One

1199 Words
"How do I look?" tanong ni Devon habang inaayos ang kurbata. Dahan-dahan siyang humarap kay Wesley at sa asawa nitong si Alianna. "Great," nakangiting sagot ni Alianna. "Stupid," sagot naman ni Wesley. Malalim na napabuntong-hininga si Devon at muling tumingin sa salamin. Wesley scoffed, "More than ten years na kayong kasal. Paano pa iyon aatras? Siguradong tanggap na niya ang sinapit ng buhay niya." Natawa si Alianna at kahit si Devon ay napangiti. "Gusto ko lang naman na kiligin siya ulit. Baka nagsasawa na sa akin," wala sa sariling sabi ni Devon. Napailing na lang si Wesley. Bahagya naman itong siniko ng asawa. "Kanina pa raw nakaalis si Ate Julianne sa bahay sabi ni yaya Cora," sabat ni Alianna. "Baka parating na iyon." "Salamat," Devon smiled pero bakas pa rin ang kaba. He's a perfectionist kaya naman hindi siya papayag na masira ang big day niya.Maya-maya ay tumunog na ang cellphone ni Devon. Agad naman niyang sinagot iyon nang makita ang tumatawag. "She's here." Bago sagutin ang telepono ay nagpaalam na si Devon kay Alianna at Wesley. Napangiti si Devon nang sunduin si Julianne sa baba ng office building. Wala itong kamalay-malay sa surpresang inihanda niya. "Sorry, I'm late," apologetic na sabi nito. "I was trying to call Jude and Miggy pero hindi sila sumasagot. Umalis kasi nang walang paalam." "It's fine," ngumiti si Devon. "Baka sinamang mamasyal ni daddy." "Are you sure okay lang itong gown ko?" pinasadahan ni Julianne ng tingin ang suot na puting gown at bahagyang natawa. "Mukha akong ikakasal e." Natawa rin si Devon, "White naman ang motif." Napakunot-noo si Julianne pero hindi na nagtanong. It's a bit weird to have a white motif sa isang corporate event. "Siya nga pala, I'm planning an out of town trip para sa anniversary nat," hindi na nakatiis na sabi ni Julianne. "Please take a week off." Napatingin sa kanya si Devon, "I can't. I'm sorry. Medyo busy kasi ngayon e. Hayaan mo, we'll have a vacation kapag lumuwag ang schedule ko." Bahagyang nagtaka si Julianne pero hindi na siya nagtanong. Kahit masama ang loob na tila walang pakialam si Devon sa anniversary nila ay sinubukan niyang intindihin ito. Stressed lang siguro ang lalaki dahil sa lumalaki na rin ang pamilya nila at college na next year si Jude. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumanggi ang asawang magbakasyon sila. Ngumiti na si Julianne at sumunod kay Devon patungo sa function hall. Where a suprise is waiting for her. Hindi pa rin makapaniwala si Julianne sa inihandang renewal of wedding vows ni Devon. Kaya pala biglang nawala ang mga anak ay nauna na sa party. Imbitado rin ang malalapit nilang mga kaibigan. Tahimik siyang nakatingin sa langit habang pinapanood ang firework display. Naramdaman niya ang paglapit ng lalaki kaya napangiti siya. "Kailan tayo pupunta sa Batangas?" natatawang tanong ni Devon. "I thought busy ka." "Alam mo namang never akong naging busy pagdating sa'yo." Kahit nakaramdam ng kilig ay hindi siya nagpahalata, "Puro ka kalokohan. Hindi tuloy ako nakapaghanda ng regalo." "Hindi ko kailangan noon." Lalong napangiti si Julianne pero agad ding napawi iyon nang makita ang envelope na hawak ni Devon.  "What's that?" "It's my anniversary gift for you." Nagtatakang tinanggap iyon ni Julianne at dahan-dahang binuksan. It was a DNA result with several clippings and photos. Hindi makapaniwala si Julianne. "B-buhay si Julius?" Tumango si Devon, "I found him. Pina-DNA test ko na rin. Nag-match kayo." Umiiyak niyang nayakap si Devon. Hindi siya makapaniwalang magkikita pa sila ng nawawalang anak. She had no idea na pinahanap din ito ni Devon. "S-salamat, Devon. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon." "I want you to be happy, Julianne," seryosong sagot ni Devon. "Now, stop crying. Baka isipin nila pinaiyak kita." Natatawang pinahid ni Julianne ang luha. Bigla naman siyang kinabig ni Devon at walang babalang hinalikan. Napahinto sila sa ginagawa nang maramdamang may nanonood sa kanila. "Get a room," nakangising tudyo ng seventeen years old na si Jude, habang tinatakpan ang mata ng dalawang kapatid, ang kambal na si Miggy at Maggie. Mabilis na naghiwalay si Devon at Julianne. "I want to see, kuya," reklamo ni Miggy na pilit tinatanggal ang kamay ni Jude na nakatakip sa mga mata nito. Pinakawalan na ni Jude ang dalawa. "Tito Wesley is looking for you," natatawang sabi ni Jude.  "O-okay. Pupuntahan ko lang siya," kunwari'y inayos ni Devon ang kurbata. "I'll come with you. Hindi ko pa rin sila napapasalamatan," sabi naman ni Julianne na pulang-pula ang mukha sa pagkapahiya. Natawa na lang ang magkakapatid. "You should call Adam." Napatingin si Julianne kay Devon. Kasalukuyan silang nasa table nila Alianna at hinihintay si Wesley na nagpunta saglit sa restroom. "For what?" nagtatakang tanong ni Julianne. "About Julius. He has the right to know na nahanap na ang anak niyo." Saglit na natigilan si Julianne pero ngumiti rin pagkatapos, "I'll do it. Siguradong matutuwa iyon." Ngumiti rin si Devon. Sa tagal na panahong magkasama sila ni Julianne, naramdaman naman niyang siya na ang mahal nito. Pero kahit may kaunti pa rin siyang selos na nararamdaman tuwing nakakausap ni Julianne si Adam, sinusubukan niyang intindihin na parte ng buhay nila ang lalaki dahil daddy ito ni Jude. "Kailan ko siya pwedeng makita?" tanong ni Julianne. "Mabait ba siyang bata?" "Kailangan ko muna siyang makausap," sabi ni Devon. "Hindi natin siya pwedeng biglain dahil baka hindi siya maniwala." Tumango si Julianne at muling ngumiti. Hindi na nito nakita ang malalim na pagbuntong-hininga ni Devon. Naglakbay ang diwa ng lalaki four months ago. Noong unang beses niyang makausap si Julius. "Enjoy your meal," nakangiting sabi ng waitress na naghatid ng inorder nilang kape pero kay Devon ito nakatingin. "Salamat," tumango lang si Devon. Ngumisi lang si Marco. Noon niya pa napapansin ang makahulugang sulyap ng dalaga kay Devon. Ilang beses na rin sila tumambay sa coffee shop na iyon dahil malapit iyon sa tattoo parlor kung saan nag-tratrabaho si Julius. "Kailan mo ba siya kakausapin?" tanong ni Marco. "Halos dalawang buwan na tayong pabalik-balik dito." "Kumukuha lang ako ng tyempo. Mukhang mahihirapan akong kausapin siya. Halatang kulang sa pangaral ng magulang ang batang iyon," napapailing na sabi ni Devon.  Natawa si Marco, "Sa tingin mo sasama siya kay Julianne?" "Sana nga. Ayokong masaktan si Julianne kapag ayaw siyang kilalanin ni Julius," bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Devon. "Pero hindi na ako magtataka kung magalit siya. Tingin ko kailangan niya ng matinding anger management class. Mukhang siya pa magdadala ng kahihiyan kay Julianne sa klase ng ugali niya." "Mukha namang may pag-asa pa siyang magbago," lalong natawa ang kaibigan nang maalala na nakipagsuntukan si Julius sa isang tricycle boy kahapon. "Kailangan lang sigurong ipasok sa finishing school. Pero siguradong titino rin 'yan," patuloy ni Marco. "Mabait si Julianne. Ikaw nga napatino niya e." Natawa na rin si Devon. Napatingin sila sa labas nang marinig ang sigawan ng dalawang tao. Pumasok si Julius kasunod ang isang naka-unipormeng dalaga na galit na galit at hinihila ang manggas ng suot na t-shirt ng lalaki. "Sinabi ko ngang customer iyon, Nicole. Ano ba?" gigil na sabi nito bago marahas na tinanggal ang mga kamay ng babae na pumipigil sa braso nito. "Customer, Cruz? Customer pero nag-bar kayo kagabi?" "Inilibre nga ako. Tsaka itanong mo pa kay Andeng. Kasama ko siya kagabi." "Sigurado namang pagtatakpan ka ng kapatid mo e." Tuluyan nang umiyak si Nicole. "Tumigil ka na nga," tila walang pakialam ang lalaki at inis na naupo sa isang table. "Sawang-sawa na ako sa'yo." "Ako pa ang mali ngayon?" wala pa ring tigil ang babae at patuloy pa ring hinahampas si Cruz. Isang malakas na sampal ang nagpatigil kay Nicole. Hindi makapaniwala ang waitress sa nakita. Lalo na si Devon at Marco.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD