bc

Stranded Love

book_age18+
19
FOLLOW
1K
READ
small town
like
intro-logo
Blurb

A mission, a dark past, an extra-ordinary life.

Sa isang iglap ay naglaho ang tahimik at masayang buhay ni Wesley dahil sa kasakiman ng isang maimpluwensyang tao. Isa lang ang naging layunin niya pagkatapos noon, ang makapaghiganti. He was assigned on a risky mission that will change his life forever.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Magaling," kaswal na sabi ng ama ni Wesley nang makita ang grado niya. Hindi ito ngumiti ngunit bakas sa mga mata na proud ito sa anak. Ibinalik na nito ang card sa loob ng brown envelope at nagpatuloy lang sa pagbabasa ng libro. Bagsak ang balikat na iniwan ni Wesley ang ama. Kailangan kaya niya maririnig na proud ito sa kanya? Sabagay, si Devon nga na valedictorian simula elementary, hindi nakarinig nang ganoon. Lumabas si Wesley ng bahay para magpahangin nang makita si Devon na nagtatabas ng damo. Wala talagang tatalo sa kasipagan ng kuya niya. Tumabi siya rito at nagkunwari ring tumutulong sa pagtatabas. Tumingin lang sa kanya si Devon at nagpatuloy na sa ginagawa. Maya-maya ay may dumaan na isang matandang lalaki kasama ang isang dalagita. Kumaway ang matanda at sabay ring kumaway ang magkapatid. Samantalang nilagpasan lang sila ng dalagita na tila walang nakita. "Ang dami sigurong benta ngayon ni Ninong Along. Mukhang namasyal ang magtatay," malakas na sabi ni Wesley na tila kinakausap ang sarili. Nakaramdam siya ng inggit sa kinakapatid na si Rosalie. Madalas kasi itong mamasyal kasama ng ama samantalang sila ni Devon, bilang lang sa daliri ang mga panahong ipinasyal sila. Magbibinata na siya kaya naman hindi na siya humiling pa pero hanggang ngayon ay ubod pa rin ito ng tipid sap era. Hindi naman kumibo si Devon na tila malalim ang iniisip. Lihim na napailing si Wesley. Mana talaga ang kuya sa tatay nilang masyadong seryoso. May katulungkulan ang ama nila sa opisina ni Don Rodell Villareal, ang may-ari ng hacienda kung saan sila nakatira kaya naman nakakapag-aral sila ni Devon sa isang private school. Ang ninong Along niya naman ay simpleng trabahador lang ngunit minsan ay kumikita rin ng malaki dahil magaling itong pintor. "Wes, nagagandahan ka ba kay Rosalie?" Gulat na gulat si Wesley sa narinig. Hindi niya akalaing magtatanong nang ganoon ang kuya. Hindi niya nga naisip nan a-aattract ito sa babae. Puro libro at gawaing bahay ang lagi nitong kaharap. "Hindi," tanggi ni Wesley. Malapit sila ni Rosalie sa isa't-isa dahil sa magkasing-edad sila at madalas na magkalaro noon. Nagsimula lang siya nitong iwasan nang sumali siya sa isang grupo ng mga lalaki na nambubully dito. "Ano ka ba? Tomboy kaya 'yun." "Hindi naman mukhang tomboy. Medyo kilos lalaki lang," pagtatanggol ni Devon. Napangiti si Wesley, "May gusto ka kay Rosalie, ano? Gusto mo sabihin ko?" "Tinatanong ko lang," hindi man lang natawa ang lalaki. "Wala ka pa kasing girlfriend hanggang ngayon kaya naisip ko na baka nahihiya kang magtapat kay Rosalie." "Gusto mong bugbugin ako ni Papa?" Napangisi si Devon. Istrikto kasi ang mga magulang nila lalo na ang ama at gustong makapagtapos muna sila ng pag-aaral bago maghanap ng nobya. "Hinuhuli lang kita," pagtatapat ni Devon. "Alam mo namang istrikto si Papa at gustong makatapos muna tayo ng pag-aaral." "Paano kung magkagusto tayo sa isang babae?" tanong ni Wesley, "alangan namang paghintayin natin hanggang sa makatapos tayo?" Seryosong tumingin sa kanya si Devon, "Huwag mong paghihintayin, Wes. Dahil baka magsisi ka sa huli. Hindi naman natin makakasama habangbuhay si mama't papa kaya kailangan rin nating gumawa ng sariling desisyon. Hindi kita tinuturuang sumuway, gusto ko lang na matuto kang magdesisyon para sa sarili mo." Hindi na nagsalita pa si Wesley. Inlove siguro ang lalaking ito at kung anu-ano ang sinasabi. Tama naman si Devon. Kung gusto, may paraan. Ayaw niya yatang tumandang virgin. Wala pa lang talaga siyang nahahanap na babaeng magpapatibok sa puso niya. Muling napatigil ang magkapatid sa ginagawa nang dumating ang isang pamilyar na sasakyan. Mula roon ay lumabas ang mabait na pari ng parokya. Nakangiting kumaway s i Fr. Frias sa kanila. "Ano kayang ginagawa dito ni Father?" tanong ni Wesley sa sarili. "Baka may balak mag-pari si Kuya Devon." Sabay na lumapit ang magkapatid sa matandang pari at nagmano. Lumabas naman ang ina niyang si Anita kasunod ang ama. "Magandang tanghali, Anita, Dan, nandito ako kagaya ng kahilingan niyo." Napatingin si Anita sa asawa samantalang napatingin si Dan kay Wesley. "I asked Father to talk to Wesley," kaswal na sabi nito. Kinakabahang tumingin si Wesley sa ama. "Gusto kong magpari ka, anak." Inis na inis si Wesley habang naglalakad papuntang simbahan. Kung bakit ba kasi hindi tumutol ang ina sa balak ng ama na papasukin siya ng kumbento. Bakit kailangang siya pa ang magbayad ng utang ng ama sa panginoon? "Wesley,noong ipinagbubuntis ka pa lang ng nanay mo, nagkasakit ako nang malubha. Akala ko hindi na ako gagaling kaya nanalangin ako sa panginoon. Ipinangako ko na kapag bibigyan niya ako ng isa pang buhay, magpapari ang sanggol na na nasa sinapupunan ng asawa ko. Ikaw yun, Wesley. Bilang masunuring anak, sana gawin mo ang nais ko," seryosong litanya ng ama. Bakit kailangan niya pang mag-pari? Hindi ba pwedeng pinangalanan na lang siyang Jesus o kaya naman Isaac? Ipinangako naman ni Fr. Frias na hindi siya pipilitin kung hindi talaga siya para roon. Pero gusto siya nitong sumali sa Knights of the Altar at maging leader ng mga batang naroon. Dati rin kasi silang sakristan ni Devon. Hawak ang bibliya, nilakad ni Wesley ang daan papuntang simbahan. Paliko na sana siya sa isang makipot na eskinita nang makita si Devon na naglalakad sa 'di kalayuan. Nakatalikod ito pero kilala niya ang bulto ng kuya. Imbes na magtungo sa simbahan ay palihim niyang sinundan si Devon at ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita kung saan ito nagpunta. "Kaya pala tanong nang tanong, siya pala ang may gusto," tawa nang tawang sabi ni Wesley sa sarili. Kasalukuyan siyang nagkukubli sa isang puno at pinapanood ang kuya na nakikipaghalikan kay Rosalie. "Isumbong ko kaya kay papa ito para siya na lang ang magpari." Lalong natawa si Wesley nang maalala ang mga hapon na madalas makita si Devon na nagtatabas ng damo sa labas ng bahay. Inaabangan siguro nitong dumaan si Rosalie. Ganoong oras kasi kung umuwi ito kasama ang ama. Homeschooled si Rosalie kaya hindi nagkikita ang dalawa sa school. Isa pa, matanda si Devon sa kanila ng tatlong taon. Matagal bago nagpasiyang umalis doon si Wesley. Nakalimutan niya na ang pagpunta sa simbahan at dumeretso sa tambayan nilang magbabarkada. Bahala na kung makagalitan ng ama mamaya. Masaya silang nagkwekwentuhang magbabarkada at tawa nang tawa sa mga biro ni Bong, ang pinakamatalik niyang kaibigan, nang biglang dumaan ang sunod-sunod na ambulansya. Kinabahan silang magkakaibigan. Ano kayang nangyari? Hindi nakatiis at tinanong ni Bong ang isang matandang babaeng dumaman. "Nagkakagulo sa hacienda ngayon. Nalaman ng mga magsasaka na ipinamana sa kanila ang hacienda ng dating may-ari ngunit ayaw ibigay ni Don Rodell, ang kasalikuyang nakatira at namamahala nito." Simula nang malaman ang lihim ng hacienda,nag-alsa ang mga magsasaka at nagkagulo. Ang tatay ni Rosalie ang naging leader ng grupong nagproprotesta at naging kakampi rin nito ang ama nila Wesley. Pero isang pangyayari ang bumago sa buhay ng magkapatid at pati na rin ng mga tauhan sa hacienda. Isang araw ay may dumating na armadong grupo habang nasa paaralan ang mga bata at pinagbabaril ang mga magsasaka at pamilya ng mga ito. "Tayo na lang ang inaasahan ng mga pamilya natin," tila iba nang Devon ang nagsasalita. Kahit seryoso si Devon ay hindi naisip ni Wesley na hahawak ito ng baril at magiging rebelde. Matalino ito at malayo ang mararating sa buhay pero naglaho ang lahat ng iyon nang mawalan sila ng pamilya at tirahan. "Kailangan nating gumawa ng paraan para makamit ng mga pamilya natin ang hustisya. Wala sa sariling nakikinig si Wesley sa mensahe ni Devon. Mula sa malayo ay natanaw niya si Rosalie. She was still crying pero bakas pa rin ang pagiging matapang nito. "Bilis! Habulin niyo ang apo ng mga Villareal. Hindi sila pwedeng makatakas!" sigaw ni Ranger, isang masamahan nila sa grupo. Isang binatilyo at isang dalagita ang sinusundan ng grupo para kidnapin at gawing ransom laban sa may-ari ng hacienda. "Talon," utos ng binatilyo sa kasamang dalagita nang makitang palapit sila. Walang nagawa ang dalagita kung hindi tumalon sa malawak na karagatan. Naiwan ang binatilyo na pilit nakipaglaban sa grupo. Maya-maya ay nakarinig sila ng sirena ng pulis. "May mga pulis," natarantang sigaw ni Rosalie. Nagmamadaling tumakas ang ibang myembro ng grupo at nakalimutan na ang apo ng matanda. Nagkatinginan sila ni Rosalie at tatakas na sana siya nang hablutin nito ang suot niyang itim na jacket. "Hindi pwedeng makatakas ang babae, West. Kailangan natin siya," seryosong sabi nito. Bakas ang galit sa mga mata ng dalagita. "Follow her." Nakita ni Wesley na pababa na ang mga pulis para hulihin sila pagkatapos tulungan ng isa sa mga ito ang binatilyong pinagtulungang bugbugin ng grupo. Nakatakbo na si Rosalie at tanging siya na lang ang nandoon. "May isa pa roon." Kinabahan si Wesley nang makitang sa kanya nakatingin ang mga pulis at palapit na ang mga ito. Imbes na sumunod sa grupo ay walang nagawa si Wesley kung hindi tumalon sa dagat. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook