bc

Love Game

book_age16+
605
FOLLOW
1.6K
READ
manipulative
confident
drama
bxb
mxb
lighthearted
campus
lies
self discover
mxm
like
intro-logo
Blurb

Darren Chua, the hot Basketball Captain is Stefan's Mission. After placing a bet between him and his bestfriend, Cassie; he is f****d to make Darren his lover. Will he win this game or lose to the charms of Darren?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Morning
Nagising ako nang tama sa oras. Kaagad kong pinatay ang alarm clock na kanina pa ngumangawa. Magandang senyales ang hindi ko pagsaksi sa isang lumilipad na alarm clock ngayong umaga. Kadalasan kasi ay binabato ko sa dingding ng aking kwarto ang alarm clock para lang ito ay huminto. Kasunod noon ay ang pagpasok ni Mama at ang bulyaw niya. Umupo ako sa aking kama at naginat-inat. Pagkatapos ay tumayo ako at pumunta ng banyo para sa aking usual morning ritual. Tinigil ko ang paghuhubad ng aking mga saplot nang maalala ang isang bagay. Bumalik ako ng kuwarto and turned on the stereo. Tumugtog ang Call Me Maybe ni Carly Rae Jepsen. Bumalik ako sa banyo at tuluyan nang naligo. Sa pagligo ay hindi ko na napigilan ang pagsayaw at pagsabay sa lyrics ng kanta. Hey, I just met you and this is crazy But here's my number so call me maybe Umalingaw-ngaw sa banyo ang malamig kong boses. Pagkatapos maligo ay tumungo ako sa harap ng aking closet para maghanap ng maisusuot. Tumingin muna ako sa labas ng bintana para tignan ang panahon. Makulimlim at parang uulan. Mag-Ooctober na kasi. Napasimangot ako. Ginawin pa naman akong tao. Kumuha ako ng semi-skinny na blue jeans, sando at gray na sweat shirt. Kaagad naman akong nagpalit. Pinapatuyo ko ang aking buhok gamit ang hair blower na binigay ni Mama sa akin. Madalas ko kasi akong nagrereklamo sa pagpapatuyo ng buhok sa ganitong panahon. Pagkatapos makapag-ayos ay pinagmasdan ko ang aking sarili sa malaking salamin na nagsisilbing sliding door ng aking closet. Hindi naman ako ganun kapangit at hindi naman ako ganun kagwapo. Ewan ko ba; ganun ang tingin ko sa sarili ko. Maraming nagkakagusto sa akin pero hindi naman ako masyadong Naniniwala sa mga compliments na binibigay nila sa akin. May lahi kasi akong banyaga. I mean Brazilian kasi yung erpat kong nang-iwan sa amin ni Mama. Wala akong pakialam kung nasaan siya. Hindi pa ako handa para sa isang reunion. Medyo maputi naman ang balat ko. Maaliwalas ang mukha. Mga bilugang mata na palaging napagkakamalang nakacontact lens dahil sa chestnut brown kong iris. May katangkaran naman ako taliwas sa height ni Mama. Ngumisi ako sa harap ng salamin at nakita ang mala-abnormal na haba ng aking canines. Naalala ko tuloy ang tukso ng mga kaklase ko nung elementary ako; "Bampira, Paniki, Can Opener at kung anu-ano pa. Ngunit sabi ng iba, heto raw ang dumadagdag ng charm ko. Napakibit-balikat na lang ako. Kinuha ko ang aking bag pati na rin ang aking DSLR na nasa Cam Bag na nakapatong sa side table ko. Bago ako lumabas ng kuwarto ay kina-usap ko muna ang isang litrato na nakapaskil sa pader. "Morning, Zomsky; musta ka na kaya? Sana magmeet na tayo ulit. Namimiss na kita, Zomsky" Dumeretso ako ng kusina at kumain ng almusal. Nagpaalam na ako kay Mama pero bago ako umalis ay may inabot siya sa akin. "Ano 'to" "Maginaw sa labas, gamitin mo yan" ang bilin sa akin ni Mama. Inilabas ko ang bagay mula sa isang puting plastic at kaagad nakita ang isang bonnet na parang ulo ng tigre ang design. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Mama. "Ma" ang pagmamaktol ko. "Ang kid's stuff naman nito" "Hoy, Stefano Rodriguez; Marami akong nakikitang kataon mo na gumagamit ng ganyan" ang tugon ni Mama. Napasimangot ako tuluyan dahil alam kong hindi ako makakatanggi kay Mama. Maliit man siya ay napakanagger niya at parang machine gun ang bunganga kung manermon. Napakamot ako ng ulo. "Ano pang ginagawa mo? Isuot mo na yan bago ka tuluyang umalis ng bahay" "Ngayon na?" "Oo,Dalian mo. Baka malate ka na naman ulit." Isinuot ko ang bonnet. Ramdam ko na ang matinding kahihiyan sa paglabas ko ng bahay. Minsan naisip ko kung bakit ganun si Mama; parang nakadrugs lang. Hindi pa ba nagsisink-in sa isip niya na hindi na ako bata. Hindi ako komportable sa pinasuot niya. "Nagmumukha naman akong baliw, Mama" "Ayos nga sayo'eh" sabay ayos ng bonnet.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
226.3K
bc

The Sex Web

read
131.2K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

Love Donor

read
86.8K
bc

NINONG III

read
363.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook