bc

The Adopted

book_age0+
6.4K
FOLLOW
21.2K
READ
murder
others
dark
suicide
goodgirl
stepfather
hollywood
tragedy
no-couple
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY)

A family that KILLS together, stays together!

Ito ang kwento ni Sheena at ang pagtuklas niya sa misteryo ng mag-asawang umampon sa kaniya...

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
NANGINGINIG ang mga kamay ni Sheena na nakahawak sa isang tasa ng kape. May nakabalot na kumot sa buong katawan niya. Medyo basa pa ang hanggang balikat niyang buhok. Bakas sa maganda niyang mukha ang takot at pagkabalisa. Nasa isang silid siya na siya lang ang tao. Sa isang malambot na upuan siya nakaupo at isang lamesa naman ang nasa harapan niya kung saan nakapatong ang tasa ng kape. May isang bakanteng upuan sa kanyang harapan. May sapat na liwanag ang silid na iyon. Napapitlag siya nang biglang bumukas ang pintuan. Sa naranasan niya ay tila nagkaroon na siya ng trauma sa lahat. Madali na rin siyang magulat dahil doon. Isang lalaki na naka-uniporme ng pulis ang pumasok at agad na umupo sa bakanteng upuan. "Uminom ka muna ng kape. Nanginginig ka sa lamig." Sa tantiya niya ay nasa edad na kuwarenta ang lalaki. May kalakihan ang katawan at may mumunting balbas at bigote sa mukha. Tila bagong ahit lang. Kung alam lang nito ay hindi siya nanginginig sa lamig kundi sa takot. "M-mamaya na lang po..." Malikot ang mga mata na sagot niya. Hindi pa rin siya mapakali. Parang pakiramdam niya ay may kung anong panganib sa kanyang paligid. "Ikaw ang bahala." Naglabas ito ng maliit na notebook at ballpen. "Ikaw ay si..." "Sheena. Sheena Clemen-" Natigilan siya. Ayaw na niyang sambitin ang apelyideong iyon. "Marquez," bagkus ay sabi niya. Tumango-tango ang pulis habang nagsusulat sa papel. "Sheena Marquez..." ulit nito sa kanyang pangalan. "Ngayon, Sheena, pwede mo bang ikwento sa akin kung ano ang nangyari sa'yo at nandito ka sa presinto? At sino ang tao o mga taong inirereklamo mo?" Saglit na napapikit si Sheena at sa isang saglit ay bumalik sa alaala niya ang lahat ng katakot-takot na naranasan niya kahapon lamang. Kaya na ba niyang ikwento ang lahat? "Sheena?" untag sa kanya ng pulis. "P-pasensiya na po." "Sino ba ang inirereklamo mo?" Nakahanda na ang pulis sa pagsulat sa papel ng kung ano man ang sasabihin niya. Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob at lumunok ng laway. "Ang pamilyang C-clemente... S-sila ang may kagagawan nito sa akin!" aniya sabay ng pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Their Desire (Super SPG)

read
961.1K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.3K
bc

NINONG II

read
618.1K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
453.3K
bc

NINONG III

read
362.6K
bc

My Godfather My husband

read
269.1K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook