bc

Rush Hour

book_age18+
2.4K
FOLLOW
19.9K
READ
family
aloof
kickass heroine
drama
like
intro-logo
Blurb

A year after his girlfriend went missing, nagbakasyon si Rio sa probinsya kung saan ito nawala para patuloy na hanapin ang nobya. Doon niya nakilala si Iris, a gang member na malayong-malayo sa girlfriend niyang si Alianna. Unang beses niya pa lang itong nakita ay alam niyang hindi ito gagawa ng mabuti.

Ngunit nang maging target siya ng grupong kinabibilangan nito, he has no choice but to trust her to stay alive.

chap-preview
Free preview
One
Tahimik lang si Rio habang sakay ng SUV na pag-aari ng kanyang lolo. Nagpaunlak kasi ito na ito na ang maghahatid sa kanya sa Davao dahil medyo abala din ang mga magulang. Papunta sila sa malaking mansyon na pag-aari ng pamilya. Gusto kasi ng mga magulang niya na makapagbakasyon siya sa probinsya para makapag-unwind kahit saglit bago magpasukan. Dahil wala siya sa matinong pag-iisip ay nagpatianod na lang siya sa kagustuhan ng mga ito. Kahit pa alam niyang hindi rin makakatulong sa kanya ang paglayo. Habang-buhay na mananatili sa kanya ang mapait na nakaraan. Napapikit si Rio at napansin naman iyon ng kanyang lolo. Napailing na lang si Rodell sa ginawa ng apo. Kaya sinubukan niyang aliwin ito. Alam niyang hindi naman talaga ito inaantok. Siguradong naisip na naman nito ang nobya at napapikit dahil nasasaktan. "Huwag ka nang matulog, Rio. Malapit na tayo," Nakangiting saway ni Rodell kay Rio. Napatingin naman si Rio sa lolo pero maya-maya ay ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. "Siya nga pala, college ka na sa pasukan. Ano ba ang balak mong kuning kurso?" sinubukan niyang kunin ang atensyon ni Rio na nakatulala lang na namimintana. Nilingon ni Rio ang lolo at tipid na sumagot. "Business management po, Papa Rod." Nagtatakang napatingin si Rodell sa apo. "Business management? Akala ko ba doctor ang pangarap mo?" Hindi nakakibo agad si Rio. Iyon naman talaga ang gusto niya pero may plano sila noon ng girlfriend na kumuha ng business management para maging mag-kaklase sila. Kahit wala na ito, gusto niya pa ring ituloy ang planong iyon. May balak din kasi itong mag-aral ng law at kahit wala siyang interes sa law, ganoon na rin ang naging pangarap niya. "Si Dad naman po ang may gusto noon," pagsisinungaling ni Rio. Ang plano kasi ng daddy niya noon ay maging doctor pero hindi natuloy dahil na rin nag-asawa nang maaga at piniling tulungan ang mga magulang sa negosyo. "Isa pa gusto kong tulungan kayo sa negosyo at maging magaling na abogado." Naging seryoso ang ekspresyon ni Rodell. Hindi niya maiwasang maawa sa apo. Alam niyang pangarap nitong maging doctor simula bata, katulad din ng pangarap ng anak niyang si Lirio na daddy ni Rio. Naawa siya sa anak niya dahil hindi natupad ang pangarap nito dahil mas piniling tulungan siya sa negosyo kaya ipinangako niya na sa mga apo babawi. Hindi niya pipilitin ang kahit sinong apo na humawak ng negosyo. Hindi niya lang alam kung ano ang nagpabago sa isip ni Rio. Alam niyang wala naman itong interes sa negosyo nila. "Iyan ba talaga ang gusto mo?" hindi napigilang itanong ni Rodell. Napansin niyang nag-iwas ng tingin si Rio. "Rio..." "Sigurado po ako." Hindi na lang nagtanong pa si Rodell pero maya-maya ay hindi rin siya nakatiis. "Bakit naman bigla mong naisip maging abogado?" naitanong ni Rodell. Hindi agad nakasagot si Rio. "Dahil ba kay Alianna?" Lalong natahimik si Rio. Alam niyang tututol ang mga ito na kumuha siya ng kursong hindi niya gusto pero mahalaga sa kanya ang mga pangarap nila ni Alianna. Galing kasi sa pamilya ng mga abogado si Alianna. May sariling law firm ang lolo nito at kasalukuyang judge ng isang lalawigan. "Hindi po," mas pinili niyang magsinungaling. "Pangarap ko rin po iyon pero tama kayo, Papa, Alianna wanted to be a lawyer too. And we promised each other na sabay naming aabutin ang pangarap na iyon." "But she's no longer..." "I don't care," bahagyang tumaas ang boses ni Rio pero agad siyang humingi ng tawad sa lolo. "I'm sorry po. Sana maintindihan niyo na kahit wala na si Alianna, lahat ng pinangarap namin, mahalaga para sa akin at aabutin ko iyon kahit ako na lang mag-isa." Tumango na lang si Rodell at bahagyang ngumiti. Pero deep inside, naaawa siya sa apo. Ayaw niyang maging ganito si Rio habangbuhay. Napakabata pa nito para lunurin ang sarili sa kalungkutan. Sa wakas ay nakarating din sila. Hinihintay na siya ng kanyang lola. Kasalukyan kasing nasa Davao ang dalawa para asikasuhin ang mga negosyo doon. Bumalik lang ng maynila ang kanyang lolo para sunduin siya nang pakiusapan ng kanyang ama. "Rio, iho." Agad siyang niyakap ng kanyang lola Ruth. "Lalo ka yatang gumagwapo." "Saan pa ba magmamana iyan kung hindi sa lolo," biro ni Rodell. Natawa na lang si Ruth pero napatigil iyon nang mapansing matamlay si Rio kaya inaya niya na ang mga ito sa loob. "Halina kayo sa loob," masayang sabi ni Ruth. "Nagpaluto ako ng kare-kare dahil alam kong pagod kayo sa byahe." Sumunod naman ang dalawa. Kahit pilit ay bahagyang ngumiti si Rio. Ayaw niya namang sirain ang mood ng lolo't-lola. Malungkot na naglalakad si Rio sa loob ng hacienda. Hindi niya alam kung saan ba siya patungo at tila wala sa sariling nililibot ang napakalaking hacienda na pag-aari ng kanyang lolo. Sana lang kasama niya si Alianna nung mga oras na iyon. Siguradong matutuwa ito sa mga bulaklak at halaman. Natigilan siya sa nang maramdaman ang mahihinang patak ng ulan. Ano ba naman 'yan? Summer na summer umuulan. Ayaw na ayaw pa naman niya ng ulan. Pati ba naman panahon, nakikidalamhati? Muli tuloy nanumbalik sa kanya ang nakaraan. Bakasyon noon kaya napagkasunduan ng daddy niya na sumamang magbakasyon ang pamilya nila sa pamilya ng matalik nitong kaibigan na si Adrian. They've been friends since childhood kaya naman madalas silang mag family outing kasama ito. Masayang-masaya ang eleven years old na si Rio dahil matagal niya ring hindi nakita ang mga kalaro niya. Si Andrew na pangatlong anak ni Adrian at ng kanyang tita Mariel ay bestfriend niya. Sa ibang school kasi nag-aaral ang mga ito kaya hindi sila madalas magkita. Pero magkasama naman sila ni Andrew sa taekwondo class. "Rio!" narinig niyang tawag ni Andrew na bumaba sa sasakyan ng mga ito. Mula sa sasakyan ay bumaba rin ang dalawang kuya ng kaibigan na sina AJ at Adriell. Masayang nagbatian ang dalawang pamilya. Malapit rin kasing magkaibigan ang mommy Jessica niya at ang kanyang Tita Mariel. Hindi maintindihan ni Rio kung bakit ganoon na lang ang kaba niya nang mapatingin sa batang babaeng naka lavender na bestida. Kilala niya ang bunsong kapatid ni Andrew at naging magkalaro rin sila nung mga bata. Nagbiro nga siya dati na pakakasalan niya ito. Sa kanya rin ito madalas magsumbong kapag inaaway ng mga kuya at ng nakababatang kapatid niyang si Jessa. Ang alam niya, magkasing edad sila nito. Hindi sinasadyang napatingin rin sa kanya si Alianna at saglit na nagtama ang mga mata nila. Bahagya itong ngumiti pero dahil sa kaba ay nag-iwas lang siya ng tingin. Masayang nag-swiswimming ang lahat nang kinailangang magpunta ni Rio sa c.r. Nagulat siya nang pagbalik niya ay makita niyang nakaupo si Alianna sa bahay-kubo mag-isa at nakatanaw sa malayo. Ngumiti ito nang mapansin siya at sumenyas para lumapit siya. Nahihiyang lumapit si Rio sa kinauupuan ni Alianna. "Rio, kumusta? Hindi mo na ako pinapansin ngayon ha," tila nagtatampong sabi ni Alianna. "I'm fine." Hindi alam ni Rio kung ano ang sasabihin. "Ikaw?" "Okay lang 'din." nagkibit-balikat si Alianna. "Saan ka nga pala mag-aaral sa highschool? 'Di ba last year mo na sa elementary?" Umupo si Rio sa tabi ni Alianna para maayos silang makapag-usap. "Sa Northwood pa rin. Nakakasawa na nga e. Gusto ko ngang magpalipat sa school niyo nila Andrew. Alam mo na, para lagi kaming magkikita ni Andrew. Natawa si Alianna at hindi maiwasan ni Riong mapangiti. Cute kasi si Alianna kapag tumatawa. "E sa school niyo na rin mag-aaral si Kuya sa pasukan." pagbabalita ni Alianna. "Talaga?" bakas ang katuwaan ni Rio sa natanggap na balita. Tumango si Alianna. "Nakakainis nga. Gusto ko rin mag-transfer sa school mo kaya lang sabi ni mama sa highschool na lang daw." "Bakit naman gusto mong lumipat sa school namin?" interesadong tanong ni Rio. "Basta." pilyang sagot ni Alianna. Natawa na lang si Rio sa sagot nito. "Pwede ka namang lumipat kapag graduate mo ng elementary." "Oo nga. Magpapalipat talaga ako." Napangiti na lang si Rio. Excited na tuloy siyang grumaduate dahil sa isiping baka maging classmate niya pa si Alianna. Kinahapunan ay nagpasya ang mga magulang nila na umuwi na. Bahagyang nalungkot si Rio dahil alam niyang matatagalan pa bago ulit sila magkita ni Alianna. Nahihiya rin naman siyang pumunta sa bahay ng mga ito kahit pa close siya sa mga magulang ng babae. Madalas ay sa bahay, school, gym at simbahan lang siya nagpupunta. Papasok na sana sa loob ng family van si Rio nang tawagin siya ni Alianna. "Rio!" Napalingon si Rio at lumapit sa kanya si Alianna. "Para sa'yo." Nahihiyang inabot sa kanya ni Alianna ang isang kwintas na may pendant na orasan. "Sa'kin?" gulat na tanong ni Rio. Pero hindi niya maiwasang kiligin. Namumulang tumango si Alianna. "Baka kasi matagal pa uli tayong magkikita." Hindi makapaniwalang tinanggap iyon ni Rio at saglit na tiningnan ang kwintas. "Salamat ha. Huwag kang mag-alala, aayain ko si Andrew na isama ako lagi sa bahay niyo para... para may kalaro ka." Lalong namula si Alianna. Nahihiya tuloy si Rio dahil nasa alanganing edad na sila para maglaro. "Rio, add mo ako sa facebook." maya-maya ay sabi ni Alianna. "Wala akong f******k e. Pero huwag kang mag-alala, gagawa ako ng account." "Friendster meron ka?" tanong ulit ni Alianna. "Oo, meron." "Sige, add kita." masaya nang nagpaalam si Alianna at pumasok sa sasakyan ng mga ito. Muling tiningnan ni Rio ang kwintas at napangiti. Alam niyang may gusto siya kay Alianna at nararamdaman din niyang gusto siya nito. Masayang-masaya si Rio nang makatanggap ng friend request mula kay Alianna sa Friendster account. I-aadd niya sana ito nang makitang naunahan na siya. Simula noon ay madalas na silang magkakwentuhan. Kahit pa magkaiba sila ng school ay naging close sila. Minsan ay tinuturuan niya ito sa assignment at kapag exam ay pumupunta siya sa bahay ng mga ito para mag-review. Syempre, kunyari si Andrew ang pinupuntahan niya. Hanggang sa makagraduate na sila sa elementary. Pareho silang valedictorian ni Alianna sa kani-kanilang school kaya naman masayang-masaya silang pareho. Bakasyon ulit noon at nangako siyang pupunta sa bahay ng mga ito para mag-swimming. Pero umulan kaya hindi siya nakapunta. Sa telepono lang sila nagkausap ni Alianna. "Nakakainis naman. Bakit kasi umulan pa?" tila maiiyak na reklamo ni Alianna. "Summer na summer, umuulan." "Oo nga e." malungkot din si Rio. Hindi na naman sila magkikita ni Alianna."Hayaan mo, may next time pa naman." Matagal pa silang nagkwentuhan habang maririnig ang malakas na buhos ng ulan. Maya-maya ay nagpaalam na si Alianna na kakain na raw ng tanghalian ang mga ito. Pero bago umalis ay may sinabi pa ang babae. "I left a message sa friendster. Sana mabasa mo." "Sige, babasahin ko. Huwag ka nang malungkot ha. Malapit na rin ang pasukan. Magkita na lang tayo sa enrollment. Sana magkaklase tayo." paalam ni Rio. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita ang mensahe ng dalagita. Hi, Rio. Hindi ko dapat sasabihin ito ngayon e pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Natatakot kasi ako na maraming magagandang babae ang magkagusto sa'yo. You know, matagal na kitang crush. Mga bata pa tayo, crush na kita. Kaya nga gusto kong lumipat sa school niyo. Sana huwag mo akong layuan kapag nalaman mo ito. Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Rio nang may sumilong na dalagita sa waiting shed kung saan siya naghihintay na tumila ang ulan. Dahil sa inis ay napasimangot si Rio. Kung kailan masaya niyang inaalala ang mga memories nila ni Alianna ay tsaka naman nang-istorbo ang babae. Nagulat din ito nang makita siya pero tila balewalang nilaro ang tubig na nagmumula sa bubong ng waiting shed. Basang-basa ang babae at bakat sa suot nitong puting bestida ang dark red nitong brassiere. Namumulang nag-iwas ng tingin si Rio. Tila nananadya naman ang pagkakataon dahil lalong lumakas ang ulan at may kidlat pang kasama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Just Another Bitch in Love

read
28.7K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

My Husband's Mistress

read
298.2K
bc

Stubborn Love

read
99.0K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
538.1K
bc

Contract - Tagalog

read
755.0K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook