bc

Horror High

book_age0+
3.2K
FOLLOW
7.2K
READ
adventure
dark
arrogant
twisted
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY)

Every school has its own creepy tales...

Samahan natin sina Belle at Prince sa pagtuklas nila sa kababalaghan sa Wellington High!

chap-preview
Free preview
LESSON 01- The Transferee
BELLE’S POV HUMAHANGOS ako habang papauwi ng bahay. Kulang na lang ay madapa ako sa pagmamadali sa sobrang takot. Dala ang isang flashlight at crucifix ay binuksan ko ang gate. Akmang papasok na ako sa main door nang sandali akong tumigil sa harapan niyon. Ibinaba ko ang aking mga hawak. Mariin akong pumikit at iminwestra ang kamay na para bang meron akong itinataboy. “Vade retro, exspiravit! Vade retro, exspiravit!” Pinagpagan ko ang aking damit, kinuhang muli ang crucifix at flashlight at saka pumasok sa loob na nagmamadali. Agad kong isinara ang pinto at nang makita ko ang aking nanay at tatay na nanonood ng TV sa salas ay agad ko silang nilapitang dalawa at yumakap sa binti ng aking nanay. “Mama! Ayoko na! Ayoko na!” Hinihingal na sigaw ko habang umiiling. “Anong ayaw mo na?” Nagtatakang tanong ni Mama. Tiningala ko silang. “Ayokong pumasok sa school na iyon! Sa Wellington High! Please, kahit saang school, basta 'wag doon!” Umiiling at nakikiusap na turan ko. “Teka, galing ka ba sa school na papasukan mo kahit dis oras na ng gabi?” tanong naman ni Papa. Nakatingin ito sa hawak kong flashlight at crucifix. “Opo, 'Pa! Tinignan ko lang naman kung--” “Kung may multo sa school na iyon?” Tumango ako. Sunod-sunod. Bukas na ang first day of school ko sa bagong school na aking papasukan-- ang Wellington High. Isa itong sikat na secondary school sa Calamba, Laguna. Isang private school kung saan mayayaman or middle class ang nag-aaral. Kinailangan ko kasing mag-transfer ng school dahil nalipat ng trabaho ang tatay ko na isang bank manager. Medyo nakakaluwag-luwag naman kami sa buhay at halos lahat ng luho ko ay nasusunod. Nag-iisang anak lang naman kasi ako. Nag-usap ang mga magulang ko nang halos pabulong pero dinig ko pa rin naman sila. “Hindi pa rin talaga nagma-mature ang Belle natin. Mukhang gumagana na naman ang imaginations niya,” ani ng Papa ko. “Tama ka. Kasalanan rin naman natin ito dahil hinayaan natin siyang magkaroon ng imaginary friends noong six years old pa lamang siya,” sang-ayon naman ni Mama. Naiinis akong tumayo. “'Ma, 'Pa! Anong imagination at imaginary friends sinasabi niyo? Nagsasabi ako ng totoo! Nakakakita ako ng multo at marami sa Wellington no’n. Alam niyo naman na ayoko sa mga multo dahil kapag nalaman nila na nakikita ko sila, wala na silang gagawin kundi ang gambalain ako!” Tumango-tango si Papa. “Okay, Belle. You’re just tired I guess. Umakyat ka na sa room mo at magpahinga. Maaga pa ang pasok mo bukas.” “Papa naman, e!” Nagpapadyak na ako sa inis dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako pinapaniwalaan na bukas ang third eye ko at nakakakita ako ng multo. “Bahala nga kayo diyan!” Nagdadabog na umakyat ako sa second floor ng bahay namin kung saan naroon ang aking silid. Agad kong ibinagsak ang aking katawan sa kama habang busangot ang mukha. Kailan ba kasi sila maniniwala na nakakakita talaga ako ng mga multo? Normal lang naman noon ang buhay ko, e. Nagsimula lang akong makakita ng mga multo nang aksidente akong nadulas sa banyo sa dati naming bahay noong ako ay Grade 7. Nasugatan ako sa noo. Mabuti na lang at naitakbo agad ako sa ospital ni Mama. After kong magising mula sa aksidenteng iyon ay nagkaroon na ako ng kakayahan na makakita ng multo sa hindi malamang dahilan. Noong una ay natatakot ako dahil ikaw ba naman ang makakita ng mga multo na sabog ang utak, labas ang lamang-loob, pugot ang ulo at kung anu-ano pang nakakatakot at nakakakilabot na hitsura. Ngunit nasanay na ako nang magtagal iyon nga lang, nandoon pa rin ang takot. Iyon nga lang, kapag nalalaman ng mga multo na nakikita ko sila ay ginagambala na nila ako. Nagpapatulong na hanapin ang pumatay dito o nagpapahatid ng mensahe sa mga taong naiwanan ng mga ito. Nakaka-stress iyon, ha, dahil imbes na ma-enjoy ko ang aking kabataan ay hindi ko magawa. Dahil din doon ay nilayuan rin ako ng mga kaibigan ko. Ang weird ko daw at parang nasisiraan ng ulo. Iyong ginawa ko kaninang dasal bago ako pumasok sa bahay namin ay isang ritwal at dasal para itaboy pansamantala ang kaluluwa na sumusunod sa akin. Baka kasi may sumunod sa akin nang magtungo ako kanina sa Wellington High. Mahirap na. Minsan kasi kapag nakapasok ang isang multo sa bahay ay maaaring hindi na iyon umalis doon. Ayaw ko naman na kakalipat lang namin sa bagong bahay ay papanahanan agad ito ng mga multo! Tungkol naman sa kung bakit ako nagpunta sa Wellington High bago ang first day ng school ay upang malaman ko kung marami bang multo doon. At tama nga ang kutob ko, napakaraming ligaw na kaluluwa sa school na iyon. Nasa gate pa lang ako ay may sumalubong na sa akin na batang babae na duguan ang suot na school uniform. Tinatawag niya akong ate at ipinapahanap sa akin ang nawawala nitong manika. Pagsilip ko pa sa loob ay parang may fiesta ng mga multo doon. Kaya naman nagtatakbo na lang ako pauwi. Ayaw ko man na doon mag-aral ay mukhang wala na akong magagawa. Naka-enroll na ako doon at nakapagbayad na rin kami ng mga fees. Noong nag-enroll kasi ako doon kasama ang Mama ay kaunting multo lang naman ang nakita ko at mababait naman. Pero kapag gabi pala ay lumalabas lahat ang mga ito. Doon na ako nawindang nang husto. “Bahala na nga! Tutal Grade 12 na ako, last year ko na ito bilang high school student. Magsusuplada na lang ako sa mga multo sa Wellington High bukas!” ani ko sabay ayos ng higa para matulog na. -----***----- HALOS hindi magkamayaw ang mga estudyante sa Wellington High. Lahat ay excited na makita ang mga friends nila na hindi nila nakita ng dalawang buwan dahil sa bakasyon. Excited ang lahat na magkwento tungkol sa naging summer vacation nila. Ngunit iba ako. Ayaw ko na nga sanang pumasok kung hindi pa ako pinilit nina Mama at Papa. Inihatid pa talaga ako ni Papa sa school gamit ang kotse bago siya pumasok sa trabaho. Nakayuko ako habang naglalakad sa hallway kung saan naroon ang aking magiging classroom. Kapag ganitong nasa lugar ako na alam kong maraming multo ay talagang nakayuko ako lagi upang maiwasang makakita ng mga multo. Kapag kasi nakipag-eye contact ako sa mga iyon ay malalaman ng mga ito na nakakakita ko sila. 'Di bale, sampung buwan na lang naman at aalis na din ako sa school na ito. Titiisin ko na lang ang lahat. Ipinapangako ko sa aking sarili na kahit isang multo ay hindi ako magagambala. Muntik na akong matumba nang isang tao ang aking nabangga. Hindi ko ito napansin dahil sa nakayuko nga ako. “Ouch! Hey! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo! Dumb b***h!” galit na sigaw ng babaeng iyon na may hawak na frappe. Mabuti na lang at hindi tumapon ang laman niyon sa damit nito kundi siguradong disaster ang mangyayari sa first day of school ko. Hindi ako judgemental pero unang tingin ko pa lang sa babaeng estudyante na iyon ay mukha itong mataray. Maganda naman ito. Mestisa at mukhang may lahing foreigner dahil sa color gray nitong mata na medyo malaki na akala mo ay palaging naninindak. Kapansin-pansin din ang blonde nitong buhok. Kung itatabi ito sa akin ay magmumukha akong basahan. Cute lang ako, maganda ito. Talo pa rin ako sa tingin ko. Isa pa, mas matangkad sa akin ang babae. Payat ito habang ako ay medyo chubby. Marami nga ang nagsasabi na ang cute ng pisngi ko. Hindi pa kasi siguro masyadong nadedevelop ang katawan ko unlike ng babaeng ito. “Hindi ka ba magso-sorry sa akin? Why are you staring at me? Starstrucked?” Ipinitik pa nito ang daliri sa harapan ng mukha ko. “Ah, eh… S-sorry. Hindi ko sinasadya.” Paghingi ko ng paumanhin. “Dumb!” Inirapan niya ako sabay lakad ulit palayo sa akin. Binangga pa talaga nito ang balikat ko at medyo masakit iyon. Binelatan ko na lang ang mataray na babae. “Akala mo kung sinong maganda. Hmp!” bulong ko at muli akong naglakad ng nakayuko hanggang sa makita ko na ang aking classrooom. -----***----- “GOOD morning everyone. My name is Belle Florence and I’m seventeen years old. I am glad to meet you, guys.” Hate na hate ko talaga ang first day of school lalo na at transferee ka. Mahiyain kasi ako at ayaw ko iyong pumupunta ako sa unahan at lahat ay nakatingin sa akin. Pumunta sa likuran ko ang aming adviser na si Miss Daiana Fermin at hinawakan niya ako sa balikat. “Class, be good to Belle, okay?” anito. “Yes, Miss Fermin…” Walang gana na chorus ng lahat. “You can take your seat now, Belle.” “Thank you, Miss Fermin.” Umupo na ako sa aking seat. Sa kaliwa ko ay ang classmate ko na nakilala ko kanina. Si Monica. Masayahin si Monica. May braces ang ngipin at naka-tirintas ang buhok na umaabot sa batok. Mataba at mukhang walang friends dahil mag-isa rin ito kanina. Hinila na nga lang niya ako bago mag-start ang class at sa tabi nito niya ako pinaupo. Wala naman akong choice. Ayaw kong masaktan ito kapag tumanggi ako. Isa pa, mukhang okay naman ito. Ayon dito ay simula nang tumuntong ito ng high school ay sa Wellington High na ito nag-aaral. “Wow! Ang galing naman ng introduction mo, Belle. I am so proud of you! Kung ako ang gumawa no’n baka bumula na ang bibig ko sa kaba!” Pumapalakpak na sabi ni Monica sa akin. “Thanks…” Nakangiwing sabi ko. Si Monica iyong tipo ng student na mukhang favorite na binubully ng mga bully. Iginala ko ang aking tingin sa mga kaklase ko. Mukhang wala namang bully sa section namin. Ngunit agad ding nagbago ang isip ko nang makita ko sa likuran ang babaeng nakabangga ko kanina. Nakikipagkwentuhan ito sa dalawang babae na katabi nito. Nagtatawa ang tatlo kahit nagdi-discuss na sa unahan si Miss Fermin. Sa hindi inaasahan ay biglang tumingin ang babae sa akin at nataas ito ng kilay na para bang sinasabi nito na: “What are you looking at?!” Agad kong binawi ang aking tingin dito at itinuon ko na lang ang aking atensiyon kay Miss Fermin. -----***----- PRINCE’S POV LINGID sa kaalaman ni Belle ay kanina ko pa siya tinitignan mula sa labas ng classroom. Mataman kong pinapanood ang mga simpleng paggalaw niya. “Sa wakas, dumating ka na. Matagal na kitang hinihintay…” sabi ng may-ari ng mga matang iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.8K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

The Sex Web

read
131.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
453.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook