Chapter 2 – Seducing Her Tito

1000 Words
Kinabukasan ay nagising si Steph dahil sa mahihinang katok sa pinto ng kwarto niya. Pupungas-pungas na bumangon siya at tinungo ang pinto. “Dad.” pormal niyang bati rito. Sa sobrang dalang nitong umuwi sa bahay nila ay parang mag-housemates na lang sila nito. “Belated happy birthday Steph. Sorry kung hindi ako umabot kagabi. I was so busy. Here, para hindi ka na magtampo.” Nagbeso sa kanya ang Daddy niya pagkatapos ay nakangiting iniabot sa kanya ang isang medyo maliit na box. Ganoon naman lagi ang daddy niya pag hindi ito nakakarating sa espesyal na okasyon sa buhay niya. Pakiramdam niya ay sinusuhulan na lang siya nito ng mga gamit para hindi siya magalit dito. Mabait naman ang daddy niya, yon nga lang, palagi itong walang oras sa kanya. At madalas ay idinadaan na lang nito sa pagreregalo sa kanya ang mga pagkukulang nito sa kanya bilang ama. Hind niya alam kung may girlfriend ba ito o busy lang talaga ito sa negosgo. Hindi naman kasi ito nagkukwento sa kanya at wala ring sinasabi sa kanya ang Tito niya. Ayaw rin naman niyang magtanong dahil ewan ba niya, hindi na siya interesadong malaman ang mga pinagkakaabalahan ng Daddy niya. “Thanks, Dad.” Napipilitan niyang tinanggap ang regalo nito na alam niyang kung hindi kwintas ay bracelet na naman. Kung hindi bag o sapatos ay alahas. Paulit-ulit lang. “Pa’no, I have to go. Bumaba ka na para magbreakfast dahil nagluluto na ang Tito mo.” Humalik muna ulit ito sa pisngi niya bago ito nagmamadaling bumaba. Napailing na lang siya at malungkot na napangiti. Pareho namang may negosyo ang Tito at Daddy niya pero lagi pa ring may oras para sa kanya ang Tito Zeke niya hindi gaya ng Daddy niya. Sa isiping iyon ay agad niyang isinara ang pinto ng kwarto niya at inayos ang hinigaan niya. Mabuti na lang at mamayang tanghali pa ang pasok niya ngayon kaya may oras pa siyang landiin ang Tito niya. Napahagikgik na lang siya habang nagsusuklay. Naghilamos lang muna siya at nagtoothbrush pagkatapos ay inalis niya ng tuluyan ang bra niya at sando na lang ang isinuot niya. Tiyak na mapapansin ng Tito Zeke niya na wala siyang suot na bra at pag paulit-ulit nitong nakitang hindi siya nagba-bra ay maaakit na ito sa kanya. Pagnanasaan nito ang katawan niya hanggang sa ito na mismo ang lalapit sa kanya. Pagbaba niya sa kusina ay nadatnan niya itong nag-iinit ng ilang tirang pagkain kagabi. May nakahanda na ring kanin at usual na breakfast nila sa table gaya ng hotdog at egg. Napasulyap sa kanya ang Tito niya nang maramdaman nitong papalapit siya. “Oh, bakit hindi ka pa naliligo at nagbibihis? Wala ka bang pasok?” tanong nito. Mukhang hindi pa nito napapansin na wala siyang suot na bra dahil saglit lang itong sumulyap sa kanya. “Mamaya pa po ang pasok ko, Tito, mamaya na lang po ako maliligo.” Aniya sabay yakap dito mula sa likod at sinadya niyang idiin ang dibdib niya sa likod nito. Siguradong damang-dama na ng Tito niya ang dibdib niya dahil bahagya niya pa iyong ikiniskis padiin sa likod nito. “Good morning….” At malambing niya itong binati. Natigilan ito saglit. Pero maya-maya pa ay marahan itong tumawa. “May kailangan ka ba? Bakit panay lambing ka sa akin, hmmm?” nagdududa nitong tanong. Naku kung alam lang nito kung ano ang kailangan niya. Pero siguradong hindi pa nito iyon maibibigay sa ngayon kaya secret lang muna. “Wala naman po, Tito. Thankful lang ako sa’yo.” sabi na lang niya. Saktong tapos na ito sa ginagawa kaya lumayo na siya sa likod nito. Nagtimpla na lang siya ng dalawang kape para sa kanilang dalawa at hinintay itong maupo sa tapat niya. Habang nagtitimpla pa siya ng kape ay napansin niyang napatingin sa kanya ang Tito Zeke niya at natigilan ito. Success! Napansin na nitong wala siyang suot na bra. Tumikhim ito at nakita niya itong umiling bago umupo sa tapat niya. “Tito, oh. Masarap yan.” Matamis siyang ngumiti sabay abot ng mug rito. Dumukwang pa siya saglit para ipasilip dito ang puno ng dibdib niya. Napatingin naman doon ang Tito niya at nakita niyang nagulat ito. Kunwari ay wala lang na pumuwesto na rin siya sa tapat nito at nagsimula na siyang kumain. “Sweetheart, mamaya pala baka late na akong makauwi kasi may lakad kami ng Tita mo.” Agad siyang napaangat ng tingin dito. Tita? Hindi niya kailanman magiging Tita ang girlfriend nito! Sisiguraduhin niyang sa kanya mapupunta ang Tito niya at hindi doon sa maarteng Lydia na iyon! “Magdi-date kayo?” hindi niya napigilang umasim ang mukha. Alam naman nito na ayaw niya sa babaeng iyon para dito, ang hindi lang nito alam ay sarili niya mismo ang gusto niya para rito. “Yes, baby… Alam mo naman, minsan na lang din kami lumabas ng Tita mo.” “Hmmp. Bakit ba kasi nagustuhan mo siya? Ang arte-arte naman niya!” maktol niya. Natawa na lang ito sa kanya. “Sweetheart, gusto ko rin namang magkaroon ng sariling pamilya. Tingnan mo, dalaga ka na. Samantalang ako, wala pang asawa’t anak.” Dalaga na talaga siya kaya pwede na rin silang gumawa ng anak! Pero kailangan muna yata niyang idispatsa—hindi naman sa papatayin niya pero kailangan niyang paghiwalayin ang Tito niya at ang Lydia na iyon. Tumayo siya at nagdrama palapit sa tito niya. “Tito…. Paano na ako?” Tumayo naman ito at niyakap siya pagkatapos ay hinaplos pa ang buhok niya at hinalikan. Kaya niya.. Alam niyang magagawa niyang paghiwalayin ito at si Lydia. Nararamdaman niyang mas matimbang siya sa puso ng Tito niya kaysa sa babaeng iyon. “You’re still my baby. And it will never change.” Lalo naman siyang yumakap dito at sinigurado niyang didiin sa katawan nito ang dibdib niya. Kung ngayon ay nababalewala at napapalampas pa nito ang pang-aakit niya, sisiguraduhin niyang sa susunod ay hindi na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD