bc

Kissmarks (Tagalog/Filipino)

book_age18+
4.2K
FOLLOW
24.4K
READ
billionaire
possessive
dominant
brave
boss
comedy
sweet
bold
office/work place
first love
like
intro-logo
Blurb

HOT & NASTY NIGHTS SERIES #4 :

You can define Pauline Magbanua as an ambisyosa. Papaano kasi, pinagmamayabang ng pinsan niya sa kanilang angkan na nagkaroon ito ng boyfriend na guwapo at mayaman. Syempre, ang bida natin, hindi magpapatalo.

Aksidente niyang sinabi na boyfriend niya si River Ho, ang kaniyang boss. Ayaw maniwala ng mga pinsan dahil ang isa sa mga Hochengco ay mahirap abutin. Kaya nang makausap niya ito, laking gulat niya na agad ito pumayag.

Ang isang River Hochengco, magpapagamit? Seryoso ba ito?!

chap-preview
Free preview
prologue
Medyo hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Naghihintay ako kay Sir River, sinabi niya kasing bibisitahin niya muna ang mapapangasawa ng kaniyang kuya Rowan, si Miss Ciel. Medyo nagtataka nga ako kung bakit kailangan pa niya akong isama dito eh ang usapan lang naman namin ay magpapanggap lang siyang boyfriend ko sa harap ng mga kamag-anakan ko! Wala sa usapan na isama niya ako dito lalo na't narito ang buong kamag-anakan niya! Aminado ako na medyo kinakabahan ako dahil first time niya akong isama sa mga ganitong okasyon ng kanilang pamilya. Kalimitan kasi, isinasama niya ako sa mga meeting niya dahil kasama iyon sa trabaho ko bilang sekretarya niya. "Miss Pauline? Is that you?" Agad akong lumingon sa taong tumawag ng aking pangalan. Napasinghap ako ng kaunti nang tumambad sa akin ang ina ni Sir River na si Madame Pasha. Isang ngiti ang iginawad ko sa kaniya. "M-Madame, good day po..." hindi ko alam kung ano ang idudugtong ko pa. "Mabuti ay nakarating ka dito sa wedding nina Rowan at Ciel! Atleast, may maipakilala naman sa amin ang bunso ko." mahina siyang humahalakhak habang sinasabi niya iyon. Napangiwi ako at pilit tumawa nang mahina. "N-naku po, kilala ninyo naman po ako na, Madame Pasha..." nahihiya kong sabi. "Not as her secretary, I guess." segunda pa niya. Medyo natigilan ako sa sinabi niya. Umukit ang pagtataka sa aking mukha sa sinambit niya. Para kasing iba ang dating n'on sa akin. Mayroon ba akong bagay na walang kaalam-alam at hindi nasasabi sa akin si Sir River? "Ops, sorry. My bad." biglang bawi ni Madame Pasha By the way, wala naman siguro kayong lakad pagkatapos nito, hindi ba?" bigla naman niyang iniliko ang usapan. "Wala naman po, Madame." sagot ko. Sa natatandaan ko ay wala naman talaga kami pupuntahan pa ni Sir River pagkatapos nito. "Oh I see. Basta huwag kang mahiya, iha. Halos kilala ka na din naman ng angkan. Sa tinagal-tagal mo nang nagtatrabaho sa amin." Malapad akong ngumiti. "Yes po, Madame Pasha. Maraming salamat po." Umalis na din si Madame Pasha. Sinundan ko lang siya ng tingin. Sinalubong din niya ang mga bagong dati na bisita. Binawi ko din ang aking tingin saka inilipat ko iyon sa isa pang direksyon. Napansin ko na may kasamang babae si Sir Chance, ang anak nina Sir Vaughn at Madame Shakki. Kung hindi ako nagkakamali, bestfriend iyon ni Sir Chance na si Miss April. Halos sabay daw ito noong isinilang mga bata palang sila. Malapad ang ngiti ko habang nakikisali ako sa palakpakan. Nakakatuwa lang dahil ramdam mo ang pagmamahal ni Sir Rowan para kay Miss Ciel. Kahit na sabihin natin na naging madre ito, hindi niya ito sinukuan. Nakakatuwang isipin na sila talaga ang para sa isa't isa. Bumaling ako sa direksyon ni Sir River na seryoso lang nakatingin sa bagong kasal. Minsan napapaisip ako kung bakit basta-basta lang pumayag ang lalaking ito na magpangga bilang boyfriend ko? Actually, kinakabahan ako, baka kasi bigla may magpaassassin sa akin dahil baka malalaman may jowa pala ang isang ito. Pero wala naman. Ang mas hindi ko inaasahan ay si Sir River pala ang may hawak ng garter at ako naman ang nakasalo ng wedding bouquet ni Miss Ciel. Hindi ko maitindihan kung bakit todo pang-aasar ng mga kamag-anakan niya sa amin. Lihim ko kinagat ang aking labi nang isusuot na sa akin ni Sir River ang garter. Hindi ko na rin yata mabilang kung ilang lunok na ako. Lalo na't nararamdaman ko ang hininga niya sa balat ko na dahilan apra tumindig ang balahibo ko. Jucie colored, kukunin mo na ba ako? Hindi na ako makahinga, eh! Isang guwapo at hot na nilalang ang gumagawa sa akin nito! "Nice one, River!" hagalpak ng tawa ang narinig ko mula kina Sir Nilus at Sir sa Ruslan. Talagang sinabi pa nila iyon sa tapat ng mikropono na hawak nila! Biglang may pumapalakpak. "Ha! Alam na kung sino ang sunod na ikakasal!" malakas na anunsyo ni Miss Gayla, ang kapatid ni Sir Ruslan. Nang matapos na ang wedding game na ito. Natigilan ako nang biglang nilahad ni Sir River ang palad niya sa akin. Kahit man nagtataka ako, tinanggap ko nalang iyon hanggang sa inaalalayan niya akong makatayo. Ang mas ikinagulat ko ay bigla niyang pinulupot ang isang braso niya sa aking bewang. Nanlalaki ang mga ko nang tumingala ako sa kaniya. "Sir?" alanganin na tawag ko sa kaniya. He grinned. "It's quite unfair. Do you know how f*****g sexy you are, baby Pau?" ayan na naman siya! Tinawag na naman niya ako sa endearment na iyon! "That makes me want to kiss every single inch of you." namamaos niyang bulong sa akin na ikinatindig ng balahibo ko! Napalunok ako. "N-nakainom ka na yata, Sir..." "Nope.Not yet." hindi mawala ang ngisi niya sa akin. Nanatili siyang nakatitig sa aking mga mata. "I want you to stay with me tonight, baby Pau." "K-kasi sir..." "Remember the deal." Hindi ko mapigilang mapakagat ang aking labi. Pumikit ako ng mariin. Damn you, Pauline! Ano ba kasing pumasok sa kukote mo at bakit si Sir River pa ang tinukoy mo na boyfriend mo?! 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Godfather My husband

read
268.7K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
310.9K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
245.6K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

NINONG II

read
616.6K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K
bc

A Night With My Professor

read
493.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook