bc

A Rose between Two Thorns (Tagalog/Filipino)

book_age16+
1.0K
FOLLOW
4.0K
READ
love-triangle
badboy
confident
drama
comedy
sweet
YA Fiction Writing Contest
coming of age
first love
friendship
like
intro-logo
Blurb

Isang amazonang out of this world kung magsalita na si Elle Gomez ay niligawan ng dalawang almost perfect na mga lalaki. Isang saksakan ng sungit at yabang na si Ethan Hernandez at isang sweet and charming na si Chase Lopez. Magsisimula na kaya ang World War III? O baka naman may magsisimulang bagong love story sa kanila? Who will she choose? Will she choose the right person?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Mamamasyal daw kami ni Ate Ella sa park. First time kong pumunta dun kaya sinuot ko yung best dress ko. Kulay red na polka dots tsaka tinali ko yung buhok ko na pa-pigtails. “Princess, let’s go na daw po sabi ng Ate niyo.” Patalon-talon akong naglakad papalabas ng kwarto ko at nakita ko si Ate Ella na nakupo sa couch dun sa baba, sa may sala. “Ate! Aalis na tayo?” Tumango siya, hinawakan ko yung kamay niya kaya naman nginitian niya ako. Malapit lang yung park na pupuntahan namin. Uso ‘to na puntahan ng mga bata, naririnig kong pinaguusapan ‘tong park na’to nila Chanel Montereal at Suzy Madrigal na classmates ko. Marami daw nagbebenta ng ice cream tsaka streets foods pero sa tingin ko ay hindi ako papayagan ni Ate kumain ng ganun kaya tatakas nalang ako mamaya. Sigurado naman ako na hindi ako mawawala kasi paniguradong hahanapin nila ako pero by that time, nakakain na ako nung mga pinaguusapan nila. Pagdating namin doon, manghang mangha ako sa laki nito. Puro puno at ang daming batang naglalaro. Ang dami ding nagtitinda ng kung ano-anong pagkain na ngayon ko lang nakita. May playground din at may mga benches. Ang ganda dito! Bumili ng cotton candy si Ate, nagpapabili din ako sa kanya pero ayaw niya ako bilhan, may sarili naman daw akong ipon. Ang damot damot! “Ate, upo lang ako doon ha?” Tinuro ko yung pangatlong bench mula dito sa pinagkakatayuan namin. Tumango lang siya, nakapalibot sa kanya yung mga maids at bodyguards namin habang bumibili. Busy-ng busy sila kay ate. Bumili muna ako ng dirty ice cream kung tawagin bago ako pumunta dun. Dalawa yung binili ko, yung isa kakainin ko at yung isa ay para kay Ate. Hindi ko ibibigay sa kanya, naiinis ako sa kanya kaya I’ll prank her. Umupo ako sa bench at pinahid yung isang ice cream na binili ko doon, alam kong hindi mapapansin ni Ate yun kasi upo lang ng upo yun basta basta. Naiisip ko palang kung pano siya iiyak mamaya, natatawa na ako. “Hihihi! Kala mo ate ha!” Nagtago ako sa likod ng puno sa likod ng bench at hinintay ang pagdating niya kaso may batang lalaki na biglang umupo dun sa pinahiran ko! Kumakain din siya ng ice cream, mataba siya pero cute. Lumabas ako sa puno at pumunta sa harap niya. Kumunot yung noo niya. “Why did you sit there?” “Why? Do you own this bench? Bawal ba umupo?” Ang sungit naman niya! Nakakunot yung noo niya habang dinidilaan yung ice cream niya. “Hindi naman kaso may ice cream kasi diyan.” Tinuro ko yung bench. Napatayo siya at tinignan yung pants niyang may ice cream, “Hala!” “Hala! Wag ka na malungkot.” Yumuko ako. Nakakaguilty pero kasalanan niya ‘to! Dapat tinignan niya muna yung uupuan niya. “Madumi na.” Nagku-kusot na siya ng mata niya. Parang pinipigilan yung pag-iyak. “Hala! Eto! Lagyan mo din ng ice cream yung bench.” Inabot ko sa kanya yung kinakain kong ice cream. Tinignan niya lang yun habang teary eyed padin siya “Bakit?” “Basta! Lagyan mo nalang!” Tumango siya at kinuha yung ice cream tapos pinahid sa bench. “Ayan, tapos na.” Tumango ako at umupo dun sa pinahiran niya. Nanlaki yung mata niya at nginitian ko siya. “Tumayo ka nga diyan!” Nagulat ako nung hinawakan niya yung magkabilang kamay ko at hinila ako patayo. “Quits na tayo ha?” Nginitian ko siya, tumango siya at ngumiti pabalik sakin “May ice cream ka pa oh.” May kinuha siya sa bulsa niya na color blue na panyo at pinunasan yung pisnge ko. “Young master!” Napatingin kaming pareho doon sa may tumatawag. May nakita akong babae na naka-uniform. Ngumuso yung batang lalaki, hawak padin niya yung isang kamay ko. Lumapit samin yung nanny at yumuko para punasan yung pawis nung batang lalaki. “Young master naman, kung saan saan ka pumupunta. Baka mamaya, magalit yung mommy mo sakin.” “Yaya, she’s pretty right? She’s gonna be my future girlfriend.” Tinignan ko yung batang lalaki at nginitian niya ako. Tinignan ko yung nanny niya, nginitian lang din ako. “Ikaw talaga, young master. Ang bata mo pa.” Tumawa yung nanny niya “No yaya, I’m old enough!” Lalong ngumuso yung batang lalaki. “As you say so, young master. Say goodbye to your future girlfriend, hinahanap na tayo ng mommy mo.” Tumango siya sa nanny niya at humarap sakin. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko “I’ll marry you after ten years, okay? Wait for me.” Tumango ako “Goodbye.” Binitiwan niya yung kamay ko at hinawakan yung kamay nung nanny niya. Nag-wave siya ng kamay habang papalayo sila sakin. “Bye! Don’t make me wait for too long. I hate waiting!” Sigaw ko at nag-wave din ng kamay sa kanya “I promise!”  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
224.9K
bc

He's Cold Hearted

read
159.9K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
24.8K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.1K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
274.1K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
530.2K
bc

The Professor's Wife

read
448.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook