LIVE 03

1111 Words
NANG sumunod na araw ay ganoon na lamang ang saya ni Luna nang bigyan siya ng nanay at tatay niya ng isang regalo. Excited na binuksan niya iyon sa harapan ng mga ito at ng Ate Amara niya. Ganoon na lang ang pagningning ng mga mata niya nang malaman niya na cellphone pala ang regalo ng mga ito sa kanya. "S-saan po kayo kumuha ng pambili nito?" Hindi man iyon ang model ng cellphone na gusto niya pero masaya na rin si Luna. Touchscreen kasi iyon at may camera pa. "Second hand lang iyan, anak," tugon ng tatay niya. "Ipinagbenta na kasi iyan ng kakilala ko sa murang halaga kaya binili na namin ng nanay mo. Para iyan sa pagkapanalo mo sa pageant!" "Talaga po?! Maraming salamat po! May cellphone na rin ako!" Masayang niyakap ni Luna ang mga magulang. Matapos niyang yakapin ang dalawa ay nakita niyang nakangiti sa kanya ang ate niya. Alam niya na masaya ito para sa kanya dahil dito siya palagi naglalabas ng hinaing. Alam nito kung gaano niya kagusto na magkaroon ng cellphone. "E, kay ate po? Anong regalo niyo sa kanya? First honor po siya, 'di ba?" Nagkatinginan ang nanay at tatay niya. "Ah, wala. Napunta na lahat ng ipon namin sa cellphone mo, Luna," sagot ng nanay niya. "Okay lang po!" Mabilis na singit ni Amara. Nakangiti ito. "Para na rin akong nakatanggap ng regalo nang makita kong masayang-masaya si Luna!" "Ang sweet naman talaga ng ate ko!" At binigyan niya rin ito ng isang mahigpit at puno ng pagmamahal na yakap. -----***----- HALOS ayaw nang matulog ni Luna ng gabing iyon. Abalang-abala kasi siya sa paggamit ng kanyang cellphone. Binilhan na rin pala iyon ng sim ng nanay niya at may load na rin. Nakakapag-internet na din siya kahit data lang. Nag-install na rin siya ng f******k app at Messenger. Agad niyang chinat sina Cheska at Violet at sinabi niyang may cellphone na siya. Hindi nagreply ang dalawa. Mukhang tulog na ang mga ito. Medyo nangangawit na ang kanyang kaliwang braso sa pagkakatagilid niya kaya naman pumihit naman siya sa kanyang kanan. Doon ay napansin niya na hindi pa pala natutulog si Amara. Sa liwanag ng poste ng ilaw sa labas na naglalagos sa bintanang nakabukas ay nakita niyang bukas pa ang mata ng kapatid at nakatitig sa kisame. Kinalabit niya ito. Nginitian niya ito nang tumingin ito sa kanya. "Bakit gising ka pa, ate?" tanong niya. "Hindi pa kasi ako inaantok..." "Ate, hindi ka ba nagtatampo kasi walang regalo sina nanay sa'yo?" "Bakit naman ako magtatampo? Iyong pagpapalaki at pagpapaaral nila sa akin, malaking bagay na iyon. Isa na iyong malaking regalo para sa akin." "Ang lalim naman, ate! Ang mabuti pa, mag-selfie na lang tayo!" aniya sabay bangon at upo. "Selfie?" "Oo!" Hinila niya ang kapatid at pinapwesto ito sa tabi niya. Ipinagdikit niya ang mukha nilang magkapatid at kumuha ng litrato. May flash naman ang front cam ng cellphone niya kaya kahit madilim ay makakakuha siya ng maayos na litrato. "Isa pa, ate! 'Yong nakangiti naman." "Sige..." At nag-picture ulit silang dalawa. "Iu-upload ko ito sa f******k ko. Ang ilalagay kong caption ay... Me and the best sister in th world!" sabi niya habang tinitingnan ang larawan nilang magkapatid. "Binobola mo na naman ako, Luna! Ang mabuti pa ay matulog na tayo at may pasok pa bukas." Natatawang turan ni Amara sa kanya. -----***----- "WOW! Totoo nga! May cellphone ka na!" ani Violet nang makita nito ang hawak niyang cellphone nang pumasok siya sa classroom nila. "Second hand lang pero okay pa..." Kinuha ni Cheska ang cellphone niya at tiningnan. "Oo nga. Parang bago pa... Ang ganda!" Ibinalik na nito iyon sa kanya. "Hindi ka na niyan manghihiram sa amin from now on." "Hindi na talaga!" aniya sabay tawa. -----***----- KATATAPOS lang ng hapunan nina Luna. Kasama niya si Amara sa kwarto nilang dalawa. Nakikinig lang sila ng music sa radyo. Isang linggo na lang ang natitirang araw at tapos na ang school year na iyon. Bakasyon na. Kaya naman hindi na nila kailangan pang mag-aral ng lessons bago matulog. Biglang tinugtog iyong sinayaw niya noong sumali siya sa pageant. Tumayo si Luna at sumayaw sa harap ng kanyang kapatid. Tinawanan naman siya ni Amara dahil para daw siyang baliw. "Ikaw kaya ang nagturo sa akin nito, ate!" Tawa niya. "Kapag sa mga international pageant na ako sumali, hindi na pwedeng t-shirt at skirt lang ang suot ko kapag nagsasayaw. Dapat sexy na!" Natigilan si Luna sa pagsasayaw. May naisip kasi siyang gawin. "Bakit ka tumigil sa pagsasayaw mo?" tanong ni Amara. "May naisip lang ako, ate. Sandali..." Nagmamadali na kinuha niya ang kanyang cellphone at ibinigay iyon sa kapatid. "Anong gagawin ko dito?" Nagtatakang tanong ni Amara. "I-video mo ako habang nagsasayaw tapos papanoorin ko kung magaling talaga ako." "Magaling ka naman talaga, e. Hindi na kailangan ng video." "Sige na, ate. Please... Matatapos na iyong tugtog kaya bilisan na natin." "Oo na! Oo na!" Natatawa na naiiling na itinutok na sa kanya ni Amara ang camera. Nang sumenyas si Amara na nagri-record na ito ay nag-umpisa na siyang sumayaw. Mas ginalingan niya dahil medyo maharot ang tugtog. Hanggang sa naisipan niyang hubarin ang suot na bestida at tanging panty at bra na lang ang natira niyang saplot. Nanlaki ang mga mata ni Amara pero sinenyasan niya itong magpatuloy sa pag-video sa kanya. Hinaplos-haplos niya ang kanyang sarili habang tila nang-aakit na nakatingin sa camera ng cellphone. Nang matapos ang tugtog ay itinigil na rin ng ate niya ang pag-video sa kanya. Malakas silang nagkatawanan na magkapatid. "Saan mo natutunan ang ganoong pagsasayaw, Luna? Hindi ako ang nagturo niyon sa'yo, a!" Natatawang tanong ni Amara. "Napapanood ko sa TV! Panood na ng video ko." Magkasama na pinanood nila ni Amara ang video niya. Aliw na aliw si Luna habang pinapanood niya ang kanyang sarili. Nakita niya na mahusay naman pala talaga siyang sumayaw. "Ngayon, alam ko na kung bakit ako nananalo sa mga beauty contest!" Biro niya matapos mapanood ang video. "Aba... Ang yabang naman. Oo na, magaling ka na sumayaw." "Siyempre, magaling yatang magturo ang ate ko!" aniya sabay yakap kay Amara. "Bolera! Matulog na nga tayo. Maaga pa tayo papasok bukas. May practice tayo para sa Recognition Day." "Tinatamad nga akong pumasok bukas. Practice lang naman, e." "Anong tinatamad? Hindi pwede. Isang linggo na lang naman ang ipapasok natin." "Oo na po. Good night, ate. I love you!" "I love you din, kapatid ko! Good night!" Magkayakap na natulog sina Luna at Amara. May ngiti sa labi ni Luna. Salat man sila sa buhay ay hindi niya iyon masyadong maramdaman dahil meron siyang mapagmahal na pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD