bc

Struck by His Lightning

book_age16+
319
FOLLOW
1.4K
READ
drama
comedy
bxb
mxb
campus
self discover
soul-swap
witchcraft
like
intro-logo
Blurb

What would you do if you knew you are different? Will you brave the storm? Or hide from the judgmental eyes of the society?

Xander and Xavier Ventura were born fraternal twins. Xander lives as the athletic homophobic jock, the Campus Heartthrob, while Xavier stayed in his brother's shadow. He didn't mind being unnoticed for he has a secret his brother must not know. He's gay.

During a party in Campus, Blue, an open gay, confessed his feeling for Xander who harshly rejected him. LIttle do they know that Blue come from a family that practices modern witchcraft. Anguished from the rejection, especially from the belittling remarks, Blue hexed the man he liked by summoning a lightning while Xander sleeps.

When he wakes up, he finds his soul trap in his brother's body. As well as Xavier being trapped in his twin's body. The two learn about each other's secrets. Xander finds out hos brother is gay. HIm being a homophobic is lost for words. He's thunderstruck. His emotions as Xavier started to mix up when he meets Mikael, the boy Xavier secretly adores for a long time.

Will Xander truly learn his lesson?

That love in any form...

is still LOVE.

chap-preview
Free preview
Episode One
Xavier's Point of View         MATAAS ang sikat ng araw. Ramdam ng lahat ang init ngunit mas nangingibabaw ang tension sa mga estudyante ngayon sa field. Panahon na naman ng University Sports Festival. Finals na ng Soccer Competition at ang School of Architecture at School of Economics ag maglalaban para sa championship. Nagsimulang dumagundong ang bleachers nang lumabas ang mga miyembro ng bawat pangkat. Hindi matatanggi na halos lahat ng ingay para sa nag-iisang tao; para kay Xander Ventura, ang aking kakambal. Ako si Xavier Ventura, at dahil hindi kami magkamukha ni Xander ay hindi alam ng lahat na magkapatid nga kami. Bukod sa mukha naming magkaiba ay magkaiba rin ang aming mga gusto. Xander is a very athletic person. Mahilig siya sa sports kaya naman madali na para sa kanya ang maging Team Captain ng University Soccer Team. Gwapo si Xander at ma-appeal kaya naman maraming babae ang nahuhumaling sa kanya. Kung pakikinggan ay parang napakaperpekto niya ngunit may isang katangian siyang hindi kanais-nais. He’s homophobic. Ako? Mahilig akong magluto at magbasa. Hindi kami malapit sa isa’t-isa. Ayokong malaman niya na bakla ako. He already sees me as a loser; he’ll hate me more if he finds out that I’m gay. Kaya naman ito ang pinakatatago kong sekreto, ang mga malalapit ko lang na kaibigan ang nakakaalam sa School of Economics. Sa School of Architecture nga pala nag-aaral si Xander at nasa parehong taon kami. Kalaban nila ang kupunan gaking sa koleyo naming na pinapunganhan ni Mikael; isang miyembro rin ng Soceer Team. Ang lalaking matagal ko nang gusto. Ang lalakeng hanggang sa tanaw ko lang makakapiling. Ngayong araw ay nakasuot kami ng pink na T-shirt, ang kulay ng koleyo naming upang pagsuporta sa Soccer team naming samantalang naka-kulay maroon naman ang kabilang koleyo.          “Go S-H-E!” ang malakas na cheer ng mga kasama ko sa bleachers. Ang lakas nga ng boses ni Samantha at Nico. Ang mga kaklase at mga kaibiga ko.         “Go, Xander!” ang pagcheer naman ni Samantha. Kaagad siyang binatukan ni Nico.         “Hindi ito ang tamang oras para i-cheer mo ang ibang tao,” ang komento naman ni Nico.         “Sorry,” ang paghingi naman ni Samantha ng paumanhin. “Tignan mo naman si Xander. Ang hot niya!”         “Hot din naman si Mikael ah!” ang komento ko naman.         “Oo… pero mas gwapo pa rin si Xander,” ang tugon naman niya. Napaikot naman ako ng mga mata. “May girlfriend na kaya siya?”         “Wala,” ang tugon ko. “Pero maraming ka-fling.”         Nagkatinginan naman ang dalawa.         “Bakit parang kilala mo siya?” ang tanong ni Nico. Oo nga pala. Hindi ko pa sinasabi na kapatid ko si Xander. Ang alam nila ay magka-apelyido lang kami at nagkataon din lang na pareho ang unang letra ng aming mga pangalan.         “Guwapo, sikat, habulin… Cliché,” ang paliwanag ko naman sabay kibit-balikat.         “Judgmental much?” ang komento naman ni Samantha. Naging mainit ang laban ngunit sa huli ay ang School of Architecture nga ang nanalo ng kampeonato. “Tara lapitan natin sila.”         “Para saan?” ang tanong ko naman.         “Para i-congratulate sila, duh,” ang sarkastiko naman niyang tugon. Napa-iling na lang ako at napatingin kay Nico. Sumunod naman kaming dalawa kay Samantha pababa ng bleachers at lumapit kila Mikael na nakangiting sumalubong sa amin. “Mikael!”         “Pasensya na; talo eh,” ang paghingi ng paumanhin ni Mikael sa naging resulta ng laro nila.         “Hindi nay un importante, second place naman kayo. Hindi na masama yun,” ang kometo naman ni Samantha sabay siko sa akin. “Di ba, Xavier?”         “Ah, oo. Ginawa mo naman lahat ng makakaya mo,” ang awkward kong sinabi. Ngumiti naman siya at napatango.         “Salamat, Xavier,” ang tugon niya. Bumilis ang t***k ng aking puso         “Mikael!” ang pagtawag ng isang pamilyar na boses. Napatingin naman kaming lahat. Si Xander at ang miyembro ng soccer team ng koleyo nila. Kaagad naman akong napasimangot nang magtama ang tingin naming sa isa’t-isa. Kaagad naman niyang binawi ang tingin niya at tumingin kay Mikael. “Bro, better luck next time”         “Siguradong makakabawi ang School of Home Economics sa susunod na Sports Festival,” ang tugon naman ni Mikael.         “Not when I’m around,” ang mahangin namang komento ni Xander sabay tupi ng kanyang mga kamay. Napaikot naman ako ng mga mata.         “Xander, congrats!” ang kinikilig na sinabi ni Samantha kay Xander na nginitian naman siya. Napakaharot talaga nitong babaeng to. Kinurot ko naman ang bewang niya.         “Anyway, may victory party ang School of Architecture and you’re invited,” ang sabi ng isang kasama ni Xander, si Jace. “Isesend ko sa’yo sa messenger ang mga detalye.” Tumango naman si Mikael.         “So, see you later,” si Jace bago sila tuluyang umalis.         “Hindi ko talaga gusto yang si Xander,” ang komento ni Nico. “Napaka-yabang!”         “Meron naman kasi siyang ipinagyayabang. Guwapo, matalino, at magalig pa sa Sports”         “Aanhin moa ng perpekto kung hirap ka namang pakisamahan?” ang retorikal namang tanong ni Nico. “Pustahan, hindi yun gusto sa kanila.”          Sa totoo niyan ay gusto siya pareho ng aming mga magulang. Mas malapit nga lang siya sa aming ama samantalang mas malapit naman ako sa aking ina. Kay Mommy ko nakuha ang pagkahilig ko sa pagluluto. Tulad nga ng sinabi ko, hindi kami malapit sa isa’t-isa. Hindi kami madalas mag-usap; kahit na kapwa kami nasa loob ng bahay. Nang payagan kaming tumira sa dormitory ay pinipilit kami nila Mommy na magsama sa iisang kuwarto. Wala namang problema sa akin dahil kaya kong  gumawa ng aking sariling mundo at hindi pansinin si Xander. Tutol naman si Xander sa ideyang ito. Sa huli ay nasunod ang gusto ni Xander. Nasa iisang dormitory nga kami ngunit magkaiba an gaming mga kuwarto. May tag-sa kaming roommate. Roommate ko si Nico kaya naging malapit na kami sa isa’t-isa.          “Tama na nga yan,” ang suway ko. “Ang init at nagugutom na rin ako.”          Napatingin naman sila sa oras.          “Mag-aalasdos na pala,” ang anunsyo ni Samantha. “Tara na.”          Tumango naman kami ni Nico. Nagpaalam kami kila Mikael. Nagtungo naman kami sa canteen ng School of Home Economics. Bumili kami ng makakain. Naupo kami sa gilid.          “Bilisan na natin,” ang komento ko. “Kailangan pa nating pumunta sa designated booths natin.”          “Gusto kong pumunta sa Victory party ng SoA,” ang pagmamaktol ni Samantha.          “Para makita na naman si Xander,” ang walang interes na komento ni Nico.          “Wala ka na run,” ang tugon naman ni Samantha. “Paano kaya kung pool party? Haay, sayang walang chance para makita ang abs niya.”          “Kababae mong tao,” ang muling komento ni Nico na hindi na naman pinansin si Samantha. Napakamot naman ako ng ulo sa dalawang ito. Hindi naman nagtagal ay natapos kaming kumain.          “Dadaan muna ako sa Kitchen para kunin yung mga binake nilang paninda,” ang paalam ko naman sa kanilang dalawa.          “Kailangan mo ba ng tulong?” ang tanong naman ni Nico.          “Oo, baka marami yun,” ang tugon ko naman. Nagpaalam naman kami ni Nico kay Samantha. Nagsimula kaming maglakad patungo sa kitchen samantalang si Samantha ay patungo sa booth. Kinuha nga naming ni Nico ag mga biscuit, cookies at kung anu-ano pa. Toka ng mga Fourth Year students ang mag-bake ngayong araw. Bukas naman ay kaming mga Third years. Buhat-buhat namin ang mga kahn patungo sa booth. Sinalubong naman kami ng iba pang estudyante at kinuha ang ilang kahon bago inayos sa diplay. Mini-café ang naging tema ng aming booth. Ako ang taga-gawa ng lang drinks na ino-order ng ibang etudyante. Natigilan ang lahat nang may lumapit sa booth namin. Si Blue. Isa siya sa mga estudyante ng School of Architecture. Tulad ni Xander, kilala rin si Blue sa Campus dahil sa kanyang unique na pananamit. He’s quite mysterious. Napaka-monochomatic kasi ng mga sinusiuot niyang damit. Bukod dun ay naka-eyeliner siya palagi. He’s an open gay.         “What can I get you?” ang tanong ko sabay ngiti. Napatingin naman siya sa menu.         “Iced Americano,” ang tugon naman niya. Napatango naman ako at sinimulang gawin ang kape niya.         “Here you go,” ang sabi ko sabay abot ng inumin niya. “140 pesos yan”         Inabot naman niya ang kanyang bayad. Napasulyap ako sa kuko niyang kulay itim. Nahuli naman niya akong napatingin dun. Napangiti naman ako.         “Para kang pagong,” ang out of the blue niyang komento. Napakunot naman ang aking noo. Mabagal ba akong gumalaw? Napatingin ako kila Nico at Samantha sa gilid na kanina pa nakamasid sa amin.         “Pasensya na kung natagalan,” ang paghingi ko ng paumanhin.         “Para kang pagong na nasa loob pa ng bahay niya,” ang pagpapatuloy niya. Napakunot naman ako ng noo.         “Anong ibig mong sabihin?” ang tanong ko. Pinanood ko naman ang pagkuha niya ng straw.         “Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin,” ang komento naman niya bago tuluyang umalis.         “Ano raw?” ang tanong ko sa dalawa nang makalayo si Blue.         “Mukha ka raw pagong,” ang tugon naman ni Nico. Napatingin naman agad ako sa salamin.         “Mukha ba talaga akong pagong?” ang tanong ko.         “Hindi no!” ang pagtutol naman ni Samantha sabay batok kay Nico. “Ikaw, kung ano-ano pinagsasabi mo sa kaibigan natin. Huwag kang mag-alala Xavier, isa ka sa mga pinapogi sa college natin.         “Oo, kasama ka sa grupo namin,” ang pagkumpirma naman ni Nico.         “Malamang hindi ka kasama,” ang tukso naman ni Samantha kay Nico. Natawa naman ako.         “Hindi naman ako pogi,” ang komento ko. “Mukha nga akong patatas.”         “Cute na patatas,” ang tugon ni Samantha. Natigilan naman siya nang may nagtext sa kanya. Kaagad naman niyang tinignan ang kanyang phone. “Mga besh!!”         Pinanood ko siyang nagtatatalon.         “Good news!” ang balita niya. “Makakapunta ako sa Victory party ng SoA!!!”         “HA???” ang sabay naming reaksyon ni Nico.         “Teka, paano naman?” ang tanong ko.         “Naaalala niyo si Emma? Yung kasama ko sa Drama Club?” ang tanong niya.         “Hindi ba nag-aaral siya sa SoA?” ang tanong ko.         “Tama!!” ang pagkumpirma ni Samantha. “At isa siya sa organizers ng party. Inimbitahan niya ako!”         “Sana all!” ang komento naman ni Nico.         “Makikita ko si Xander,” ang sabi naman ni Samantha.         “Congrats,” ang tugon ko habang nakangiti. Sa totoo lang ay wala akong pakialam sa party ng SoA. Mas gusto kong manatili sa aking kuwarto sa dormitory at magbasa na lang o manood ng kung ano mang pelikula. Ayoko sa maingay na lugar. Ilang oras pa kami sa booth. Nang maisara naming ang booth ay sabay kaming nagtungo sa dormitory ni Nico.         “Makakapagpahinga na tayo sa wakas!” ang masaya naman niyang komento habang naglalakad.         “Makakapaglaro ka na sa wakas,” ang pagtatama ko na ikinatawa niya.         “Yun ang pahinga ko,” ang komento niya naman. “Daan muna tayo sa kainan, magtake out ng panghapunan.”         Napatango naman ako. Nagtungo nga kami sa kainan na palagi naming pinupuntahan ni Nico tuwing gabi para bumili ng makakain.         “Anong kukunin natin?” ang tanong ko habang nakatitig sa sari’t-saring ulam.         “Parang gusto ko yung adobo,” ang tugon naman niya. Napatango naman ako. “Ikaw?”         “Yun na lang tapos yung white beans,” ang pagpayag ko.         “Ikaw na nag umorder,” ang bilin ni  Nico. “Dadaan muna ako saglit sa drugstore. Naubusan ako ng painkiller. Medyo masakit ang likod ko.”         Tumango naman ako at pumila.         “Ikaw,” ang sabi ng isang boses. Napalingon naman ako. Si Blue. Nanlaki ang mga mata ko.         “Uhm, hello,” ang awkward kong pagbati sa kanya. Wala naman siyang reaksyon, bagkus ay nagtungo siya sa lagayan ng mga inumin at kumuha ng bottled juice. Lumapit naman siya sa akin at pinanood ko siyang kinuha ang kung ano mula sa kanyang maliit na bag.         “Heto,” ang sabi niya sabay abot ng isang card. Napatitig lang naman ako sa hawak niya. Natigilan ako nang napatikhim siya. Kinuha ko naman yun at tinignan. Pass sa Victory Party ng SoA. Nanlaki ang mga mata ko. “Pumunta ka.”         “Bakit sa akin mo binibigay ito?” ang tanong ko. Ngumiti lang naman siya.         “At bakit hindi?” ang tanong naman niya pabalik. Hindi ko maintindihan ang kinikilos niya. Kaagad din naman siyang umalis. Napatitig ako sa hawak kong card.         “s**t!” ang reaksyon ni Nico pagkabalik niya. “Sino nagbigay sa’yo niyan?”         “Si Blue,” ang tugon ko naman.         “Si Blue??” ang gulat niyang reaksyon. “Teka, kelan pa kayo naging close? Hindi mo rin nabanggit na magkaibigan kayo.”         “Hindi ko siya kaibigan,” ang tugon ko. “Ngayong araw ko lang din siya unang nakausap.”         “Baka naman-“ ang panunukso ni Nico. Binatuka ko naman siya.         “Yang pag-iisip mo!” ang komento ko.         “Susunod!” ang sigaw ng ale sa cashier. Kaagad naman kaming lumapit at umorder. Nang makuha ang pagkain ay nagtungo kami ni Nico sa aming kuwarto sa dormitory. Habang kumakain ay may kumatok. Tumayo naman si Nico at binuksan ang pinto.         “Si Kuya Xavier, andyan ba?” ang tanong ng isang pamilyar na boses.         “Oo, narito siya,” ang tugon naman ni Nico. Kaagad naman akong nagpunta sa pintuan. Si Onyx. Pinsan namin ni Xavier na nag-aaral din sa Richmond University.         “Onyx, napunta ka rito,” ang komento ko nang makita siya.         “May pinapabigay si Kuya Xander,” ang tugon naman niya. Napakunot naman ang noo ko. Inabot naman niya ang isang pass sa victory party ng SoA.         “Bakit niya ako binibigyan ng ganito? Akala ko ba ayaw niyang nakikita ng iba na magkasama kami?” ang naiinis kong tanong.          “Nalaman kasi nila Tita na may party sila Kuya,” ang paliwanag ni Onyx.          “Hindi ako babysitter,” ang komento ko sa aking sarili. Nagpasalamat na lang ako kay Onyx. Napatingin ako sa isang direksyon. Nasa pintuan ng katapat naming kuwarto si Xander. Ang lapit na nga lang, hindi pa niya maibigay. Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin bago sinara ang pinto.          “Nakakainis,” ang sabi ko sa aking sarili bago naupo at pinagpatuloy ang pagkain.          “Ang alin?” ang tanong naman niya. Inilapag ko naman ang panibagong pass sa mesa. Nanlaki ang mga mata niya.          “Dude, ang swerte mo naman!” ang komento ni Nico. “Meron ka na namang pass. Ang dami mong koneksyon sa SoA ah!”          Napasimangot naman ako sa sinabi niya.          “Baka naman,” ang pagpaparinig niya.          “Oo na,” ang komento ko sabay tawa. Binigay ko naman sa kanya ang isang pass. Excited naman siyang tumayo at nagtungo sa tapat ng kanyang aparador. Binuksan naman niya yun.          “Ano kayang isusuot ko?” ang tanong niya sa ere.          “Ganito na ako,” ang tugon ko naman. Natigilan naman siya at napatingin sa akin.          “Xavier, party yung pupuntahan mo,” ang tugon niya.          “So?”            "Kailangan mo ring mag-ayos,” ang komento niya sabay kuha ng ilang damit. “Maliligo na muna ako. Mag-isip ka na rin ng maisusuot para sa party. Napakibit-balikat naman ako.Nagtungo naman siya sa banyo samantalang namili ako ng damit na gagamitin ko para sa party. Nagsimula naman akong mag-ayos. Nagsend naman ako ng message kay Samantha na makakasama kami ni Nico sa Victory Party. Nang makapag-ayos na kami ni Nico ay lumabas kami patungo sa venue. Isang bar. Pinakita namin sa bantay ang dala naming pass. Kaagad naman kaming pinapasok. Wala akong kilala sa SoA bukod sa kapatid ko.          “May kilala ka ba rito?” ang tanong ko kay Nico.          “Wala rin,” ang tugon niya. “Puro Juniors at Seniors lang ang nakikita ko. Mukhang hindi kasama ang Freshmen at Sophomores.”          “Hanapin na lang natin si Samantha,” ang suhestyon ko. Tumango naman siya. Tumingin kami sa paligid. Hindi naman nagtagal ay nahanap namin si Samantha. Kaagad naming siyang linapitan.          “Ang saya, narito rin kayo!” ang excited na sinabi ni Samantha.          “Oo nga eh; mabuti na lang marami pa lang kaibigan itong si Xavier,“ ang komento ni Nico.          “Ha Sino naman?” ang tanong ni Samantha.          “Isa dun si Blue,” ang tugon ni Nico.          “Magkaibigan pala kayo?” ang tanong ni Samantha.          “Hindi. Sadyang mabait talaga ang pakikitungo niya sa akin,” ang tugon ko.          “Baka naman may gusto siya sa’yo,” ang tukso ni Nico sabay kurot sa bewang ko.         “Ano ka ba?” ang reaksyon ko sbay batok sa kanya. “Napaka-assuming mo.”         “Eh, sino naman yung isang nagbigay sa’yo ng pass?” ang tanong ulit ni Samantha sa akin. Natigilan naman ako at napa-isip.         “Uhm, kakilala lang,” ang tugon ko naman.         “Sino nga?” ang muling tanong naman ni Samantha. Ayokong sabihin na si Xander ang nagbigay ng pass at kailangan ko siyang bantayan. Nakakainis talaga. Bakit kailangan kong magpunta kung nasaan siya? Hindi na ako makapaghintay na makapagtapos para makalaya na ako sa kakambal ko.         “Basta, kakilala,” ang tugon ko.         “Siya nga pala, si Emma. Yung nakwento kong kasama ko sa Drama Club at estudyante sa School of Architecture.”        “Ah, yung nag-imbita sayo,” ang tugon ko. Napatingin ako kay Emma. “Nice to meet you. Ako nga pala si Xavier.”         “At ako naman si Nico.”        “Nice to meet you, too,” ang tugon naman ni Emma. “Ang totoo nga niyan, maraming nakwento si Samantha tungkol sa inyong dalawa.”         “Tulad ng?” ang tanong naman ni Nico.        “Tulad ng... magaling magluto si Xavier,” ang tugon ni Emma. “At magaling ka namang maggitara.”        “Maiba tayo, bakit nga pala Third Years at Four Years lang ang nakikita naming sa party?” ang tanong ni Nico.         “Private Victory party kasi ito ng SoA na inorganize ng Juniors at Seniors kaya naman hindi lahat pwedeng pumunta,” ang paliwanag ni Emma. Hindi pala ito school-related even. Sa una kasi ay nagtataka ako kung bakit sa bar ang venue. Kahit na wala ang iba ay marami pa ring tao. “Bawat isa nga pala ay pwedeng mag-imbita ng isang kaibigan na pwedeng sumali. Sinong nag-imbita sa inyo?”        “Si Blue,” ang tugon ko. Nanlaki naman ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ko.        “Magkaibigan pala kayo,” ang nakangiti niyang komento. “Mabuti naman kung ganun. Hindi kasi palakaibigan yung si Blue. Madalas mag-isa. Iilan din ang taong kinaki-usap niya. Mabait naman siya.”       “Mukhang mabait nga siya,” ang pagsang-ayon ko naman. Natigilan naman kami nang may nagsalita mula sa stage. Napatingin naman kaming lahat.        “Good evening everyone!" ang pagbati ng lalaki sa stage. Isang Fourth Year student. “SoA students and guests, thank you for coming tonight. We rejoice as one for being the overall Champion of the Richmond University Intramurals. We owe it to our teams and athletes. Enjoy the night. Cheers!”       Nagpalakpakan naman ang mga tao. Kaagad kong napansin ang Soccer Team sa isang table. Nakalimutan ko nga pala na inimbita nila si Mikael. Ang gwapo niya ngayon; hindi ko maiwasan ang titigan ang mukha niyang napaka-amo.        “Lutang na naman ang lolo niyo,” ang komento ni Nico nang mapansin ako.        “Paanong hindi. Eh, naroon ang inspirasyon,” ang tukso naman ni Samantha nang mapansin din kung anong tinititigan ko.         “Hay naku,” ang reaksyon ko naman. “Ako na naman ang napansin niyo.”        

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Reckless Hearts

read
256.2K
bc

NINONG II

read
618.3K
bc

OSCAR

read
226.2K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
316.7K
bc

Contract - Tagalog

read
753.4K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.1K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook