Chapter Three: Perverted Jerk

977 Words
Patricia P.O.V "Ikaw! Ang yabang yabang mo! Porque mayaman ka eh mayabang kana!" sigaw ng batang lalaki sa akin. "Di ako mayabang! Mama! Papa! " sambit ko habang may mga luhang tumutulo sa mga mata ko. "Huhu! Iyakin! " Pinagtawanan nila ako. "Mga unggoy!" mga salitang lumabas sa bibig ko at patuloy pa rin sa pag-iyak. Bakas sa mukha nila ang inis nang marinig nila ang sinabi ko. "Anong sinabi mo?!" "Unggoy na nga , bingi pa!" inis na sambit ko. Unti-unti ay lunapit sila sa akin at napaatras naman ako. "Yabang mo ah!" sambit ng isang batang kunwaring nagpapalagutok ng kamay. Habang lumalapit sila sa akin at humahakbang naman ako paatras. Sa paghakbang ko pa ay natalakid ako dahil sa batong nakaharang dito. "Lampa naman pala! Haha! Ano na? Anong gagawin mo iyaking bata?" Tumawa na naman sila. Mama. Papa. Lolo. Nasan na po ba kayo. Tulungan nyo po ako sa mga unggoy na nakawala sa zoo. Huhu. Nanatili lang akong nakatingin sa kanila nang may magsalitang isa pang bata sa likuran nila. Napatingin kaming lahat. Kulay puting buhok? Ubanin ba sya? "Anong ginagawa nyo sa kanya?!" sigaw neto. "Tara na" saad ng isang batang lalaki sa iba pa nyang kasama. Nagtakbuhan na sila palayo. Nakatingin lang ako sa lalaking papalapit sakin at tumambad sakin ang mukha nung lalaking transferee. Mula sa pagkakahiga ay napabalikwas ako. Weird dreams. Phew. Bakit ba ang weweird ng panaginip ko? Saan ko ba napanood ang mga scenario na yon? "Hmm. Sarap naman ng adobo mo manang! Ginaganahan akong kumain." nakangiting sambit ko na ikinatuwa naman ni manang. "Maganda ata ang gising mo ngayon hija?" "Syempre. Masarap ang ulam eh hehe" Pagkatapos kong kumain ay naglakad lakad lang ako sa labas. Sa aking paglalakad ay ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin. Muli kong naalala ang panaginip ko kanina lang. Ang weird naman. Pa'no ko mapapaginipan ang taong isang beses ko lang nakita? Pati, sigurado akong boses ng batang lalaki ang napakinggan ko do'n. Siguro 'yon ay parte ng ala-ala ko noon at di ko na matandaan dahil sa aksidenteng nangyari sa 'kin. Ginulo ko ang aking buhok. Ba't ko ba iniisip ang bagay na yo'n. Papasok na sana ako sa loob nang makarinig ako ng tahol ng tuta sa may gate kaya pumunta ako roon. Nakakita ako ng kahon laman ang dalawang tutang kulay itim at puti. Dinala ko ito sa loob ng mansyon at pinaligo ko sa iba naming katulong. "San mo naman napulot ang mga iyon hija?" tanong ni manang Hirashi. "Nakita ko lang po sa may gate then I found them cute. Kaya kinuha ko na rin. " sabi ko habang nakatingin sa dalawang tutang pinaliliguan. "Pa'no kung malaman 'to ng iyong ama? Alam mo namang ayaw no'n sa hayop lalo na sa mga aso" Napatingin naman ako sa kanya. "Hayop ako manang. Hayop sa ganda. Hindi aso yan manang, tuta palang." pamimilosopo ko "Pero-" "Wag nalang tayong maingay manang please! He he" "O'sya! Sige na." Niyakap ko sya. "Arigato manang!" Narinig ko ang pagtawa nya. Tinapik na nya 'ko sa balikat. "Bilisan mo at baka malate kana" "Papagawa ko po sana sila ng choker na may pangalan nila manang." "Ano bang ipapangalan mo sa kanila? Ako na ang magpapagawa" "Hmm. Yung kulay black po ay si Pepper at yung puting tuta naman ay si Salt." sambit ko at sinakbit ang bag ko. Humalik na 'ko sa pisngi ni manang at umalis. Si Mister Mashimo ang sumundo sa'kin dahilan para masira ang umaga at mainis na naman ako sa kanya. I'm a reckless driver daw kaya 'di nya ko hinayaang ako mismo ang magdrive. Isa pa sa dahilan ay wala akong lisensya. "I heard that Mr. Yimomori gave up." saad nya habang ang atensyon nito ay nasa daan. "Hai. Did you find a new one Mister Mishomori?" Ngumiti sya. "Yes." I sighed. As I expected. Di talaga sila nagsasawa at ako ang nasasawa sa ginagawa nya. "Pero sinisugurado kong magugustuhan nyo ang isang 'to. Magkaparehas kayo ng ugali e," natatawang saad niya "Who's that freaking butler?" "You'll know soon Miss Pat." Naputol na ang usapan namin nang makarating na kami ng school. Habang naglalakad ako ay napapaisip ako kung sino ba ang tinutukoy nya. Pakiramdam ko ay mukhang maiiba nga 'to sa mga butler na nakasalamuha ko. Nilapitan ko naman si Clyde at Miyami pero wala sa kanila ang may alam kung sino bagong butler. Nakakainis talaga si Manong. Hays. Inilabas ko ang lecture ko at nagsimulang magbasa kase may quiz daw kami sa next subject after break. Class. Class. Dismiss. Pinauna ko na sina Clyde at Miya sa cafeteria. Dumiretso ako sa comfort room at naghilamos ng mukha. Feeling ko kase ang lagkit-lagkit ng mukha ko. Pumunta naman ako sa isang cubicle. Lalabas na sana ako nang may magsalita. "Ang gwapo nung transferee right?" Halatang kilig sa tono ang pagkakasabi neto "Ahh yung white haired handsome man?" saad pa ng kasama neto. Footsome kamo. Gwapo ba ang isang 'yon?! Pula nga mata no'n. Baka mahilig manilip kaya nagkagano'n. "At friend may nabalitaan ako tungkol sa kanya." "What?what?!" "I heard that one of student here, naka one night stand na ng lalaking 'yon! Omo. Such a lucky right?" Watta. Anong swerte do'n!? Di ba sila nandidiri sa mga sinasabi nila? Naka one night stand like duh! Jerk talaga ang isang 'yon! Lumabas na ako ng comfort room at napatingin pa ang dalawa sa akin. Dumiretso na ako ng canteen at nakita ko naman sina Clyde na kumaway kaya agad ako lumapit at umupo. "Ang tagal mo ata?" saad ni Miya habang nginguya ang burger. Kinuha ko ang milk tea at burger at saka ito binuksan. "Ah. Matagal eh hehe. Kain nalang ok? Di na mahalaga kung ano man ang dahilan kung bakit ako natagalan." Nagusap-usap pa kami sa kung ano-anong bagay hanggang sa matapos kaming kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD