bc

After Life (TAGALOG)

book_age0+
7.4K
FOLLOW
25.0K
READ
reincarnation/transmigration
fated
goodgirl
powerful
comedy
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Malaki ang takot ni Louise sa mga multo. Pero paano kung ang inaakala niyang prince charming na sana niya ay isa rin palang multo? Ma-i-in-love pa ba siya kay Beam kung alam niyang patay na pala ito?

At paano kung bigla na lamang mag-si-sulputan ang mga multo na gustong humingi ng tulong sa kanya para makuha ng mga ito ang katahimikan na kailangan ng mga ito para marating ang after life? Paano kung may mga evil spirit na nagnanais na saniban ang katawan niya? Kakailanganin ba niya ang tulong ni Beam?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : Knight In Shining Armor
KINAKABAHAN si Louise habang naglalakad sa eskinita na tinatahak niya. Balita kasi sa lugar nila na may gumagalang magnanakaw doon at hindi lang daw basta nagnanakaw ang gumagalang wanted doon dahil isa rin daw itong killer. Ginabi na siya ng uwi dahil may ginawa silang mga activities sa School. Halos mag-a-alas-dose na nang gabi. Noon ay kahit ganoong oras ay maraming tao sa paligid. Pero simula no'ng mapabalita na may killer sa lugar nila ay alas-nuwebe pa lang ng gabi ay nagkakandado na ng bahay ang mga tao roon. Takot nang lumabas ang mga ito kaya wala na ring pumapasadang trycicle. Bumilis ang lakad niya nang maramdaman niyang may sumusunod sa kanya. Natakot siya nang may naanigan siyang isang anino. Lingon-lakad siya at unti-unti na ngang tumakbo nang makita niya na may isa ngang lalaking naka-bonnet ang humahabol sa kanya! Sa kakatingin niya sa likuran niya ay nagulat siya nang bumungad na sa harapan niya ang lalaking tinatakbuhan niya sa harapan niya kanina at bigla na lang siyang hinila pasandal sa pader. "Ahhhhh!!! Tulong!!! Mga kapitbahay!" pagtitili ni Louise. Halos mabingi at mabasag naman ang ear drums ng magnanakaw sa tinis ng boses niya. "Ibigay mo sa akin ang bag mo!" Saka nito hinila sa kanya ang hawak niya. Lalo lang siyang nagtitili nang halos dumikit sa dibdib niya ang nakakadiring kamay nito sa kagustuhan nitong makuha ang bag. "Eekkkkkk!!!! Huwag mo akong hawakan! Manyak ka!" Diring-diri na pinaghahampas niya ng bag ang magnanakaw. "Arayyy! Walang'ya kang babae ka!" pikon na pagsigaw din ng magnanakaw pero nangingibabaw pa rin ang bunganga niya. Sa inis ng magnanakaw ay kinuha nito ang patalim sa bulsa nito at tinutok iyon bigla sa kanya. Napaatras siya at natahimik bigla pero umiral na naman ang matabil na bunganga kaya nagsalita na naman siya. "Parang awa mo na! Kung papatayin mo ako—Saksakin mo na lahat sa akin huwag lang 'tong mukha ko! Ayaw kong mamatay ng pangit!" nahihintakutang sabi niya na mas inisip pa talaga ang mukha. "Sorry, babaeng amasona. Wala kasi akong awa sa mga taong gwapo at maganda eh. Alam mo ba na iniwan ako ng maganda kong girlfriend dahil sumama siya sa gwapong lalaki? Kaya dapat sa mga babaeng may magagandang mukha na katulad mo ay sinisira!" Unti-unting ngumisi ang lalaki na parang isang baliw. Nakaramdam na siya ng takot. Parang nawala bigla sa katinuan nito ang magnanakaw! "Huwwwaggggg!!!! Tulonnngggggg!!!" Pumailanlang sa lugar na iyon ang matinis na sigaw niya. Wala nang nagawa ang tapang niya ng akmang sasaksakin na siya ng magnanakaw. Kasabay din niyon ay ang pag-alulong ng mga aso sa buong eskinita na iyon. At paglakas ng ihip ng hangin na para bang biglang nagpatindig ng balahibo niya. "Arrayyy!" Biglang may tumama sa ulo ng magnanakaw kaya napaigik ito. “Huwag mong isisi sa ibang tao na iniwan ka ng girlfriend mo dahil hindi ka magandang lalaki. Hindi lahat ng tao ay tumitingin sa panlabas na anyo. Anuman ang anyo mo ay hindi ka niya iiwan kung isa kang mabuting tao. Pero sa ginagawa mo ngayon ay pinatunayan mo lang na karapat-dapat kang iwan.” Bigla silang nakarinig ng isang tinig. Pero ang tinig na iyon ay para bang echo lamang mula sa malayo. Para pa ngang galing sa ilalim ng lupa. Hinanap ng mata nila ang pinanggalingan ng boses sa madilim na lugar na iyon. At nasinag ang mata niya nang biglang magliwanag ang isang posteng naroon na kanina ay nakapatay. Doon nakatayo ang lalaking nagbato ng bato sa magnanakaw at kinatatayuan din ng marahil ay siyang pinanggagalingan ng boses. Against the light kaya hindi niya makita ng maayos ang mukha ng lalaki pero nang lumapit ito ng kaunti ay luminaw na sa paningin niya ang napakagwapong mukha ng lalaking nakangiti sa kanya. Matangkad at malaki ang katawan ng lalaki. Malakas ang s*x appeal nito kahit pa na simpleng black t-shirt na pinatungan lang ng jacket na maong ang suot nito. Mapilantik din ang mga mata nito na parang nangungusap at puno ng buhay. Singkit din ang mga mata na iyon na bumabagay sa kulay nitong napakaputi na parang sa labanos. Matangos ang ilong nito at bahagyang natatakpan ng bangs ang noo nito. Kissable rin ang lips ng lalaki na may malalim na dimple sa pisngi nito. Hanggang sa ngumiti ito! Doon na tumalbog nang malakas ang puso niya. Pakiramdam niya ay biglang huminto ang daigdig at nawala sa eksena ang magnanakaw. Habang papalapit ang lalaki sa kanya ay pakiramdam niya ay parang gustong sumabog ng puso niya! Finally! She found her soulmate! "Nasaan ka?! Magpakita kang duwag ka!" Hinahanap pa rin ng magnanakaw sa paligid ang lalaking nambato rito. Na siyang ikinapagtaka niya. Bulag ba ito? Bakit parang hindi nito nakikita si Pogi na papalapit na sa kanila ngayon? "Sinabi nang magpakita ka e!" Biglang iwinasiwas ng magnanakaw ang patalim nito kaya bigla siyang natauhan at naglaho ang mundo ng pantasya sa kanyang balintanaw. Sinipa niya ang 'birdie' ng magnanakaw at nagmamadaling tumakbo siya papunta sa likod ni Pogi. "Tulungan mo ako Kuya! Magnanakaw siya! Gusto niya akong patayin!" pagsusumbong niya sa lalaking nakakapag-nose bleed ang kagwapuhan. Pero parang nagulat ito at napamaang sa kanya. "Nakikita mo ako?" parang hindi makapaniwalang tanong nito. "Hah?" pagtataka niya. Bakit, akala ba nito bulag din siya katulad ni Manong Magnanakaw? "Hoy, babae ka! Pinagloloko mo ba ako? Sinong kinakausap mo riyan? Mas baliw ka pa yata kaysa sa akin e! Ibigay mo sa akin ang bag mo kung ayaw mong laslasin ko 'yang leeg mo!" Biglang sumigaw ang magnanakaw kaya napunta rito ang atensyon niya. Bakit ba dahil kay Pogi ay nakakalimot siyang saglit na nasa peligro ang buhay niya? Biglang tumakbo palapit sa kanila ang magnanakaw na nakataas ang kutsilyo nito. Para itong makikipagsalubungan sa isang baboy ramo na hindi nalalayo ang hitsura rito. Pero parang hindi natakot man lang si Pogi at sinalubong nito palapit ang magnanakaw saka tinadyakan ang hawak na kutsilyo nito. Nagmistulang paunching bag ang magnanakaw dahil hindi man lang ito nakalaban sa sunod-sunod na sapak na ginawa ng lalaki rito. Para ngang hindi pa nito nakikita ang kalaban nito. "Go! Sige pa! Sapakin mo! Suntukin mo pa!" Para siyang nakikipagsabong ng manok sa probinsya sa sobrang ingay niya. Leader siya ng cheering squad kaya may talent siya sa pagsigaw at pagtili at talagang kinikilig na siya. Para siyang nanonood ng action movie. Napaka-pa-pa-ble talaga ng soulmate niya. Ang galing-galing nitong makipaglaban. ----------------------------------------------------------------------------------------------------- NABABALOT naman ng takot ang magnanakaw. Totoong napakadilim doon pero hindi sapat na dahilan iyon para hindi niya maaninagan man lang ang kalaban niya. Sigaw ng sigaw ang babaeng biktima sana niya na para bang kitang-kita nito kung sino ang walang awang bumubugbong sa kanya na ni hindi niya makita. Sinusubukan niyang manuntok kahit pa hindi niya nakikita ang kalaban niya pero para lang siyang sumusuntok ng hangin. Puro na black eye at duguan na ang mukha niya pero wala naman siyang nararamdamang pisikal na katawang tumatama sa kanya. Pakiramdam nga niya ay isang malakas na pwersa ng hangin lamang ang tumatama sa lamog na niyang katawan! "N-nasaan ka?! M-magpakita ka!" Hirap man ay nasigaw pa niya nang maramdaman niyang bigla na lang siyang tumalsik sa basurahan na puno pa ng mga pampers ng matatanda. Bahong-baho na siya sa sarili dahil naghalo na ang dugo, pawis at mabantot na basura sa katawan niya. "Are you sure that you really want to see me?" mapaglarong tanong ng isang tinig. Saka unti-unting naging visible sa nanlalaking mata niya ang anyo ng lalaking kanina pang nananakit sa katawan niya! Isang lalaking nakaitim ngunit puting-puti ang mukha ang nakita niya. Duguan at putok ang labi nito. May sugat ito sa ulo at tumutulo pa sa mukha nito ang sariwang dugo galing doon! Higit sa lahat ay may saksak ito sa tiyan at nakalutang pa ang paa nito sa ere! Walang katawan at anino ang lalaki! Ang katawan nito ay para bang repleka lang ng usok kaya nakikita niya! "Ahhhhhh!!!! Mu... Mu... Mul... Multoooooo!!!!!" Doon na kumawala ang malakas na sigaw sa lalamunan niya. Parang binabad na sa suka ang mukha niya. Napaurong ang pwet niya saka tumayo na nanginginig pa ang tuhod! "Hu-huwag kang lalapit!!! Multoooo!!!!" Doon na siya nagtatakbo at bahagya pang nadapa pero nagpilit na bumangon ulit para lang makalayo paalis! ----------------------------------------------------------------------------------------------------- NAPASUNOD na lang ng tingin si Louise sa tumalilis sa takbong lalaki. Sinong multo? Nabaliw na yata sa sapak ni Pogi, sabi ng isip niya. "HAHAHAHA!!! Duwag ka rin pala e!" sabi ng lalaki habang nakasunod din pala ang tingin sa magnanakaw na parang asong ulol nang tumakbo palayo. Napangiti na lang siya sa kilig. Ang gwapong tumawa ng soul mate niya. Kahit may patalim ang magnanakaw eh ito pa rin ang nanalo. Cool. Tumikhim siya. Kaya naman napatigil sa pagtawa ang lalaki. "Saan ka ba nakatira? Ihahatid na lang kita," nakangiting alok ng lalaki. Napangiti naman siya. Gwapo na, gentle man pa. Tumango na lang siya saka sila lumakad na at nag-kwentuhan. Kinuwento niya rito kung bakit ginabi na siya ng uwi. Dahil nga sa paggawa ng project nila sa School na bukas na ang deadline. Masayang kausap ang lalaki kahit pa na ito lang naman ang tanong nang tanong sa kanya. Nakakahawa ang ngiti nito at para bang ngayon pa lang ay tumataktak na ang ngiting iyon sa puso at isipan niya. Hanggang sa nakarating na pala sila sa tapat ng bahay nila na hindi man lang niya namamalayan ang oras. "Dito na lang ako. Salamat sa paghatid." Pumasok na siya sa loob habang ito naman ay nasa labas ng gate."Umm.. Kanina pa tayong nag-uusap pero hindi ko man lang natanong ang pangalan mo. Ano nga palang pangalan mo?" nakangiting tanong niya. Naging malikot ang mga mata ng soul mate niya. Para bang hindi nito alam ang isasagot sa simpleng tanong niya. Iniisip ba nito na baka maging stalker siya kapag nalaman niya? "Beam. Beam ang pangalan ko..." Napatango-tango ang lalaki na sumagot pero para bang sarili nito ang kausap nito at hindi siya. "Nice to meet you, Beam. Ako naman si Louise." Inabot niya ang kamay dito. Pero tiningnan lang nito iyon na parang malungkot ito. Napahiya naman siya dahil parang ayaw nitong makipag-shake hands. Pasimpleng binaba na lang niya iyon at ngumiti. Ayaw niyang magtampo agad dito dahil ito ang saviour niya. "Ahm... Salamat beam huh? Kung wala ka siguro r'on baka patay na ako ngayon. Utang ko sa 'yo ang buhay ko," sabi na lang niya. Ngumiti lang ito ng tipid at napatulala na naman siya rito. Nababalutan ng misteryo ang lalaking nasa harapan niya ngayon. At bumibilis na naman ang t***k ng puso niya. Ang lalaki na nga bang ito ang matagal na niyang pinakahihintay? "Ahm... Papasok na ako sa loob. Gabi na kasi. Ingat ka rin sa pag-uwi ah. Salamat ulit." Ayaw pa sana niyang malayo rito pero kailangan niya nang pumasok dahil gabi na. Ngumiti lang ulit ito saka tumalikod na. "Ah, Beam!" pagtawag niya ulit dito. Humarap ito ulit. "Utang ko sa 'yo ang buhay ko. Kaya kahit ano gagawin ko para makabawi sa 'yo. Kung kailangan mo ng matutuluyan, bukas palagi ang tahanan namin para sa 'yo. Kung may problema ka handa kitang tulungan. Kahit ano pa 'yun. Palagi akong nandito para sa 'yo. Alam mo kung saan mo ako pupuntahan," sincere at tao sa puso na sabi niya. Ngumiti si Beam na para bang humaplos sa puso nito ang sinabi niya. "Aasahan ko 'yan Louise. Salamat," sabi nito na kahit nakangiti ay parang may lungkot pa rin sa mga mata. Saka na siya pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto. Pagkasara pa lang niya ng pinto ay nagtatalon na siya sa kilig. Minalas siya ngayong araw pero nakilala naman niya ang soulmate niya! Siguro napakaaga pa para sabihin pero na-love at first sight siya kay Beam at pakiramdam niya ay ito na talaga ang lalaking nakalaan para sa kanya. ----------------------------------------------------------------------------------------------------- SA LABAS naman ay nakatitig lang sa gate si Beam. Hinintay niya munang makapasok sa loob ng ligtas si Louise bago siya naglakad paalis. At naglaho sa kawalan... ----------------------------------------------------------------------------------------------------- NANG umagang iyon ay dinalaw ng isang napakagandang panaginip si Louise. Siya at si Beam daw ay nag-date sa isang high class restaurant. Ang gwapo-gwapo raw ni Beam no'ng araw na iyon. Nakatuxedo ito at siya naman ay naka-dress. Romantic din ang ambience ng lugar na kinaroroonan nila. Nag-iisang anak daw si Beam ng isa sa pinakamayamang businessman hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Lahat daw ng gusto niya ay binibigay nito. At ngayon nga ay nasa restaurant daw sila. At kakain ng paborito niyang inihaw na kalapati. Exotic food daw ang menu sa lugar na iyon. Maya-maya ay hinawakan daw ni Beam ang kamay niya sa ibabaw ng table at tinitigan siya ng mariin sa mga mata. Nag-umpisa na raw magsiliparan ang mga butterflies sa tiyan niya dahil sa titig na iyon... "Alam mo ba kung bakit kita iniligtas sa magnanakaw no'ng gabing iyon Louise?" panimula nito. Kinakabahang umiling daw siya. "Iyon ay dahil na-in-love-at-first-sight ako sa 'yo Louise. Sa umpisa pa lang ay nahumaling na agad ako sa 'yong nakakabato-balaning ganda." Kinilig siya ng hard dahil sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay napakahaba ng hair niya sa part na 'yon. Saka ito lumapit sa kanya at lumuhod pa. May kinuha ito sa bulsa nito na nagpasinghap sa kanya. "Louise... Ikaw ang babaeng gusto kong makasama sa buong buhay ko. Will you marry me?" Parang kinakabahan pa si Beam. Maligayang-maligaya naman na tumango siya. At with teary eyes pa na para siyang nanalo sa isang beauty pageant! "Yes Beam! Papakasal ako sa 'yo!" tuwang-tuwa daw na sabi niya saka yumakap dito. Gumanti naman ito ng yakap at ang saya-saya daw nila. Natupad na ang pangarap niya na makita ang lalaking nakatakda para sa kanya. Maya-maya ay umupo na sila. "Bago tayo magpakasal ay may gusto akong aminin sa 'yo Louise." "Huh? Ano naman 'yun?" Nagtaka siya. Hinawakan ulit nito ang kamay niya. "Ipangako mo muna sa akin na kahit ano pang malaman mo ay hinding-hindi ka matatakot sa akin. Na tatanggapin mo kung ano ba talaga ako o kahit ano pa ang tunay kong anyo na makikita mo." "Ayiieee... Pa-suspense pa. Ano ba 'yun? Hi-hi-hi... Syempre kahit ano pa 'yang madilin mong sikreto ay tatanggapin ko Beam. Magpapakasal na tayo eh." "Kung ganoon ay kailangan mo nang malaman ang totoo..." Magsasalita na sana si Beam nang bigla nang dumating ang waiter para i-serve ang food nila na in-order nito. Dala ng gutom ay binuksan niya na ang nakatakip na pagkain. Mamaya na niyang pakikinggan ang sinasabi ni Beam dahil kailangan muna niyang lumamon. Pero bigla niyang nabitawan ang takip ng malaking pinggan nang makita kung ano ang nakahain doon! Napasigaw siya sa takot nang makita ang pugot na ulo ni Beam! Wala na ang isang mata nito at tirik ang isa pang mata! Punong-puno ng dugo ang buong mukha nito. Naglalawa sa dugo ang lagayan mula sa sarili nitong ulo! "Ahhhhhh!!!!!" pagtili niya saka nahulog daw siya sa kinauupuan niya. Pati ang ulo raw ni Beam na nasa mesa ay kasabay niyang bumagsak sa sahig! Walang ano-ano ay dumilat daw ang mga mata nitong kanina ay nakatirik. Lalo lang siyang nagtitili lalo na nang ngumisi sa kanya ang pugot na ulo at tumawa iyon nang malakas na malakas! Napatingin siya sa katawan ni Beam na kasama niyang nakaupo kanina. Wala na ngang ulo ang katawan nito dahil nasa sahig na ang ulo nito! Palapit nang papalapit sa kanya ang katawan nito at nakangisi na nandidilat naman ang nagdudugo nitong mga mata! "Huwag! Utang na loob, huwag kang lalapiiittttt!!!" nahihintakutang pagsigaw niya. "This is what I am Louise. You said just a while ago that you will accept me no matter what I am. This is the real me, Louise. I'm a ghost. But I could still make you happy. We're going to get married whether you like it or not." Ang pugot na ulo nito sa sahig ang nagsasalita pero nanindik ang balahibo niya nang tuluyang makalapit sa kanya ang katawan nito at hinahaplos na ngayon ang mukha niya! "Ayaw ko na! Binabawi ko na iyong sinabi ko! Layuan mo ako!" Sa kabila ng takot ay nagawa pa niyang sabihin. "No! Hindi ako papayag! Umo-o ka nang magpakasal sa akin kaya sa ayaw at sa gusto mo ay akin ka na!" galit daw na sabi ni Beam saka pinulot ng katawan nito ang sariling ulo nito mula sa sahig saka inilapit ng katawan nito ang ulo nito sa kanya para siya ay halikan! Napaatras at tumakbo siya pero dead end na ang pader sa likuran niya. Wala na siyang kawala. Umikot ang paningin niya sa resto sa pagbabakasakaling may tumulong pero nagbago raw ang anyo maging ng mga taong naroroon kanina. Kahit ang mga waiters ay duguan! Lahat multo! Lahat ng mga ito ay nagtatawanan na parang ikinabibingi nya. Tinakpan niya ng dalawang kamay niya ang mga tenga niya. "Huwwwaaaaggggg!!!!! Tulungan ninyo ako!" pagtili niya nang palapit na palapit na sa nguso niya ang putok na labi ni Beam. ----------------------------------------------------------------------------------------------------- "GISING! Anak! Gising!" Pagyugyog ni Ericka sa anak. Nang hindi pa rin tinablan si Louise ay malakas na sampal na ang pinadapo nito sa pisngi ng anak. Doon na napabalikwas ng bangon si Louise. "Mama!" Biglang yumakap ang takot na takot na si Louise sa ina. "May multo, Mama! Pugot ang ulo ni Beam!" Umiiyak na si Louise. "Beam? Iyon ba 'yung kinukwento mo noong nakaraang araw na nagligtas sa 'yo?" tanong naman ni Ariel, ang Daddy niya nang medyo mahimasmasan na siya. Tumango lang siya dahil natatakot pa rin siya kapag naiisip ang napaginipan kanina. "Kung gano'n, anak, huwag mong masyadong seryosohin ang masamang panaginip mo. Hindi naman siguro magagawang makipagsuntukan ng lalaking iyon sa magnanakaw kung totoong multo na siya hindi ba?" nakangiting sabi pa nito. "Oo nga anak. Dahil ang mga taong namatay na ay dumidiretso na sa langit. At dahil iniligtas ka niya, siguradong mabait siya. Hindi multo si Beam, Anak, kaya huwag mo nang isipin pa 'yang panaginip mo." "Tama, Anak. Ikaw naman kasi, masyado mong pinagpapantasyahan iyang Beam na 'yan kaya ayan tuloy kung ano-ano na ang napapaginipan mo." Humagikhik pa si Aling Ericka. Tumango na lang siya at hindi na sinabi sa mga ito na noong nakikipagsuntukan si Beam sa magnanakaw ay parang hindi ito nakikita ng kalaban nito. Umalis na ang mga magulang niya nang makitang okey na siya. Tama sila. There's no way he can be a ghost, sabi ng isip niya kaya tumayo na para makapasok sa banyo at maligo. Pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya kung sino ang bumulaga sa kanya. Si Beam!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Night With My Professor

read
495.5K
bc

That Professor is my Husband

read
504.6K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

His Precious Property

read
613.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

The Sex Web

read
130.5K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook