Chapter 3***

1792 Words
[Yami's pov] Nang magising ako ay nakaalis na si master. Nalaman ko iyon dahil may iniwan siyang note na sa school na lang siya kakain ng kanyang agahan. Inaalala ko ang mga sinabi niya kagabi. Totoo ba iyon o nag-iilusyon lang ako? "Yami!" Tawag sa akin ni Shia na agad ko ikinalingon. "Yuhoo! May kausap pa ba ako?" "Bakit?" Naguguluhang tanong ko kay bes. Nameywang si Shia at binigyan ako ng masamang tingin. "Ay naku bes! Kanina pa ako usap ng usap rito e hindi ka naman pala nakikinig sa akin!" Nakasimangot na sabi ni Shia "N-N-Nakikinig ako." Pagpapalusot ko at umisip ng madalas namin pag-usapan. "Di ba tungkol kay Kenji." Pinag-ekis ni Shia ang kanyang kamay at lalong tumalim ang tingin niya sa akin. "Eeeeng! Wrong!" Nakasimangot muling sabi ni Shia saka umirap pa. Napabuga ako ng hininga at niyakap ang kaibigan. "Sorry na bes." Paumanhin ko. "Medyo may iniisip lang." "Pasalamat ka kaibigan kita" Nakangusong sabi ni Shia. "Fine. You're forgiven." Dagdag niya saka yumakap pabalik sa akin. Napaigtad ako dahil sa sakit na naramdaman ko sa aking likod. "Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Shia at napabitaw sa akin. Tumango naman ako saka binigyan ng isang pilit na ngiti. Umakto ako na tila walang nangyari at wala akong nararamdaman na p*******t muli sa aking likuran. Napatingin ako sa aking harapan. Nagkatagisan kami ng tingin nang taong nakaupo sa table na nasa harapan namin. Nakangisi siya na akala mo may natuklasan siyang bagay sa akin. Siya rin ang unang nagbawi ng tingin nang tumunog ang phone niya. "Alam mo bes gwapo si Nigel may pagka-weirdo nga lang." Bulong ni Shia sa akin nang mapansin ang tagisan namin ng tingin ng lalaki. "Pansin ko nga." Kunot noong sang-ayon ko kay Shia. "Libro laging kasama ng isang iyan." "Ang sabi sabi pa nga hindi siya kumakausap ng ibang tao bukod kina Yuukito at Kenji." Dagdag ni Shia. Natigilan si Shia sa pagbulong sa aking nang tumayo sa kanyang kinauupuan si Nigel. Binigyan pa niya ako ng isang tingin bago tuluyang umalis. "Problema ng lalaking iyon?" Bulong ko sa sarili dahil sa ginawa niya. Sa huli ay pinilig ko na lang ang ulo ko. Wala naman siguro ibig sabihin ang tinging iyon. Marahil dahil ako ang presidente ng student council kaya tumingin siya ng ganoong sa akin. Dahil may kailangan akong gawin na research ay naisipan kong pumunta muna ng library. Kaso hindi mahulugang karayom ang library sa dami ng estudyante na abala sa pag-aaral sa kanyang kanya nilang exam. Third exam na naman kaya karamihan ay gustong makabawi ng kanilang mga marka. Nilibot ko ang tingin para maghanap ng bakanteng upuan. Napansin ko na isang table lang ang hindi nila nais na pakialamanan dahil nandoon ang pinakaweirdong prince ng school. Napatingin ako sa oras. Tatlong oras pa ang aking vacant time. Pwede naman ako pumunta sa Student Council room para mag-aral ngunit alam ko na kaysa mag-aral ay mauuwi lang iyon sa pag-aasikaso ko ng mga papeles. Hindi ko pwede pabayaan ang grades ko. Ito lamang ang maipapamalaki ko kina Ma'am Sophia. Humugot ako ng malalim na hininga bago lakas loob na lumapit kay Nigel. "Do you mind if I sit here?" Tanong ko saka ngumiti ng pilit sa kanya. Tinignan niya ako ng saglit saka binalik ang tingin sa binabasang libro. "Go ahead." Sagot niya na hindi tumitingin sa akin. Nag-victory smile naman ako. Kaya dali-dali ko nilapag ang gamit ko sa table saka hinanap ang mga librong kakailanganin ko. Ang nakakaasar ay hindi ako binayayaan ng katangkaran kaya hindi ko maabot ang librong lubos kong kailangan. Nagulat ako ng may isang kamay na kumuha ng librong inaabot ko. "here" walang emosyong sabi niya sabay abot sa akin ng libro "t-t-thanks" nahihiya kong sabi Tumalikod siya saka pumunta sa isang sulok at binalik ang librong binabasa niya kanina. Pansin ko lang na mahilig siya magbasa ng mga novel. "this book is worth reading" sabi ni Nigel sabay abot ng isang libro Napatingin ako sa libro tapos sa kanya. "basahin mo" sabi niya "kapag may time ka" Ngumiti ako ng pilit kahit naguguluhan ako sa inaasta niya. Nagulat ako ng ilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko. "nice meeting you, Yuukito's monster" bulong niya O______O Napanganga ako. Saka ko naramdaman ang kamay niya sa ulo ko. No way! Nalaman niya! Pero paano? Agad ko siya sinundan palabas ng library. Mukhang nakahalata naman siya a sinusundan ko siya ng bigla itong tumakbo. Kainis! Tumakbo tuloy rin ako hanggang mapadpad kami sa likod ng gymnasium. "hoy teka lang!" sigaw ko Agad naman siya tumigil saka nakangiting humarap sa akin. "you wanna know how I know that" nakangising sabi niya "right?" Halos napipi ako. Ito na ba ang katapusan ng pagiging presidente ko? "Yami, the terror president of student council ay ang nag-iisang lifetime servant ni Yuukito" sabi ni Nigel "this will be a big scoop for school paper" >_________///////__________/////______< Napahiga ako sa kama ni master. Ang sakit na ng ulo ko! Ganito pala siya mag-aral! "hoy ano na?" sabi ni master saka tinapik tapik ako "suko na?" nakangisi niyang dugtong "ayoko na master" suko ko saka humawak sa ulo ko Iiling iling naman si master. Hinila ako pabangon ni master "last na!" sabi niya pero ayoko na talaga kaya pilit kong binigatan ang katawan ko. "ayaw ko na talaga master" nakapout kong sabi at nagpuppy eyes pa sa kanya Ito ang ginagamit ko kay Shia kapag humihingi ng favor. Tignan ko nga kung effective rin kay master. Tila natulala naman si master. "master?" sabi ko saka kinaway ang kamay sa may mukha niya. "*ehem* tss" bulalas ni master "huwag ka ngang humiga diyan sa kama ko! Dinudumihan mo!" nagsungit na naman siya. Tsk! Napahikab na rin ako dahil inaantok na ako. "balik na ako sa room ko" sabi ko kay master saka tumayo. Pero bakit namumula ang tenga ni master? Naglakad na ako patungo ng pinto. Bago pa ako makalabas ay... "good night Yami" nakangiting sabi ni master kaya lihim ako napangiti habang sinasara ang pinto ng kwarto niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD