bc

THE CURSED ONE

book_age12+
877
FOLLOW
2.3K
READ
princess
sweet
heavy
kicking
mystery
werewolves
vampire
highschool
royal
another world
like
intro-logo
Blurb

She was once a hunter who came from the royal family. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, minabuti ni Iris na umalis sa kanila at mamuhay kasama ang kaibigan niyang bampira.

While Steve on the other hand, is looking for an answers and searching for a father. Hindi n'ya inaasahan na sa paghahanap n'ya ng kasagutan, matatagpuan n'ya ang sarili na nakikipaglaban kasama ang hindi n'ya inaasahan na mga kaalyado.

Sa paglabas ng sikreto ng mga bagong kakilala at ng kapahamakan na nagbabadya, may puwang pa kaya ang pag-ibig sa pagitan ng mortal at ng dalagang isinumpa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
IRIS' POV "Ohh??!!" gulat na bungad sa akin ni Chris habang nakaturo pa sa mukha ko. "Bakit nagkaganyan ka?Namputcha! 'Di kita nakilala, ah!" Nginiwian ko lang siya at dumiretso ako sa kusina upang kumuha ng tubig. "May pagkain ba?"  Umiling s'ya. "Malay ko bang uuwi ka, sana nakapagluto ako. Sa labas na lang tayo kumain." Tiningnan ko lang s'ya kaya natawa s'ya. "I know that look! Sige na, libre ko," sabi n'ya kaya naman ay nagliwanag ang mukha ko.  "Magpapahinga lang ako sandali tapos ay maliligo, tapos alis na tayo," paalam ko sa kanya bago umakyat na papunta sa kwarto ko.  Hihiga na sana ako nang mahagip ng mga mata ko ang kalendaryo! "Lintik!" Asar kong kinuha ang bag ko at mabilis na bumaba. "Tsong?!!" malakas na sigaw ko habang tumatakbo pababa ng hagdan.  "Oh? Gutom na gutom?" "Tara d'yan sa mall. Pasukan na pala bukas, wala pa akong gamit kahit isa! Jahe!" kakamot-kamot pa sa ulong sabi ko. Kumunot ang noo ko dahil tumatawa siya. "Bakit na naman?!" "'Di ako maka-move on d'yan sa kulay mo. Sa tingin ko kapag ikinulong ka sa kwarto na walang ilaw, 'di ka makikita," masaya talagang saad n'ya kaya binatukan ko s'ya, pero dahil alisto s'ya... Nakailag s'ya! "Tara na nga baka ma-badtrip ka pa," aya n'ya sa akin kaya nagpatiuna na akong maglakad palabas.  Walking distance lang ang mall kaya naglakad lang kami. Tipid sa gas at tipid sa pamasahe. Ilang minuto lang naman ang ginugol namin at nakarating na kami sa isang sikat na mall dito sa bansa.  "Kumain na muna siguro tayo, ano sa tingin mo?" Nilingon ko s'ya kaya 'di ko namalayan ang isang lalaking papalapit sa akin. "Ano ba?!! Bulag ka ba?!" Bahagya pa akong napailag sa lakas ng sigaw n'ya! Tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa. Big time si loko! Mamahalin lahat ng suot n'ya. "Ano, ha?!! Tutunganga ka na lang ba riyan magdamag?!" sigaw n'ya pa uli sa mismong mukha ko.  "Pwede bang ilayo mo 'yang mukha mo sa mukha ko? Napapaliguan ako ng laway mo!" singhal ko sa kanya. Ngumisi s'ya!  "Alam mo ba ang literal na kahulugan ng shower of blessings?!"  WTF? Ano ba'ng pinagsasabi n'ya? "Ha! Ito 'yon! Tayong dalawa! Maswerte ka na at naambunan ka ng mamahalin kong laway!" sigaw n'ya uli! Dinaig n'ya pa ang sirena ng ambulansya!  At ano raw?! Maswerte ako dahil?!! Huminga ako nang malalim at hinila ang kamay ni Chris. "Tara na! Sayang sa oras!"  "Hoy! Bakulaw!" Baku—what?! Pero Hindi ko na s'ya pinansin! Bahala na s'yang mamaos. Wala akong pakialam! Narinig ko na sumipol si Chris. "That was tough! Kailan ka pa natutong makipagtalo?" "Kailan ka pa natutong manglait?" balik tanong ko sa kanya kaya bahagya pa s'yang natawa.  "Sa tingin ko kung nandito lang si Aryana, 'di n'ya mapapalampas 'yong binata kanina."  "Na-miss mo s'ya?" Umiling s'ya. "'Diyan na lang tayo kumain." Turo ko sa isang steak house.  Iginiya kami ng waitress sa isang table kaya pumwesto na rin kami. Si Chris na ang nag-order ng kakainin namin. Nahalata ko ang pananahimik n'ya mula nang banggitin ko si Aryana.  Ano kaya ang iniisip n'ya? Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. "Bakit mo napili ang Meraday School?" tanong n'ya sa gitna ng katahimikan sa pagitan namin kaya naman tiningnan ko s'ya. "Dalawang taon ka na sa fourth year, baka balak mong mag-improve naman?" "Wala naman akong makitang problema riyan, eh. Wala namang problema sa utak ko." Ngumisi ako. Nakangiwi s'ya at napailing. "Sa ugali mo ay may problema. Paano ko nga ba makakalimutan 'yon?" "Sinama mo lang ba ako para pangaralan?" "Pwede rin," sagot n'ya kaya natawa ako nang bahagya. "Hanggang kailan kaya tayo ganito?" Halatang nagulat s'ya sa tanong ko. "Nagsisisi ka na ba?" Umiling ako at binigyan s'ya ng sinserong ngiti. "Naiisip ko, kung hindi ako naging pangahas, hindi sana ako nabigyan ng pagkakataon na makilala ka—kayo. Masaya ako, pangako!"  Nangiti s'ya kaya nakita ang pangil n'ya. "Ano'ng meron?" untag ko sa kanya makalipas ng ilang minutong 'di n'ya pagsasalita. Magkasalikop ang dalawa n'yang kamay sa lamesa habang diretsong nakaupo. I know that gestures. Ganyan s'ya kapag may gustong sabihin na 'di n'ya masabi. I know him so well! He gave me an innocent look. Naging malamlam din ang kulay abo n'yang mata. Yeah! His eyes is gray while mine is blue. He cleared his throat. "Kaya mo na bang mag-isa?" Tsk! I knew it. Tinaasan ko s'ya ng kilay at tinapik ang kamay n'ya na nasa mesa. "Ano ang tingin mo sa akin?" "War freak? Takaw-away? Basagulera?" patanong n'yang mga sagot.  "Ah? Gano'n?!" Sumeryoso ako at tiningnan s'ya sa mga mata. "Kaya ko na. Alam ko rin naman kapag nahihirapan na ako ay resbak ko kayo, 'di ba?" Nagliwanag ang mukha n'ya kaya alam kong satisfied s'ya sa naging sagot ko.  "Here's your order, ma'am, sir," nakangiting saad ng waitress at inilatag n'ya sa harap namin ang nagbabanguhan at halatang masasarap na pagkain.  "Thanks," sabi ni Chris na ngumiti pa sa waitress kaya naman nakita ko ang pamumula ng pisngi ng waitress. "Let's eat."  "You are really a babe magnet," sabi ko sa kanya sa pagitan ng pagnguya.  "Pero kayo lang ni Aryana ang gusto kong dumidikit sa akin. Alam mo 'yan." "Yeah! Yeah! Kaya nga maswerte ako, eh." Matapos naming kumain ay dumiretso na kami sa pagbili ng mga gamit ko para sa eskwela.  "Ang dami naman nito?" gulat kong tanong sa kanya nang makita ko ang sandamakmak na notebooks and ballpens. May mga bagay pa na sa tingin ko ay 'di naman magagamit talaga.  "Mas maigi na ang magsobra huwag lang magkulang. 'Yan pa ba ang bibilhin mo, hindi ba?" saad n'ya at pumunta sa counter.  Naiilang ako sa mga matang nakatuon sa gawi namin, especially 'yong mga naggagandahang mga babae. Hindi ko sila masisisi. Chris himself is a god.  Matangkad. Maputi. Maganda ang katawan. Humihiyaw ang pagiging gwapo. Pero ang agaw pansin talaga sa kanya ay ang mga mata n'ya at ang mahabang kulay nyibe na mga buhok. S'ya lang ang kilala ko na magandang tingnan sa mahabang buhok. Matapos ang halos tatlong oras na pamimili ay sa wakas! Pauwi na kami. Binilhan n'ya pa ako ng mga damit. Mga pares ng black and rubber shoes. Oo, MGA! Big time, eh. Binilhan n'ya rin ako ng phone and laptop. Kung gaano ako kaswerte ay alam na ng mga kakilala ko.  Pagdating namin sa apartment ay agad akong sumalampak paupo sa sofa.  "Gutom ka na ba?" Tumabi s'ya sa akin. "Hindi pa naman. Napagod lang ako." Ipinikit ko ang mga mata ko.  "Bakit nga pala umitim ka nang ganyan?" Bumungisngis s'ya.  "Resort kasi 'yon. Alam mo naman na two weeks din akong namalagi roon, eh." Tumingin ako sa kanya. "Since na libre naman maligo, naligo na lang din ako. Sobrang itim ko ba?" Tiningnan n'ya ako nang maigi. "Hindi naman. Hindi lang ako sanay na ganyan ang kulay mo. Putcha! Daig mo pa ang nasunog na inihaw na isda, eh." Lumabi lang ako sa sinabi n'ya. "Oh!" napasinghap pa s'ya na parang may nakalimutang importanteng bagay. "May underground tournament pala ngayon d'yan sa Kalye Otso. Gusto mong pumunta?" It caught my attention. "Anong laro?" "Kick boxing. Balita ko ay kasali si Phantom." Napanganga ako. Literal na napanganga ako!  Matunog ang pangalan n'ya sa mga ganitong klase ng underground fight. Wala pang nakakatalo sa kanya. Ibig sabihin ay may ibubuga s'ya though 'di ko pa s'ya nakitang makipaglaban. First time pa lang ngayon. "Ano? Tara?"  "Naman!" sagot ko sabay tayo. Hindi maalis sa akin ang excitement habang papunta kami sa lugar. Kinakabahan ako sa totoo lang.  "Bakit nga pala sa Meraday ka mag-aaral?" tanong n'ya sa akin.  "Hindi ko pa ba nasagot 'yan?" "Sa tingin ko ay hindi pa. Oh! We're here." Nilinga ko ang paligid at isa lang ang masasabi ko. Sobrang cool ng lugar. Halos mapuno ang dingding ng kung ano-anong mga nakasulat. "Oy! Ano na?" Batid kong 'yong tungkol sa school ang tinatanong n'ya. "You really have no idea?" Umiling lang s'ya. "Oh! That's new," namamanghang sagot ko habang naglalakad pababa ng hagdan. "'Yon na lang kasi ang last resort ko. Hindi na ako matanggap sa ibang school."  Totoo 'yon. Hindi na ako tinanggap ng ibang school. Hindi ako nagtatagal sa isang lugar. Ang Meraday ay paaralan ng mga tulad kong walang pag-asa ang ugali. Hindi naman ako nananakit ng walang dahilan. Nagkataon lang talagang walang magawang matino ang mga nakakasalamuha kong mag-aaral dati kaya pinapatulan ko. Ayoko sa lahat ay ang maging martir! I am no angel! Base sa mga narinig ko ay nasa Meraday na lahat ng mga estudyanteng palaban, bully, basagulero, matitigas ang ulo at babagsaking tunay. Lahat ng may hindi kaaya-ayang ugali tulad ko ay nasa paaralang iyon. Sumalubong sa amin ang bulto ng naghihiyawang mga tao. Sa tingin ko ay mga estudyante ang karamihan dito.  "PHANTOM!!!!! PHANTOM!!! PHANTOM!!!! PHANTOM!!!!" Paulit-ulit na sigaw ng karamihan. He's really popular. Gaano kaya s'ya kagaling? Pinagmasdan ko s'ya nang mabuti.  Hmmm.... Tsk! STEVE's POV "Damn! Damn!" Nasapo ko ang noo ko nang tumama ito sa glass wall. Dahil sa kaiisip sa babae sa mall ay 'di ko namalayan na hindi pala pintuan ang patutunguhan ko.  "Tanga!" May bumatok sa akin kaya agad ko s'yang pinag-ukulan ng pansin. Si Travis! "Kanina ka pa?"  "Hindi naman, pero nakita ko ang pagkapahiya mo. Ano ba'ng nangyayari sa iyo? Nasa kondisyon ka pa ba?" Inayos ko ang sarili ko at naupo sa pinakamalapit na sofa. Nasa bahay ako ngayon at 'di ko man lang napansin na nandito s'ya bukod sa mga katulong. "Pasukan na bukas at nakakatamad." Umupo rin s'ya sa single sofa at nandekwatro. "Ayaw mo no'n? Marami na namang chicks ang makakasama mo." Binato ko s'ya ng unang bagay na nahawakan ko—picture frame! "Sa ating dalawa, alam mong ikaw ang babaero!" biro ko sa kanya, pero hindi talaga 'yon totoo.  "Hahaha okay!" Nakataas pa ang kamay n'ya habang tumatawa. "Tutuloy pa ba tayo sa tournament?" "Oo naman. Walang rason para hindi tumuloy. I need to break a bone before the school days start. Sino ba ang mga nandoon?"  "Yuwi Hiroshima. You know him?" Umiling lang ako. "He's the leader of Black Phanter g**g. Malakas talaga ang isang 'yon. Matalino rin. Kakaiba s'ya kung makipaglaban dahil sa isang kilos n'ya lang ay kaya n'yang patumbahin ang kalaban." He paused and gave me a lower gaze. "The other one is Viper. The leader of the Venom g**g. You must beware of him. Sa pangalan n'ya pa lang, makamandag na." "Now I'm thrilled! At least hindi na mga pipitsugin ang mga kalaban ko. Anong oras ang simula?" "Eight o'clock. Be prepared!" Tumayo na s'ya. "I'll see you later!" Tinapik n'ya pa ako sa balikat bago tuluyang tumalikod. Nagpahinga lang ako ng ilang saglit bago naligo. At exactly seven ay lulan na ako ng kotse ko papunta sa Kalye Otso. Isa itong underground place na tagpuan ng mga tulad kong gustong may makatapat. Tambayan din ito ng iba't-ibang gangsters. Every night ay may nangyayaring laban sa pagitan ng leader ng mga g**g. Kaabang-abang lang talaga ang laban ng mga kilala na tulad ni Viper. Piling mga tao lang din ang pwedeng makapasok sa lugar na ito pero sasapat upang punuin ang buong lugar.  "Are you ready?" Napalingon ako sa kumalabit sa akin. No doubt. It's Travis. "They're here. Mas marami pa sa inaasahan ko ang tao ngayon. Ayusin mo na ang sarili mo."  Sumabay na ako sa kanya papunta sa area namin kung saan pwede kong ayusin ang sarili ko. Only Travis knows who I am. Who am I? I'm the PHANTOM...  Singkwenta minutos ang matuling dumaan. Naririnig ko na ang mga hiyawan ng mga taong manonood na may sariling pinapanigan. Hinubad ko na ang damit ko at isinuot ang maskara nang biglang pumasok si Travis. "Are you ready?"  "As always!" Nagpalitan pa kami ng mga salita bago tuluyang lumabas.  Nagtuloy na ako sa gitna na nagsisilbing area ng mga manlalaro. Napapalibutan kami ng mga manonood.  Si Viper ang kalaban ko. May mga bulungan na he's a traitor kaya hindi ako dapat makampante.  Nagsimula nang mag-anunsyo ang referee kaya medyo tumahimik ang crowd. Tiningnan ko naman si Viper na ngumisi sa akin kaya tinitigan ko lang s'ya.  Hambog! This is my first time na kalabanin s'ya. Alam kong malupit ang isang 'to dahil napanood ko na ang mga laban n'ya. Minsan pa nga ay isang suntok n'ya lang ay napapataob n'ya na ang kalaban. Luminga ako sa paligid nang may mahagip na pamilyar na bulto ang mata ko subalit nawala rin kaagad. Umiling-iling ako upang iwaksi ang ideyang 'yon sa isip ko.  Imposible naman na si bakulaw 'yon! Bahagya pa akong nagulat nang sumugod sa akin si Viper. Mabuti na lang at nasalag ko ang kamao n'yang palipad sa mukha ko.  "Mukhang wala ka sa wisyo, kapatid?" Mararamdaman mo ang pang-iinsulto sa salita n'ya pero binalewala ko lang at kusang sumugod sa kanya.  Sinalubong n'ya naman kaagad ang kamao ko pero hindi n'ya inaasahan ang pag-ikot ko sa bandang likuran n'ya at hinawakan ko s'ya sa magkabilang siko at pwersahang inihiga. Pilit s'yang nagpumiglas subalit 'di ko na hinayaang magkaroon pa siya ng pagkakataon na makawala pa.  Itinuon ko ang tuhod ko sa bandang dibdib n'ya at buong lakas na sinuntok ang mukha n'ya hanggang sa may umawat sa aming babae.  "Please stop! Please..." Hinawakan n'ya pa ang magkabilang balikat ko upang umawat kaya tumayo na ako at tinalikuran na sila. The girlfriend perhaps.  "Nicole, why are you here, baby?" Kusa akong natigilan nang marinig kong nagsalita si Viper.  Nagtagis ang mga bagang ko kasabay ng pagkuyom ng mga kamay ko bago tuluyan silang iwan.  Hinanap ko kaagad si Travis at inaya s'yang umuwi habang abala pa ang mga manonood sa kanilang ginagawa. "Bakit parang hindi ka masaya sa naging resulta, Steve?" tanong ni Travis sa akin. Tila wala sa sarili akong lumingon sa kanya.  "Pagod lang ako," pagsisinungaling ko sa kanya. "And I'm not satisfied with the match. May sugat na si Viper bago pa kami magsimula kaya ganoon na lang kabilis ang naging laban. Mabagal din s'ya kumpara sa mga nauna nang laban n'ya." Tiningnan n'ya ako na tila tinatantya kung nagsasabi ako ng totoo o hindi bago bumuntong hininga. "Magpahinga ka nang maayos lalo pa at pasukan na bukas. Mauuna na ako." "Ikumusta mo na lang ako kay Nadia. Send my regards. I miss her."  "Sige. Maybe one of this day, dumalaw kami rito ng pinsan mo." Kumaway pa s'ya sa akin bago tuluyang pumasok sa sarili n'yang sasakyan.  Sumakay na rin ako sa sarili kong sasakyan at pinaharurot 'yon pauwi. Tanging katahimikan ng bahay ang sumalubong sa akin kaya nakaramdam na naman ako ng pag-iisa.  Umakyat na ako sa sarili kong silid at dali-dali na naligo. Nagbukas ako ng tv matapos kong maligo at nahiga subalit wala sa tv ang atensyon ko. Naglayag na naman sa kung saan ang isip ko pero hinayaan ko lang. I'm getting used to it but I can't help to ease my pain.  “I'm sorry if I fell out of love on you. Sapat ka pero hindi ko alam kung bakit naghanap pa ang puso ko ng iba. Maybe, we're bound to fall apart. I'm sorry.” Damn it! Pinahid ko ang mga luhang pumatak sa aking mga mata at pilit iwinaksi sa isipan ko ang masasakit na ala-ala.  Masaya ka na ba? Sana ay masaya ka dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko na pinakawalan kita kung 'di ka naman magiging masaya.  Kumunot ang noo ko at gusto kong tumawa nang tumawa nang kusang pumasok sa balintataw ko ang babae sa mall kanina.  Kakaiba ang isang iyon, tsk! Hindi man lang natakot sa akin.  Hindi ko rin maipaliwanag sa sarili ko kung bakit nasigawan ko s'ya kanina sa mataong lugar. Ang totoo ay kasalanan ko. Nakita ko na s'yang papalapit sa akin kanina kaya hindi ko na inaksaya ang pagkakataon na tabigin s'ya nang nilingon n'ya ang kasama n'ya.  Agaw pansin s'ya dahil sa sunog n'yang balat lalo na sa kulay asul n'yang mga mata. Mas matangkad din s'ya kumpara sa ordinaryong pinay. I don't find her cute nor attractive. Simple lang ang mukha n'ya at 'di kakikitaan ng espesyal. Mayabang maglakad at blangko ang mukha at walang emosyon ang mga mata katulad ng kasama n'ya na akala mo ay isang anime character sa Bleach dahil sa buhok n'ya.  Mukha silang tanga!  Ipinikit ko ang mga mata ko para sana matulog nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Nangunot ang noo ko dahil wala akong inaasahang bisita.  "Come in!" sigaw ko dahil malayo ang pinto sa kinalalagyan ng kama ko.  And to my surprise, it's my cousin, Nadia.  "Hey, it's already late. Why are you here?" Tumayo ako at sinalubong s'ya. Nadia is older than me. Iginiya ko s'ya sa teresa at pinaupo. "What do you want to have?" nakangiti kong tanong sa kanya. "Hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka." Hindi s'ya nagsalita bagkus ay binigyan n'ya lang ako ng nagtatanong na tingin. Bumuntong-hininga ako dahil alam ko na kung ano'ng ipinunta n'ya rito. Sumandal ako sa pasimano at tumingala sa langit.  "What's wrong, Ace?" tanong n'ya sa malumanay na tono. S'ya lang at si daddy ang tumatawag sa akin na Ace simula pa noon. Tumayo rin s'ya at tumabi sa akin at ginaya ang posisyon ko. "Kailan ka pa naging bastos sa mga babae?" Hindi agad ako naka-imik sa tanong n'ya. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin bago may namutawi na salita sa bibig ko.  "Sorry." Tumingin s'ya sa akin at sinalubong ko ang nagtatanong n'yang tingin. "Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Alam mo naman na bukod sa iyo, ayoko na sa ibang babae." Naramdaman ko ang kamay n'ya sa likod ko na parati n'yang ginagawa noong bata ako sa t'wing umiiyak ako.  "Bakit kailangan mo na sigaw-sigawan pa ang dalaga na iyon?" Umiling ako at naghagilap ng maaaring sabihin. "Hindi ko alam," tanging nasagot ko at nakita ko sa gilid ng mata ang pag-iling n'ya. "I think we should rest, may klase ka pa bukas," pagtatapos n'ya sa usapan. "Doon na ako sa kwarto na ginagamit ko. Good night, big guy." Hinalikan n'ya ako sa pisngi at tinalikuran ako.  I know that she's disappointed. Sorry...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
327.2K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
402.6K
bc

NINONG II

read
616.7K
bc

Love Donor

read
85.9K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
290.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook