bc

Priest Be With You

book_age16+
723
FOLLOW
2.5K
READ
drama
sweet
humorous
like
intro-logo
Blurb

Paboritong ninang at partner in crime ang turing ni Agatha kay Mrs. Rejina. Malaki ang utang na loob ni Tata sa ginang dahil ito ang kanyang naging takbuhan noong panahon na pinalayas sya ng ama dahil sa pagiging pasaway nya. Ang ginang ang sumuporta sa kanya sa aspetong pinansyal nang pinutol ng kanyang ama ang kanyang credit cards at bank accounts. Kaya naman nang hingin ng ginang ang kanyang tulong upang ilihis sa landas patungo sa pagpapari ang seminarista nitong anak na si Rod ay pumayag sya. Tutol ang kanyang Ninang sa pagpapari ng kaisa-isang anak. Pangarap daw kasi nito ang magkaroon ng maraming apo. At isa pa ay sayang naman daw ang kagwapuhan ni Rod kung

mauuwi lamang sa pagpapari. Sayang ang lahi!

Doon na sya tila ayaw maniwala. Sayang ang kagwapuhan? Sayang ang lahi? Saan banda? Sa tuwing babanggitin ng ginang ang anak ay gumuguhit sa kanya ang imahe ng patpatin at iyakin na si Rodrigo De Jesus. Pero wala na syang magagawa, pumayag na sya sa hiling ng kanyang Ninang.

Ang tanong na lang, kakayanin ba ng charm nya ang akitin ang isang lalaking matindi ang pagnanais maging pari?

Magagawa ba ng kagandahan nya na pasunurin si Rod sa Genesis 9:7? "Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami”?

Kaya bang baguhin ng pag-ibig ni Tata ang nakaplano nang kinabukasan ni Rod?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Payatot!”   “Katchupoy!”   “Waaahahaha. Lampa!”   “Hoy! Titigilan nyo ba si Rod o titigilan nyo?! Wala kayong pagpipilian, dahil kapag hindi pa kayo tumigil, manghihiram kayo ng mukha sa aso!” saway ni Tata sa dalawang bata na nang-bubully sa kinakapatid nyang si Rod. Humahagulgol na ito sa isang sulok ay ayaw pang tantanan ng dalawang batang lalaking kapwa rin nitong payatot.   Dose anyos na si Rod at sya naman ay walo, pero hindi nagkakalayo ang kanilang taas, ngunit magkalayo sa katawan. Bilugan sya, patpatin naman si Rodrigo. Ninang nya ang mommy nito, at magkasosyo naman sa negosyo ang kanilang mga ama. Nag-iisang anak si Rod, samantalanag si Agatha naman ay may dalawang kapatid na lalaki na malaki ang agwat ng edad sa kanya. Nasa kolehiyo ang Kuya Arthur nya, at malapit naman nang matapos ng high school ang Kuya Marvin nya.   Nilingon nya ang kaibigan na patuloy sa pag-iyak. Pagharap nya sa dalawang bata ay labas pasok pa rin ang dila ng mga ito sa bibig. Literal na pang-asar ang mukha ng dalawa. Kahit hindi na maglabas ng dila ang mga ito ay maaasar ka na talaga. At dahil banas na si Tata, sinasabayan pa ng hagulgol ni Rod, mula sa likod ay itinaas ni Tata ang bestida at hinugot mula sa kanyang panty ang tirador tsaka dumampot ng bato at itinira sa mukha ng isang batang may kalakihan ang mga mata. Iyak! Yung isa namang pambanas, kumaripas na ng takbo. Sumunod na rin ang batang tinamaan nya, sapo ang pisnging dumurugo.   Hinipan pa nya ang magkabilang dulo ng tinardor na animo'y isang baril tsaka muling isinuksok sa likuran ng kanyang panty.   “Tahan na, Rod. Para ka namang bakla eh!” Hinatak ni Tata ang laylayan ng kanyang bestida at ipinunas sa mukha at ilong ni Rod. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang bata.   May naisip si Tata na paraan upang tumahan na si Rod. Nakikita nya ang ginagawa ng kanyang daddy sa Mommy nya tuwing umiiyak ang ina. Sana lang ay umeffect iyon kay Rod. Sinapo nya ang mukha ng kaibigan at matagal at mariin na hinalikan ito sa labi. Nanlaki naman ang mata nito at nahinto na sa paghikbi.   “Ayos! Effective nga!”   “B-bakit m-mo g-ginawa yon?” utal nitong sabi.   “Duh? Eh di para tumahan ka! Ganon ang ginagawa ni Dad kay Mom eh. Oh di ba tumahan ka nga!” Hinugot nyang muli ang tirador sa kanyang likod. “Oh, sa'yo na lang 'to, weapon mo pang self-defense. Nakita mo naman kung paano ko ginamit di ba? sa'yo na. Hindi na kita maipapagtanggol eh.”   “Huh? Bakit?”   “Aalis na kasi kami. Hindi ko alam kung saan, basta sabi ni Mommy sasakay kami ng airplane.” Muling umiyak si Rod...kaya naman muli rin nya itong hinalikan.    >>>>>>>>>>>>>green hands.   Pinahiram sya ng ninang nya ng malaking pera upang makapag-umpisa sya nang mag-isa. At dahil kailangan nyang magtipid, pinatulan nya ang alok ng isang kaibigan sa banda na mangupahan na lamang ng apartment kaysa mag-down sa condo. Barya lamang ang halaga ng upa sa pera na ipinahiram ni Rejina sa kanya kaya pinatos na nya. Napadpad sya sa Beauty Apartment na pag-aari ni Aling Beauty.   Tatlo silang tenant at tig-iisa ng kwarto. May mga katabi pa silang unit ng Beauty Apartment na ganon din ang set-up. Lahat nang nakatira doon ay pawang mga babae lamang, at lahat sila ay masasabi nyang Magaganda.   Napukaw ang atensyon nya ng ngiting-ngiting mukha ng kanyang Ninang Rejina.   “'Nang, mukhang naka-score po kayo kay Tito Rodolfo ah. Iba yung kutitap ng mga mata nyo eh, parang Christmas lights.”   Natatawang hinampas sya ng ninang sa braso nang makaupo na sya sa katapat nitong mesa. “Hahaha, ang pilya mo talagang bata ka. Eh kailan ka ba magbabayad ng utang?”   Muntik nang dumausdos ang puwet nya sa upuan pababa sa sahig. Napaka-straight to the point talaga ng ninang nya.   “Grabe naman, 'Nang, wala po bang pakape muna dyan?” biro nya rito. Pero ang totoo ay pinagpapawisan na ang kili-kili nya dahil wala pa syang pambayad.   “Agatha, prangka man akong tao at parating straight to the point, hindi naman ako matapobre at mapang-husgang tao base lamang sa panlabas na anyo.”   Bigla syang nagulahan sa pagiging seryoso ng ginang at sa tinutumbok nito.   “Bakit po kayo nagsasalita ng ganyan. May taning na ho ba kayo, 'Nang” “Gaga, wala! Makinig ka muna, sasakalin kita!”   Natatawa na lamang si Tata. Kung minsan ay parang bagets pa ring kumilos ang ginang sa kabila ng edad nito. Kaya naman agad silang nagkasundo dahil hindi ito KJ at magaling sumakay sa mga biro.   “Eto nga. Wala ka namang alam, so shut up ka muna huh. Mabubura ang utang mo sa akin...sa isang kondisyon...” nananantya ang tingin nito sa kanya. Kahit sya ay tila nakakaramdam na rin ng kaba. “Maganda ka, Tata. Kung gaano kakulay ang buhok mo ay sya ring kulay ng pagkatao mo. At alam ko na kahit tadtarin mo pa ng tattoo ang katawan mo, na sana naman ay huwag mong gawin, sa loob ng katawan na yan ay isang napakabuting tao.”   “Ninang, diretsuhin nyo na po,” tamad nyang sita sa ginang.   “Akitin mo ang anak kong magpapari,” mabilis na sabi nito.   Laglag ang kanyang panga. Kung tama ang kanyang alaala ay isa lamang ang anak nito, at iyon ay si Rodrigo, ang payatot at katchupoy na si Rod. Di na sya nagulat na magpapari ito. Pero ang akitin ito? “NO WAY, Ninang!”   “Oh sige, akin na yung utang mong one hundred thousand,” sabay lahad nito ng kamay.   “No way na hihindian ko po kayo! Ang lakas nyo kaya sakin. Kailan po ako mag-uumpisa?”    Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.3K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.1K
bc

His Cheating Heart

read
40.5K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.0K
bc

My Godfather My husband

read
269.1K
bc

Just A Taste (SPG)

read
892.1K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook