bc

QUEEN SERIES #1: THE TILI QUEEN (COMPLETE-SPG )

book_age16+
3.9K
FOLLOW
23.8K
READ
teacherxstudent
others
aloof
student
drama
comedy
sweet
humorous
campus
like
intro-logo
Blurb

Nagsimula ang lahat sa pangpa-prank ng isang pilyang estudyante si Eula sa half-Filipino, half-Icelander na batang propesor na una nitong nakasalamuha sa 7-Eleven. Gamit ang bulgar na salita sa Filipino, sinita niya ang guwapong binatang si Maurr kung sino ang kasama nitong magandang babae. Nauwi ang lahat sa pagsampal niya sa lalaki saka tumakbo siyang tumatawa papunta sa kanyang panghapong klase. Ganoon na lamang ang pagka-shock niya nang mayamaya ay lumitaw din sa classroom nila ang napagkatuwaang binata. At siya'y walang iba kundi si Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D., ang propesor nila sa Math in the Modern World!

Nagsimula sa katuwaan, nauwi sa totohanan. Makakayanan kaya ni Eula ang coldness ng kanyang propesor? May laban kaya siya kay Ms. Mary, ang maganada at seksing propesora na may gusto rin sa guwapong Math teacher?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Sino iyang kasama mo? Sino? Sagot!” sigaw ko sa guwapong estranghero na kapapasok lang ng 7-Eleven na nasa tabi ng Far Eastern University sa Morayta. Napatingin sa akin ang kapwa ko Tamaraws. Pagkatapos napatitig sila sa lalaki na ngayo’y nangungunot na ang noo. Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero pinagpatuloy ko pa ang drama. “Pagkatapos mo akong pagsawaan ito ang igaganti mo sa akin? I gave you my v-card, hayop kang p*tang ina mo! Iang araw pa lang na hindi tayo nagkita, may ipinalit ka na sa aking hayop ka?” “Wait---what? What the hell are you talking about?” nagugulumihanang tanong sa akin ng lalaki. Ang magandang babaeng kasama naman niya ay nakanganga lang sa akin na tila hindi makapaniwala. “Yes, you heard me right! English-English ka pa riyan! Umuungol ka rin namang parang kalabaw kung nag-aanuhan tayo, hayop ka!” Nagtawanan ang mga estudyante sa paligid namin. Napakagat naman ng labi ang guwapong nilalang. Gusto ko nang magtititili sa tawa pero nagpigil lang ako. Kailangang ipagpatuloy ang drama. “Eula, ano ba? Tama na nga iyang pag-iiskandalo mo?” At sinubukan akong hilahin ng kaibigan kong si Keri. Hindi pa rin ako nagpapigil. “Itong tandaan mong hayop ka! Kung hindi mo hihiwalayan iyang babae mo ngayon din, hindi na ako magpapaka*t*t sa iyo!” The crowd clapped and roared with laughter. Nakita kong gumalaw-galaw ang Adam’s apple ng lalaki, halatang nagpipigil lang magtaas ng boses dahil nasa public place siya, pero nakita kong napaakbay siya sa kasamang magandang babae na ngayo’y napatakip ng kamay sa bunganga in pure disbelief. Siguro hindi niya inasahang sasabihin ko iyon sa harap ng madlang people. “Miss, I really do not know what you are talking about. I don’t even know you!” “Ha? Ngayo’y ide-deny mo pa ako? Walanghiya ka talaga! Hayop! Hayop!” At lumagapak ang kanang kamay ko sa malambot niyang pisngi. Gulat na gulat si Kuya. Bago pa siya makabawi, tumakbo na ako palabas ng 7-Eleven kabuntot ng hiyang-hiya kong BFF na si Keri. Tawa ako nang tawa. Pakiramdam ko naihi pa ako sa panty sa sobrang tawa. “You’re nuts Yolanda Isadora! Kung balikan ka no’n?” natatawa ring paalala sa akin ni Keri. “Sus! Asa ka pang makikita natin iyon. Ang mga ganoon ka poging nilalang minsan lang magpakita. ‘Ika nga nila, lightning only strikes once.” “Kung sa bagay,” sang ayon din ng bruha at tuluy-tuloy na kami sa loob ng eskwelahan. Dahil mahaba-haba na ang pila sa elevator, we both decided to use the stairs instead. Hingal kalabaw kami pagdating namin ng eighth floor kung saan ang klase namin sa Math in the Modern World. Fourth year na kami pareho, pero enrolled pa rin kami rito dahil ilang beses namin itong iniwasan noon. Ngayon nga’y wala na talaga kaming choice. Kailangan na, eh. Or else, hindi kami ga-graduate. “Gosh, si Prof. Pelaez daw prof natin dito,” sabi ng isa naming kaklaseng fourth year na tulad namin ay irregular student din. May kaba sa kanyang tinig. Last sem daw kasi halos kalahati ng klase ang binagsak ng matandang huklubang iyon. Siyempre, nakakatakot iyon. Baka sumabit kami ni Keri at hindi kami makapagtapos. Lagot kami sa parents namin. Pareho na kaming may naghihintay na trabaho sa Maryland bilang isang medical technologist. Nandoon na kasi ang mga magulang namin. Ang mama ko ang director ng isa sa malalaking ospital ng Baltimore samantalang ang papa naman niya ang chief surgeon. “Eula, narinig mo ba kami?” untag ng nagbalita. “Oo! Hindi ako bingi!” sigaw ko naman sa kanya. Napakamot-kamot ito sa ulo, pero nakangiti na. “O, siya. Mukhang ang init na naman ng ulo natin, ah. Gusto mo ng foot massage?” Bago pa ako makasagot, itinaas na ng lokaret na Shayne ang paa ko at ipinatong sa likuran ng kulay berdeng plastic chair na nasa harap ko at hinubaran na ako agad ng sapatos. Mayamaya pa’y hinihilot-hilot na niya ang aking paa. Ang galing ng bruha in fairness. As usual, nagbiro na naman ako. Nang makita kong nagsipasukan na ang isang grupo ng mga mukhang nene na freshies, umungol ako na tila inaararo. Napahagikhik sila. No’n may kumatok nang tatlong beses sa nakabukas na pinto. Ang lalaki sa 7-Eleven! Classmate namin siya? Pareho kaming napanganga ni Keri sa kanya at pareho ring napabuntot ng tingin sa kung saan siya uupo. He went straight to the front at sumandal pa sa professor’s desk. Napalunok ako nang ilang beses. Nang isulat niya ang pangalan sa whiteboard, no’n ko napag-alaman na ang binastos-bastos ko kanina ay siya palang magiging professor namin sa Math in the Modern World.  Gusto kong himatayin!  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
85.9K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
274.2K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
476.8K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
283.5K
bc

The Sex Web

read
127.4K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
90.8K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
24.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook