bc

My Possessive CEO: Billionaire's Office Romance Affair BGS2

book_age16+
22.3K
FOLLOW
206.6K
READ
billionaire
possessive
sex
playboy
arrogant
kickass heroine
dare to love and hate
CEO
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

C O M P L E T E D

Coming from a province, Phoebe Albania, together with her friends, found a new life in Manila. To earn a living to save the orphanage and his graduating brother is her top priority. Ngunit maraming kalokohan ang kanyang mga kaibigan.

For the sake of a game, she lets a man in a suit to kiss her in the middle of a dancing crowd.

Austin Rence Cervantes, a notorious playboy, a man of his words, happy-go-lucky, careless, and a great-womanizer-since-birth couldn't get over a simple kiss.

Running a family business is not on his list. Subalit nagbago and lahat nang malamang sa sariling kumpanya nagtatrabaho ang babaeng ilang buwan nang hindi nawawala sa kanyang isipan. He instantly agrees to be the new CEO of Cervantes Inc.

Now that they are working together in the same firm, magawa kaya nilang magkaroon nang maayos na samahan? O tuluyan na lang na idaraan sa laro ang lahat?

chap-preview
Free preview
Prologue
Living in the City, Phoebe Albania together with her friends found a new life in Manila. Their friendship goals were to earn a living and be a City Girl. After her four months in the City, he met Austin Rence Cervantes who claimed her first kiss, which she has wholeheartedly given for the sake of their bitchy game. Austin Cervantes, the notorious playboy, a man of his words, happy-go-lucky, careless, and the great womanizer since birth couldn't get over the kiss. He hates running their family business for his own reasons. But when he finds out that her girl, Phoebe Albania, is working there, he immediately agreed with his father's will to become the new CEO of their company. Now that they are working together under the roof of the same building, magawa kaya nilang magkaroon ng maganda at maayos na samahan? ---- Disclaimer: This story is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to any events, places, or persons (living or dead) is entirely coincidental. Copyrights: Plagiarism is a crime. Do not distribute, publish, transmit, display, or create secondary works from this story in any way. Please obtain permission from or at least give credit to the author. All Rights Reserved 2016 © josiah dela cruz WARNING: BADLY WRITTEN ---------------------------- ---------------------------- ---------- My Possessive CEO(Bitchy Game #2) written by josiah dela cruz Phoebe Albania's PoV "Ready na ba kayo, guys?" Ngumiwi ako nang makita si Nicole na lumabas ng kanyang kwarto. Siya ang pasimuno ng lahat ito e. "What Phoebe? Ayaw mo ba? After this, official Manila Girl na tayo!" pasigaw na sinabi niya habang isa-isang tinitingnan ang mga dresses na nasa sofa bed ng condo unit na tinutuluyan naming magkakaibigan. "Manila Girl? Really? Iyon ba ang batayan noon?" si Ashley habang nakikialam na rin sa mga dresses. "Oo naman. Sa tatlong buwan ko rito, ngayon lang tayo makakapasok sa bar," nakairap na sagot ni Nicole. "Four months na kami ni Phoebe," malamig namang tugon ni Ashley. The usual cold-hearted b***h she is. Four months na kaming dalawa rito sa Manila dahil nauna kaming makakuha ng trabaho sa aming apat. Actually ay ako ang tumangay sa kanya rito. Ang totoo niyan ay ayaw talaga niyang umalis ng probinsya dahil sa boyfriend niyang si Peter. But Peter is my brother at hindi ko naman hahayaang sirain nila ang mga pangarap nila para sa kanilang mga sarili kung magsasama sila palagi. I've seen how close they are to each other. And when I mean close, really and literally close na hindi na nga mapaghiwalat kapag nagsimula ng magkadikit. That's why. At iyong dalawa naman ay puro arte pa kase ang inunang gawin kaya hindi kaagad nakasama sa amin sa unang paghahanap namin ng trabaho rito sa Maynila. "Ang KJ n'yo." Lumabas si Joie galing sa CR. Joie as in Joey. She's a girl too, of course. "Hindi ba sa Hagonoy pa lang nag-usap na tayo tungkol dito? Ano pang arte ninyo?" Suot ang bath towel ay nakialam na rin sa mga damit. "Ready na ha?" excited na tanong ni Nicole. Tumango ako dahil gusto ko naman talaga ang ideya na magbar. Kahit noong nasa probinsiya pa lamang kami, isa na ito sa mga goals namin. S'yempre ang una ay makahanap ng trabaho rito sa Maynila. But unfortunately, hindi kami magkakasama sa iisang industry o company. The second goal is ang tumira kami sa iisang bubong, kaya ngayon ay nakatira kami sa iisang condo unit na may apat na kwarto. And our current goal at gagawin na namin ngayong gabi ay magbar, magpakawild at i-enjoy ang gabing paniguradong kakaiba sa aming apat. "Oh Phoebe, heto ang sa iyo." Tinanggap ko ang black dress na inabot sa akin ni Nicole. Ito na lamang ang natira. Good thing talaga na halos same size lamang kaming lahat. Nedyo may laman nga lamang si Nicole. You know what I mean. Si Ashley at Joie ay pumasok na sa mga kwarto nila para makapagbihis. Isang pasada kong pinagmasdan ang damit at agad na nalaglag ang panga ko dahil sa sobrang iksi noon at backless pa. "Ayaw ko nito! Masyadong expose ang likod ko." Ibinalik ko iyon sa sofa na kinuha naman ni Nicole at walang pasabing hinagis sa mukha ko. "Fashion iyan, Phoebe! Dali na!" Tumalikod siya papunta sa kanyang silid. "At iyang make up mo, kapalan mo. Dark," dagdag pa niya bago sinarado ang pinto. Wala sa sarili akong napangiwi habang pinagmamasdan ang black dress. Dapat ay matagal na akong nasanay kay Nicole at Joie. Ganito ang hilig nila at sigurado akong lalala sila kapag nakatuntong na kami sa bar. Baka mapadalas pa. Hanggang ngayon ay himdi ko pa rin mapaniwalaan na nabuo ang grupo naming ito. Bestfriends/Classmates kaming buong high-school years namin. Pero noong college, si Joie na lang ang naging classmate ko. "Last shot!" Itinaas ni Nicole ang baso niya sabay nagcheers kaming lahat. Pangatlong baso pa lamang pero umiikot na ang paningin ko. "Baka hindi ko kayanin," reklamo ni Ashley na namumungay na ang mga mata. Kung nandito si Peter ay papatayin ako noon. Lumapit ako sa sink at iniwan doon ang basong ginamit. Napagpasyahan ng barkada, I mean ni Nicole, na tumagay muna kaming lahat ng tigtatlong shot bago magpasyang magpunta sa bar. She really has this weird persuasive character that makes you feel sick to the bone. Para pampalakas loob 'daw' at hindi kami magdalawang-isip na pumasok sa bar. "Kaya 'yan! Pagdating doon, party na!" si Joie. Kinuha niya ang sariling purse at kinuha na rin namin ang mga gamit namin bago nagpasyang lumabas ng unit. "Joie, ikaw ang in-charge sa mga gawaing bahay bukas, kaya huwag kang masyadong maglasing. Maglilinis ka pa bukas." si Nicole habang nasa elevator kami. Ako naman ay hindi mapalagay dahil sa taas ng takong ng suot ko. Hanggang two or three inches lang ang kaya ko pero itong galing kay Joie ay nasa four yata. "Don't worry, kaya ko iyan. At hindi naman tayo iinom, hindi ba? Magpaparty lang tayo," kibit balikat na sagot ni Joie, excited sa kung anumang mangyayari. Excited na rin naman ako. First time ko itong bar dito sa Maynila. Nasubukan na namin ito noon sa probinsya pero iba pa rin talaga kapag nasa Maynila na. "Here," Nilabas ni Nicole ang 2,000 niya at inilahad aa aming tatlong mga nakaupo sa backseat. Isang beses siyang matamis na ngumiti sa driver sa kanyang tabi bago muling itinuon ang atensyon sa amin. "Ano iyan?" tanong ko, medyo hilo. Bakit kase naisipan pang uminom bago umalis? Baka makatulog lang ako nito sa bar. "Bitchy game again?" si Ashley  wala sa ling napailing, kabado sa kung anong iniisip ni Nicole. "Operation: Find your first kiss!" "WHAT!?" kaming tatlo. Lumingon sa amin ang driver mula sa rearview mirror at ngumiti lamang. "Pero hindi dapat girls ang nag-insist. Boys dapat." Pinagcross ko ang arms ko. "Which is not impossible. Maraming malanding lalaki sa bar." "Deal!" masayang pagsang-ayon ni Joie. Umirap ako sa kawalan. "Hindi ako kasali d'yan. Ang usapan ay party, kaya party lang ako," matigas na sagot naman ni Ashley. "Kasali lahat. Kaya heto ang 2,000, akin na ang inyo. Kung sino ang unang makagawa, may 8,000 na siya. I mean, 6,000 dahil galing sa inyo ang 2,000." Kahit na umiikot na ang paningin ko ay pinilit kong magsalita upang umayaw sa trip niyang iyon."Alam ninyo namang kailangan ko ng pera kaya hindi ako mag-aaksaya ng kahit ano ngayong gabi." "Absolutely! Kaya ikaw ang unang gagawa ng challenge. For the sake of money." Umiling ako sa kabaliwan ni Nicole. Kung anu-anong hindi magandang ideya ang pumapasok sa utak. At ngayon pa talaga na-trip-an na laruin ang paborito niyang larong iyon. "Go ako riyan. Ako ang last na gagawa," si Ashley. Hindi siya ang tipong ganito pero dahil bestfriends kaming apat, lalo na ni Joie at Nicole wala na kaming magagawa. Iba talaga ang trip ng mga ito. At alam ko namang may dahilan kung bakit gusto niyang huli siyang gagawa. If I know, baka hindi talaga niya gagawin. "Kung ayaw ninyo ng ganyang deal, lahat na lamang tayo gagawa nang sabay-sabay. Ang hindi makagawa, magbabayad ng rent sa unit for one month!" "No way!" Ako lamang ang mag-isang umangal sa plano ni Joie. She's crazy. Saan naman ako kukuha nang ganoong kalaking pera? Alam naman nilang napakahalaga ng bawat kusing sa akin ngayon. "So, roon tayo sa idea ko," si Nicole bago lumabas ng taxi. Lumabas na rin ako, sumunod si Ashley. Si Joie ang nagbayad sa driver bago bumaba. Dito pa lamang sa labas ay rinig ko na ang ingay sa loob ng bar. Kung paano ako nahihilo sa ilaw rito pa pamang sa labas, paniguradong mas nakakahilo sa loob. Maya't maya pa ang paglabas-masok ng mga tao kaya natitiyak kong puno ang tao sa loob. Sa taas ng bar ay nakasulat ang pangalan nito gamit ang LED lights. Cavana's. Akmang papasok na kami sa loob ni Joie pero pinigilan kami ni Nicole. "Wait, guys!" Umirap ako. "Ano na naman?" "Sa itsura pa lamang natin, walang makakapagsabing probinsyana tayong apat. Kaya pagdating sa loob." Tinuro niya ang bar. "Act like a real Manila Girls." "Anong tingin mo sa amin? Mang-mang?" tamad na tanong ni Ashley. Inirapan lamang siya ni Nicole. "Oo na, tara na!" Hinila ako ni Joie kaya nagpahila na ako. Pagpasok namin sa loob ay kinindatan pa ni Joie ang bouncer. Kailangan ba iyon? "Woohoo!" biglang sigaw ni Nicole. Akala ko ba act like a real manila girl? Masyadong halata na ngayon lang siya nakapagbar. "Okay guys, let's party!" sigaw ni Joie na hindi na masyadong malinaw dahil sa lakas ng ingay ng boom boxes. Hindi naman kami mga alcoholic. Ang kaninang ininom namin ay umepekto na sa akin at kay Ashley. Pero itong dalawa, parang wala lang. "Ako ang magbabantay kung sino ang makakagawa ng deal," suhestiyon ni Ashley. Alam ko talagang yaw lamang niyang gawin ang bitchy game. Palibhasa may pera naman. Mariin akong napikit matapos maramdaman ang pagkahilo. Sinasabi ko na nga ba, mas nakakahilo rito sa loob. Nasa kalagitnaan ang party at nagwawala na ang dagat ng mga tao. Iba-iba na ang amoy, alak, sigarilyo at ang napakatapang na pabango ng ilang mga nakakasalubong ko. Err. Teka, nasaan na ba ang mga iyon? Sa dami ng tao rito magkakakitaan kaya kami? Umiiling ay sinubukan kong lumapit sa crowd pero kainis ang takong na ito. Muntik pa akong matisod. "Aray!" padabog kong reklamo. Kainis. Mapipilayan pa yata ako sa sapatos na ito. "Excuse me, miss? Boyfriend ko iyang kinakapitan mo!" Salubong ang mga kilay ko na nag-angat ng tingin sa babaeng hindi ko malaman kung bakit nagiging dalawa sa paningin ko. Hindi ko tuloy masyadong makita ang mukha niya. Ngunit bago pa ako makapag-focus sa kung anong uri ng mukha mayroon siya ay natigilan ako nang maramdaman ang mainit na palad na humaplos sa aking likod. Sinasabi ko na nga ba, hindi magandang ideya ang pagkakaexpose ng likod ko. Agad akong lumayo na parang napaso. Ang mga tingin ko naman ay pilit na nagfocus sa lalaking kinapitan ko. Halos halikan ko na pala ang dibdib niya. Well atleast ang isang ito, mild lang ang gamit na pabango. Natural manly scent. Hindi masakit sa ilong hindi katulad ng kasama niyang babae. "Uh, sorry." Pumikit ako at ipinilig ang ulo bago naglakad palapit sa crowd. Iniwan ko na ang dalawa na sa tingin ko ay papunta sa mga sofa. Kung dahil sa hilo o sa takong ng suot ko kaya ako ganitong maglakad ay hindi ko na alam. Natanaw ko na ang dalawa sa gitna ng dance floor. Si Ashley naman ay prenteng nakaupo sa sofa. May hawak na drinks na nasisiguro kong hindi alak. Tumango ako sa kanya. Nagwave naman ako ng kamay sa dalawa na parang ewan na sumasayaw para sabihing sandali lamang. Siguro'y oorder na muna ako ng tubig o juice. "Yes, sexy, what's yours?" Ang lalaking bartender na agad akong dinaluhan. Ngumiti ako at naupo sa isang high stool. "One shot of... vodka?" patanong ang pagkakasabi ko. Kung nandito ako para gawin ang deal, aba'y kailangan ko nga pala ng encouragement. And that's through alcoholic beverages hindi simpleng juice o tubig. Ang sabi kase ni Nicole ay medyo hard daw iyon. Ewan ko lamang kung paanong medyo pero pampalakas loob daw. "Sure! Just wait." Ngumiti ulit ang bartender. Tumango ako at luminga ulit sa paligid. Mas lalo akong nahihilo sa dami ng tao. Sana lamang talaga, deserving ang sinumang makakakuha ng first kiss ko ngayong gabi. "Here you go, Miss Beautiful!" Agad ko iyong nilagok. Oh s**t. Hindi ito ang iniinom namin kanina. Dapat pala sinabi ko na lamang na Jack Daniels para madali. "Excuse me." Agad akong umalis para masimulan na ang deal at ng makapagpahinga na ako. Kakaibang ngisi ang binigay sa akin ng lalaki sa counter kaya kumaway ako sa kanya. And everything is circling around. What the hell? "Phoebe let's go!" hindi ko napansin kung sino ang humila sa akin. Pero sa boses pa lang, si Joie iyon. "The bitchy game is just started," bulong ni Nicole sa tainga ko. Halos pumikit na ako habang hinihila nila ako papunta sa gitna ng dance floor. Grabe kung makahila ang mga ito. Hindi ko naman sila tatakasan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

His Precious Property

read
614.1K
bc

The Professor's Wife

read
449.2K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
556.4K
bc

Contract - Tagalog

read
753.5K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook