bc

Because We're Having a Baby

book_age12+
2.1K
FOLLOW
30.3K
READ
drama
tragedy
comedy
sweet
YA Fiction Writing Contest
humorous
like
intro-logo
Blurb

What if you will have a baby in an instant?

This is not just story about Funny Love, but also a story about a serious matter about early pregnancy and being a young parents but with a TWISTS!

How come will these two young people that has no idea yet regarding this matter will have the biggest consequences that definitely will gonna change their lives forever.

The other problem is, how will they gonna get along together and get through this situation when they are just completely strangers in their lives?

Does this Baby matters leads them into a Love and being Responsible? Or it will just takes them into their Worst Nightmares?

chap-preview
Free preview
Cleorisse Eminoethe Ackerman
CLEO's POV~   Ang lakas ng ulan, may bagyo kaya? Hindi kasi ako makasama sa gimik ng Best friend kong si Vana. Baka iniisip niyong gimikera ako ahh, ahm.. Well medyo lang naman, kapag naaaya lang naman ako. Pero hindi naman palagi kasi may pagkatamad din ako. Actually ngayon, inaaya ako ni Vana sa isang bar, pagmamay-ari daw kasi yun ng classmate niya sa isang subject, birthday daw kaya inaya silang mga kaklase, eh since ayaw niya daw mapagisa, pinipilit niya akong sumama kaninang umaga. Alas syete na ng gabi, alas otso ang kitaan namin sa stop light malapit sa school, pero dahil napakalakas ng ulan, tinatamad na akong gumala. Hahaha sorry Vana.   *She looks so perfect standing there In my american apparel underwear And I know now, That I'm so down..*   Uh-oh! Vana's calling! "Uy Sis!" - Bungad ko na kunwari nanghihinayang na hindi ako makakalabas. (Uy sis ka diyan? Lokaret ka! Ano? Indianan na naman?) - Sigaw niya na halatang inis sa akin dahil alam na niya kung anong idadahilan ko. Hehe "Eh sis, hindi mo ba nakikita? Wala ba kayong bintana? Grabe lakas ng ulan, feeling ko matatanggay lahat ng suot ko kapag lumabas ako."- Medyo pagmamakaawa ko. Sana lang convincing. (Letche! Yan ka na naman sis ahh! Ang sabihin mo tinamad ka na naman! Sabi mo sasamahan mo ko?)- Medyo huminahon siya. “Oo nga, kaso look outside!”- Haler! Ano ang peg namin nito kapag tumuloy pa kami sa party? Nothing’s gonna stop us now? The nerve Vana! (Ah basta! Pumunta ka na kasi! Marami pa naman akong ipapakilala sayong mga boylet! For sure may magugustuhan ka sa mga yun!)- Panunukso niya pa sa akin! As if naman noh? Duh! Ano ako? Maharot? Oh siya sige, pero medyo lang. Hanggang crush lang naman ako at inspirasyon. I guess I'm not yet ready to be in a relationship. O dahil hindi pa talaga ako nakakatagpo ng pwedeng seryosohin? Ay hindi! Nakatagpo na pala ako! Ang aking ultra mega super-duper ultimate crush na si Russell Manford! Goshness! Mabanggit palang ang pangalan niya, para na akong buteteng kinikiliti sa kilig! Paano ba naman kasi, parang may modern version na si Adonis sa kanyang katauhan! Yung tipong perfect ang six feet plus na height, muscular and lean body, athletic features, tantalizing eyes, kissable lips and the killer smile! Hindi lang ako nagpapahalata, pero kapag nagkakasalubong kami at binabati niya ako, dedma lang ako kunwari! I mean, dedma ako sa emosyon ko, kung maari nga, hindi ko siya tinitingnan kapag nakatingin din siya sa akin. Mahirap na teh! Baka mahimatay nalang ako bigla sa kinakatayuan ko ora mismo! Agad agad! "Seriously? Hindi ka talaga magpapaawat?" - Tanong ko kay Vana. (Oo impakta ka! Crush ko kasi yung classmate kong yun eh. And take note, ako yung first girl na inaya niya sa klase namin! Whaaah.)- Kinikilig kilig na sa phone. Eto na naman po kami mga kaibigan. Kung ako pa-Crush crush lang, ay ibahin niyo po ang babaeng ito. Hangga't hindi niya nagiging boyfriend and magiging crush niyang yun, hindi yan titigil sa paghabol habol at pangaakit. Mahalay man po sa inyong pandinig, pero ito na po ung pinakamadaling paraan para maintindihan niyo po ang kalandian niya. Pero kahit ganyan yan, mahal na mahal ko ang best friend kong yan. She's more like a sister to me. Since Second Year Highschool pa kami mag-best friend nitong si Vana, nagkakilala kami sa isang salon kung saan magpapagupit ako at siya naman at magpapa-Hot Oil lang. Laking sosiyalera yang si Vana, madalas sa mga gimik namin, sagot niya ako. Kung kalog na ako, mas lalo siya. Marami kasing self-confidence sa katawan yan eh. Minsan siya pa ang nagpapapaalam sa akin kina Mamu at Papu. Bunso kasi siya sa limang magkakapatid, well okay lang naman sa kanilang malaking pamilya kasi mayaman naman talaga sila. "Sabi na eh! Humarurot ka na naman eh!" - Pangiinis ko. (Ihh kasi naman na kasi Sis, samahan mo na ako please?!)- Pagmamakaawa niya. Tumingin ako ulit sa bintana ng kwarto ko para silipin kung malakas pa rin ang ulan, at naman talagang dininig yata ang panalangin ng bruha! Humina na ang ulan. So meant to be talagang samahan ko siya sa paglalandi niya? Nak ng fufu! "Oo na! Hindi na ko magdadala ng motor ko ah, madulas ang kalsada eh. Intayin mo nalang ako dun." - Oo, medyo big bike ang gamit kong sasakyan. Mas easy kasi at iwas hassle pag traffic dahil pwedeng pwede akong sumingit-singit sa kalsada. (Gusto mo bang sunduin nalang kita diyan sa inyo ha?)-Vana "Hindi na, maabala pa kita. Magbibihis nalang naman na ako tapos aalis na. Text nalang kita kapag malapit na ako ah." (Okie dokie, ingat sila sayo sa daan sis! Bwahaha) - Sabay evil laugh. Impakta talaga. "Mukha mo!" - sabay end of call ko sa kanya. Nagbihis kaagad ako at naghanda na. Hindi na muna ako magsusuot ng medyo revealing na damit, actually ever since naman hindi ako nagsusuot ng mga ganun. Like kita cleavage, super strapless, short shorts or whatsoever na ganun. Tamang over size t-shirt na gray ang pang itaas ko, katamtamang shorts at one inch na sapatos. Tinuck-in ko ang bandang gilid na harapan ng shirt ko at nilugay ko nalang ang buhok ko. Hindi na rin ako naglagay ng makapal na make-up, tamang wag lang ako magmukang napadaan lang at bibili ng suka. Nagpaalam na ako kina mamu at papu. Sabi ko sasamahan ko lang si Vana sa party, syempre honest ako sa parents ko. Alam nilang lahat kung saan ako nagsususuot at gumagala. Mahirap na nga naman, baka may mangyaring hindi natin inaasahan, mabuti na at alam nila kung nasaan ang kanilang unica hija. Isang Neurologist ang aking ama, yung doktor sa utak at isang Psychologist ang aking ina, oh di ba? Meant to be talaga sila. Pangatlo ako sa aming apat na magkakapatid, graduate na ng Medical Surgeon ang kuya kong si Clifford, kasalukuyan siyang nasa trabaho niya sa ospital dahil walang pinipiling oras at panahon ang kanyang katungkulan. Ang pangalawa at si Kuya Clarence na kasalukuyang kumukuha ng Optometry course sa parehong unibersidad na pinapasukan ko rin. At ang bunso naming si Cloude, elementary student palang siya na nasa Grade five. By the way, I’m Cleorisse Eminoethe Ysmael-Ackerman, British national ang papu ko, pero dito na siya sa pilipinas lumaki dahil nag-migrate ang pamilya daw nila noong limang taong gulang pa lamang siya gawa ng pagpapatayo ng sarili nilang ospital dito. Ospital ang aming mga pagmamay-ari, minana pa ito ni papu mula sa lolo niya daw sa tuhod, siya na ang presidente ng iba't ibang ospital namin dito sa pilipinas. At ang iba naman sa mga ito ay pinamamahalaan ni mamu na isa ring doktora. Well, hindi ko na ikukwento ang love story na nila. I'm taking a Political Science course, well obviously dahil gusto kong maging abogado. At more obvious na hindi ito related sa linya ng pamilya ko. Ako palang kasi ang sumalungat sa pagmemedisina. Well, I have my own goals and dreams in my precious life. Gusto kong tulungan yung mga taong hindi sapat ang kinikita para makapagbayad ng malaki sa isang magaling na abogado. Gusto kong maging abogado para sa mga taong kailangan ay hustisiya at pantay pantay na karapatan! (Iboto niyo po ako sa darating na eleksyon! Lol) Hindi po ba convincing ang dahilan ko? Oh siya sige na! Aaminin ko na nga kung bakit hindi ako luminya sa medisina. Kainis naman oh. Kasi po nakakahiya mang aminin, pero takot po ako sa injection, dugo at mga sugat. Opo, ganyan po ako kaarte kung yun po ang iniisip niyo. Napaisip na rin po ako dahil diyan, kahit kasi sa dinami-dami ng pwede kong katakutan ay bakit yang pang mga yan! Jusmiyo! Graduating student na ako sa Mason Markovska University, international school ito na sikat na sikat sa quality of education. Well, maganda nga talaga dito lalo na ang mga facilities that you wouldn't even imagine how big this university is! Dito rin grumaduate ang mga magulang ko at syempre ang kuya ko. Binabalak ko nalang din na dito ipagpatuloy ang Law course ko pagka-graduate. Hindi naman ako ganun katalino para isipin niyong law ang gusto ko, sadyang may sipag lang po ako sa katawan sa pagaaral kaya nakakaya ko. Hindi pa nga pa pala ako nagkaka-boyfriend ni minsan. Oh-ah. May mga nangliligaw sa akin pero wala sila sa focus ko, eh paano ba naman kasi, kay fafa Russell lang ako naka-focus! Bwahaha! Crush ko siya since first year college, Business Administration student siya, nagkataong may subject kami na naging kaklase ko siya, irregular student ata siya noon. Nakatabi ko siya sa upuan ng buong sem at simula nun, I can't take my eyes off of him. He's all I could dream of. He's so athletic, captain siya ng basketball team ng school at naglalaro rin siya ng lawn tennis at swimming. Marami man akong kaagaw sa attention niya, feeling ko may special something naman sa aming dalawa. Hahaha.. Simula noong naging magkaklase kami, madalas kaming nagkakausap sa hallway ng school o kung saan kami pagkitain ng tadhana. Palagi niya naman akong binabati at kinakamusta, so ganun din ako sa kanya. Siya nga ang dahilan kung bakit ako sumali sa swimming team ng school. Nalaman ko kasing isa na siya sa mga nagiging instructor doon sa mga baguhan. Take note, siya po ang nag-invite sa aking mag-tryout doon at sinabi niya ring hindi niya ako pababayaan habang nandoon ako. Well, takot man ako sa malalalim na tubig, dahil hindi ako ganun kagaling lumangoy, pero dahil sa siya ang nagtuturo sa akin at umaalalay, abay ginagalingan ko kaya noh! Kahit na after ng session namin noon ay nakaabang na sa akin ang lahat ng babaeng members ng team sa shower area. Parang gusto nila akong ilublob at lunurin sa pool kung mga makatingin. Oh well again, sorry girls! he's mine..to be.. Bwahahaha... Ahm. hindi naman ako pasaway na bata kagaya ng aking best friend na si Vana, medyo rebellious lang ng kaunti. kung ano kasi talaga ang gusto ko, yun ang ginagawa ko. Medyo boyish lang siguro ako kasi lahat ng panglalaking trip, trip ko rin. Highschool ako noong nahilig ako sa Big Bikes, actually kumakarera ako noong highschool pero noong nalaman ni kuya Clifford yun, pinatigil niya ako or else isusumbong niya daw ako kina mamu at papu. Pero syempre hindi ko siya sinunod noon, palihim akong lumalabas ng bahay para kumarera. Pero ngayong college, napakadalang na, mas na-focus kasi ako sa pagaaral eh. (Yun nga ba?) Oo na! Kasi nag-focus ako sa bago kong trip, ang kick boxing. Ang astig kasi noong napanuod ko yung idol ko na ngayon na si Ronda Rousey! Isang mixed martial arts champion. Grabe! Gandang babae pero ang lakas at ang galing. Astig niya talaga, parang gusto ko rin ng ganun. Madalas magisa lang ako sa mga trip ko sa buhay, mahilig rin akong mag-food trip at movie marathon, yun kasi ang naiisipan kong kaagad gawin kapag wala akong pasok o di kaya hindi kami rumoronda ni Vana sa mga bar o parties. Pero kahit nakasanayan ko ng sumama kay Vana sa mga trip niya, tahimik lang ako doon at nagmamasid-masid. Hindi ako umiinom ng alak, hindi ko gusto ang amoy at lasa, kahit nga wine hindi ko rin trip inumin ulit.   Nakalabas na ako ng bahay, wala na ring ulan, napaos rin siguro sa concert niya. Naglalakad ako ngayon palabas ng subdivision namin, medyo malayo rin toh dahil nasa dulo banda ang bahay namin. Nagaabang na ako ngayon ng taxi ng pwedeng masakyan sa kalsada. Buti makapal ang suot kong shirt at nakasuot ako ng bonnet, nilalamig kasi ako sa lakas ng hangin. Wag lang sana umulan ulit habang hindi pa kami nakakarating sa bar na yun. Pagkasakay ko ng taxi, sinabi ko kaagad kung saan ako at umadar na ito. Nakarating rin kami kaagad sa stop light malapit sa school ko at kaagad akong nakapagbayad at bumaba na. Nakatayo ako ngayon dito at tumatanaw-tanaw sa mga sasakyang nagdaraan baka sakaling si Vana na iyon. Kinuha ko ang cellphone ko at dinayal ang number ni Vana, nagri-ring lang ito at hindi nasagot ang bruhang yun.   *Beep beep* "Ay palakang kokak!"- Sigaw ko dahil sa gulat. Bumusina daw ba ng pagkalakas na nakakarindi eh nasa bench kaya ako noh! Hinayupak na driver yun. "Come on Sis! We're getting late!"- Sigaw ng nasa kotseng nasa likod ko, hindi ko pa yun nililingon pero alam ko na kung sino nga yun, ang walang ibang impaktang si Vana. Hinarap ko siya ng nakasimangot dahil sa bukod na late siya, ay ginulat pa niya ako. Bruhilda talaga. "It was you B*tch!"-Sigaw ko sabay takbo pasakay sa kotse niyang *ehem* Range Rover lang naman. Wag na po kayong magtaka kung bakit ganyan po kami magusap ng isa yang. Hindi ba nga po, Real Friends don't get mad when you called them in rude words, instead they will call you in more insulting way. So ganyan po kami niyan, nagbabangayan, nagsisigawan, nagaasaran at higit sa lahat ay naglalaitan pero mahal po namin ang isa't isa. We're like sisters, no I guess we're more like twins! Pagkaupo ko sa kotse niya ay agad kong sinuot ang seatbelt at inayos ang upo ko. "What took you so long? I've been there for ten minutes."-Pagrereklamo ko sabay tingin sa kanya. Focus lang siya sa pagmamaneho, hindi man lang tumingin sa akin. "I went first to the gas station to feed my baby."- Oo baby niya ang mga bags, shoes and her car. Ilang minuto na rin kaming nasa byahe, tahimik lang kami, bakit? Ewan, siguro nauubusan rin kami ng mapaguusapan. Pero syempre hindi ko kaya yun, kaya binasag ko na ang ilang minuto naming katahimikan. "So sis, saan ba yang bar ng crush mong yan ha? malayo pa ba?"- Sabay bukas ko sa FM radio niya. "Hmn, not so. 30 minute lang from school"- mahinahong sabi niya. "Marami bang invited?"-Tanong ko. "I guess so" "Really?" "Russell's coming."-Walang kaemosyong-emosyon niyang sabi. "Seriously?"- Pagkagulat kong tanong sa kanya sabay harap dito. "Yup! Don't you know? They are in the same team on basketball in school. Or maybe because you don't even care in any members of the team."-Sabay ngiti niya sa akin. "Exactly."-Napangiti nalang din ako. Eh paano ba naman kasi, ang pinapansin ko lang naman talaga sa school ay No.1: si Vana, No.2: fafa Russell and No.3: Professors or Instructors. Juice colored! Andoon pala ang Prince Charming ko, sana pala nagsuot nalang talaga ako ng mas revealing na damit at nagmakeup ng maganda ganda. Kung alam ko lang naman kasi, eh di sana mas naghanda pa ako. Sana lang mapansin niyang andun din ako mamaya kahit mas maraming naggagandahang babae sa party. But well, bukod sa alam kong mapapansin din naman niya ako kahit na hindi ako magpaganda masyado, ay tiwala naman ako sa mukha ko. Hahaha. -------------------------------------------- Thanks for reading! Hope you enjoy this story!  Please support this story as it has been already signed here at Dreame! Yey! Hoping for more stories to be signed here too soon. Thank God! Don't forget to vote and follow me! Lovelots! ~Koolkaticles

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
236.4K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
997.6K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
564.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.1K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
60.1K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Taz Ezra Westaria

read
108.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook