bc

LAMAN

book_age18+
5.6K
FOLLOW
29.2K
READ
adventure
murder
killer
family
drama
tragedy
no-couple
like
intro-logo
Blurb

ANIM NA MAGBABARKADA NA DADALO LAMANG SANA SA KASAL NG KAIBIGAN NILA SA IBANG BANSA ANG NAPADPAD SA ISANG NAPAKALAYONG DESYERTO. WALANG MAKAIN, WALANG MAINOM.

ANG TANGING PARAAN PARA MABUHAY AY ANG KAININ ANG BAWAT ISA.

KAYA BA NILA?

SINO ANG MAKAKA-SURVIVE?

SINO ANG MANANATILING BUHAY?

chap-preview
Free preview
PART 1
"Noel, ano na? Bakit 'di ka pa nakakabihis?" takang tanong ni Marjorie sa isa sa mga kaibigan. Naka-skype sila. Malungkot na napangalumbaba si Noel at umiling-iling sa harap ng laptop niya. Hindi kasi siya pinayagan ng asawa niyang si Aileen na sumama sa Dubai para sa kasal nina Marjorie at Shairo sa isang Linggo dahil buntis si Aileen at kabuwanan na nito. Baka raw kasi manganak ito habang wala siya. Lahat silang mga kaibigan ni Marjorie rito sa Pilipinas ay pinadalhan ng plane ticket na libre. Kaso ayaw talaga siyang payagan ni Aileen kahit anong pakiusap niya. Pumasok sa loob ng silid si Aileen na himas-himas ang malaki nitong tiyan. "Mare, sige na payagan mo na si Noel para naman kumpleto ang barkada sa kasal ko." At si Marjorie na ang nakipag-usap dito. "Eh, paano naman ako rito, Mare? Mag-isa lang ako." Ayaw naman talaga ni Aileen na maging KJ sa magbabarkada dahil alam nitong higit pa sa magkakapatid ang turingan ng mga ito, pero natatakot kasi ito na baka manganak ito na wala ang asawa sa tabi nito. First baby pa naman nila. "Sige na please, Mare, payagan mo na. Promise after the wedding pababalikin ko rin siya agad diyan. Alam mo naman kung gaano ka-importante ang kasal kong ito na makasama silang lahat ulit. Kay please, Mare?!" Palikiusap pa rin ni Marjorie. Nagsusumamo ito. "Please.." Nakisali na rin ang arabong asawa nito na si Shairo sa pagsusumamo kay Aileen. Nag-DH noon si Marjorie sa Dubai, at naging amo nito si Shairo. At tulad sa telenovela, ang amo na si Shairo ay nabighani sa kasambahay na si Marjorie at ngayon na nga ay malapit na silang ikasal. Swerte si Marjorie dahil mayaman si Shairo kaya lahat ng luho nito ay naibibigay ni Shairo, kasama na roon ang pagpapapunta nito sa mga kaibigan nito sa Dubai para um-attend ng kanilang kasal na libre lahat. Gastos lahat ni Shairo, mapasaya lang ang magiging asawa. Pati nga pagpa-passport ng iba nilang kaibigan ay ginastusan pa ni Shairo, kaya swerte silang lahat. Para namang kinurot ang puso ni Aileen sa dalawa kaya tumingin na ito kay Noel. "Basta umuwi ka kaagad, ha?" Lumaki ang mga mata ni Noel. "Ibig bang sabihin niyan ay pinapayagan mo na ako, Honey?!" Kahit sina Marjorie at Shairo sa monitor ng laptop ay naghintay sa isasagot ni Aileen. Ngumiti na si Aileen sa kaniya. "Oo na! Sige na magbihis ka na! At baka mahuli ka sa flight niyo!" Grabe ang naging saya ni Noel. "Wooohh! Salamat, Honey ko!" Pinupog niya ng halik ang mukha ni Aileen. Tawang-tawa naman sina Marjorie. Thums-up sila ni Noel at kindatan. "Kayo na bahala riyan sa asawa ko, ha?" Natutuwa sa asawang sabi ni Aileen kay Marjorie. "Oo naman, Mare. Babantayan ko 'yan. Salamat, Mare." *** "Yeheee!" Tuwang-tuwa sina Licienna, Rica, Annie, Aliyah at Gilbert nang makita nilang dumating na sa airport si Noel. Akala kasi nila ay hindi ito makakasama. Akala nila ay kulang ang kanilang barkada. "Wooohh!" Apiran silang lahat na parang bata. Balyaan ng tagiliran at yakapan. Walang pagsidlan ang kanilang kasiyahan. Sa loob ng dalawang taon kasi ay ngayon lang ulit sila nakumpleto ng ganito at muling nagkakasama-sama. Dahil after ng graduation nila noon sa kolehiyo ay nagkahiwa-hiwalay na ang kanilang landas. Sa f******k, twitter, **, viber at skype na lang sila nagko-comunicate sa isa't isa. Buti na lang at dumating itong araw na ito na kasal ni Marjorie at nakumpleto ulit silang magbabarkada. Salamat kay Shairo! "Paano ka pinayagan ni Misis?" tanong ni Gilbert kay Noel, binata pa ito. Pero balita nila ay pumuporma na naman ito ngayon kay Licienna. "Mahabang pakiusap ang ginawa ni Marjorie at Shairo," nakatawang sagot ni Noel. Thirty minutes pa bago ang flight nila kaya puwede pa silang magkumustahan. "Buti na lang. Akala namin kulang na ang barkada, eh. Ayan nag-asawa kasi ng maaga," wika ni Rica na humalukipkip. Palibhasa ay may crush ito noon kay Noel. "Ang sabihin mo gusto mo lang ako makita," biro dito ni Noel. "In fairness ang ganda mo ngayon, Rica!" "Tse!" pagtataray ng dalaga. "Ha-ha! Tumigil na nga kayo riyan. Ang mabuti pa mag-groufie na lang tayo. Daliiii!" At mabilis na tinutok ni Annie ang cellphone nito sa lahat. Matik na nag-wacky sila. Pagkatapos ay agad iyong pinost ni Annie sa f******k nito. Palibhasa ito ang pinaka-adik sa social media. "Ano ba 'yan ang pangit ko naman diyan!" reklamo ni Aliyah sa picture na nakunan ni Annie. Ito naman ang kikay sa barkada nila, hindi naman kagandahan talaga pero mahilig lang kasi na mag-ayos sa sarili kaya maganda na rin kahit na OA nga lang minsan. "Arte mo! Iyan ang mukha mo, eh!" singhal dito ni Annie na pabiro. "Huwag mo akong i-ta-tag diyan!" "Bleh!" Tawanan silang lahat. Ito ang nakaka-miss sa barkada nila. Ang asaran nila! "Teka, si Ruby nasaan? Akala ko ba kumpleto tayo?!" Napansin ni Noel na wala pala ang isa sa kanila. "Andito na 'yon kanina," sagot ni Licienna sa napakalumanay na boses, ang muse ng barkada nila. Actually commercial model na ito ngayon kaya mas pursigido na itong ligawan ni Gilbert. Kaso ayaw ni Licienna kay Gilbert, binasted nito ang binata dahil nga parang magkakapatid na sila sa barkada. "Ooooyy! Andito ako! Wait lang!" Bungad na ni Ruby. Iyon pala ay bumili ng pagkain nito na hindi nagpapaalam. Ito ang payatot nilang kaibigan na grabe naman sa katakawan pero hindi naman tumataba. At ito na ang barkada nila! Kumpleto na mamaya kapag kasama na nila si Marjorie! Ready na sila at excited na sila papuntang Dubai! "SEE YOU LATER, DUBAI!" sabay-sabay nilang sigaw kasunod ang malulutong nilang tawa.........

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
618.4K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.2K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
453.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Stubborn Love

read
98.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook