung Bryan?" pang-iiba niya ng tanong  "Hindi na, e paano ba naman, tinakot mo." "Buti nga iyon e, kesa naman maging isa ka sa mga koleksiyon ng lalaking iyon." "Aba nagsabi ang hindi din nangongolekta ng babae."  "Iba ako sa kanya, Hannah. Siya kasi pinagsasabay niya mga babae niya. E ako hindi naman e. Basta naramdaman kong hindi ako masaya, nakikipaghiwalay na ako." "Pareho pa din iyon. E malay natin ako pala makakapagpabago sa kanya?" Biglang umitim ang mukha niya. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "Wag mong sabihin na nagugustuhan mo na siya?" "Hindi naman. What if lang." "If gusto mo siya, pwedi mo naman siyang ientertain. Ang sa akin lang ay ayaw ko na masaktan ang best friend ko." Nalungkot ako sa huling sinabi niya. Talagang kaibigan lang turing niya sa akin. Ang akala ko pa naman ay nagseselos siya kaya ganun siya kaprotective sa akin.  Nasa ganung ayos kami nang lapitan kami ng isang babae. I think siya si Sarah. Bagong girlfriend niya. Muli ay may namuong kirot sa puso ko. Maganda si Sarah. Kukumpara sa akin, walang wala ako sa ganda niya. Mukhang inosenti din ang mukha nito. Malayo sa mga naging babae niya noon. Mukhang pangseryosohan ang awra nito.  "Hi babe." Umpisa ng babae.  Lumapit si Dice sa kanya at hinalikan ito sa pisngi.  "Tara na ba, babe? " Sabi ni Dice. "Yes. Do you want to join us, Hannah?" "Naku, wag na. May gagawin pa ako. Enjoy na lang kayo." Nagpaalam na sila at umalis na. Hinintay ko muna silang makalayo bago ko tuluyang pinakawalan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.  Sobrang sakit lang na umiiyak ako ng patago. Wala naman akong karapatang umiiyak sa harapan niya. Hanggang kailan ko kaya kayang itago ang nararamdaman ko? Para kasing sasabog na ako sa dami ng kinikimkim kong sakit. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unwanted

read
509.8K
bc

My Husband's Mistress

read
297.4K
bc

His Cheating Heart

read
40.6K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.3K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
46.2K
bc

My Son's Father

read
582.9K
bc

Lucas Sebastian III - SPG

read
2.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook