CHAPTER 1

1049 Words
"Tao po! Tao po!" Kasabay ng pagtawag ay ang sunod-sunod na pagkatok kaya kahit na masama ang pakiramdam ay pinilit na bumangon ni Laura mula sa pagkakahiga. "Sandali lang po." Hindi niya alam kung sino ang nasa labas dahil hindi pamilyar sa kanya ang boses. Kahit na nahihirapan sa paglalakad dahil sa nararamdamang hilo ay dahan-dahan siyang naglakad papunta sa tarangkahan. Ang dingding at ang mga upuan ang naging gabay niya sa paglalakad. Gumawa ng tunog ang pinto na kawayan nang buksan niya ito. Nabigla siya nang mapagsino ang nabuksan. "A-ano po'ng k-kailangan niyo?" Nauutal siya dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Sino ba naman kasi ang hindi mauutal kung ang lalaking dayo ang nasa harapan niya? O dapat pa bang tawagin itong dayo gayong halos mag-iisang taon na ito sa maliit nilang barangay. "Ayos ka lang ba? Namumutla ka, ah." Wala sa sariling kinapa ni Laura ang mukha niya dahil sa sinabi ng lalaki. "A-ayos lang po ako. Ano po ang ipinunta niyo rito?" Nahihirapan man siyang pigilan ang lakas ng t***k ng puso niya ay minabuti ni Laura na ayusin ang pagsasalita upang hindi magmukhang tanga sa kaharap. "Pinapunta ako rito ni Ka Siding." Tukoy nito sa tiyahin niyang naging guardian niya na magmula nang mamatay ang mga magulang niya. "Bakit daw po?" "Sigurado ka bang ayos ka lang, Miss?" Imbes na sagutin ang tanong niya ay nagtanong tuloy ito sa kanya. Marahil ay hindi talaga maganda ang hitsura niya dahil sa mataas na lagnat. Sumandal ang dalaga sa hamba ng pinto nang makaramdam siya ng hilo. Nasusuka siya na tila ba hinahalukay ang sikmura niya. Si Aaron naman ay agad na kumilos ang katawan upang alalayan ang dalaga. Hinawakan niya ito sa balikat at kinapa ang noo. Halos mapaso siya dahil nag-aapoy ito sa lagnat. "Masyadong mataas ang lagnat mo, Miss. Uminom ka na ba ng gamot?" Umiling lang sa kanya ang dalaga bilang sagot kaya naman... "Aalalayan kita para makapasok ka sa loob, okay lang ba? Mahirap kasing nandito ka sa labas dahil baka lumala ang sakit mo lalo pa at mahangin." "O-okay lang ako." Aminado ang binata kung bakit malamig makitungo sa kanya ang dalaga kaya 'di niya ito masisisi. Kilalang masama ang ugali ng tiyahin nito at pupusta siyang kahit sa dalagang kaharap na mismong kadugo ay pinapakitaan ito ng masama. Kahit tumutol ang dalaga sa sinabing aalalayan niya ito ay hindi pa rin nag-atubili si Aaron at walang babalang binuhat ang dalaga. Nang maramdaman ni Aaron ang malambot na balat ni Laura ay napatunayan niya nga na tama ang hinala niya. Sobrang init nga ng buong katawan niton! "P-put me d-down, please..." pakiusap ng dalaga sa binata. She didn't expect him na bubuhatin siya nito sa loob kaya nabigla siya. Mabuti na nga lang at maliit lang ang bahay na tinitirahan niya kaya naman ay nailapag siya agad ng lalaki. "Kumain ka na ba?" Kung bakit pinapakitaan siya nito ng pagmamalasakit ay hindi niya alam. Ang tanging alam lang ng dalaga ay gusto niya ang ginagawa nito sa kanya. Tila may mainit na kamay na humaplos sa puso niya dahil lang sa simpleng pagtatanong ng binata. "Hindi pa," sagot ng dalaga. "Ano pala ang kailangan mo?" "Pinapasundo ka ng tiyahin mo para maghatid ng pagkain at tubig sa palayan pero sa kalagayan mo ngayon ay duda akong kaya mo." Dahil sa sinabi ng binata ay tila ba nawala ang mga nagliliparang alitaptap sa paligid. This is her reality kaya dapat lang na magising siya. Sinubukan niyang tumayo pero natumba lang uli siya. "Sabihin mo kay Tiya Siding na magluluto lang ako. Makakaalis ka na," malumanay na wika niya rito para hindi niya ito ma-offend "'Wag mong pilitin kung 'di mo kaya—" Nagsalita siya para matigil ito sa pagsasalita. "Okay lang ako. Kaya ko ang sarili ko." Ngumiti siya. "Salamat sa pag-aalala." "Sadya ba talagang matitigas ang ulo ng mga kadalagahan dito sa probinsya?" Kung nagbibiro ito ay 'di niya alam pero nakangiti ito sa kanya kaya nakita niya kung gaano kaputi ang mga ngipin nito. "O baka ikaw lang ang matigas ang ulo?" dagdag pa nito sa unang sinabi. "Sa tingin mo?" "Ha?" "Wala. Sige na. Mas mabuting umalis ka na dahil baka pagalitan ka ng tiyahin ko." Narinig ng dalaga ang pagpapakawala nito ng malalim na paghinga pero hindi na 'to nagsalita at umalis na lang. Mula nang mamatay ang mga magulang niya ay ito ang kauna-unahang may nagpakita sa kanya ng pag-aalala kaya ibang saya ang hatid ng binata sa kanya lalo pa... Lalo pa at may crush siya rito. Inabot ng mahigit isang oras ang pagluluto ni Laura lalo pa at kahoy lang ang gamit niya sa pagluluto. Nahihirapan siyang mag-ihip dahil tila ba luluwa ang mga mata niya sa sakit ng ulo kaya pasado ala-una na nang makapunta siya sa palayan. "Aba't ang magaling kong pamangkin! Bakit ngayon ka lang, ha?!" galit na sigaw ng tiyahin niya sa kanya. Wala itong pakialam kahit pa napapahiya siya sa harapan ng mga trabahante nito sa palayan. "Pasensya na po, Tiya Siding, dahil may sakit ako—" Bago pa man natapos ng dalaga ang pagpapaliwanag ay hinampas na siya ng tiyahin sa braso. "Kahit kailan talaga ay wala kang gagawing matinong bata ka! Pasalamat ka at pinapakain at pinapag-aral pa kita!" Kinuha nito sa kanya ang dalang bayong na may lamang pagkain. "Baka naman nakipaglandian ka pa, Laura?" "Ha? Hindi totoo iyan, Juliana," depensa niya sa sarili. Pinsan niya ito at halos kaedaran lang. Ang totoo ay matanda siya rito ng tatlong buwan pero kung umasta ito ay tila ba mas matanda ito sa kanya. "Tumigil ka nga riyan, Juliana!" saway ng Kuya Trevor nila. Kapatid ito ni Juliana at pinsan niya. "Ikaw nga itong walang ginagawa at nagpapakasarap." Lumapit sa kanya ang pinsang lalaki at dinama ang leeg niya. "Umuwi ka na at uminom ng gamot, Laura. Pupuntahan kita mamaya sa bahay mo." "S-sige po." Laking pasalamat niya dahil makakaiwas siya sa kahihiyan na dulot ng tiyahin niya at pinsan. Hindi man lang kasi nagdalawang-isip ang matanda na pagalitan siya sa gitna ng mga trabahador nila sa palayan. Nagpaalam na muna siya sa tiyahin niya bago siya tuluyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD