bc

Habang Atin Ang Sandali (R-1*+)

book_age18+
985
FOLLOW
5.2K
READ
others
drama
tragedy
bxb
single daddy
others
rejected
secrets
lonely
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ang isang tulad ni Darren na tinatago ang tunay na pagkatao ay iibig sa isang gwapo at simpatikong abogado?

Mature Content. Read at your own risk.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Natigilan si Darren sa pagsuot ng kanyang rubber shoes nang marinig niya ang pag-iling ng kanyang ama. Nakakatutok ito sa cellphone. Sa palagay niya ay binuksan na naman nito ang social media app nito at may nakita na namang hindi kaigaya-igaya sa paningin nito. Minsan talaga ay nagsisisi rin siya kung bakit tinuruan pa niya ito kung paano gumamit ng social media. Napuwersa lang kasi siyang magturo dahil sa kapatid niyang OFW sa ibang bansa. Siya kasi ang daan para sa komunikasiyon ng mga ito. Nakukulitan na rin kasi siya sa ama dahil walang araw na hindi ito nagtatanong kung may bagong post na picture na ba ang ate Daisy niya. May pagkakataon din na ginigising siya nito nang madaling araw dahil tumatawag ang kanyang kapatid at hindi nito alam kung paano i-on ang camera para sa video call. Umabot rin yata ng isang buwan bago ganap na natuto ang ama. Ang akala niya ay matatahimik na ang mundo niya at wala ng mangungulit sa kanya. Pero nagkakamali siya, nag worst pa nga e. Tina-tag siya sa mga walang ka-kuwenta-kwentang post nito tulad ng picture nitong naka sunglass dahil mainit daw at summer, e nasa loob lang naman ng bahay. Parang bumalik sa pagka-teenager ang ama niyang dalawang taon na lang ay sixty-five na ang edad. Nakikiuso ba naman. Susuotin nito ang mga paboritong polo sa tuwing magsisimba pero bago pumunta sa church ay ma-se-selfie muna sabay post with the hashtag OOTD or Outfit of the day raw. Tapos lahat na lang ng fake news na nagkalat sa social media ay pinaniniwalaan nito. "Bakit ano ba iyang tinitingnan mo 'pa?" tanong niyang umusog papalapit sa ama upang matingnan ang cellphone nito. Natigilan siya sa nakita. News link iyon na may headline na nagkukumpirma ng relasyon ng gay commedian at hunk co-host nito. "Hindi ko maiintindihan ang mga taong nakikipagrelasyon sa pareho nila ng kasarian. Mga sira na yata ulo nila. Wala - " "Oo na po, walang nakasulat sa bibliya na may nilikhang bisexual ang Dios." Agap ni Darren sa sasabihin sana ng ama. "Pero 'pa huwag ka ng magsalita ng masama laban sa kanila dahil tao rin sila na may puso at marunong masaktan." "O siya pero iyong isa mong barkada, Jake ba pangalan no'n? Balita ko bakla 'yon, umiwas ka sa kanya dahil baka mahawaan ka niya. Ayaw ko magkaroon ng anak na bakla." "Lalakeng-lalake ang anak mo pa!" Sinuntok pa niya ang dibdib at nagpa-pogi sa ama. "Mabuti naman kung ganoon," gagad ng kanyang ama. "Siya bilisan mo na baka ma late ka sa tuturuan mong bata." Nang tuluyan ng maisuot ang kanyang rubber shoes ay pumili pa muna siya ng kanta sa cellphone at sinalpak ang earpiece sa tenga. Itinakip na rin niya sa ulo ang hood ng kanyang jacket. Tumayo na siya. At saka nag mano sa ama. "Aalis na ako pa, baka po gagabihin po ako." "Sige, bilisan mo. Unang araw mo pa naman sa part time job mo. Ingat ka anak." Tumango siya sa ama. Nagmano muna bago lumabas sa kanilang bahay. Mabigat ang loob niya habang inilalabas sa bakuran nila ang kanyang bike. Parang may batong nakadagan sa dibdib niya dahil sa lihim na hindi niya masabi-sabi sa ama o sa buong pamilya niya. Oo, lingid sa kaalaman ng mga ito ay nabibilang siya sa klase ng mga tao sa lipunan na kinokondena ng mga ito. Although hindi pa naman dumadating na lumalalim ang pagkagusto niya but yes, attracted siya sa mga taong pareho niya ang kasarian. Ilang taon na niyang tinatago sa pamilya ang pagiging bisexual niya. Natatakot siya. Siguradong itatakwil siya ng mga ito. Nagkaroon siya ng identity crisis no'ng high school siya nang magkaroon ng bagong lipat na teacher sa school nila. Si Sir Benj. Hindi maipaliwanag na atraksiyon ang nararamdaman niya sa kanyang high school teacher. And the feeling was all new to him. May pagkakataon na natutula siya habang nagka-klase ito o 'di kaya ay nahahalina siya sa mga ngiti nito. Pilit niyang sinasaway ang sarili dahil alam niyang mali. Hindi pwedeng lumalim ang nararamdaman niya dahil lalake siya. Nalito siya sa umusbong na damdamin sa teacher niya. Akala niya normal lang na hindi siya nagkaka-crush sa opposite s*x dahil bata pa siya pero hindi pala. Mas may malalim pa palang dahilan. Denial lang siya sa umpisa but later on ay natanggap na rin niya ang tunay na pagkatao lalo na ng masundan na naman ang atraksiyon sa kapwa niya lalake. Sa pagkakaton na iyon ay sa basketball player ng school nila. At nasundan pa ng na sundan. Simple lang ang pamilya niya. Nasa middle class lang. Pero namulat sila ng ate niya sa istriktong pamamaran at mga pangaral. Hindi bale raw na hindi sila masalapi basta malinis lang pangalan. Ang kaibigan lang niyang si Jake ang nakakaalam sa pagkatao. Maliban dito ay wala na ni isang nag duda sapagkat lalakeng-lalake ang dating niya. Matipuno siya. Gwapo. Hindi rin mabilang ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Idagdag pa dalawang beses siya nagkaroon ng nobya. Sinubukan niya ang lahat ng paraan para maging straight siya pero sa huli ay nakikipag-break rin siya sa babae dahil hindi niya maatim na gamitin ang mga ito sa pansariling interes lalo na't wala namang feelings involved. Walang pagmamadali ang pag pedal niya sa kanyang bike. Maaga pa naman. At saka malapit lang bahay ng batang i-tu-tutor niya. Pagkalabas ng subdivision nila ay ilang establishments lang ang dadaanan at nandoon na siya. Part time job lang niya ang pagiging tutor. For allowance lang niya dahil kasalukuyan siyang nag-aaral sa kursong B.S Psychology. Isa taon na lang ang bubunuin niya upang maka-graduate siya. Ang ate Daisy niya ang nagpapa-aaral sa kanya ngunit nitong huling dalawang buwan ay hindi na ito nakapagpadala pa ng pera dahil lumayas ito sa dati nitong employer at naghanap ng panibago sa tulong ng agency nito. Hindi naman daw sa minamaltrato ito ng amo nitong Canadian kundi gutom daw ang kalaban nito dahil madalas na wala ang amo at wala namang iniiwan na pagkain. Naghanap na siya ng part time job dahil ayaw niyang maging pabigat sa pamilya niya lalo na't hindi na rin maganda ang takbo ng bakeshop nila na tanging bumubuhay sa kanila kahit noong hindi pa nakakapag-abroad ang kapatid niya. Anim na taon ang edad ng batang tuturuan niya. Kyle ang pangalan. At napag-iwanan na ng karunungan sa loob ng klase dahil napahinto sa pag-aaral. Bata pa ang ina ni Kyle na si Claire. Sa palagay niya ay hindi hihigit sa pitong taon ang tanda sa kanya. Na meet na niya ito sa isang restaurant kasama ang kaibigan na nag recommend sa kanya. Ubod ng ganda. Mahinhin. Larawan ng mabuting may bahay. Kaya nagtaka siya kung bakit humantong sa hiwalayan ang relasyon nito sa ama ni Kyle. Ayon sa kuwento ng kaibigan niya ay tatlong taon ng hiwalay si Claire sa ama ni Kyle. Hindi raw kasal ang dalawa. At ang paghihiwalay ng mga ito ang rason din kung bakit huminto sa pa-aaral ang bata sa nursery school dahil ng sa child custody issue. Until such time nga na sumuko na si Claire, binigay sa ama ang bata dahil nakapag-asawa ito ng bilyonaryong foreigner na hindi tanggap ang anak nito. Pero in good terms naman daw ang dating mag- live in partner. Friends naman daw. At malaya naman na nakaka monitor si Claire sa anak. Patunay na malaya itong makakapagdesisyon para sa anak tulad na lang ng pagkuha sa kanya bilang tutor. Narating niya sa wakas ang nasabing condominium na pinakamatayog sa lahat ng katabing buildings. Matapos itabi ang kanyang bike sa gilid ng kalsada ay tumawid na siya papunta sa condominium. Sumakay siya sa elevator hanggang sa marating nga ang pakay ng palapag. Ang instruction sa kanya ni Claire ay hindi na niya kailangan mag text o tumawag upang ipaalam na nandoon na siya. Deretso na lang daw siya sa pag doorbell total alam na naman daw niya ang number ng unit. Nabanggit ni Claire sa kanya no'ng magkita sila sa restaurant na hindi ito ang nakatira sa condo na iyon dahil ang ex-partner nito ang nagmamay-ari at nakatira doon. Madalian rin ang pag hire sa kanya dahil sa susunod na mga araw ay babalik na ito sa asawa nito sa Sweden. Dumaan lang siguro ang ilang segundo nang bumukas ang pinto ng condo unit nang mag doorbell siya. Tumambad sa paningin niya si Claire na nakangiti at sa likod nito ay nakatago ang cute at napakagwapong batang lalake na halatang nahihiya sa kanya. "Perfect timing ang pagdating mo. May urgent kasi akong pupuntahan. Come in, Darren. Feel at home." Ngumiti lang si Darren. Pumasok. Nanatili siyang nakatayo sa sala habang nakangiting tumitig sa bata na noo'y nakayuko at hindi makatingin sa kanya. "Say hello to your tutor, Kyle," sabi ni Claire habang sinisilid sa bag nito ang cellphone. "Hello po." sumunod naman ang bata ngunit nakayuko pa rin. "Hello, baby boy, You can call me Kuya Darren. Tuturuan kita ng mga lessons mo sa school from now on. At sisiguraduhin kong mag-e-enjoy ka habang natututo," wika niyang lumapit sa bata. At ginulo ang buhok nito. Finally, tumingin na sa kanya si Kyle. Nahihiya pa rin ngunit may munting ngiti na sa labi. "Actually, Darren, pangalawang tutor ka na niya. Mabait naman si Kyle pero hindi nakatagal ang nauna sa'yo dahil sa ugali ng ex-partner ko. Nag desisyon ako na lalake ang kukunin this time dahil iyong first tutor ni Kyle nag attempt na i-seduce si Renz, kaya nagkagulo." "Renz pala ang pangalan ng ex-partner mo, Ma'am Claire." "Just Claire, okay? But wait hindi mo kilala si Renz?" Mababakas ang pagkagulat sa mukha ni Claire. Umiling siya. Wala siyang ideya. "Sikat na lawyer ang ex-partner ko na si Renzo Alvarez dear, lagi siyang kinukuha ng mga sikat na personalidad ng bansa. Other than that he is also a sucessful businessman. Kung may ideya ka sa La Grand Hotel, yes siya ang nagmamay-ari noon. Maraming nababaliw sa kanya dahil gwapo naman talaga ang ex-partner ko." Wala maisip na sasabihin si Darren. Clueless talaga siya sa ex-partner nito. At isa pa to see is to believe na lang. Bagaman ganito siya ay hindi naman mabilis na a-attract sa isang lalake dahil sa gwapo lang. "By the way halika, pasok tayo sa kuwarto ni Kyle. Doon mo siya tuturuan." Nagpatiuna na itong pumasok. Sumunod siya. Pagpasok niya sa room ng bata ay tila napunta siya sa ibang dimensyon. Kung gaano ka elegante sa living room ng condo ay ganoon na naman ka cozy ang kuwartong iyon. Pang outer space ang tema. Napapaligiran ng mga wallpaper na may iba't-ibang planets na design. Sa kisame kung saan sintro ang UFO design bed ng bata ay may galaxy 3D painting na makakapagbigay ng pakiramdam na wala ka sa earth. Anak mayaman lang ang magkakaroon ng ganoon klaseng kuwarto. "Darren, I really have to go, may importante kasi akong pupuntahan. Total, mamaya ay nandito na si Yaya Perla, bumuli lang iyon ng kakainin for dinner." "Sige, Claire." "Oh thank you!" wika ni Claire. Pagkatapos ay lumapit ito kay Kyle at hinalikan sa pisngi ang anak. "Kyle baby, tommorow na balik ni mommy ha? Susulitin natin ang araw habang nandito pa ako. I love you baby." "I love you too mommy, take care." Malungkot na turan ng bata. "Dont be sad baby, Ibibili ka ni mommy ng toys bukas." Tumango lang si Kyle. Ilang sandali pa ay umalis na si Claire at sila na lang naiwan ng bata. Nakaramdam siya ng awa sa musmos, bagaman kompleto ito sa lahat at namumuhay sa karangyaan ngunit napakalaki pa rin ng kulang. Sa palagay niya ay kulang ito sa pagmamahal at aruga ng magulang. Sa murang edad ng bata ay iyon sana ang higit na mas kailangan nito Nanlulumo rin siya kung paano na atim ni Claire na ipagkatiwala ang bata sa kanya gayong hindi pa siya nito gaanong kakilala. Paano pala kung masama tao siya? Nilabas niya mula sa bag ang puppet na si Mickey Mouse. "Hello Kyle, kamusta?" Sinadya niyang paliitin ang boses para magtunog cartoon ang boses niya. Awtomatikong napatingin sa kanya si Kyle. Walang reaksiyon ang bata. Kaya nilapitan na niya ito. "Sad si Mickey Mouse dahil wala siya kalaro, pwede mo ba siyang maging playmate Kyle? Tiyak matutuwa si little new friend mo. "Pwede po." sagot ng bata na akmang hahawakan ang naturang puppet na naka ipit sa mga daliri niya at kamay nang pinabuka niya ang bibig ng puppet at sinakmal ag daliri ng bata. Gulat si Kyle pero mababakas ang excitement sa mukha. Inulit nito ang ginawa. Sinakmal niya ulit niya ang daliri nito gamit ang puppet hanggang sa tuluyan na niyang kiniliti ang bata na kaagad naman humagikhik. Kahit hindi na muna sila mag lesson ngayon. Balak muna niyang kunin ang loob ng bata. Mahigit isang oras rin yata sila naglaro bago napagod ang bata. Kumuha na lang ito ng libro. At nagpaturo sa kanya kung paano bumasa. Buong lugod naman siyang pumayag. Tinuruan muna niya ng basic na pundasyon sa pagbabasa ang bata. At nasu-surpresa siya sapagkat mabilis maka-pick up sa turo niya ang bata. Nagpapamalas na kaagad ng katalinuhan. Kung sana ay noon pa inaakaso ng magulang ng batang ito ang pag-aaral. Sayang kasi ang talino. Hindi na niya namalayan ang pagdaan ng oras. Ang usapan nila ni Claire ay dalawang oras lang siya magtuturo sa loob ng isang oras at magsu-suweldo siya ng limang libo isang buwan. Malaking sahod na iyon sa pangkaraniwang tutor ngunit alam niyang balewala sa mayayaman ang ganoong halaga. Pareho silang napatingin ni Kyle sa pinto nang bumukas iyon. Awtomatikong tumayo ag bata. "Daddy!" Napatayo rin si Darren. Babatiin sana ang bagong dating. Ngunit ganoon na lang paggalaw ng Adam's apple niya nang ganap na makita ang mukha ng daddy ni Kyle. Naramdaman niya ang pagkawala sa lugar ng puso niya. Nakasuot ito ng business suit na nawala na sa lugar ang kurbata na marahil ay niluwagan nito nang pumasok sa condo. Napaka gwapo nito. Malakas ang appeal. Mas malaki ang katawan kesa sa kanya at higit na mas matangkad. Nakaka-intimadate ang presensya nito lalo na't sa mukha pa lang ay mukhang suplado na ito. Makapal ang kilay nito na nagcompliment sa abuhing mga mata nito. Matangos rin ang ilong. At may labing mamula-mula ngunit hindi naman nakabawas sa kakisigan nito. Napalunok si Darren. Noon lang kumabog ng husto ang puso niya para sa isang tao. "Are you Kyle's tutor?" tanong ng lalake. "Yes sir." "Good. Behave ba naman ang anak ko?" "Y-yes sir." "Daddy, be nice sa kanya. Gusto ko siya na ng tutor ko. What's your name again Mr. tutor?" tila malaking tao na tanong ng bata. "I'm Darren Angeles." "By the way this my daddy, Renz Alvarez." Pakilala ng bata sa ama nito. Nilahad ni Renz ang kamay nito upang makipag kamay sa kanya. Agad naman niyang inabot ang kamay nito ngunit sa pagkakadaupang palad niya ay naramdaman niya ang tila nakakakuryenteng sensasyon. Napalunok siya. Gumalaw ang Adamos apple niya. Hindi niya alam kung naramdaman din ba iyon ng ama ni Kyle ngunit nakita niya na natigilan ito. At mabilis na binawi ang kamay sa kanya. Nakakunot-noo ito. Marahil ay nahihiwagaan sa nangyayari. "You're Darren, right? "Yes sir." "I think sumubra na ang oras sa pagtuturo mo sa anak ko. You can now go." "Okay sir." "Daddy, it's dinner time na, pwede bang dito na lang mag dinner ang tutor ko? Gusto ko iyang makasalo sa pagkain please!" sabad ng bata. "But Kyle - " "Daddy please!" Napabuntong-hininga si Renz. "Then ask kung papayag ang tutor mo." Bumaling ang bata sa kanya. "Tutor please." "Sure kay Kyle." sabi niya. "Then good," wika ni Renz na nagpatiuna ng lumabas sa kuwarto ng anak nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.3K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.7K
bc

Love Donor

read
86.7K
bc

OSCAR

read
226.1K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook