bc

Azrael’s Redemption

book_age18+
5.2K
FOLLOW
40.5K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
arrogant
CEO
drama
sweet
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

Para kay Elliette, ipinanganak siya para lamang maranasan lahat ng kamalasan sa mundo. Mula sa malupit na pamilyang mayroon siya hanggang sa kamalasan sa trabaho at maging sa buhay pag-ibig, lahat yata ay nasalo na niya.

Nang makilala niya ang arogante pero saksakan ng gwapo niyang boss, akala niya ay magbabago na ang kanyang malas na buhay.

Akala lamang pala niya iyon.

Kung malas na siya noon, mas minamalas siya ngayon dahil sa bwisit at arogante pero ubod ng gwapo niyang boss.

• UN REDENTOR SERIES 1 •

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Wala kang kwenta! Salot ka sa bahay na ito! Pinag-aral at pinagtapos ka namin sa kolehiyo ng tatay mo pagkatapos hindi ka makahanap ng maayos na trabaho? Nagsayang ka lang ng pera sa paglalakad ng mga requirements para sa peste at walang kwentang trabaho mo! Wala ka talagang silbing babae ka!” Hindi na napigilan ni Elliette ang mapahikbi dahil sa mga sinabing iyon ng kanyang inang si Norma. Idagdag pa na katatanggal lamang niya sa trabahong pinasukan noong nakaraang buwan. She didn’t expect that the company who hired her was in the state of bankruptsy. At sa kamalas-malasan ay isa siya sa may ilang daang empleyado nito na napiling tanggalin at alisin sa trabaho. Wala naman siyang ibang magawa. Hindi rin naman niya magawang magreklamo dahil hindi naman siya pinilit ng kompanyang iyon na magtrabaho doon. Siya ang nagpursige na mag-apply at pumasok doon dahil sa ganda ng mga benefits na maaari sana niyang makuha sakaling magtagal siya roon. Pero sadyang malas siya. Pinaglalaruan siya ng tadhana. Napakatindi ng galit sa kanya. Pang-limang trabaho na iyon na kanyang in-apply-an at pang-limang trabaho na rin iyon na natanggal siya wala pa man siyang isang buwan sa trabaho. Wala naman siyang balat o birthmark sa puwitan pero ang malas niya sa lahat ng bagay. Papasok na sana siya sa kanyang kwarto para doon magmukmok pero hindi na iyon natuloy nang makita niya ang kanyang ina na kalalabas lamang galing doon habang bitbit ang kanyang mga damit. Nanlaki ang luhaan niyang mga mata nang itapon nito ang mga iyon sa kanyang harapan. “‘Nay!” Bulalas niya saka mabilis na umuklo para tipunin iyon at kuhanin. “Wala kang silbi sa pamamahay na ito! Lumayas ka! At huwag na huwag kang babalik hangga’t wala kang nahahanap na matinong trabaho! Kung bakit hindi ka gumaya sa mga ate at kuya mo! Kahit hindi nakapagtapos ng pag-aaral, may mga trabaho! Bwisit ka! Lumayas ka! Lumayas ka!” Gigil na sigaw sa kanya ng ina kasabay ng pagtulak nito sa kanya. Hindi pa man siya tuluyang nakakatayo at hindi pa niya tuluyang nakukuha ang mga isinabog nitong damit sa kanyang harapan ay padarag siya nitong hinila at kinaladkad palabas ng kabahayan nila. “‘Nay, sorry na po. Maghahanap po ulit ako ng trabaho. Iyong maayos na at hindi ako mapapaalis agad. Huwag niyo naman po akong palayasin. Hindi ko po alam kung saan ako pupunta.” Nagmamakaawa niyang iyak sa ina habang hinihila pa rin siya palabas naman ng gate at bakuran nila. May mangilan-ngilan na ring chismosa ang nakikiusyo sa may malapit sa kanilang bahay. Tiyak na pag-uusapan na naman siya sa compound nilang iyon. “Wala akong pakialam kahit sa kalsada ka pa tumira! Walang silbi!” Malakas at nakaka-eskandalong sigaw sa kanya ng kanyang ina. Isang beses pa siyang itinulak ng kanyang ina-inahan. Hilam man sa luha ang kanyang mga mata ay pinilit pa rin niyang lapitan ang kinalakihang ina. Batid niya na kaya ganito ang trato sa kanya ng ginang ay dahil sa hindi siya nito totoong anak. Anak siya ng kanyang ama sa naging babae nito. Iniwan lamang siya ng kanyang totoong ina sa kanyang ama dahil sa hindi rin siya tanggap ng asawa nito. “‘Nay, parang awa niyo na po...” Humihikbi niyang turan sa ina saka ito hinawakan sa braso. Bahagya niya pang nahagip ang suot nitong daster kaya’t nang makahawak siya sa may katabaan nitong braso ay humapit ang suot nitong daster, na siyang mas lalo nitong ikinagalit sa kanya. “Hindi ka ba makaintinding bata ka? Sabi ko, lumayas ka at hindi kita tatanggapin sa pamamahay na ito hangga’t hindi ka nakakahanap ng maayos na trabaho!” Hinaklit nito ang kanyang kamay saka siya muling itinulak na para bang nandidiri sa kanya. She didn’t have any choice. Kahit pa ayaw niyang umalis, hindi na rin naman siya makakapasok sa loob ng kanilang bakuran dahil ikinandado na iyon ng kanyang ina. Marami na ring mga mata ang nakamasid sa kanya.  May ilang mga nakikisimpatya, mayroon ding ilan na pinagtatawanan siya. Mayroong mga sariling interpretasyon sa nasaksihan. Minabuti niyang umalis na sa lugar na iyon. She doesn’t even know where to stay. Hindi rin naman siya maaaring pumunta sa kanyang totoong ina dahil sigurado siya na hindi rin siya tatanggapin doon. Kahit pa sabihin na may kaya sa buhay ang kanyang totoong ina, kahit kailan ay hindi siya nito kinilala bilang anak. May isang tao na lamang siyang pupwedeng puntahan. At alam niya na hindi siya tatanggihan ng taong iyon. MAKAILANG ulit nang kumakatok si Elliette sa pintuan ng condo unit ng kasintahang si Benedict pero hanggang ngayon ay hindi pa siya pinagbubuksan ng binata. Baka nasa trabaho pa ito. Ilang beses na rin niyang sinubukang tawagan ito pero hindi rin ito sumasagot sa mga tawag niya. Kalahating oras pa siyang naghintay sa harap ng unit ng kasintahan at nang mapagod na ay nagpasya na siyang sa ibaba na lamang ito hintayin para mayroon din siyang maupuan doon. Nangangalay na rin kasi siya mula sa matagal na pagkakatayo roon. She was about to punch the elevator ‘s button when suddenly it opened, and there, she saw her boyfriend torridly kissing another girl. Nagkagulatan pa silang tatlo nang mapansin siya ng mga ito na nakatayo sa may bukana ng elevator. Pero ang mas labis niyang ikinagulat ay nang makilala niya kung sino ang babaeng kasama ng kanyang salawahang kasintahan. It was no other than her half-sister. Her younger sister. She gritted her teeth in so much annoyance and anger because of what she witnessed. “Mga hayop kayo!” She bursted out in anger as she pulled the hair of her sister out of the elevator. “Walanghiya ka, Maddie! How could you do this to me!” Muli ay bumuhos na naman ang kanyang mga luha. Ilang beses ba siyang dapat na masaktan at mabigo sa araw na ito? Ilang beses ba siyang dapat na malasin? Ilang kamalasan pa ang kakaharapin niya ngayong araw? Kaagad namang nagpakawala ng maarte at nakaka-eskandalong tili ang kanyang kapatid habang nakikipaghilahan rin ito ng buhay sa kanya. “Ate, stop! Ano ba? Nasasaktan ako!” Her sister screamed and then asked for Benedict’s help. “Elliette! Stop that! Stop hurting your sister!” Saway nito saka siya hinila palayo sa sinabunutang kapatid. She eyed her boyfriend. Accusing him of cheating on her with her own half-sister. Masama rin ang tingin sa kanya ng lalaki na para bang siya pa ang may ginawang kasalanan. “Hayop ka! Manloloko! May pasabi-sabi ka pa dyan na wala kang ibang babae at ako lang ang mahal mo! Pagkatapos makikita kitang nakikipaghalikan sa talipandas kong kapatid! Nakakadiri ka!” She shouted at him out of anger and frustration. Mabilis siyang lumapit rito saka ito binigyan ng malakas na sampal na dumapo sa kanang pisngi nito. Alam niyang malakas iyon dahil nasaktan rin ang palad niya sa ginawang pagsampal rito. The man shook his head and held his both arms. “No, Elliette. Nagkakamali ka ng iniisip. I didn’t cheat on you. Hindi ko babae si Maddie. Please, maniwala ka sa akin.” Anito na bahagya pang suminghot sa harap niya para ipakitang umiiyak ito. But she knew better. He’s faking it. And she knew better whether to believe him or not. Mapakla siyang tumawa roon. “Really, Ben? Do you really think na maniniwala pa ako sa sinasabi mong ‘yan? Ano bang akala mo sa akin, ha? Tanga? Bulag?” Muli niya itong sinampal saka kapagkuwan ay itinulak. “Don’t you dare lie to my face again! And don’t touch me with that filthy hands of yours! Nakakadiri ka!” Tinapunan niya ng masamang tingin ang kapatid na ngayon ay hindi magkaintindihan kung papaano aayusin ang nagulong buhok dahil sa ginawa niyang pagsabunot dito. “At isa ka pa, Madisson! I treated you better tapos ito ang isusukli mo sa akin? Ahasin ang boyfriend ko? Really? Walang-wala na bang pumatol sayo at pati ang maharot kong boyfriend pinatulan mo na?” Lumapit siya rito saka ito tinulungang ayusin ang magulong buhok. “But don’t worry, you can have him as long as you want. Magsama kayo. Tutal ang basura, saan ba talaga usually napupunta? Sa basurahan, ‘di ba?” May diin niyang bulong rito saka mabilis ng tinalikuran ang mga ito. Hindi na niya maatim na manatili sa lugar na iyon. Nasusuklam siya. She started walking towards nowhere. Hindi niya na alam kung saan pupunta. Hindi niya na alam kung anong mangyayari sa kanya. Sa dami ng kamalasang nangyari sa kanya ngayon, parang gusto na lamang niyang mawala at maglaho. Tutal naman wala na rin namang mag-aalala sa kanya kung sakali man. Wala nga siguro siyang kwenta. Wala siyang kwenta sa kahit na anong bagay. Puro kamalasan lamang kasi ang alam niya. Napapagod na siyang patunayan ang sarili niya sa kinilala niyang pamilya. Napapagod na siyang ipakita sa mga ito ang effort niya na ni minsan naman ay hindi na-appreciate ng mga ito. Napapagod na rin siyang paulit-ulit na saktan at lokohin ng kasintahang inakala niyang mahal na mahal siya. Napapagod na siya sa kaaasa na magbabago ito. Pagod na pagod na siya sa lahat. Gusto na lamang niyang matapos lahat ng paghihirap at kamalasan niya sa buhay. Malalim na ang gabi. Mag-isa lamang siya sa nadaanang tulay. Maybe that is her end story. Tutal malas naman siya. Walang kwenta. Walang silbi. She’ll end herself at this sad and lonely bridge. She’ll be gone forever. And maybe, that is her luck, anyway.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
85.9K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
24.8K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
90.8K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
414.8K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
424.3K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
274.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook