bc

The 2nd Girl

book_age16+
6
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
self-improved
popstar
comedy
bxg
humorous
heavy
campus
highschool
school
like
intro-logo
Blurb

Normal kung sa normal ang buhay nila Alyssa at Steven.

Hindi sila kayamanan, hindi rin naman kahirapan. Salamat sa amang nakapag-abroad bilang seaman, naging stable ang buhay ng kanilang pamilya. Masasabi ding napakamundane ng kanilang pamumuhay.

Typical middle-class Filipino family ika nga.

Pero lahat ay nagbago ng pinatawag sila ng kanilang butihin tiyuhin para sabihan na papag-aralin na silang dalawa sa Versalia University, ang pinaka prestigious school sa buong Pilipinas at isa sa mga kinikilala sa mundo.

Napakamahal ng tuition doon at imposible ma-afford ng kanilang mga magulang ang expenses kung isa lang sa kanilang magkapatid ang magbabalak pumasok doon. Subalit dahil sa kagandahang loob ng kanilang pulitikong tito, nagawan sila ng paraan para makapag-enroll doon ng hindi nagiging pabigat sa parents nila.

Hindi naging madali ang buhay nilang magkapatid doon. Bagama't mas nababagay sila sa Almorica Faction, ang pinakamababang class ng walong grupo ng mga factions, ay sa Zymeth Faction sila napunta.

Ang second to the highest-ranking faction ng Versalia University where the children of politicians and celebrities belong to at dahil pulitiko ang Tito Boy nila, doon sila napunta gaya ng mga pinsan nilang nauna sa kanila.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Kakain na!” tawag ni Mama sa amin.   “Opo, nandyan na!” mabilis kong sagot bago ko binitawan ang hawak kong cell phone at tinanggal ang suot kong head phones.   Bumangon na ako sa aking kinahihigaan at binuksan ang pinto ng kwarto. Pagkalabas ko ay kinatok ko ang pintuan ng kwarto ni kuya, “Kakain na daw kuya,” tawag ko sa kapatid kong nakahiga siguro ngayon sa kama at nagPapaantok o tulog.   “Sige,” biglang sagot niya habang pababa na ako ng hagdanan at bumukas na din ang pinto ng kwarto niya at lumabas ang isang lalaking almost six feet na ata or less, magulo ang kulot na buhok, malalim ang mata at sobrang payat.   Sumunod na siya pababa ng hagdan sa akin at dumeretso na kami sa dining table kung saan nakaupo si Mama at Papa.   Nakain na silang dalawa at nakahain na ang aming kakaining ulam.   Nagkanya-kanya na kaming sandok ng kanin bago umupo sa harap nilang dalawa at nagsimula ng kumain.   Simple lang ang buhay namin. Seaman si Papa, dating singer sa Japan si Mama na ngayon ay plain housewife na lang.   Nakapagpundar kami ng simpleng bahay na may maliit na swimming pool sa isang village malapit sa city proper ng Lucena City. Pa first year high school na ako samantalang graduating na ng high school si kuya ngayong dadating na school year.   Almost three weeks na lang pasukan na. Syempre excited na akong makatungtong sa high school samantalang parang bored na si kuyang pumasok. Siguro normal feeling graduating. Kung kelan patapos na tyaka medyo nawawalan ng gana.   “Bilisan ninyo ang kain at pinapapunta kayo ng Tito ninyo sa Sariaya. May sasabihin sa inyong dalawa,” sabi ni Papa sa amin ni kuya.   “Ano daw yun Papa?” tanong ni kuya.   Nagkibit-balikat lang si Papa at tumingin kay Mama na nagsabing, “Bilisan ninyo na lang dyang dalawa ng malaman ninyo agad. Alam ninyo namang busy ang Tito ninyo sa trabaho.”   Tumango na lang kaming magkapatid at tinuloy na ang pagkain namin ng tahimik habang pakiramdam ko ay nakatitig sa aming dalawa sila Mama at Papa. -0- “Kamusta naman kayong magkapatid?” nakangiting tanong ni Tito sa amin.   Kapatid ni Papa si Tito at magkamukha sila. Magkaiba lang ng body figure. Mataba si Tito habang payat naman si Papa.   Nagtatrabaho siya sa government at isa sa may mataas na katungkulan doon. Pag nagigipit kami sa pera, tinutulungan nya kami no questions asked no strings attached. Once in a while ay pinapadalhan niya kami ng perang pang gastos at pag pasko ay nagreregalo lagi siya. Mabait at matulungin.   Iyan ang pagkakakilala namin kay Tito.   “Ayos lang naman po,” sagot ni kuya.   Mahiyain ako. Hirap akong umimik sa iba kahit kamag-anak ko pa. Hindi ko alam kung bakit kaya si kuya na lang ang spokesperson ko pag sa ganitong pagkakataon. Nakikinig na lang ako.   “That’s good,” nakangiting sabi niya at inayos niya ang upo niya sa kanyang swivel chair, “Alam ninyo bang magkapatid ang Versalia University?”   Tumango kaming dalawa at sumagot si kuya.   “Diba doon po pumasok sila ate at kuya?” he is referring sa tatlo naming pinsan na anak ni Tito na doon nag-aral at nagtapos.   “Yes,” sagot ni Tito, “Well, kailangan ko ng bumalik sa Manila soon kaya hindi na ako magpapaligoyligoy pa. May bahay ako doon na hindi na ginagamit sa isa sa mga villages nila. Yung ginamit ng mga ate at kuya ninyo while they are studying there. Sayang naman kung walang makikinabang diba? Sinabi ko sa Mama at Papa ninyo na ipapadala ko kayong dalawa sa Versalia this coming school year.”   “Po?!” sabay naming nasambit ni kuya.    Nagkatinginan kami ng kapatid ko at hindi kami makapaniwala.   We all know what is Versalia University.   Well, kahit ang isang five years old ay masasabi sa iyo kung ano ang Versalia at ang nagiisang school doon na Versalia University.   Isang isla sa Spratly Islands a few miles away from Palawan. Isang Semi-Autonomous na isla kung saan hub ng advance technology at trending fashion. Isa ding isla na patok sa mga turista especially sa mga mayayaman because it’s really made to cater the higher end members of the society. Magagarang hotels, diving spots, nature hiking paths, beautiful beaches, casino at kung ano-ano pang amusement facilities.   Well, meron din namang “economy class”. Pero let’s just say na parang simpleng tour lang at picturan ang magagawa mo pag wala ka talagang pera dahil x100 ang bilihin doon. Compare the price of a simple shampoo you can buy in the mall near you to the price of the shampoo you can buy at the mall in Versalia at baka himatayin ka.   Alam naming magkapatid kung ano ang kalakaran doon dahil may pinsan kami na nag-work sa isang restaurant doon dati at yung mga anak nga ni Tito na nagkwekwento sa aming dalawa.   But never mind that, kami? Pupunta sa Versalia Island? Not as a tourist, pero as students?!   Napailing si kuya at napangiwi. Akala niya siguro ay nagbibiro si Tito. Well kahit ako.   From what we heard, ang one year school tuition ng Almorica, ang pinakamurang faction sa V.U ay halos one year na sweldo na ni Papa or more. Pwera pa ang out-of-school na gastusin kung gusto mong ma-enjoy ang stay mo doon dahil WHOLE YEAR kang titira sa isla.   It also means malalayo kami sa pamilya namin, mamumuhay ng solo. Considering the fact na hindi tiyak kami kukuha ng katulong dahil alam ni Tito na tinuruan kaming mag-function na kaming dalawa lang na wala si Mama sa bahay.   Pero napatawa lang si kuya. Kahit ako napangisi na din. If it’s too good to be true, it’s a joke right?   Mukha naman na-offend si Tito.   “I’m not joking you two,” impatient na sabi niya at tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pumunta harap namin, “Sinabi ko na sa Mama at Papa ninyo ang balak ko at pumayag sila on the condition na dapat gusto ninyo din. Walang pilitan, pero let me tell you. Ang daming mga bata na gustong makapag-aral sa Versalia University. It’s also perfect for you two. Makakapagsimula kayo ng bagong buhay. Ikaw Alyssa as a freshman while you Steve as a graduating fourth year high school. Deretso ka na sa college,” paliwanag nya sa amin.   Iimik sana si kuya pero naunahan siya ni Tito.   “Kung iniisip ninyo ang bayarin then no need. I will shoulder your expenses. The only thing I ask in return is that you get passing grades. Kahit pa seventy five yan I don’t care as long as pumasa kayo. Also about your allowance, I will only give you what I think is enough for your daily needs. Kung may gusto kayong bilhin, I suggest na mag-ipon kayo.”   Speechless kami ni kuya. Totoo ba talaga ito?   “So, ok na?” tumingin siya sa wall clock at tinawag na ang kanyang assistant, “Kailangan ko ng umalis at baka matraffic ako pa Manila. Gusto ninyo ba o gusto?” nakangiting tanong niya na kapareho lang ng ngiti ni Papa.   Nagkatingan kami ni kuya. Halos nababasa ko na ang nasa utak niya.   Parang dinuraan natin sa mukha si Tito pag tumanggi tayo. Walang utang na loob at tumatanggi sa grasya. Besides hindi lahat ng tulad natin na hamak na middle class lang ang makakapag-aral doon. Grab the opportunity.   “Gusto po,” sabay naming sagot sa kanya.   “Good, that’s good,” niyakap nya kaming dalawa at bago umalis ay inabutan kami ng tig one thousand, “Oh ayan pang meryenda. Mag empake na kayo ha? Ihahabol ko kayo sa last batch ng tour.”   Iyon lang mabilis syang lumabas ng office niya sa bahay.   Nagkatinginan kami ni kuya at pareho kaming napangiwi.   “Ano daw kuya?” natatawa kong tanong sabay hagalpak kami ng tawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.1K
bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
240.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook