Prologue

1219 Words
This book is a work of fiction. Names, characters, places, incident are product of author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or death, is entirely coincidental. All right reserved. No part if this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval system without permission from the author. Except by a reviewer, who may quote brief passages in a review. All right reserved @ mickeyspenny 2020             Rough Job A novel by mickeyspenny  "Nakapasok na ang target."   "Secure the elevator, dapat hindi niya kayo makita."   "Roger,"   Binaba ko ang cellphone na hawak at itinago sa aking bulsa. Bumuga ako ng usok mula sa sigarilyo at kumportableng humilig sa baranda. Mula sa itaas, tanaw tanaw ko ang bawat paggalaw ng mga tao sa ibaba. Hindi pala nagkakalayo ang eksena ng isang simpleng club kumpara high end night club gaya nito. They were drinking cocktails, girls chatting with random guys, dancing as if were driven to the high volume sounds system, and some are making out.   Mga animo'y nakakulong na nakawala sa ipitan tuwing gabi. Napangisi ako, ganitong edad noon mas malala pa aking nagawa.   Mayamaya ay may lumapit sa aking babae. Pinagsadahan ko ng tingin ang kanyang katawan mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng isang damit na hapit sa kanyang katawan, matangkad, malaki ang balakang, makapal na makeup ngunit mukhang bata.   Not my type...   "Nag-iisa ka?" Malakas ang kanyang boses ngunit natatakpan ito ng malalakas na tugtog. "..Wala kang kasama?" Dagdag niya at humilig rin sa baranda habang humaharap sa akin.   Napatitig ako sa kanya, paibaba at huminto sa kanyang makapal na lipstick. Ano kaya ang totoong kulay ng labi nito kapag nabura yan ng halik ko? Pero syempre, hindi ko ito gagawin. Hindi ako pumapatol sa bata.   Kumuha siya ng cocktail sa dumaang waiter at agad itong ininom.   "Bakit mo interesadong malaman?" Bulong ko sa kanyang tenga.   Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at dahan dahang pinadausdos ang hintuturo sa aking braso. Naka long sleeve white shirt ako at nakatupi ang mangas hanggang siko habang may nakasabit na coat sa aking braso. Hindi umobra sa akin ang kanyang pang-aakit, kahit gaano pa ka kapal at nipis na tela ang aking suot.   "Wala lang.." Nagkibit balikat siya at tinaas ang kilay. Imposibleng wala. ".. I just find you hot." dagdag. Typical lines. Hindi na bago sa akin iyan kahit saang nightclub ako pumunta.   "Hindi ba dapat naghahanap ka ng mga kaedad mo?" Tanong ko.   Ngumisi siya at pinadausdos ulit ang kanyang hintuturo sa aking leeg. Paraan ito ng mga babae upang maakit nila ang mga lalake.   Ngunit hindi tumatalab sa akin. I got tricked before, and I thereupon promised myself not to get fooled again.   Ngumisi ako nang subukan niyang lumapit upang halikan ako. Binugahan ko ang kanyang mukha ng usok dahilan ng kanyang pag atras at bahagyang pag-ubo.   Winawagayway niya ang kanyang kamay sa harap ng kanyang mukha habang inaalis ang mga usok na nalanghap.   "Go home and sleep." Ani ko, hindi pinapansin ang kanyang nanlilisik na mga mata.   Kahit sampalin mo ako rito hinding hindi iyon makaka-apekto sa aking emosyon. Iisang babae lang ang may kakayahan paiyakin at paluhodin ako sa sakit.   "...And never forget to drink your milk." Pahabol ko nang binangga niya ako sa aking braso bago tuluyang naglakad lagpas sa akin.   Iisang babae lang ang nagbibigay sa akin ng isang kakaibang sensasyon na hindi ko mahanap sa ibang babaeng nakilala ko sa makalipas na anim na taon. Siya at natatanging siya lamang ang hinahanap ng aking laman...   Nagbukas ako ng panibagong pakete ng sigarilyo at kumuha ng isa upang sindihan. Iginala ko ang aking mata sa abalang palapag. Ani nila'y nakapasok na ang target, hinihintay ko na lang na magtagpuan siya ng aking mata.   At hindi nga ako nagkakamali...   Kumpara noon, mas nagkalaman laman siya ngayon. Ang malulusog na dibdib ay mas lalong humubog. Ang itim at mataas na buhok ay naging malalaking kulot na kulay abo. Ang pangupong dati pang malulusog, katulad ng dibdib, ay mas lumaki na ngayon. Hindi rin halatang may misyon ang babaeng ito dahil sa suot na hapit sa katawang kulay pulang damit at slit hanggang hita...Gaya ng ginagawa niya dati.   She aged a bit kumpara sa bagong silang na santa santita noong huli naming kita.   Alagang alaga ba ito ng kinakasama ngayon? Masaya? Kuntento? Sumagi sa aking isipan ang ngiting niyang mala anghel sa kagandahan habang masayang nakikipag-usap sa isang lalake. Madiin kong sinarado aking kamao at tinapon ang upos na sigarilyo sa aking paa at madiin na tinapakan kahit hindi pa ito nangangalahati.   Inilibot niya ang kanyang mata kahit saang sulok. Pinagtitinginan niya ang mga sumasayaw at kahit iyong naghahalikan. May naalala ka ba kapag nakakakita ka ng naghahalikan? Malamang wala...   Pasimple kong tinakpan ang aking mukha sa pamamagitan ng pagsuot ng aking itim na sumbrero, hinapit ko ito paibaba at isinunod ang pagsuot ng aking kulay itim na trench coat nang nasulyapan ko siyang pumaibabaw ang kanyang paningin kung saan ako nakatayo.     Mabilis akong naglakad paalis doon nang dali dali rin siyang umakyat sa hagdan. Isang paraan upang masundan ako.   Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makarating ako sa elevator at agad pinindot paibaba sa unang palapag.   Tama iyang ginagawa mo, binibini. Ang taong iniwan ka dahil sa panglolokong ginawa mo'y dapat mong sundan at kahit ang humingi ng tawad kung may natitira ka mang kahihiyan.   Hindi ko maikalma ang sarili sa kasabikan ng mapaisip na ilang minuto na lamang ay makikita ko na siya ulit. Pinaghalong sabik at galit.   "Get ready." Mahina kong ani sa kabilang linya, narinig ko silang sumang-ayon bago tuluyang maibaba ang phone.   Narinig ko ang mahihinang tunog ng kanyang takong. Sa likurang bahagi ako pumuslit upang makasigurong walang makakakita sa mangyayari. Iyong walang tao kahit sa hallway pa lang.   Hindi naman mawala ang ngiting gumuguhit sa aking labi, dahil alam ko sa mga oras na ito sinusundan na niya ako. Ilang taon ko itong pinaghandaan, ilang taon kong hinintay na mangyari ang muli naming pagkikita.   Tatlong hakbang paibaba sa hagdan palabas ng club ay naramdaman ko ang kanyang presensya sa aking likuran, ilang sintemetro lang ang layo at tunog na pagkasa ng isang baril.   "Itaas ang kamay!" Aniya. Isa lang yata ang hindi nagbago sa'yo--ang boses mong kay sarap pakinggan.   Unti unti kong itinaas ang dalawang kamay gaya ng dati, masunurin sa bawat utos niya sa akin. Tumagilid ang aking ulo upang tingnan siya sa giliran ng aking mata. Nakatutok ang baril na hawak sa aking ulo.   Tingnan natin kung kaya mong pasabugin 'yan. Unti unti akong humarap sa kanya. Pagtama ng mga paningin naming dalawa'y agaran namilog ang kanyang mata sa gulat. Napauwang ang kanyang labi na animo'y nagsi-alisan ang dugo sa kanyang katawan. Bahagya ring naibaba ang baril na hawak.   Hindi makapaniwala? Napangisi ako, dapat lang. Inaasahan ko ang pagkikita natin rito. Inaasan ko ang reaksyong iyan. Napuna ko ang multo ng kalungkutan at pagsisisi sa kanyang mga mata na agad din namang naglaho.   "J-jude.." Utas niya na ikinangisi ko. Naibagsak niya ang baril na hawak na agad ko din namang kinuha at pinaghihiwalay ang mga parte.   "Kumusta ka na, becky?"   Tanong ko at ginawaran siya ng matamis na ngiti bago tuluyang tinakpan ng panyo ng aking tauhan ang kanyang bibig at pinusasan ang dalawang kamay.   Nagpumiglas siya ngunit unti unti ring nanghina at kalauna'y nawalan ng malay.   "Ipasok sa van 'yan." Utos ko sa aking tauhan. "..Nang dahan dahan."   "Yes, boss!" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD